Third Person's POV,
Nakita sila Vivian, sa kanilang pinagtataguan kaya mabilis silang tumakbo ni Cloud.
Kaso naabutan sila at nahawakan ang braso ni Vivian.
"Bitawan niyo ko, mga sira ulo kayo!" Sigaw ni Vivian at mabilis na hinarangan si Cloud, para hindi ito mahawakan nang dalawang bodyguard ni Sylvia.
"Cloud, go run and hide! Faster baby! Sabi ni Vivian, kay Cloud na lumuluha na ito.
Mabilis naman tumakbo si Cloud na umiiyak.
"Mama..! mama!" saad nito habang tumatakbo.
Hinawakan naman agad ni Vivian, ang dalawang bodyguard para hindi nito masundan si Cloud, kaso bigla siyang itinulak.
Kinuha niya ulit ang phone niya at tinawagan si Heaven.
Ring..
Ring.. dalawang ring lang ay sumagot na si Heaven.
"Hello Vivian, sorry! ngayon ko lang__"
Hindi na natapos ni Heaven ang sinabi ng marinig niyang nagsalita si Vivian na umiiyak.
"Heaven, bilisan mo pumunta ka dito sa park ung mommy ni Joshua, gustong kunin si Cloud, hinahabol ngayon ng dalawang bodyguard ng mommy ni Joshua si Cloud," umiiyak na saad ni Vivian.
Dahil sa narinig ni Heaven ay nabitawan niya ang hawak niyang baso sahig at agad hinubad ang suot na apron at mabilis na lumabas nang bahay.
Sa patuloy na pagtakbo ni Cloud nakarating siya sa maliit na tulay na lubid sa park habang umiiyak at tinatawag ang pangalan ng mama niya.
"Apo, Baby Cloud, halika dito ako ang lola mo," tawag ni Sylvia na nasa dulo ito ng tulay, habang si Cloud naman ay nasa gitna.
"Mom!" tawag ni Joshua sa mommy niya habang papalapit ito. "Anong ginagawa niyo, baka mapano ang anak ko."
"Kinukuha ko nga ang anak mo, kaya bilisan mo kunin mo si Cloud," utos ni Sylvia kay Joshua.
Dahan-dahan namang lumakad si Joshua papalapit kay Cloud.
"Baby, come here, ako ang daddy mo, wag kang matakot, lumapit ka kay daddy."
Habang lumalapit si Joshua ay dahan dahan namang umaatras si Cloud.
Natigil naman sa paglalakad si Joshua papalapit kay cloud nang marinig ang sigaw ni Moises.
"Tigilan niyo ang anak ko!" sigaw nito na nasa kabilang dulo naman.
"Anak? Anong anak Moises?" Takang tanung ni Joshua.
"Hindi mo anak si Cloud, Joshua! Ako ang ama ni Cloud."
"Ano ba yang pinagsasabi mo Moises?!Ibig sabihin pinagsabay kayong magkapatid ng babaeng yun?" Sigaw naman ni Sylvia.
"Hindi! Ako ang unang nakilala ni Heaven sa cebu at may nangyari samin bago ako bumalik ng maynila. Kaya ako ang ama ni Cloud."
Pagkatapos iyun sabihin ni Moises ay ibinaling niya ang tingin kay Cloud.
"Baby, naalala mo pa ba ako? Doon sa ospital remember?"
Tumitig naman saglit si Cloud kay Moises at tumango at ngumiti kay Moises.
"Come here baby, Im your daddy," maluha-luhang sabi ni Moises kay Cloud.
Naabutan naman ni Heaven ang ganung eksen, tanaw niya sa malayo na nasa gitna nang tulay ang kanyang anak at palipat-lipat ang tingin nito. Habang nasa magkabilaang dulo naman sila Moises at Joshua.
Tumakbo naman si Heaven papunta sa kanila habang tumutulo ang luha dahil naaawa siya sa anak niya.
"Wala, kayong karapatan papiliin si Cloud," bulong niya sarili habang papalapit kay Cloud.
"Cloud, baby!" sigaw ni Heaven at mabilis na tumakbo papalapit kay Cloud at agad niya itong binuhat.
"Mama, mama!" iyak namang saad ni Cloud at yumakap nang mahigpit kay Heaven.
Sabay namang lumapit kay Heaven sila Joshua at Moises.
"Heaven, sabihin mo sakin ang totoo, Sino ang ama nang anak mo?" Tanung ni Joshua sa kanya. "Sabihin mong hindi totoo ang sinabi ni Moises, sabihin mo!"
"Sorry Joshua, pero totoo si Moises ang tunay na ama ni Cloud."
"Malandi kang babae ka, pinagsabay mo ang dalawang magkapatid!" sigaw naman ni Sylvia. At malakas na sampal ang ginawa ni Sylvia kay Heaven.
"Haliparot ka!"
"So ibig sabihin Heaven, hindi ako ang nanloko sayo o nanakit, ikaw ang nanloko sakin?" Tumutulo ang luha ni Joshua nang tanungin niya iyun kay Heaven.
"Oo, ganun na nga! Ako ang nanloko sayo," agad na sabat ni Heaven kay Joshua para matigil na ito.
Pagkatapos iyun marinig ni Joshua, ay dahan-dahan siyang umatras at tumalikod at mabilis na tumakbo, sumakay agad ito sa kanyang sasakyan at mabilis na pinaharurot.
Tumulo naman ang luha ni Heaven ng makitang nasaktan si Joshua.
Pero yun naman ang totoo na dapat niyang malaman.
"Moises, tandaan mo! Kahit may anak pa kayo ng babaeng to, hindi kami papayag nang daddy mo na makasal ka sa babaeng yan!" sigaw ni Sylvia.
"Wala kayong karapatan na pigilan ako, kung ano disesyon ko, hindi ako maging sunud-sunuran sa inyo ni daddy, umalis kana," tugon naman ni Moises, at tinalikuran si Sylvia.
Mabilis naman tumalikod si Sylvia, nang marinig ang sinabi ni Moises.
Pagkaalis ni Sylvia ay agad na lumapit si Moises kay Heaven.
"Heaven, totoo ba talaga na ako ang ama ni Cloud?" nakangiti niyang tanung kay Heaven.
"Oo, ikaw nga! si Cloud, ang bunga ng gabing iyun, pero tandaan mo Moises, wag niyong balakin nang mommy mo na ilayo sakin si Cloud, dahil kung hindi. Hinding-hindi mo makikita si Cloud kahit kailan."
"Hindi mangyayari, yun Heaven! hindi ko mapapayagan yun, puwede bang pabuhat sa anak ko Heaven," tanung ni Moises, na lumuluha. Hindi niya akalain na ama na pala siya.
Tumango si Heaven at ibinigay si Cloud kay Moises.
"Cloud, siya ang daddy mo," ngiting sabi ni Heaven kay Cloud.
"Really mama? Siya ang daddy ko?" Ngiting tanung naman ni Cloud.
"Oo baby, Ako ang daddy mo."
Nakangiti namang tumingin lang sila Domer at Vivian habang papalapit kila Heaven.
"Heaven, umuwi na tayo at i-celebrate na natin ang birthday ni Cloud, baka lumamig na yung pagkain na niluto mo," ngiting saad ni Vivian.
Kaya marahan namang tumango at ngumiti si Heaven.
"Moises, halina muna kayo, sumama muna kayo sa bahay, para icelebrate ang birthday ni Cloud," ani ni Heaven na tinanguan naman ni Moises.
Naglakad sila papunta sa sasakyan kung saan ito nakapark, habang buhat parin ni Moises ang kanyang anak. Sumakay sila sa sasakyan ni Moises, at si Domer ang nagmamaneho. Nasa harapan naman naupo si Moises, habang nakakandong si Cloud. Nasa backseat naman sila Vivian at Heaven.
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa bahay nila Vivian.
Natahimik naman sila ng biglang lumabas nang kuwarto ang papa ni Heaven, at tinitihan si Moises.
" Nalaman muna na ikaw ang ama nang apo ko?" bungad na tanung nito pagkakita kay Moises. "Ikaw ang tinatawag noon ni Heaven, na pogito hindi ba'? Ngayong alam muna anong plano mo?" Sunod-sunod na tanung kay Moises.
"Plano ko pong, ligawan si Heaven, Hanggang sa mapapayag ko siyang pakasalan ako, para magkaroon nang kumpletong pamilya ang anak namin at mamuhay nang masaya, gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang ang anak ko at si Heaven," seryosong saad ni Moises na nagpahinto sa ginagawa ni Heaven at napapa-ngiti siya sa narinig kay Moises.
"Matino din pala minsan mag isip si Pogito, dahil naisip niyang bigyan nang masayang pamilya ang anak namin," bulong ni Heaven sa sarili.
"Mabuti kung ganun, at sana may isang salita k. Dahil kung hindi hanggang sa huling hininga ko gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang ang aking anak at apo," matapang na saad nang ama ni Heaven.
"Oh siya, tama na yan Kuya Vince, baka mapano ka. Kakalabas mo lang ng Ospital," sabat naman ng Tita Veronica para tumahimik na ang Ama ni Heaven.
"Nasaan na ang cake? Kunin niyo na!" saad nito kaya kinuha naman agad ni Vivian ang cake ni Cloud.
Pagkatapos nilang kantahan si Cloud, ng birthday song ay pina wish na nila si Cloud.
"Baby, blow your candle and wish," sabi ni Heaven sa anak.
"Ang wish ko Mama, natupad na! na makita at makasama ko ang daddy ko, nandito na siya!" ngiting sigaw ni Cloud at itinuro si Moises.
Pareho namang napaluha si Heaven at Moises sa sinabi ng anak nila.
"Ang wish ko na lang na sana hindi na aalis si daddy."
"Hindi na baby,;hindi kana iiwan ni daddy," agad namang sabat ni Moises sa anak.
"Ok baby, blow the candle na, blow the candle! sigaw naman ni Vivian.
Pagkatapos ay isa-isa nilang inabot ang regalo nila kay Cloud.
"Baby, si Daddy walang dalang regalo ngayon, pero promise bukas may regalo na si Daddy," ngiting saad ni Moises sa anak.
Natapos na nga ang birthday ni Cloud, kaya nagpaalam narin si Moises na umuwi na, nakita niyang tulog na si Cloud.
"Heaven, masayang-masaya ako ngayon na nalaman kung ako ang ama ni Cloud.
Maraming salamat dahil binigyan mo ko nang pagkakataong makilala at makasama ko ang anak ko."
"Oo, basta maging mabuting ama ka lang kay Cloud."
"Oo naman, at tandaan mo rin sisimulan ko na ang panliligaw ko sayo, o di kaya kung payag ka, pakasal na agad tayo, tutal may anak naman na tayo."
"Ayoko nga! gusto ko ligawan mo muna ako at iparamdam na talagang seryoso ka sakin at mahal mo ko, ayokong isipin na napilitan ka lang na pakasalan ako dahil nalaman mong may anak tayo," agad namang sabat ni Heaven.
"Ok, sige! Kung yan ang gusto mo. Liligawan kita at hindi titigilan,hangga't sa mapasagot kita," ngiti namang saad ni Moises.
"Tara! Moises, uwi na tayo," yaya ni Domer.
Kaya pagkatapos nilang magpaalam kila Heaven at Vivian ay umalis narin ito.
Kinaumagahan sa hotel habang naglilinis si Heaven ay narinig niya ang usap-usapan ng mga katrabaho niya.
"Hoy, nabalitaan niyo ba? Naaksidente daw si Sir Joshua, nasa ospital pa daw ngayon."
Dahil sa narinig ni Heaven, ay agad niyang nabitawan ang Vase na hawak niya at nabasag, gulat namang nakatingin sa kanya ang mga katrabaho niya.
Mabilis naman pinulot ni Heaven ang basag na vase, at hindi alintana na nasugatan na siya nito patuloy parin siya sa pagpulot nang basag na vase.
Nakita naman iyun ni Moises at agad hinawakan ang kanyang kamay para matigil sa ginagawa. Inalalayan siyang tumayo ni Moises at dinala sa isang room at ginamot ang sugat nito..l
"Moises, kasalanan ko ba ha? Kasalanan ko ba kung bakit naaksidente si Joshua? Moises, sabihin mo sakin ok lang si Joshua hindi ba?" Tanung niya kay Moises habang tumutulo ang luha.
"Oo, Ok lang si Joshua, wag ka ng mag alala. Ilang araw lang makakalabas na si Joshua sa ospital," agad namang tugon ni Moises. Kahit na nasasaktan siyang makita kung gaano nag alala si Heaven kay Joshua.
"Humanda kang babae ka,nang dahil sayo muntik ng mapahamak ang anak ko. Pagsisihan mo ang ginawa mo," taas noo namang saad ni Sylvia sa sarili, habang tinitingnan si joshua na natutulog sa kama nang ospital.