Third Person's POV, Dinala muna ni Moises sa manila si Samantha at pinatingnan agad sa doktor, malala ang sakit nitong depression at totoong buntis nga ito. Kaya dinala niya muna sa isang rehab si samantha para mabantayan at maalagaan ito ng doktor hanggang sa makapanganak ito. "Moises ayoko dito, wag mo kung iwan," Saad ni samantha habang mahigpit na hinahawakan ang damit ni Moises. "Samantha, kailangan mong magpagaling para sa baby na nasa tiyan mo,"mahinang saad ni moises. "Pero hindi ako baliw Moises, hindi ako baliw!" "Sabi ng doktor samantha kailangan mong manatili dito. Kaya makinig ka na lang." "Ayoko! ayoko, hindi ako baliw!" Sigaw ulit nito kaya pinatulog na lang ito ng doktor. Pagkatapos makita ni Moises na nakatulog na si Samantha ay iniwan niya na ito. Kailangan niya p

