“Ate Rina, bakit ang damit mo ay hindi mo pinlantsa? Ngunit ang hindi mo naman damit ay siya mong pinaplantsa?” Bukas na bukas ang mga mata sa akin ni Ada. Napatigil ako sa kanyang tanong at napatitig na lamang sa kulay itim na pang-itaas na nakasuot sa pakabayo. “Kasi, Ada. Kasi,” sabi ko na lang para huwag humaba ang usapan. Ngunit kilala ko ang batang ito - matanong, sobrang daming tanong. Wala kasi ang kanyang inay, itay, at nakatatandang kapatid kaya naman wala siyang kasama sa kanilang kubo. Ako na ang umako sa kanya dahil walang masyadong gawain at isa pa, kaibigan ko rin naman si Ada. “May etiketa, Ate Rina! Patingin ako ng etiketa!” aniya’t lumundag paalis sa kawayang upuan. “Bata ka, Ada! Mapaso ka!” Niliko ko ang kanyang braso kaagad dahil kamuntik nang madikit i

