“Wala naman na po sa akin iyon, Nay, kung hindi ako naaalala ng kababata ko. At saka isa lang naman po akong hamak na trabahador, hindi ba?” paliwanag ko kay Nanay Merida.
“Pwede rin, hija,” tanging sagot lang niya.
Pinagmamasdan ko ang pigura ni Nanay Merida mula sa salaming kaharap. Matapos kasi ng pagkakadapa ko at pagiging mag-isa sa bangin, umuwi ako. Naligo ako at nagkuskos, kanya lang ay kung minamalas nga naman, hindi naalis ang ilang putik at tae ng kalabaw sa aking buhok. Tinutuyo siya ni Nanay at tinatanggal na rin.
Pagkatapos noon, nagpaalam sa akin si Nanay Merida na matulog na. Tumango ako bilang sagot. Ngunit tumambay muna sa likod ng quarters kung saan may duyan. Humiga ako roon at tinanaw ang mga bituin.
Umaalingawngaw ang iyak ko sa buong mansion ng mga Donofrio. Dumadausdos ang luha ko sa aking mga pisngi.
Dinig ko ang tumatakbong pares ng paa papunta sa direksyon ko. Lalo akong umiyak.
“Rina! Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” ani Kuya Kai.
Dinuro ko ang nabasag na vase. Nahulog iyon sa lalagyanan dahil hindi ko sinasadyang nabangga.
“What’s happening in here? Kai? Rina?” Dumating si Señora Eunice. Bumaba ang tingin niya sa akin at pinigilan kong umiyak. Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Kuya Kai at sa nabasag na vase.
“Malachi, what happened?” anito.
Inilagay ako ni Kuya Kai sa kanyang likod. “Nabasag ko mama ang vase. Naglalaro kasi kami ni Rina, tapos natabig ko. Sorry, mama.”
Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Sinungaling! Ngunit hindi ko nagawang umapila. Mahigpit ang hawak niya sa pulsuhan ko habang patuloy na pinagtatakpan ang kasalanang hindi naman ginawa.
Isa iyon sa libong mga memoryang aming pinagsaluhan na hinding-hindi ko kayang kalimutan. Bata pa lang ako, puno na ako ng pagkamangha kay Sir Kai. Kahit ano gagawin niya para sa akin. Ililibre niya ako, pagtatakpan sa mali, papatahanin at aalagaan tuwing may sakit. Hindi ko lang alam kung bakit hindi niya ako nakikilala o naaalala man lang.
Kinakabukasan ay nagising akong maaga gaya ng nakasanayan. Naligo na rin ako at nagbihis.
“Rina?” tawag sa akin ni Nanay Merida nang muntik ko na siyang lampasan.
“Nanay?” tawag ko pabalik.
“Pakisabi nga kay Madame Lourdes na hindi ako makakasama sa pamamalengke. Marami pa kasi akong gagawin, pero tutulong rin naman sa pagluluto.” aniya.
Tumango ako kay Nanay Merida. Nagpaalam na ako at dumiretsong mansion.
Sa likod ako dumaan marahil wala pang liwanag. Ngunit kahit ganoon, halos lahat ng tao sa Rancho Donofrio ay gising na. Kapag kasi tamad-tamad kang gumising, nganganga ang mga tanim mo sa kadiwaraan mo.
“Magandang umaga ho, Kuya Abel. Nakita niyo ho ba si Madame Lourdes?” tanong ko kay Kay Abel nang makita itong nakikihuntahan sa cook.
“Mas maganda ka pa sa umaga, hija. Ang mayordoma ay nasa loob. May kinakausap lang na katulong. Pasok ka na.” Dinuro nito ang loob.
Ngumiti akong matamis at umalis na.
Nang makapasok sa mansion, ay sobra akong namamangha. Walang pagkakataon na pumasok akong mansion ng mga Donofrio na hindi napapanganga sa kalakihan at kagandahan nitong taglay. Mga malalaking pantings, mga malalaking vase, anghel at kung anu-ano pa. Sobrang laki at sobrang kitab ng sahig.
Sa kasawiang palad, marami rin akong naaalala tuwing itatapak ang paa rito.
Binilisan ko na lang ang kilos at hinanap na si Madame Lourdes. Panigurado ay nasa bungad lamang siya.
Marahan ang mga yapak ko habang hinahanap ito. Tahimik na tahimik ang mansion. At pilit kong dinidinig kung madirinig nga ba ang boses. Huminto ako sa paglalakad dahil may nadinig na kakaibang tunog.
“Ohh, Kai... Hmm... Ahh...”
Kumunot ang noo ko sa nadidinig na mumunting ungol. Dinala ako ng mga paa sa harapan ng isang pinto. Hindi ito ang master’s bedroom, o kwarto ng tatlong taga-pagmana. Kwarto ito para sa mga panauhin ng mansion. Lumangitngit ang pinto sa bahagyang pagbukas, kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para sumilip.
“K-Kai! Ahh, s**t! Ahh...”
