Only you in my Heart
Chapter_1
Nasa Pampasaherong barko ngayon si Moises King Ricafort.
Si Moises king Ricafort ay isa sa pamilyang kilala na nag mamay ari nang malalaking hotel sa manila at sa iba't-ibang lugar at may ari sa isang malaking company na Ricafort company.
Dito siya sumakay kahit may private plane at Yate pa ito,gusto niya kasi subukan kung anong pakiramdam na marami kang kasabay bumiyahe. Pupunta kasi itong cebu at gusto niya sopresahin ang tatlong taon niyang nobya na si Samantha Garcia,isang sikat na modelo.
Kasalukuyan kasi itong nasa cebu ngayon dahil meron itong pictorial.
Habang pinagmamasdan ni moises ang ibang pasahero ay di niya maiwasang matuwa dahil kita kasi sa mga ito ang sabik na bumaba na nang barko.Dahil siguro sabik na makita ang mga mahal sa buhay.
Kahit siya ay ganun din ang nararamdaman,sabik na din siyang bumaba at makita ang nobya,mag propropose na kasi siya dito.
Ang totoo ay pangatlong beses na niya itong gagawin at yayaing pakasalan ito, nung unang propose niya ay hindi tinanggap ni samantha,dahil hindi pa daw ito handa.
Pangalawang propose naman niya ay hindi rin tinanggap ni samantha,dahil gusto pa daw nito tuparin ang pangarap na maging modelo.
Dahil mahal niya si samantha,nakaya niyang maghintay nang tatlong taon.
"I hope this time,she give me a yes,dahil kung hindi,i don't know what to do."bulong niya sa kanyang sarili habang tinitingnan ang singsing na hawak niya.Naibalik naman niya sa bulsa ang singsing na hawak niya nang may tumawag sa phone niya ang kaibigang niyang si Domer.
"Hey Bro where are you?"bungad agad nitong tanung sa kanya.
"Nandito ako ngayon sa barko,pupuntahan ko si samantha and i propose to her..
"Again?!Natatawang tanung ni Domer sa kanya.
"Why? Whats funny?inis niyang tanung sa kaibigan nang marinig na pinagtatawanan lang siya sa kabilang linya.
"Wala natatawa lang akong isipin na ang isang Moises king ay tatlong beses na nag propose sa isang babae,I hope this time na pumayag na si samantha na pakasalan ka.Dahil kung hindi nakakahiya na malaman nang ibang tao na ang isang king nang Ricafort Company tatlong beses nang nireject nang isang babae,hahaha!sabi nitong may pang aasar.
"I don't care,what other people thingking of me,ang gusto ko lang ay ang tuluyan nang maging akin si samantha at pumayag na siyang pakasalan ako."saad niya habang nakatingin sa pagdaung nang barko."Domer bakit ka pla tumawag sakin ngayon?"tanung niya dahil nakalimutan niya itong itanung agad sa kaibigan niya kung bakit tumawag ito sa kanya,dahil ang naging topic agad nila ay ang pag propropose niya.
"Gusto sana kita imbitahin ngayon sa party nang kapatid kung si joan,babalik na kasi ito sa US,kaso busy ka pala sa plano mo.Sayang marami pa naman siyang sexy lady na inimbita..
"Marami ba?"Kulang pa yan sayo."
"Haha,Nope bro,Im seriously inlove to vivian,ok." Bye for now,balitaan mo na lang ako agad pag napa oo muna si Samantha na pakasalan ka,then lets celebrate here.
"Serious your ass,lagi ko na yan naririnig sayong seryoso, pero kailan ka pa nag seryoso?"natatawang wika niya dito.Alam niya kasi kung magpalit nang jowa si dom,isang linggong pag ibig lang ang tinagal.
"Ayaw mong maniwala bahala ka."natatawang saad naman ni Dom,sa kabilang linya.
"Ok,bye!wika niya at ini-off narin ang tawag pagkatapos niyang magpaalam sa kaibigan.
........Ring..ring..ring..
Tunog nang telepono sa kwarto ni Heaven,dahan-dahan naman niya ito iniabot ang telepono na nakapatong sa lamesa sa tabi nang kama niya.
"Hello?"mahinang boses niya habang nakapikit pa ang mga mata nito.
"Anak bumangon kana diyan,dadaung na ang barko,susunduin mo pa ang mga customer natin."bungad nang papa niya.
Alas sais na kasi nang umaga at alas siyete naman dadaung ang barko,na sakay ang anim nilang customer.Dahil ang dalawa ay sa airport niya ito susunduin ang dalawa naman ay nka reserve na sa isang modelo.
Dito daw kasi sa lugar nila magpipictorial,talaga namang maganda ang lugar nila kahit isa na itong pinakaprobinsiya at malayo na talaga sa siyudad nang cebu.
Malapit kasi sila sa Camotes Island,at maraming nag gagandahang falls.
Kaya maraming turista ang dumadayo,kaya lagi rin fully book ang hotel nila,meron namang malaking hotel kaso medyo malayo-layo pa ito sa mga falls at sa camotes island.
Sampung pair o pamilya lang ang kasya sa hotel nila dahil may sampung kwarto lang ito.
Limang first class at limang economy.
Nakapikit parin ang mga mata ni Heaven,habang naglalakad papasok nang banyo,agad naman niya ito binasa nang tubig para mawala ang antok.
Naligo at nagmamadaling nagbihis narin ito nang maramdamang nawala na ang antok.Suot niya ay short na maong na abot hanggang tuhod at pinarisan nang rubber shoes na white kumuha din siya nang sombrerong kulay pink at ang t-shirt na uniporme sa hotel nila light pink na may nakapangalan sa gilid.
"Heaven Hotel"ang pangalan niya ang ipinangalan sa hotel nila,ito at ang grocerie store na malapit lang din sa hotel nila ang naiwang pinaghirapan nang mama niya bilang ofw sa america,bilang isang caregiver.Bago ito nagkasakit at pumanaw.Kaya sila na lang dalawa nang papa niya ang namamahala sa hotel,meron lang silang limang tauhan na nagtratrabaho sa kanila.
Si nica na kaibigan niya,ang nagbabantay sa grocerihan,si mang rudy ang driver at kasa-kasama niya lagi para magsundo sa mga customer at itour ang mga ito.Si manang rosa,ang cook nang hotel na asawa ni mang rudy.Si ate ninfa at si ate jasmin ang dalawang tagalinis nang hotel.
"Mang Rudy,tara na!sabi niya pagkalabas niya nang kwarto,naabutan niya kasing nag uusap ang mag asawa sa gilid nang hotel habang may hawak na baso si mang rudy siguro ay nagkakape pa ito,pero malilate na sila sa kanilang susunduin.
"Iha,heaven ayaw mo bang mag almusal muna bago umalis?"Tanung ni manang rosa sa kanya.
''Malilate na kami sa pagsundo manang rosa,pagbalik ko na lang po."tugon niya dito.
"Naku bata ka,lagi mo na lang sinasabi yan,lagi ka na lang nalilipasan nang gutom.Baka mamaya magyaya agad ung mga customer na itour mo sila.tanghali kana naman makabalik dito."nag-aalalang wika ni Manang Rosa.
"Ok lang manang,may dala naman akong pera bibili na lang ako nang pagkain sa daan,tara na mang Rudy."agad niyang sabi habang tumatakbo papunta sa service van nilang kulay pink din ito.
"Bye papa,bye manang rosa!sigaw niya bago umalis ang sasakyan nila.
Pagdating nila sa pier ay agad niya kinuha ang tarpaulin sa likod nang sasakyan nila at itinaas ito nakalagay sa tarpaulin ang Heaven Hotel" kaya kung sino man nagpa book sa kanila pag nakita ang tarpaulin ay alam na nila na sila na ang sundo sa mga ito.
Maya-maya ay naglapitan na nga sa kanila ang mga customer nila.
"Iha,tawag sa kanya nang dalawang mag asawang matanda,puwede mo ba kunin ung maleta namin sabay turo nito sa maletang nasa gilid.
"Ok po maam."tugon niya namang sabat,pinuntahan niya ang maleta kita niyang,dalawang maleta ito na kulay itim ang isa ay malaki at ang isa ay maliit.
"Dalawang maleta ba yung sinabi nang matanda."bulong niya dahil di siya sigurado.Sige na nga kukunin ko na lang tong dalawang maleta nato."wika niya at hinila na ang dalawang maleta at isinakay sa likod nang van nila.
Pagbalik naman ni moises sa puwesto kung saan niya nilagay ang maleta niya nagulat siya nang wala na ito..
"What the F**k where's my luggage' inis niyang saad.Lumingon lingon siya sa mga taong dumadaan at tinitingnan ang mga bitbit nitong maleta,nang mapadako ang tingin niya sa isang van at sa isang babae na binuhat ang maleta niya at inilagay sa likod nang sasakyan nito.
"S*it tha't woman is a thief ,mahinang wika niya at agad tumakbo papunta sa van.
"Mang Rudy' lets go,agad namang sabi ni heaven pagka akyat niya.
Pinaandar nman agad ni Mang Rudy ang Van nila.Kaya hindi na ito naabutan ni Moises.Mabilis naman niyang kinuha ang kanyang phone sa bulsa niya habang nakatanaw sa van na papalayo.
"Mang Fred' where are you?"inis niyang tanung sa matanda.Si mang fred ay ang driver at inuutusan nila sa hotel nila,meron din kasi silang malaking hotel dito sa cebu,nasa capital city nga lang ito.
"Malapit na sir."tugon naman nang matanda.Maya't-maya ay nasa harapan na nga ni moises ang sasakyan at agad itong sumakay.
"Follow that car,mang fred." agad niyang sabi at itinuro ang kulay pink na van. Mabilis naman pinaandar ni mang fred ang sasakyan at sinunod ang utos nang amo.Kilalang kilala na ni mang fred itong amo niya dahil lagi itong pumupunta dito sa cebu pag may business meeting at si mang fred lagi ang driver nito.
