Episode 16

2144 Words
Heaven POV, Bumaba ako nakita ko si Cloud, na sinusubuan ni Yaya Edith, kaya ngumiti akong lumapit sa kanila. "Iha, gising kana rin pala, natutuwa akong subuan si Cloud, naalala ko noon ang alaga kong si Moises," saad ng matanda. Lumapit naman sa amin si Moises, na nakangisi at parang di mawala ang ngiti sa mga labi. "Obcourse yaya, like father, like son, diba asawa ko?" baling nito sa akin na kinilayan pa ako bago maupo sa lamesa. "Iho, ano gusto niyong almusalin, ipaghahanda ko kayo," tanung ni Yaya Edith. "Ako na lang manang," ani ko at tiningnan si Moises. "Ah, coffee and bread lang ako, asawa ko." "Asawa," bulong ko at tumalikod na para ipaghanda ang almusal namin. Nagtimpla ako ng dalawang cup ng coffee at nag toasted ng bread sa oven. Habang hinihintay ang bread, ibinigay ko muna kay Moises ang coffee, inilapag ko iyun sa lamesa sa harap niya, pero nagulat ako ng bigla niya kong hinila at pinaupo sa kandungan niya na ikinatuwa naman ni Yaya Edith, at ni Cloud na nakatingin sa amin. "Moises, ano ba bitawan mo ko, kailangan ko puntahan yung tinapay, baka masunog," saad ko at nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa baywang ko ng mahigpit. Nakangisi naman siyang binitawan ako, kaya inirapan ko lang ito ng aking mata at kinuha ang tinapay sa oven. Pagkatapos naming mag almusal at magbihis, ay hinatid muna kami ni Moises, sa bahay ni Tita Veronica, para iwan si Cloud at papasok na rin kami sa Hotel. Pagdating namin sa Hotel ay tinawag kami agad ni Manager keri, para lumabas sa hotel at hintayin ang VIP na customer at para iwelcome. Isa daw itong investor sa Ricafort company na galing sa ibang bansa. Mabilis naman kami kumilos nila Vivian at Ada, para tumabi sa mga nakalinyang empleyado. Kita ko rin si Moises na nakatayo katabi si Domer. Tumingin saglit sakin si Moises, ngumiti ito at kinindatan ako. Kalahating oras narin kami nakatayo sa labas ng hotel ay hindi pa rin dumating ang sinasabi nilang VIP customer. "Ano ba yan, kanina pa tayo dito sino ba kasi yang VIP na yan at ganun ka importante pati si Sir Moises, pinahintay niya dito ng matagal sa labas," rinig kong sabi sa isang kasamahan namin. "Si Ma'am Sylvia, daw nag recomenda na dito sa hotel natin yan iwelcome ang investor na yan," saad naman ng isa. Maya-maya ay may dalawang magagarang sasakyan na nga ang huminto sa harapan namin agad naman ito binuksan ng lalaking empleyado ng Hotel. Gulat kami na ang sunod-sunod na lumabas ay ang mga seksing babae na ang damit ay ang iiksi na halos maghubad na ang mga ito. Sa isang sasakyan anim na mga babae ang sunod sunod na lumabas. Sa isa na sasakyan naman ay apat naman na mga babae ang unang lumabas saka lumabas ang isang lalaki na si Mr. Patrick Axel, isa daw itong kilalang investor, pagbaba nito ay agad inakbayan ang apat na mga babae saka lumapit kay Moises. "Hello Mr. Moises King Ricafort, ang laki pala nang Hotel mo, naka ready naba ung room ko?" Agad na tanung nito kay Moises, hindi na nagsalita si Moises kundi sumenyas lang ito sa kamay na pumasok na sa hotel. "Miss Keri, samahan mo na lang sa room niya si Mr.Patrick," agad namang utos ni Domer. "Ok sir, Mr. Patrick this way," ngiting saad ni Miss keri. "Back to work na!" sigaw naman ni Domer kaya sabay naman kami pumasok ni Vivian, bago ako tuluyang pumasok sa hotel ay tiningnan ko si Moises, halatang wala ito sa mood, napalingon siya sakin, tumango ito at halatang napipilitang ngumiti. Ilang oras ang lumipas ng tinawag ako ni Miss Keri, habang naglilinis kami ni Ada sa isang room. "Heaven, ikaw na lang muna mag assist sa VIP customer natin, puntahan mo siya dun sa room niya at tanungin mo kung ano pa mga kailangan nila." "Yes, Miss Keri," agad kung sabat. Pagkatapos ay pinuntahan ko narin ang room kung saan ito, pumasok ako rinig ko ang lakas ng sound sa loob at tawanan ng mga babaeng kasama ni Mr. Patrick. Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa kanila at tumayo sa tabi. Ilang minuto lang ay tinawag ako ni Mr. Patrick. "Miss, dalhan mo pa ako dito nang limang bote na mamahalin niyong wine dito sa hotel at samahan mo narin ng yelo." "Yes, Sir!" sabat ko at lumabas agad para kunin ang inutos nito. Pagkabalik ko ay agad kung inilapag ang wine sa lamesa nila. Ilang minuto lang akong nakatayo sa tabi ay nagsalita ulit ito. "Miss, kuhanan mo ko ng masasarap na pulutan at mga prutas dito sa hotel. "Yes Sir," tugon ko at mabilis ko naman kinuha ang pinapakuha niya at bumalik agad sa room nito. Pagkatapos kung mailagay ulit sa lamesa ang pinakuha niya ay bumalik agad ako sa tabi at tumayo. Maya- maya ay rinig kong inuutusan niya ang mga babae niyang kasama na magpalit ng damit isa-isa naman ito tumayo para pumunta ng banyo, at isa isa din itong lumabas pagkatapos magpalit. Nanlaki mata ko nang ipinapasuot sa kanila ay yung mga sinusuot na mga cartoons na mga babae na ang iiksi ng palda at nakabukas ang dibdib na halos lumuwa na ang mga d*de nito. Pagkatapos magbihis lahat ng mga babaeng kasama ni Mr Patrick ay tinawag ako. "Miss, suotin mo yan," sabi nito sa akin sabay turo ng damit na nakapatong sa lamesa. "Sorry po Sir, pero hindi po puwede ako magsuot ng ganyan, dapat naka-uniporme lang po kami dito sa loob ng hotel," mahina kung saad kahit kanina pako naiinis, ayoko ma offend ang lalaking ito dahil mahalaga itong customer ni Moises. "Kung ayaw mong suotin umalis ka dito! Magrereklamo ako at sabihin kung di mo ginagawa ng maayos ang trabaho mo at di mo ko inaasikaso ng maayos!" sigaw nito. Kaya parang walang gulo sinuot ko na lang ang damit na pinapasuot niya, mabilis akong pumasok sa banyo at nagpalit, napakaiksi nga ng damit at pati palda buti na lang hindi bukas ang dibdib nito, paglabas ko ay tumitig agad sakin si Mr Patrick. "Yan, susunod ka rin pala," ngiti nitong sabi. "Halika lagyan mo ng wine ang baso ko," agad nitong utos sakin. Lumapit naman agad ako at kinuha ang wine para lagyan ang baso nito ng biglang hinawakan ang baywang ko paupo sa tabi ng sofa na kina-uupuan nito. Kita kung umusog lang ang mga babaeng kasama nito at nagtawanan. "Cheers!" sigaw ni Mr.Patrick. "Ikaw din uminom ka din," baling sa akin. "Sorry Sir, pero hindi po ako umiinom," agad kung sabat. Pagkatapos nitong inumin ang isang basong wine, gulat ako ng biglang hinawakan nito ang hita ko at akmang hahalik kaya sinampal ko at tumayo agad, tumayo naman ito at hinila braso ko. "Saan ka pupunta? Dito ka lang!" Pero mabilis ko tinadyakan ang itlog nito at tumakbong palabas ng room ni Mr. Patrick. Agad akong nagpalit ng uniporme ko. "Lagot, baka magalit sakin si Moises sa ginawa ko sa VIP customer nila," bulong ko sa sarili. Maya-maya ay mabilis nga lumapit sakin si Miss Keri. "Heaven anong nangyari?! Tinawag sakin ni Mr. Patrick, binastos mo daw siya." Magsasalita pa sana ako ng bigla akong tinawag ni Domer. "Heaven, tinawag ka ni Moises sa office niya pumunta ka dun." Mabilis ko nga tinungo ang floor kung nasaan ang office ni Moises. Kita kung naupo ito sa isang mahabang lamesa na nakatalikod. "Moises, nandito naku," mahina kung saad. "Anong nangyari? Bakit ikaw ang nandun?" Tanung niya ng hindi man lang ako nilingon sa likuran niya. "Ako ang inutusan ni Miss Keri, na mag assist kay Mr, Patrick, kaso nasampal at nasipa ko siya. Inuutusan niya ko, kung ano-ano at pinilit na suotin ung damit na sexy at binastos niya ko, kaya ko yun nagawa," paliwanag ko kay Moises. Mabilis naman ito nag dial ng telepono. "Nasaan si Miss Keri, pakausap!" sigaw nito. Nang marinig na ang boses ni Miss Keri, ay nagsalita ulit ito. "Bakit si Heaven, ang nilagay mo dun, bakit hindi ang lalaki nating empleyado ha?!" Sigaw na tanung ni Moises kay Miss Keri. "Sorry, sorry, Sir. Si Heaven, po kasi ang gusto ni Mr. Patrick, na mag assist sa kanya," nauutal na paliwanag ni Miss Keri. Pagkatapos marinig ni Moises, ang paliwanag ni Miss Keri, ay pabagsak niyang nilagay ang telepono, na ikina bigla ko naman. Maya-maya ay dumating na si Domer. "Moises, gusto ka kausapin ni Mr. Patrick, gusto niyang ikaw ang makipag usap sa kanya at mag apologize sa empleyado mo daw kung hindi, hindi niya itutuloy ang pag invest