Dalawang bulto ng hubad na katawan ang aking nakikita sa puting kama. Ang babae ay pataas-baba. Sumasabay ang kanyang buhok sa ginagawa, habang nakakagat sa bibig. Si Sir Kai ay prenteng nakahiga habang inaalalayan ng mga kamay ang baywang ng babae.
Napasinghap ako sa nakita.
“Please, Kai! Ahh!” ungol pa nito.
Humalakhak si Sir Kai.
Hindi ko maaalis ang titig sa nakikita. Bukod sa ibang babae ito sa hinalikan ni Sir Kai sa burol ay ngayon lang sa tanan ng buhay ko nakasaksi ng ganitong kalalang pangyayari. Lalo pa at si Sir Kai ang isa sa mga karakter.
“Rina!” May pabulong na sumigaw sa aking tainga.
Halos mahimatay ako sa gulat. Buti ay hindi ako sumigaw. Dinig ko pa rin ang patuloy na palitan nila ng ungol.
Hinila ako roon paalis ni Madame Lourdes.
“Bata ka, anong ginagawa mo rito? Bumalik ka nga sa gawain mo!” asik niya sa akin.
Pumula ng todo-todo ang pisngi ko. “P-Pinapasabi po kasi ni Nanay Merida na hindi raw po siya makakasama sa pamamanglengke, ngunit sa paghahanda na lamang. M-Makakaalis na ho ba ako?”
“O siya, lumayas ka nang bata ka. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa iyo kung nahuli ka ni Sir Kai na namboboso.”
“H-Hindi ho totoo iyan!” Napanganga ako.
Hindi ako namboboso! Hindi ko iyon sinasadya! Hindi ko naman ginustong makita ang ganoong senyaro. Hinahanap ko lamang ang mayordoma dahil may sasabihin ako! Pumutok ang pisngi ko sa matinding kahihiyan.
“Layas at magtrabaho ka na, Rina. Problema ka, e.” ani pa nito.
Napilitan aakong yumuko at tumango. Naglakad na ako paalis ng mansion at nagdiretsong bahay ng mga orchids kung saan ang destino ko ngayon.
Habang nagtatrabaho buong araw ay walang pumapasok sa isipan ko kung hindi ang imahe ni Sir Kai na nakahiga, habang may babaeng nakaupo sa kanyang puson na taas-baba. Ang nakaukit na hirap sa mukha ng babae at ang halakhak ni Sir. Nawawalan ako ng pokus na ginagawa. Para akong lutang kapag naiisip, sabay pupula ng matindi ang pisngi.
“Rina, halina at pupunta tayong Lunes.” ani Amaris nang matapos na kami.
Hinihila na ako patayo ni Ava at nagpapatianod ang malambot kong pangangatawan.
“Wala akong damit, Ava, Amaris.” sagot ko.
Bigla ay pumasok nanaman ang mga walang damit na pigura sa utak ko. Mabilis na uminit ang aking pisngi na hindi naman nakita ng dalawa ko pang kaibigan.
“Naroon na rin sina Genesis at kanyang mga kaibigan. Huwag kang mag-alala dahil lahat tayo ay walang damit.” Humagikgik si Amaris at Ava.
Ang Lunes ang tawag namin sa isa sa mga talon ng rancho. Sa sobrang laki nito, hindi lahat ay natatamnan at ang iba ay natatabunan ng matataas na puno at mga kakahuyan. Maraming talon at ilog ang nangagkalat sa mga ito. Isa roon ang Lunes.
Kaya Lunes ang tawag namin roon ay Lunes ang araw nang makita nila Genesis ang paraiso sa kabila ng liblib, kakahuyan at kadiliman ng kagubatan. Doon ang trip nilang puntahan kapag maliligo - maliligo ng walang saplot dahil puros kami mga babae at wala rin namang nagpupunta roon.
“Ayokong sumama....” Nagpumiglas ako ngunit malakas ang hawak nila sa akin.
Ayokong sumama. Kung parati ay sumasama ako, ngayon ay ayoko na. Maaaring bukas o sa isang linggo ngunit hindi ngayon, ngayong kakakita ko lang ng karumaldumal na senaryo.
“Rina, huwag nang makulit. Tara na.” paliwanag sa akin ni Ava.
“Atsaka kanina ka pa mukhang nalilito. Ito na ang paraan para mawala iyang bigat sa isip mo, Rina.” segunda ni Amaris.
Dahil doon ay wala na akong nagawa. Marahil ay tama sila. Dapat ay kalimutan ko na iyon dahil wala namang magagawang tama iyon kung mananatili pa sa isip.
Pagkarating namin sa Lunes - ang talon, ay nakita na namin kaagad ang mga hubo’t hubad na babaeng katrabaho. Masaya silang nababasaan at naliligo. Ang iba ay nakaupo pa sa bato na binabagsakan ng talon. Para silang mga diwatang nagkalat.
“Rina! Ava! Amaris! Halikayo!” tawag sa amin ni Genesis.
Nagtinginan si Ava at Amaris bago nagmamadaling tinanggal ang daster at sabay na nagtalbugan sa tubig. Nagsigawan sa saya aming mga kaibigan.
