Episode 27

1655 Words

Heaven Pov, "Honey! honey..!" sigaw ko habang nakapikit ang mga mata ko. Iminulat ko ang mga mata ko at naramdaman kung may humahawak sa kamay ko ng mahigpit. "Honey, ok ka lang?" Agad na tanong ni Moises. Nang makita ko siya ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Honey, natatakot ako. Natatakot ako, napaginipan ko na naman na mawawala ka ulit sakin," Humagulgol kong saad at niyakap si Moises ng mahigpit. "Wag kang matakot honey, hinding-hindi na mangyayari yan, hinding-hindi ko na kayo iiwan ng mga anak natin." Tumango ako at nginitian si Moises. Nang may marinig na naman kami sa labas na may sumisigaw. Dahan-dahan akong bumangon at sabay kaming lumabas ni Moises. Tanaw naming si Samantha na nagwawala ulit ito na may dala-dalang bote ng alak. "Moises! moises. !" sigaw nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD