Nawawala lalo ang mga mata sa akin ni Madame Lourdes habang ang kanyang mga ngipin ay napupudpod dahil sa pagkikiskis. Nilampasan ko ang kusina kung nasaan siya naroon at kinawit sa tainga ang medyo basang buhok. “Halil!” tawag ko kay Halil nang masalubong ko ito sa daraanan. Nilingon naman ako nito kaagad. Tumakbo siya papunta sa akin. “Rina! Kanina pa kita hinahanap, ay! Nasaan ka ba?” pambungad niyang tanong sa akin. Tumagilid naman ang ngiti ko ngunit binalik ko rin kaagad. “Narito lang rin, Halil! Hinahanap nga rin kita.” Kumislap naman ang kanyang palaging nakangiting mga mata. “Aayain sana kita sa burol, Rina. Kung maaari? Hindi pa naman hapon masyado at nangako na ako kay Nanay Merida na ibabalik kita bago lumubog ang araw.” “Naipagpaalam mo na ako kaagad ka

