Episode 14

1280 Words
Third Person's POV, Tatlong araw lang ang inilagi ni Joshua sa ospital ay pinalabas na ito nang doktor. Pagkatapos suriin ang buo niyang katawan kung may damage ba ito, dahil sa pagsalpok ng sasakyan niya sa isang malaking truck, mabuti na lang daw ay mild lang ang natamo nitong pasa sa ulo at sa katawan nito. Pagkalabas ni Joshua sa ospital ay dumiretso agad ito sa King Hotel, gusto niyang kausapin ulit si Heaven. "Hindi ako naniniwala sa sinabi mo Heaven, alam kung mahal mo parin ako," bulong nito sa sarili habang nagmamaneho ng sasakyan niya. Maya-maya ay narating na nga niya ang King Hotel, pagbukas niya sa entrance nang hotel ay tuloy-tuloy lang ang lakad niya at hindi pinansin ang mga empleyadong bumati sa kanya. Kita niyang nakayukong nakatalikod na naglilinis sa Hall way si Heaven. Mabilis siyang lumakad papalapit kay Heaven at niyakap niya agad ito. Gulat naman ang lahat nang empleyado sa nakitang pagyakap ni Joshua kay Heaven. Ganun din si Heaven ay nagulat din ito kung sino ang yumakap sa kanya.. "Heaven, miss na kita sobra, please sabihin mo sakin na mahal mo parin ako, kahit may anak na kayo ni Moises, tatanggapin ko ang anak niyo," mahinang saad ni Joshua habang nakayakap sa kanya. Bumitaw naman si Joshua sa pagkakayakap niya kay Heaven nang humarap ito sa kanya. "Huli na ang lahat Joshua, matagal din kitang hinintay, dalawang taon din kitang hinintay na bumalik para sabihin sayo ang tungkol kay Cloud. Para sabihin sayo na nabuntis ako nang iba, pero hindi ka bumalik. Tama lang din naman na hindi ka bumalik dahil ang ama pala nang anak ko ay kapatid mo, siguro ito ang kapalaran natin Joshua. Hanggang doon na lang yun kalimutan muna ako, katulad noong hinintay kita ipagpatuloy mo ulit ang buhay mo na wala ako," saad niya kay Joshua. "Heaven, sabihin mo sakin, mahal mo ba si Moises? Mahal mo ba siya?" "Im sorry Joshua," yun lang ang naisip niyang isagot sa tanung ni Joshua dahil di niya alam kung ano pa ang isasagot niya. "Siguro nga mahal mo siya," tugon ni Joshua sa kanya at tumango tango itong tumalikod na at mabilis na lumabas ng hotel. "Om! Si Heaven, pala ang sinasabi nila na kinababaliwan ni Sir Joshua," rinig niyang sabi ng kasamahan niya. "Rinig niyo rin ba ang usapan nila, parang sinasabi ni Sir Joshua, na may anak sila ni Heaven at Sir moises." "Ay, magkapatid pala ang magkaagaw kay Heaven, ang haba ng hair girl! rinig pa niyang usap usapan ng mga empleyado ng makitang lumabas na si Joshua sa hotel. Tinalikuran niya na lang ang mga ito at pinagpatuloy ang ginagawa. Ilang araw ang lumipas ay rinig niya ang usap usapan ng ibang empleyado sa hall way ng hotel na kinasal na si Joshua at Sanya. Nilakasan pa nito ang mga boses nila, para siguro siguradong marinig niya. Hinayaan niya na lang at pinag patuloy ang lakad niya para simulan ang paglilinis sa isang room. Pagbukas niya sa isang room ay gulat siya na nandoon sa loob si Moises na may dalang boque ng flowers. "Moises,vanong ginagawa mo dito?" bungad niyang tanung. "Manliligaw sayo, Flowers for you mahal!" ani nito at iniabot sa kanya ang dala nitong boque. "Moises, puwede mo namang hindi totohanin ang sinabi mo kay papa na ligawan ako basta maging mabuting ama ka lang kay Cloud, puwede naman tayo maging kaibigan at karamay sa pagpapalaki kay Cloud. Hindi mo kailangan gawin to," seryosong saad niya kay moises. "Ayoko! Kungakala mo hindi ako seryoso sa sinabi ko, puwes nagkakamali ka. Dahil gagawin ko ang lahat mapaibig lang kita at pumayag kang pakasalan ako." "Kahit mapa ibig mo ko, hindi parin puwede na pakasalan mo ko. kapatid ka ni Joshua, at siguradong tutol ang mga magulang mo na pakasalan ako. Kaya kalimutan muna yang plano mo." "Hindi nila ako mapipigilan sa plano ko Heaven, trust me! Hindi ako susuko sayo hanggat hindi ka pumayag na pakasalan ako." "Hindi mo ba nakikita noon, ang galit sakin ng mommy mo, kaya tumigil kana. Tiyaka lumabas kana rito para maipagpatuloy ko na ang paglilinis ko dito." "Wala akong pakialam kay Sylvia, Heaven, hindi niya ako mapipigilan at wala siyang karapatan na diktahan ako kung anong gagawin at gusto ko, she's not my real mom anyway." "Ano? Hindi mo tunay na ina ang mommy ni Joshua?" "Yes, ang totoo kung ina ay namatay nung pinanganak ako, yaya ko lang ang nag alaga sakin. Dalawang taon ako ng mag asawa ulit si Dad at yun ang mommy ni Joshua. Kaya nga pangalan ko lang ang nakapangalan sa hotel na ito dahil ito ang pamana ng mommy ko, pinalago ko lang at nirenovate. Kaya hindi ako madidiktahan ni Sylvia kung anong gusto ko, at kahit ano pang dahilan mo hindi kita susukuan hanggang sa mahalin mo rin ako at pumayag kang pakasalan ako." Pagkatapos iyun sabihin ni Moises ay agad siya nitong niyakap. At bumulong sa tainga niya. "Payakap muna, dahil pag napaibig na kita maangkin ko ulit ang mga labi mo," ngiting saad nito pagkatapos ay bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kanya at umalis ng room. Naiwang tulala si Heaven sa ginawa at sa sinabi ni Moises, bigla niyang naramdaman ang lakas ng pintig ng puso niya. Pagkatapos nang work niya sa hotel ay kita niyang nasa labas ng hotel si Moises. "Heaven, hatid na kita, gusto ko dalawin ang anak natin," wika nito sa kanya pagkalabas niya nang hotel. Lumapit na lang siya dito at agad siyang pinagbuksan ng pinto, kaya naupo na lang siya sa sasakyan. Gusto rin naman siya makita ni Cloud.. Kahit na araw araw naman silang nagkita ay panay parin ang tanung ni Cloud kung anong oras pupunta ang ama niya. "Heaven, gusto ko sana doon na kayo tumira sa bahay ko, dalawa lang naman kami ni yaya edith sa bahay ko." "Ha?! Gulat niyang tanung dito. "Hindi pa nga kita sinagot at pinahirapan sa panliligaw mo at hindi mo pa nga ako napaibig, gusto muna kaming itira sa bahay mo." "Hindi pa ba? Kung puwde lang naman! Siyempre, kahit doon na kayo tumira sa bahay ko, araw araw parin kitang liligawan. Gusto ko kasi pag gising ko sa umaga, kayo ni Cloud ang una kung makikita." Napapangiti na lang si Heaven sa sinabi ni Moises. "Oh ngumiti ka, ibig sabihin ba payag ka na?" natatawa nitong tanung. "Hindi ah, tiyaka hindi papayag si papa sa plano mo." ani ko at ibinaling ang tingin sa bintana. Hindi nila namalayan dahil sa usapan nila ni Moises, ay nasa harap na pala sila ng bahay, kita nilang lumabas agad ng pinto si Cloud. Pagbaba ni Moises ay agad itong niyakap ni Cloud na nagpakunot naman agad sa noo ni Heaven. "Bakit si Daddy mo agad ang niyakap mo baby, hindi si Mama? hindi mo na ba love si mama, dahil may daddy kana?" Lambing niyang tanung kay Cloud ng marinig ang sinabi niya ay agad naman bumitaw sa pagkakayakap si Cloud sa kanyang ama at mabilis na yumakap kay Heaven. "Siyempre mama, Im always love you," saad naman agad ni Cloud sa kanya. "I love you too baby." "I love you Daddy! sigaw naman ni Cloud kay Moises. Na nagpangiti naman sa kanya. "I love you too son, puwede mo ba ako tulungan ligawan si Mommy mo Son?" Nakangiti namang saad ni Moises kay Cloud. "Mama, sagutin muna si Daddy please!" sabi ni Cloud na nagpatawa ng malakas kay Moises. "No, Baby! Kailangan muna pahirapan ng mama mo si Daddy mo nuh, mabilis ka nga lang ginawa ni daddy mo, kaya ngayon kailangan niyang bumawi," agad namang sabat ni Vivian na kanina pa pala nakatayo sa pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD