Tulo ng tulo ang aking mga luha ngayong gabi. Hindi ko humahagulgol, tahimik lamang na umiiyak. Tuwing ipipikit ang mga mata, naaalala ko ang pinaghalong init at kislap sa kanyang mga mata. Nang binabalot ako ng kanyang pabango at katawan. Kung papaano niya ang tinititigan na pakiramdam ko ay basang-basa niya ang lahat sa akin. Marahil, iyon din ang parehong mga mata nakakaharap ko labing tatlong taon nang makalipas. Labing tatlong masasakit na taon. Binibigyan ko kayo ng sobrang daming dahilan: na bata pa lamang ako, na wala pa akong muwang sa mundo, sa hindi ko pa alam kung ano ang gusto ng puso. Totoo sila, walang hatol na kasama. Ngunit dahil sa pagiging ulilang lubos, maaga akong namulat sa katotohanang walang mababait na tao. At kung mayroon mang mga ganoong dumarating sa