“Rina! Hubad na! Ang lamig ng tubig! Ang sarap!” sigaw ni Ava.
Hinawakan ko ang dulo ng aking daster at nagsigawan na sila. Dumausdos iyon sa ulo ko nang tinanggal ko na. Tinupi ko pa ito at inipinatong sa isang malaking bato. Sunod kong tinanggal ang aking puting bra at panty. Ipinatong ko rin iyon sa aking daster. Wala na akong ibang suot kung hindi ang kwintas ko.
“Naiinggit ako sa katawan ni Rina!” sigaw ni Paloma.
“Balingkinitan! Ang puti!” sigaw rin ng isa.
Namumula ang pisngi kong lumusong ng tubig. Wala naman kasing espesyal sa akin. Tama lang ang katawan ko, ngunit hindi ganoon kaganda at kakurba.
“Akin rin! Malaki ang hinaharap ko!” sigaw naman ni Ava.
Tawanan ang nadidinig sa buong Lunes. Napupuno sila ng asaran tungkol sa pagandahan ng katawan hanggang sa lumipat ang usapan sa pagkawala ng isang babae sa kanyang puri. Maging ako ay natutok na rin ang atensyon sa kanila
“Binatukan ako ng nanay nang tanungin ko siya tungkol roon kaya wala akong alam,” pag-amin ni Valentina.
“Ako rin,” pagsang-ayon ng isa.
“Masakit raw iyon, sabi ng kapatid ko na may asawa na.” singit ni Genesis.
“Masakit kaya kapag si Sir Kai ang nakapasok?” mahinang bulong sa akin ni Ava.
“Ay! Bastos!” halakhak naman ni Amaris.
Napailing ako sa dalawa. At nakinig na lang kay Genesis na nagku-kwento. Namamangha ang lahat sa kanya habang patuloy ang kanyang litanya.
“Ipapasok raw iyon at sobrang sakit. Durugo! Maraming dugo! Sabi ng kapatid ko ay akala niya raw ay mamamatay na siya sa sakit. Ngunit....”
“Ngunit?” sabay-sabay nilang tanong.
Ngumiti nang malaking-malaki si Genesis.
“Sikret!” humalakhak siya.
Binatukan siya ng mga kasama namin at sinimulan nanaman nilang mag-asaran. Lumayo ako ng kaunti at umupo kaya naman lumubog ang buong katawan ko sa malamig na talon. Ano kayang pakiramdam noon? Wala akong alam tungkol roon. Kahit kakarampot na impormasyon ay wala. Nang una akong dinugo ay halos magkumbulsyon ako sa loob ng kubeta dahil sa takot. Akala ko ay may pumasok na talangka sa akin at pinagsisipit ang laman ko roon! Tinawanan lamang ako ni Nanay Merida sabay sabing normal lang iyon sa isang babae. Kung ano ang pakiramdam noon, ay ayoko nang malaman pa. Saka na lang siguro.
Naalala ko nanaman tuloy ang nakita ko kanina. Hindi naman mukhang nasasaktan ang babae, bagkus ay parang nasasarapan pa. Uminit ang pisngi ko sa naiisip ng utak.
Umahon ako at suminghap nang malaki. Kinusot ko ang mga mata at pagmulat ko ay napanganga ako.
“A-Ava? Amaris? G-Genesis?” tawag ko.
Lumakad-lakad ako sa tubig upang silipin sila sa tabi-tabi. Palakad-lakad ako. “Ava! Amaris! Narito pa ako!” sigaw ko.
Wala nang tao sa Lunes.
Iniwan nila ako.
Napanganga ako sa naramdaman. Mabilis kong hinanap ang daster, bra at panty sa malaking bato ngunit pati iyon ay wala na rin. Hindi ako makapaniwala! Kaya sabi kong ayokong sumama ay paglalaruan nanaman nila ako! Hindi nakatutuwa ito!
Humuni ang mga ibong tila ba nag-aabang sa kung ano ang gagawin ko. Hindi naman ako pwedeng lumakad na lang ng walang damit. Mababastos ako! Pagtatawanan! At pagpepyestahan! Ito na ba ang ganti sa akin dahil sumilip ako sa kwarto?
Palinga-linga parin ang tingin ko, nagbabaka-sakaling lalabas sila. Napanatag ako nang makadinig ng kaluslos. “Ava! Amaris! Amina ang mga damit ko! Hindi ako natutuwa!” sabi ko.
Mas lumakas pa ang kaluskos, na naging tunog ng paa ng lumalakad na kabayo. Doon na ako napanganga. Wala akong saplot, at sobrang linaw ng tubig ng talon. Hiyang-hiya na ako. Sanay ay lamunin na lamang ako ng tubig.
Sa mga makakapal na dahunan ay naunag lumabas ang ulo ng isang itim na kabayo, bago si Sir Kai na nakasakay roon. Luminga-linga siya sa talon bago huminto ang tingin sa akin, halatang gulat.
“What the hell, Rina?”