Habang nasa sasakyan naman si heaven ay panay turo niya sa lugar na nadadaanan nila at sinasabi sa mga turista kung anong lugar ang mga ito.
"And now where here in the Taoist Temple."Who wants to stop the car and lets go to the taoist temple?"tanung niya sa mga turista.
"Saka na miss dalhin mo nalang muna kami sa hotel,kailangan muna naming magpahinga."tugon naman nang medyo may edad na babae at katabi ang amerkanong asawa."( sana all")
"Yes Miss,let's go straight to the hotel first,and tommorow will go back to the taoist temple."
"Ok maa'm sir, no problem."agad naman niyang sabi na nakangiti.At buti na lang dahil gutom nku ngayon."bulong niya sa kanyang sarili.
Pagdating nila sa hotel ay isa-isa na nilang inihatid sa room ang mga guest nila.Pagkatapos gawin ang mga kailangan gawin ni heaven ay nagpahinga muna ito sa cottage,sa harap nang hotel nila habang nakatanaw sa dalampasigan at umiinom nang isang basong buko juice.
Nang may matanaw siyang lalaki na nakatingin sa kanya.
"Wow,ang pogi artista ba to?"at lalaking lalaki ang dating."bulong niya.Di niya tuloy maiwasang kiligin habang tinitigan siya nang lalaking papalapit sa kanya."Luhh!bakit patungo sa direksiyon ko.Kaya agad naman niya inayos ang pagkakatayo niya at pasimpleng kinagat ang labi niya para mamula-mula ito,nakalimutan niya kasing mag lipstick bago umalis kanina patungong pier at inayos niya din ang buhok na tumakip sa mukha niya dahil sa hangin nang dalampasigan.
"Hey Miss Thief!Sigaw ni Moises sa kaharap na babae.Nagulat naman si Heaven,sa lalaking pogi na nasa harapan niya at tinawag siyang miss theif,kaya napasub-sub ang mukha niya sa lamesa.
"Huh?!ako theif!?gulat na tanung ni Heaven.
"Oo Yes ikaw!isa kang magnanakaw." inis na sabi ni moises sa kaharap.
"Ay,putik na pogito to,imbis na pogi naging pogito na lang sa paningin ko,tinawag akong magnanakaw na hindi ko nga to kilala."Sipain ko kaya itlog nitong pogito nato,pisa to mamaya."inis niyang wika.
"Miss theif,ibalik mo nalang sa akin ang maleta ko,bago kita ipapa-pulis."wika ni Moises na mas lalong nagpainis kay Heaven.
"Hoy!Pogito,wag na wag mo nga akong tawaging magnanakaw,may ibedensiya kaba na ako ang kumuha sa maleta mo?!Ni hindi nga kita kilala,at bigla ka lang sumulpot dito at pagbibintangan mo kung magnanakaw,saang lupalop kaba galing?"inis na wika ni Heaven at tatalikuran na sana ang binata,pero hinawakan nito ang kanyang braso.
"Kung ayaw mong ibigay ang maleta ko,halika dadalhin kita sa presinto."tugon nito at mahigpit siyang hinawakan sa braso.
"Pogito,sira ulo kaba?"sinabing bitawan mo ko dahil di kita kilala at lalong hindi ako magnanakaw,ano ba?!sigaw niya dito.Pero parang tuod lang ang binata at hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kanya.Sa sobrang inis niya ay tumalon siya sa likuran nang binata at sinakal ito na ikinagulat naman ni moises.
"Miss,what the f**k!Bumaba ka sa likuran ko!inis na wika ni Moises sa babaeng parang linta kung makakapit sa leeg niya.
"Bitawan mo muna ang pagkakahawak mo sa kamay ko,para bumaba ako dito sa likuran mo,kung hindi sasakalin kita at ipakain sa mga pating sa dagat.Wika ni Heaven na mas lalong umigting ang panga ni Moises sa inis.
"Ako ba tinatakot mo miss,kaya kitang ibalibag ngayon din,ikaw na nga yung magnanakaw ako pa takutin mo,akin na yung maleta ko."
"Hindi ko nga alam ang sinasabi mo,bakit ko naman kukunin ang maleta mo ha?!ngayon nga lang kita nakita,may sira ata ulo mo."inis na wika ni Heaven at bumaba na sa likuran nang binata.
"Sa pier okay,nakita kitang hinila mo ang maleta ko papasok sa kulay pink na van niyo,kaya nasaan ang van na yun?"
"Sa pier?!maleta?ano bang kulay ang maleta mo?
"Kulay black na medyo kaliitan lang ang laki,okay?kaya ibalik muna sakin ang maleta ko bago pako tatawag nang pulis."
"Sandali,hindi ka makahintay?"iisipin ko muna kung may nakuha nga ba akong maleta sa pier?"
"Bilisan mo miss,dahil pag ako nainis ipapasarado ko itong resort niyo."
"Luh,ang yabang nang pogitong to,sarado agad?"inis na tugon ni Heaven.