Heaven PoV, Nakaupo ako sa tabi nang dalampasigan habang tinitingnan si Cloud na tumatakbo. Naalala ko tuloy ang unang pagkikita namin ni Moises at ang unang nangyari sa amin. Dito lahat iyun nangyari sa tabi nang dalampasigan at naging bunga nun si cloud na tanaw ko ngayon habang tumatakbo. Pag tinitigan ko si Cloud ay parang nakikita ko na rin si Moises. Hindi ko akalain na ang noo'y mortal kung kaaway at kinaiinisan ko ay ang mahal na mahal ko na ngayon at nasasabik ulit akong makita ang pogito ng buhay ko. "Heaven!" rinig kong tawag sa pangalan ko. paglingon ko si Joshua naglalakad ito papalapit sa akin. "Joshua nandito ka? Anong ginagawa mo dito?" sunod-sunod kong tanong kay Joshua ng makalapit na ito sa akin. "Bakit, bawal na ba ako pumunta dito?" Tanung niya. "Hindi naman."

