Episode 2
Natigil ang bangayan nila ni Pogito nang may tumawag sa likuran nila.
"Iha."tawag nang matandang babae sa kanya,kaya sabay silang napalingon ni pogito,kita nilang hila-hila nito ang maliit na maletang kulay itim.
"Iha hindi sakin itong maleta."
"See that's mine!Sabat naman agad ni pogito,at kinuha ang maleta niya sa matanda.
"Ah sorry madam,akala ko kasi kanina pati yan kasama."sabi ni Heaven at yumuko,dahil nahihiya siya kay pogito na totoo nga ang sinabi nitong kinuha niya ang maleta nito.Dahan-dahan naman siyang tumingin kay pogito at nainis siyang makita itong masama ang tingin sa kanya.
"Sorry pogito,bakit kasi tinabi mo ung maleta mo kay madam.Kaya nadala ko tuloy akala ko kay madam din ang maleta na yan."taas noo niyang sabi.
"Hoy, miss thief for your information,ako ang unang naglagay dun nang maleta sa puwesto na yun."
"Sorry iha,ako yata ang nagkamali,malabo na kasi mata ko diko nakita ang maletang maliit ni poging ito kaya doon ko nalagay ang maleta ko."ngiting sabi nang matanda.
"Ok madam,pasensiya na kayo.Tiyaka sayo din Mr.pogito,nagkamali ako kanina,diko sinadyang makuha iyang maleta mo,kaya puwede ba wag mo na ko tawaging miss theif."
"Then stop calling me pogito."
" Ok masusunod pogita."
"What?! Pogita?are you crazy? Miss theif?"inis na sabi ni Pogito.
"Babe!!Tawag sa likuran ni pogito kaya sabay sila napalingon.Isang napakagandang babae ang lumapit sa kanya at agad itong yumakap,niyakap nman agad ito ni pogito at hinalikan ito sa labi."Sana all,laplap agad bulong ni Heaven.Umupo na lang siya ulit at ipinag-patuloy ang pag inom nang buko juice,habang tinitingnan si pogito at ang babaeng kasama nito.Para siyang nanonood nang love story,na parang matagal nang hindi nagkita ang magkasintahan,kaya mahigpit na nagyayakapan at sabik na naghalikan ang isa't-isa.
"Ganyan pala ang may jowa."bulong ni Heaven,habang ang mga mata ay nakatingin parin sa magkasintahan,napataas naman ang isang kilay niya nang marinig ang usapan nang mga ito sa harapan niya.
"Why are you here babe?" Tanung nang babae.
"You,why are you here?" Balik tanung naman ni pogito.
"Dito kasi na place ang pictorial ko."tugon nang babae kay pogito."And you why are you here?"
"May nagnakaw kasi nang maleta ko,sinundan ko ung car nang nagnakaw nang maleta ko kaya dito ako napunta."Sabi ni pogito na ikinataas naman nang dalawang kilay ni Heaven.
"Luh!animels talaga to si pogito,sabing hindi ko sinadya makuha ang maleta niya ninakaw parin,isa nalang masisipa ko na talaga itlog nito."bulong niya habang nakatingin kay pogito at sa babaeng kasama nito na parang walang balak maghiwalay ang katawan sa pagya-yakapan.
Nagulat naman si Heaven nang biglang may humarang na mukha sa tinitingnan niya."Ay rockey road."gulat niyang sabi.
"Ano?!Anong rockey road?"taas kilay na tanung nang bakla.
"Mukha niyo po,rockey road"este may binebenta po kaming ice cream,rocky road ung flavor,baka gusto niyo?tamang-tama yun sa mainit na panahon."sabi niya sa matandang bakla na kaharap.
"No need,dalhin mo nalang ako sa ni-reserve namin na first class room niyo dito."
"Ah!kayo po pala ung nagpareserve samin nang dalawang room."
"Yup,malinis ba ang room niyo?"taas kilay na tanung ni bakla.
"Oo naman po,mas malinis pa sa mukha mong rockey road."pabulong niyang sabi.
"What?!!
"Wala po,sabi ko malinis ho tlaga tong room namin,kaya enjoy your stay."
"Oh thank you,siya nga pala maganda karin gusto mo bang mag model?Pero siyempre mas maganda alaga ko sayo."
"Bakit sino po ba ung alaga niyo?"
"Si Samantha Garcia ang sikat na modelo."taas kilay na sabi nang bakla.
"Ah!ung nilaplap ni pogito?"bulong niyang sabi na pinipigilan ang tawa.
"Ano kamo?!
"Wala ho,sabi ko thank you sa paan-yaya niyo na maging model ako,pero masaya na po ako dito."sabi niya at binuksan ang pinto nang room para makita nang bakla.Pagkatapos niya ipakita kay bakla ang room na ni-reserve nila ay bumaba narin si Heaven.
"Iha,tawag sa kanya ni manang rosa."Luto na ung paborito mong ginataan na monggo,at tuyo mag almusal kana."
"Ah opo!Manang rosa,tamang tama gutom na po ako,sigurado mapapa-rami naman ang kain ko nito dahil ung paborito ko ang niluto mo."ngiting sabi niya kay manang rosa.
Habang kumakain si Heaven,bigla naman sumulpot si Nica,ang bestfriend niya at taga-bantay nang Mini Grocerie nila.
"Heaven,heaven!ohh nasa langit naba ako?Juiceko lord,ang gwapo sobra nang nakita ko kanina,may God kahit one night stand lang sa poging yun,puwede niyo na ko kunin."tili ni nica na kinikilig.
"Ah si pogito ba nakita mo?"
"Sinong pogito?"takang tanung ni nica.
"Pogito,hindi mo kilala kasama ni pogita!pagkatapos niya iyun sabihin napahalakhak naman siya nang tawa,dahil sa reaction nang mukha nang kaibigan.
"Naku,heaven puro ka kalokohan!palibhasa kasi di ka pa nakikipag boyfriend."
"Naku!diko need yun,sakit sa ulo lang yung boyfriend,boyfriend na yan."
"Luh,para namang nagkaka boyfriend na para masabing sakit sa ulo ang boyfriend."
"Napanood ko sa tv ok."taas kilay niyang sabat kay nica.
"Heaven,iba ang napanood mo sa tv,kaysa reality.Kapag tumibok na ang puso mo,wala ka nang magagawa kundi sundin ito."
"Sira,kanta yan ah!Bumalik kana nga dun sa grocery at magbantay doon, hindi ung si pogito ang binabantayan mo."tulak niya kay nica,para umalis na ito.
"Ok,ok!Pero mamaya babalik ako dito para makita si pogi."kinikilig na sabi ni Nica.
"Hoy nica,may nobya na yung si pogito,kaya wag munang pangarapin."sabi niya pero inirapan lang siya nang kaibigan,bago ito umalis.
Pagkatapos niyang kumain,ay naghanda narin siya para samahan ang ibang guest na puntahan ang lugar na gusto nilang puntahan.Inikot nila ang magagandang tanawin sa lugar nila para makita nang mga guest.Mag alas-sais na rin sila nakabalik sa hotel.
Magkasama naman si moises at ang nobya niyang si samantha habang naglalakad sa tabi nang dalampasigan na magkahawak kamay.Maya-maya ay kinuha na niya ang singsing na nasa bulsa niya at pinakita kay samantha.
"Samantha,will you marry me?"sabi niya at kinuha ang kamay nang kasintahan,bago pa ito masuot ay may matandang lasing na binangga si moises kaya nabitawan nito ang hawak na singsing at nahulog sa buhangin.
"s**t what the Fuck."inis na sabi ni moises nang di na makita ang singsing na nahulog sa buhangin.
"Sorry,sorry sir." agad naman na sabi nang lasing at umalis agad.
Yumuko si moises at para hanapin ang singsing sa buhangin pero madilim na kaya hindi na niya ito makita.
"Babe,let's go inside,malamig na ang hangin rito,bukas na lang natin hanapin ang singsing mo."lambing na sabi ni samantha.
"Ok,sorry babe,bukas hahanapin ko ang singsing na yun."sabi ni Moises at inakbayan ang nobya papasok sa hotel.
Maaga naman lumabas nang room niya si heaven,dahil sasamahan na naman niya ang ibang guest na mamasyal.
"Mang rudy, hihintayin ko kayo sa labas,
tawagin niyo na lang ako pag nasa sasakyan na ang lahat nang guest."tugon niya dito.
"Ok,heaven." agad naman nitong sabi habang hawak nito ang baso na may lamang kape.
Naglalakad sa tabi nang dalampasigan si Heaven,na naka-paa lang,binitbit niya lang ang tsinelas niyang havannas,para maramdaman ang mga buhangin sa paa at nag eenjoy bilangin ang bawat marka nang paa niya.Napahinto naman siya nang lakad nang may tumusok sa paa niya
"Ouch!Tili niya at kinuha ang naapakan na natabunan nang buhangin,nanlaki mata niya nang makita ang isang kumikinang at napaka-gandang singsing."Wow ang swerte ko tlaga, napakagandang singsing."ngiting sabi niya at agad isinuot ang singsing sa daliri niya.Nagulat naman siya nang may marinig na sigaw sa likuran niya.
"Thats mine."sigaw ni pogito.
"Ano,anong sayo?!
"Yang singsing akin yan."sabi ni pogito at akmang hahawakan ang kamay niya para kunin ang singsing,pero mabilis niya naman itong iniwasan at lumayo.
"May pruweba ka,na sayo tong singsing pogito?" Eh ako nakakita nito nuh!Taas kilay niyang sabi.
"You,miss thief!magnanakaw ka talaga eh nuh."sabing akin yang singsing!
"Sabing wag mo rin akong tatawaging magnanakaw,isa pa sisipain ko na itlog mo."inis niyang sabi dito.Pero lumapit parin ito sa kanya.
"Kung hindi ka magnanakaw,ibalik mo sakin yang singsing ko,kung ayaw mong ibalik edi magnanakaw ka talaga."
"Bakit ko naman sayo to ibabalik wala namang pruweba na sayo tong nakita kung singsing."
"Akin na kasi yan."sabi ni pogito at akmang hahawakan siya,pero mabilis siyang tumakbo,naabutan naman siya nito at agad hinawakan ang baywang niya,kaya tinuhod niya ang bandang ari nito.
"Ouch!Tili ni pogito."Na puruhan ko ata."bulong niya at mabilis na tumakbo papalayo kay pogito.
"Miss theif,ibalik mo sakin sabi yang singsing ko,ang lakas nang loob mong kalabanin ako,sarap mong tirisin."nanggagalaiti na sabi ni moises sa babaeng papalayo sa kanya.
Habang si heaven ay tumatakbong natatawa sa ginawa niya kay pogito.
"Buti nga sayo,basag na yang itlog mo.
Akala mo huh,sabing wag muna ko tawaging miss theif,theif ka parin nang theif.Lolokohin mo pa ko sayo tong singsing na nakita ko."bulong ni heaven habang tinitingnan ang singsing na nasa kamay niya.
"Heaven tara na,nandito na lahat nang pasahero."sigaw ni mang rudy nang makita siyang papalapit na sa sasakyan.
"Ok,lets go mang rudy."sabi niya at mabilis na sumakay na nang sasakyan.
Para samahan ang mga guest na libutin ang camotes island,calamangan island at ang taoist temple.Ilang oras din silang palibot-libot sa mga lugar na iyun,hihinto lang nang ilang minuto para kumain.Pagkatapos kumain balik ulit sa mga lugar na magagandang tanawin.
Gabi na naman sila nakabalik sa hotel at sobrang nag enjoy ang lahat nang mga guest nila
"Iha,mamaya lilibre ko kayo,mag pa party tayo dito sa tabi nang dalampasigan."sabi sa kanya nang isang madam na asawa nang amerikano.
"Ah okay po madam,see you na lang po dito mamaya sa labas pag nakapahinga na po kayo."ngiti niyang sabi kay madam.
Hinanap naman ni moises ang nobyang si samantha,sa buong hotel.Simula kasi nang matapos itong mag-pictorial ay di na niya ito nakita buong maghapon.
Napahinto naman siya sa kanyang paglalakad nang makita si samantha kausap ang matandang lalaking lasing na bumangga sa kanya,kaya nahulog ang singsing na hawak niya.
Rinig naman niya ang pinag uusapan nang mga ito.
"Hay samantha,kakainis ka!kung ano anong pinapagawa mo sakin.Alam mo bang kinabahan ako kagabi,akala ko sasapakin naku nang boyfriend mong pogi,natakot ako baka masira tong mukha ko.Bakit ba ayaw mo pakasal dun,eh ang gwapo gwapo day'jusko.
Kahit sinong babae magkakarandarapa dun na pakasalan ang ganun ka-guwapo at kayaman "sabi nang matanda na bakla."Hindi mo ba mahal Si Moises King Ricafort day?Eh ang tagal tagal niyo nang magkasintahan at ilang beses kana rin niyayang magpakasal diba,tapos sinayang mo lang,hay naku!di talaga kita maintindihan.
"Mahal ko naman si moises,kaso meron pa kasi akong offer sa international model,gusto ko muna tuparin yun bago pakasalan si moises.By the way thank you nga pala sa ginawa mo kagabi."sabi ni Samantha.At rinig iyun ni Moises.
Napabugtong hinga si samantha habang sinasabi niya iyun,napalingon siya at nagulat ito nang makita niya si moises,na galit na galit na nakatingin sa kanila.
"Babe?! mahinang tawag niya kay moises."Agad naman hinila ni moises ang braso niya palabas nang hotel at dinala sa tabi nang dalampasigan.
"Damn'samantha!Ganun mo ba talaga ako hindi kagustong pakasalan para mag utos ka pa nang tao para pigilan ako sa plano kung pag propose sayo?"galit niyang sabi sa babaeng kaharap niyang maiiyak na.
"Im sorry babe,hindi pa kasi ako handang magpakasal,gusto ko pa tuparin ang pangarap kong maging international model."iyak na sabi nang babae at akmang yayakap ito sa kanya pero lumayo siya.
"Ilang beses mo na yan sinabi sakin samantha,ilang taon din akong paulit ulit na naghintay sayo,ilang beses din kitang pinagbigyan sa pangarap mo."
"Promise babe,nextyear pag tapos na itong international model ko,magpapakasal na tayo.Please babe wait for me."
"No samantha,what if may bago na namang offer sayo sa pagiging model yan na naman ang gagawin mo sakin,right?"So lets stop this relationship,pagod na kung maghintay sayo at umasa,nararamdaman kung hindi mo talaga ako mahal,o minahal.
Pagkatapos niya iyun sabihin ay tumalikod na siya sa babae.Bago pa siya maka alis ay agad naman siyang niyakap nang mahigpit ni samantha.
"No babe,please understand me,i love you so much".humagolgol na sabi ni samantha,habang yakap siya nang mahigpit.
"No samantha,alam kung hindi pa ko sapat sayo,itigil na natin tong relasyon natin,lets break up at wag na tayong magkita pa."sabi niya at agad kinuha ang kamay ni samantha na nakayakap sa kanya at mabilis na lumakad papalayo sa babaeng humagolgol nang iyak,habang siya naman ay nagpipigil sa kanyang mga luha,sobra rin siyang nasaktan dahil minahal niya rin nang matagal si Samantha.
"Mahal kita samantha,pero hindi ako ang kailangan mo."bulong niya habang patuloy sa paglalakad sa tabi nang dalampasigan at pumasok sa loob nang grocerie store na nakita.Agad siya kumuha nang ilang can nang alak,at isang bote na wine,gusto niyang maglasing ngayon at kalimutan ang pagkabigo niya sa babaeng matagal niyang minahal nang sobra na nauwi lamang sa wala.