Third Person's POV, Lumipas ang dalawang taon ay isang taon narin ang anak nila Samantha at Moises, babae ang naging anak nila at pinangalanan nila itong princess. Nakalabas narin ng rehab si samantha dahil sa magaling na ito. Sa dalawang taon na iyun ay buwan-buwan parin pumupunta si Moises sa cebu para dalawin si Heaven at ang dalawa niyang anak, sa ginagawa niyang yun ay naging malapit ulit sila ni Cloud at ang isa pa niyang anak na babae kay Heaven na si star. Umaasa at naghihintay parin si Moises na tanggapin siyang muli ni Heaven. "Yaya, pakilabas nga dito si princess sa kuwarto ko ang ingay, iyak ng iyak," Sigaw ni Samantha sa yaya ni princess. "Ma'am, nandito po si sir Moises," Saad naman ng yaya. Mabilis naman agad kumilos si Samantha at tumayo sa pagkakahiga ng marinig na

