Nakalas na ang iilang mga pin sa aking buhok na idinikit kanina. May mga lumalaylay nang mga hibla ng buhok sa aking mukha habang naglalampaso. Binalewala ko na lamang sila. “Rina, mamaya ha, buhatin mo ako pabalik ng quarters.” lulugo-lugong balikat na sabi ni Ava. Katabi ko rin itong naglalampaso. “Mas bilog ka naman sa akin, Ava. Ako na lang ang buhatin mo.” Nilagyan ko ng enerhiya ang boses kumbaga inspirasyon. “Rina...” Bumuntong-hininga ito sa aking tabi. Siguro ay ala una na ng umaga. Kaninang alas dose ay natapos na ang piging at unti-unting nawalan ang villa ng makikintab na tao at mga mayayaman. Kaming mga trabahadora’t trabahador ang naiwan upang linisin ang kanilang idinumi. “Nasaan na ba kasi si Sir Kai? Kailangan ko ng yakap! Power hug, Rina!” reklamo pa n

