“I choose...Ulla.” Namungay ang mga mata ni Sir Kai habang pinasadahan ng tingin ang mga babae at hininto ang tingin sa isa. Si Ulla ay ang anak ng isang kusinera, kapatid ni Ada. Kakaiba ang pagkakulot ng kanyang buhok at ang lantik ng pilik-mata. Napatakip kaagad siya ng bibig gamit ang dalawang palad. Ang mga babaeng nasa kanyang tabi ay panay ang tulak sa kanya. Naghahalakhakan silang lahat. Mas nabuhay ang kantyawan at mga hiyawan. “Mas mahaba na ang buhok mo sa akin, Ulla!” asar ng isang lalaking kalbo naman. “Loko ka, Kuya Jabal!” Umiling ang isang Ulla’ng nagpipigil ng ngiti. Tumayo na ito sa likod ni Sir Kai na namumungay ang mga matang tumango sa kanya. “Salamat ho sa pagpili sa akin, señorito. Mananala kayo dahil swerte ako!” Hindi nito tinatago ang kilig.

