Heaven POV,
Hinila kami ni Cloud, papasok sa loob ng bahay. Naabutan naman namin sila Tita Veronica, at si Papa na naghahapunan.
"Oh Heaven, Moises, nandito ka rin pala. Halika sabayan muna kami maghapunan," yaya ni Papa sa amin.
Nang makalapit ako kay papa ay nag mano muna ako, sumunod naman si Moises, bago ito naupo, na agad naman naupo si Cloud, sa kandungan ng kanyang Daddy Moises.
"Mama, ahh! Subuan mo kami ni Daddy," saad ni Cloud, na nagpahalakhak ng tawa kay Vivian, at dahilan para magtinginan sila Papa at ni Tita Veronica.
"Ang cute mo talaga baby Cloud," tugon ni Vivian na tawang- tawa at pinang gigilan si Cloud.
"Baby, malaki na yan si Daddy, mo kaya na niya subuan ang kanyang sarili, kahit nasa kandongan ka pa niya," saad ko habang sinusubuan ito.
"Mama, sige na subuan mo rin si Daddy," wika ni cloud ng matapos ko siyang subuan.
Nanlaki naman ang mata ko ng ibinuka din ni Moises ang bibig niya. Tiningnan ko ang ulam, tamang-tama dahil adobong baboy ito, sunod-sunod ko itong isinubo sa kanya, hanggang sa napaubo siya.
"Heaven, tama na gusto mo ba ako mabilaukan, ganyan ka ba magmahal?" natatawang tanung sakin ni Moises, na inirapan ko lang ito.
Nang matapos kaming kumain at nagligpit, naglaro muna sandali sila Moises at Cloud sa sala.
Maya-maya ay lumapit na sakin si Cloud , at hinila damit ko.
"Mama, tulog na ako. Tabi kami ni Daddy," sabi nito na kinukusot na ang dalawang mata.
"Ha?! Ah ok baby, tara sa kuwarto," saad ko at bubuhatin ko sana si Cloud, pero mabilis ang kilos ni Moises at binuhat si Cloud.
"Saang kuwarto ko siya ipapasok?"
"Halika," ani ko at iginiya sa kuwarto namin ni Cloud. Dahan-dahan naman inilapag ni Moses, sa kama ko si Cloud.
"Mama, d*de ako," wika ni Cloud, na ikinataka ni Moises at tumingin sakin. Napakunot pa ang kilay ko ng sunod niyang tiningnan ang dibdib ko.
"Bakit?" inis kung tanung at tinakpan ang dibdib ko. Kinuha ko ang thermos na nasa tabi lang ng higaan namin at tinimplahan ng gatas si Cloud, at ibinigay sa kanya na agad naman nito nilagay sa bibig, habang nakapikit.
"That's not a nutritious Heaven, you should be in your breast," saad nito na ikinataas ng kilay ko.
"Breast, breast ka diyan, gusto mo lang yata makita dibdib ko eh, matagal na yan hindi nag d*de sakin si Cloud, dahil kailangan ko magtrabaho. Tiyaka malaki na si Cloud, dapat sanayin na siya sa ganyan."
"Ok fine."
"Umuwi kana tulog naman na si Cloud."
"Parang nagmamadali ka yatang pauwiin ako? Cloud said, I will sleep here," natatawang saad nito at humiga sa tabi ni Cloud.
"Hindi puwede Moises, umuwi kana," ani ko at hinila ang kamay niya para tumayo. Pero nagulat ako ng bigla itong yumakap sakin.
"Ganito muna tayo saglit Heaven," mahinang saad nito at naramdaman ko na hinigpitan pa nito lalo ang pagyakap sakin.
Bumitaw naman itong yumakap sakin na nakangiti at tumayo.
"Let's go, ihatid mo ko sa gate," saad nito at hinawakan ang kamay ko palabas ng kuwarto.
Nang makalapit na kami sa sasakyan niya, nagulat naman ako ng bigla itong humalik sa labi ko at mabilis na pumasok ng sasakyan na nakangisi.
"Goodnight Heaven, see you tommorow," nakangiting tugon nito sa akin at isinarado na ang bintana ng sasakyan at umalis.
Pumasok narin ako ulit ng makitang umalis na si Moises, bumalik ako sa kuwarto namin at tinabihan ang anak kong si Cloud, napapangiti pa ako ng maalala ang paghalik sakin ni Moises, at tiningnan ang mukha ni Cloud, na kay sarap titigan na mahimbing na natutulog. Manang-mana talaga sa ama niya.
Niyakap ko si Cloud, at ipinikit narin ang aking mga mata.
Pag gising ko sa umaga ay naghanda agad ako para pumasok sa trabaho, kinumutan ko muna ng maayos si Cloud, na mahimbing pang natutulog.
"Let's go Heaven," mahinang boses ni Vivian, ng silipin ako sa kuwarto.
Lumabas na rin ako at pinuntahan si Tita Veronica na nasa kusina.
"Tita, Ikaw muna bahala kay Cloud, aalis na kami ni Vivian."
"Ok Heaven, mag iingat kayo," tugon ni Tita Veronica, na nginitian naman ni Vivian bago lumabas ng bahay.
Pagdating namin sa Hotel ay pinuntahan ko agad si Ada na nagsimula ng maglinis sa bawat kuwarto.
Sabay naman kaming natapos ni Ada, sa paglilinis ng room, kaya sabay din kaming naghintay na bumukas ang elevator para bumaba sa ground floor.
Pagbukas ng elevator ay nagulat kami ni Ada sa nakita. Si Joshua na may kahalikang seksing babae na ang suot ay maiksing dress na kulay puti, kita naming nakataas pa ang hita nang babae habang hinahawakan ni Joshua.
Nang mapansin nilang bumukas na ang elevator ay tumigil sila sa paghahalikan, nakatitig naman akong tumingin kay Joshua dahil ang babaeng kasama niya ay hindi ang asawa niya.
Tumitig lang din sakin si Joshua at ngumiti saglit at inakbayan ang babaeng kasama niya palabas ng elevator. Binangga pa ni joshua ang balikat ko bago tuluyan lumakad papasok nang room.
Pumasok ako sa elevator na tulala.
Paano nagawa ni Joshua na makipaghalikan sa ibang babae na may asawa na ito, nakaramdam tuloy ako nang awa sa asawa niya.
Paglabas ko ng elevator sa ground floor ay rinig ko ang sigaw ni Cloud.
"Mama! mama!" sigaw nito habang tumatakbo papalapit sakin, nakasunod naman nito si Moises.
Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang empleyado at ang iba ay lumapit para magtanung at tinitigan si Cloud.
"Heaven, yan ba ang anak mo?" Tanung ni ada.
"Oo, Ada, ito nga ang anak ko."
"Anak nmin," agad namang sabat ni Moises.
"Kamukhang-kamukha mo talaga Sir," sabat naman nang isa pang empleyado.
"Tiyaka ang pogi-pogi Sir, mana talaga sa inyo," kilig namang saad ni ada.
"Thank you," ngiting tugon sa kanila ni Moises.
"Bakit mo pala sinama dito si Cloud," tanung ko sa kanya habang buhat ko si Cloud.
"Mama, sabi ni Daddy doon daw tayo matutulog sa bahay nila," wika ni cloud na ikinagulat ko.
"Ha?! Hindi puwede baby magagalit si Lolo vince mo."
"No, Mama, nagpaalam narin si Daddy kay Lolo vince pinayagan niya kami."
"Talaga? pumayag ang lolo mo?" Taka kong tanung.
"Oo, kaya hindi kana makakatanggi," ngiting saad naman ni moises sakin at tumitig.
"Oh sige, kung nakapag paalam kana pala kay lolo mo hintayin mo lang ako dito papalitan ko lang itong uniform ko."
"Ok mama."
Ilang minuto lang ay nakabalik na nga ulit ako sa kanila ni Moises, sabay naman kaming lumabas ng hotel at sumakay agad sa sasakyan ni Moises, dumiretso agad kami sa bahay niya.
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay sinalubong kami agad ni Yaya edith.
"Iha masaya ako nakabalik ka ulit dito," bungad na sabi sakin ni Yaya edith. "Ito na ba ang sinasabi mo sakin iho na anak niyo?" Tanung nito habang hinahawakan sa mukha si Cloud.
"Oo, yaya ito na nga ang anak ko si Cloud."
"Napaka-gwapong bata iho, kamukhang-kamukha mo nung bata ka pa," ngiting saad ni Yaya edith.
"Yaya, nakahanda na po ba ang pagkain? Mukhang gutom na kasi mag iina ko," dagdag pa nitong sabi na nakangiti.
"Mag ina daw?" bulong ko.
"Ah oo, halina kayo ng makakain na kayo."
Naupo nga kaming tatlo sa lamesa at pinaupo narin namin si Yaya edith.
Habang kumakain kami ay salitan kami ni Moises na sinusubuan si Cloud.
Ginanahan naman si Cloud na dalawa kami nang daddy niya na sinusubuan siya.
"One more Mama! one more Daddy!" sigaw ni Cloud, pag napapahinto kaming subuan siya kaya naparami ang kain nito.
Natapos na nga kami sa pagkain kaya tinulungan ko muna si Yaya Edith maghugas ng pinagkainan namin.
"Iha, ok lang ako na ang maghugas dito, umakyat kana sa taas ng makapagpahinga kana."
"Ok lang Yaya Edith, tutulungan na kita o di kaya ako na lang ang maghugas at ikaw na lang ang magpahinga dahil alam kung napagod ka sa pagluluto ng kinain namin kanina."
"Naku, ok lang yun iha. Sanay ako sa gawain kaya hindi ako napapagod. Alam mo iha, kagaya ka rin ng mommy ng alaga ko napakabait din nun."
"Sino po si Ma'am Sylvia po ba?" Tanung ko.
"Hindi si Ma'am Tanya, ang tunay na mommy ni sir Moises, nakakalungkot lang dahil di niya naalagaan ang alaga ko dahil kakapanganak pa lang sa kanya ay namatay na."
"Kawawa naman po, pero ang pangalawang ina ni Moises, Yaya Edith mabait din ba sa kanya?"
"Si Ma'am Sylvia, oo mabait naman sa kanya si Ma'am Sylvia, kaso habang lumalaki si Sir Moises, eh lumalayo loob niya dito iniisip kasi nito na parang dinidiktahan siya sa mga gagawin niya o ginagawa niya. Eh ayaw ng alaga ko ng ganun kaya hindi ito nauuwi sa bahay nila lagi ito sa hotel umuuwi kaya ito nagpagawa na din siya ng sarili niyang bahay."
"Ung daddy naman po ni Sir Moises po, mabait din po ba?"
"Oo mabait si sir Joseph, kaso minsan nadidiktahan ni Ma'am Sylvia. Oh tapos na pala tayo naghugas iha, sa kakadaldal ko hindi ko namalayan na tapos na pala natin nahugasan ang mga hugasin," natatawang saad ni Yaya Edith. "Umakyat kana iha."
"Opo, Yaya Edith, aakyat na po ako salamat po."
Umakyat na nga ako at sinilip ko agad ang kwarto ni Moises, kita kong naglalaro sila ng video games na mag Ama. Pumasok ako at naupo sa sofa habang tinitingnan silang mag ama, natatawa ako pag humagikhik ng tawa si Cloud tuwang tuwa ito sa kanyang ama.
Napatitig naman ako kay Moises, na nag enjoy din na nilalaro ang anak niya, nilibot ko ang paningin ko sa room ni Moises, malaki ang pinagbago nito kaysa nung una kung pasok sa room niya. Ngayon ay may mga display na itong collection na mga robot nang avengers, at car collection sa kuwarto niya at mukhang mga bago pa talaga ito, lihim naman akong natuwa dahil alam kung para kay Cloud iyun.
Isang oras nilang paglalaro ng video games ay nanood naman ng movie na cartoon ang mag ama, habang nanonood si Cloud ay nakahiga ito sa hita ko, ilang minuto lang ay nakita kung nakatulog na ito.
"Moises, buhatin mo na lang si Cloud papunta doon sa guest room."
"Bakit mo pa dalhin sa guest room puwede naman matulog si Cloud, katabi natin," pilyong saad ni Moises.
"Anong natin? Doon ako matutulog sa guest room sige na buhatin muna si Cloud at ihiga sa kama mo ng makalabas narin ako dito."
Agad namang binuhat ni Moises si Cloud at dahan-dahan nilapag sa kama niya kinumutan ko naman si Cloud.
"Sige aalis naku, medyo malikot yan si Cloud ha, minsan umiiyak pa yan sa madaling araw tapikin mo na lang yung hita niya nang makatulog ulit," ngiti kung saad kay Moises at tumalikod na para lumabas ng bigla niyang hinarangan ang pinto.
"Dito ka na lang matulog, sa gitna si Cloud sa'tin dalawa," mahinang saad niya.
'"Hindi kayo na dito, doon na lang ako sa guest room."
"Bakit iniiwasan mo ba akong katabi dahil baka hindi mo mapigilan ang sarili mo?" natatawang tanung ni Moises sakin.
"Ano, baka ikaw ang hindi makapagpigil sa sarili mo," agad ko namang sabat sa kanya.
Gulat naman ako ng bigla niya kong hinalikan sa labi at hinawakan pa nito ang likod ng ulo ko, para mapadiin ang labi niya.
"Moises," mahina kong sabi sa kanya para tumigil siya sa paghalik.
"Sabik na sabik naku ulit na halikan ang mga labi mo Heaven, ung pareho tayong hindi nakainom," bulong nito sakin at muling humalik. "Gusto ko na hindi mo makalimutan kung gaano ako kasarap humalik," ngiting saad nito at kinagat ang ibabang labi ko. Kaya napaawang ko ito na mabilis naman niya ipinasok ang dila niya at iginalugad sa loob ng bibig ko, ramdam ko ang mainit na dila niya sa loob ng bibig ko.
Natigil ang halikan naming iyun ng marinig namin ang tawag ni Cloud.
"Mama, Daddy, nasan kayo!" sigaw nito.
"Baby nandito lang kami ng Daddy mo," agad kung sabi kay Cloud at nilapitan siya para tapikin, umupo narin si Moises sa tabi ni Cloud, ako naman ay nasa kabila.
"Heaven, dito kana matulog ha,"ulit nitong sabi.
Maya maya ay nakatulog na nga ulit si Cloud, kita kong nakapikit narin ang mga mata ni Moises. Kaya dahan-dahan na lang akong humiga sa tabi ni Cloud.
Ilang sigundo lang ng pagkahiga ko ay biglang tumagilid si Moises at niyakap kaming dalawa ni Cloud.
Gulat ako naman ako ng magising sa umaga na magkayakap kami ni Moises, tiningnan ko si Cloud ay wala na ito kaya agad akong bumangon ng bigla akong niyakap ni Moises, pabalik sa higaan at tinitigan ako.
"Moises si Cloud? wala na dito kaya tatayo na ko," nagpumiglas kong sabi sa kanya.
"Wag kang mag alala na kay Yaya Edith si Cloud," bulong nito.
"Heaven, masaya ako dahil kasama ko kayo ngayon ng anak ko," ngiti nitong saad.
"Ok ako din masaya," sabi ko at pinilit kunin ang kamay niyang nakayakap para tumayo kaso mahigpit ang pagkakayap niya sakin. "Moises bitawan mo ko baba nku para puntahan si cl__"
Hindi ko natapos ang sinabi ko nang bigla na naman niya akong hinalikan at dumapa na sakin.
"Moises anong ginagawa mo?"
" Gagahasain ka para pumayag ka ng pakasal sakin," agad nitong sabi at patuloy sa paghalik sa labi ko maalab na halik ang binigay sakin ni Moises, kaya napapikit na lang ako pero tinigil ni Moises ang paghalik sakin at humagikhik ito ng tawa at umalis sa ibabaw ko.
"Nainlove kana ba sakin Heaven?" natatawang tanong nito.
"Hindi pa! mas lalo mo lang akong pinainis!" sigaw ko at mabilis na lumabas sa room niya.
"I Love You Heaven!" rinig kong sigaw ni Moises.
Pabagsak ko naman isinirado ang pinto niya at bumaba na para puntahan si Cloud.
"Mahal daw, pero lagi akong niloloko," saad ko sa sarili.