sa Ricafort company," saad ni Domer. "Sorry, sorry! Moises," agad kung sabat ng marinig ko ang sabi ni Domer. Malaking problema pala ang ginawa ko. "Let's go," sabi ni Moises at agad itong tumayo sa kina-uupuan at tumingin sakin. "Dito ka lang, di pa tayo tapos," galit nitong sabi. "Bakit, tatanggalin muna ba ako dito?" tanung ko. "Sabi ko, dito ka lang, wag kang lumabas sa office ko hintayin mo ko dito, mag uusap pa tayo pagbalik ko. Wala akong sinabing tatanggalin ka," saad nito at mabilis na lumabas sa office niya. Ilang minuto nga akong naghintay sa office ni Moises, pero kinabahan ako kung ano ang pinag usapan nila kaya lumabas ako at hinanap si Moises. Inikot ko ang Hotel at pinuntahan ang rooftop ng hotel, kita ko nga na nandoon sila Moises, Domer, at Mr. Patrick. Nakaupo sila pareho sa tapat ng isang bilog na lamesa. Kaya dahan-dahan akong lumapit para marinig ko ang usapan nila at di ako makita ni Moises. "Moises, gusto ko lumuhod ka sakin at ihingi mo ng sorry ang babaeng empleyado mong bastos!" sigaw nito. "Loko-loko to ah! Sino siya para lumuhod sa kanya si Moises, eh siya nga tong manyak," bulong ko at agad kung kinuha ang cellphone para ivideo sila. "Moises, kung ayaw mong lumuhod sakin, tawagin mo na lang ang babaeng yun at siya ang paluhurin mo sakin!" sigaw ulit nito kay Moises. "Kung hindi sasabihin ko sa media na ang hotel niyo, ang mga empleyado ay nambu-bogbog nang customer at hindi inaasikaso ng maayos, tingnan ko lang kung may pumasok pang customer sa hotel niyo." "Ikaw ang nambastos, kaya ka sinaktan ng empleyado ko," mahinang saad ni Moises. Habang nakikinig lang si Domer. "Para pinatabi ko lang ang empleyado mo, parehas lang naman sila ng mga babae kung kasama, mukhang mga pera lang ang mga babaeng yan. Tawagin mo ang empleyado mo at bibigyan ko ng pera para pumayag siyang tumabi sa akin," saad ni Mr. Patrick. Kita kung ngumiti si Moises at tumayo, gulat ako ng bigla itong tinadyakan ni Moises si Mr. Patrick, kaya bulagta itong bumasak sa sahig, sinipa niya ng ilang beses at inupuan pa ito, kwenelyuhan at sinuntok ng ilang beses, inawat ni Domer si Moises, pero tinulak lang ni Moises si Domer at sinuntok ulit si Mr. Patrick, di na mabilang kung ilang suntok ang binigay ni Moises kay Mr. Patrick, kaya tumakbo na ko papalapit kay Moises at hinila siya. "Tama na Moises, tama na baka mapatay mo siya," saad ko kay Moises, habang hinahawakan braso niya kita kung duguan na ang mukha ni Mr. Patrick. Tumayo si Moises at inayos ang polo niya. "I don't care, kung isa kang investor sa kompanya ng Daddy ko, wag mo kung takutin dahil kaya kitang patayin ngayon din, yang bugbog mo at pampa-ospital mo, tama lang yan sa mga inorder mo sa hotel ko. Sa susunod wag na wag mong babastusin ang mga empleyado ko at ang babaeng to dahil kung hindi baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mapatay na kita!" sigaw nito ky Mr. Patrick, at mabilis akong hinila. Pumasok kami sa office niya na hawak hawak parin ang kamay ko at pabagsak niyang binitawan ang kamay ko. "Diba sabi ko dito ka lang!" sigaw niya. "Tiyaka bakit mo sinunod ang utos niyang magpalit ng damit at hindi ka umalis doon agad." "Sorry, sorry Moises, akala ko lang kasi gusto niya lang akong pasuotin nun kaya sinunod ko na lang para hindi siya magalit, alam ko kasing mahalagang tao siya sa kompanya niyo. Hindi ko naman alam na babastusin niya pa ko sa dami dami ng babaeng kasama niya," nakayuko kung saad kay Moises. Umupo siya at di na nagsalita. "Moises, kukuha lang ako ng gamot para sa kamay mo," saad ko ng makitang may sugat ang kamay niya at tumalikod sa kanya. Pero bigla niyang hinila ang braso ko at yumakap sakin ng mahigpit. "Nextime, utos ko lang ang susundin mo," bulong niya at mas lalo akong niyakap ng mahigpit. "Oo, sorry promise utos mo lang susundin ko. Kukuha lang muna ako ng gamot," saad ko pero hindi niya ko binitawan sa pagkakayakap. "Dito ka lang, balewala sakin ang sugat na ito. Yakap mo ang kailangan ko para mawala ang galit ko," bulong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD