Third Person's POV,
Pagkatapos iyun marinig ni Moises, kay Domer, ang tungkol sa anak ni Heaven ay agad itong tumayo sa kina-uupuan.
"Oh, ba't tumayo ka saan ka pupunta?" tanung ni Domer, ng makita si Moises na mabilis kinuha ang susi ng sasakyan niya at cellphone na naka lapag sa lamesa.
"Pupuntahan ko si Heaven, gusto ko kumpirmahin kung sino nga ba ang ama nang anak niya."
"Don't tell me, nagdududa ka na, baka ikaw ang ama? Bakit may nangyari ba sa inyo noon ni Heaven?"
"Basta, mahaba-habang usapan to, nextime ko na lang ikuwento, mauna naku sayo lumabas rito."
Pagkatapos iyun sabihin ni Moises kay Domer, ay iniwan na niya ito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Ilang minuto lang ay tanaw na sana ni Moises, ang gate nang bahay ng pinsan ni Heaven. Nang bigla niyang napahinto ang sasakyan niya sa nakita.
Habang nasa loob siya nang sasakyan niya tanaw niya ang pagyayakapan ni Heaven at Joshua sa labas nang gate.
Napatitig siya saglit at mabilis na inatras ang sasakyan at pinaharurot ulit pabalik sa bar.
"Kung ganun, Si Joshua, nga ang ama ng anak ni Heaven, nagka anak silang dalawa. Simula't simula pa lang, sila nga ni Joshua at Heaven, ang para sa isa't isa, wala akong karapatan na mahalin si Heaven," bulong ni Moises, sa sarili habang pinipigilan ang pagluha nang kanyang mga mata.
Gulat naman si Heaven, sa biglang pagyakap sa kanya ni Joshua, pagkalabas pa lang niya ng gate, niyakap na siya nito nang napakahigpit.
"Heaven, nalaman ko nagka anak tayo, Heaven! may pag-asa na mag sama tayo ulit, kasama ang anak natin. Pakakasalan kita Heaven, gusto ko bigyan natin nang kumpleto at masayang pamilya ang anak natin," nakangiting tugon ni Joshua habang niyakap si Heaven ng mahigpit.
Mabilis namang itinulak ni Heaven si Joshua, sa pagkakayakap, dahil nagtataka ito sa sinasabi pano nalaman nito na may anak siya.
"Ano bang sinasabi mo Joshua? Oo may anak nga ako pero hindi ikaw ang ama. Kung pakakasalan mo lang ako dahil akala mong ikaw ang ama nang anak ko. Nagkakamali ka! Hindi ikaw ang ama nang anak ko, tuluyan muna akong kalimutan at pakasalan muna ang fiance mo," ani ni Heaven at mabilis na pumasok ulit ng gate.
"Hindi ako naniniwala sayo, Heaven! Alam kung ako ang ama nang anak mo, sinasabi mo lang sakin yan dahil galit ka sakin, sa hindi ko pagbalik sayo, hindi ako susuko Heaven. Hangga't sa mapatawad mo ako," sigaw ni Joshua habang nasa labas ng gate.
Pagbalik ni Heaven, sa loob nang bahay nila ay agad siyang sinalubong ni Vivian.
"Tama bang narinig kong sigaw ni Joshua? Nalaman niya ang tungkol kay Cloud?" bungad na tanung nito.
"Oo, natatakot ako Vivian, paano kung malaman rin ni Moises at ilayo niya sakin ang anak ko," lumuluhang saad ni Heaven.
"Psst, wag mong isipin yan diba, sabi nga ni Moises, na gusto ka niyang ligawan pag nalaman niyang may anak kayo, mas lalo ka niyang mamahalin at hindi niya ilalayo sayo si Cloud," saad naman ni Vivian habang yakap niya si Heaven.
"Pero, kapatid niya si Joshua, Vivian.
Magkapatid silang dalawa!"
Sumapit na nga birthday ni Cloud, kaya maaga pa lang ay gumising na si Heaven para ihanda ang lulutuin niya sa kaarawan ng anak. Inutusan niya muna si Vivian, na ipasyal muna si Cloud sa park para pagbalik nito ay masopresa ito. Sila lang naman ang magdiriwang sa kaarawan ni Cloud, dahil wala pa naman sila kakilala at wala pang kaibigang bata si Cloud.
Nasa park na nga sila Vivian at Cloud lahat nang laro sa park ay sinakyan ni Cloud, tuwang-tuwa naman itong nakipaglinyahan sa mga batang kasama para mag slide.
"Yey!" sigaw ni Vivian, nang makitang nakangiti sa kanya si Cloud habang nag slide. Galing-galing naman nang birthday boy namin," sabi ni Vivian at niyakap si cloud.
"Baby Cloud, doon muna tayo maupo para magpahinga ka muna para mapunasan ko yang likod mo,oh ang pawis pawis na," ngiting saad ni Vivian.
Gulat naman si Vivian, nang biglang may humarang sa dinadaanan nila.
Si Sylvia, at kasama ang dalawang bodyguard nito.
"Ma'am, Sylvia, bakit po kayo nandito?"
"Nandito ako para makita ang apo ko at makilala," agad nitong sabi at akmang lalapit kay Cloud.
Mabilis naman nagtago si Cloud sa likuran nang tita Vivian niya.
"Ma'am, Sylvia, nagkakamali po kayo, hindi niyo po apo ang pamangkin ko."
"Sinong niloloko niyo? Alam kong anak ni Joshua, ang batang yan, kukunin ko ang apo ko ngayon at dadalhin namin sa america kasama nang lolo niya. Pakisabi na lang kay Heaven, na ako na ang mag aalaga sa apo ko, dahil sisiguraduhin kong makapag-aral sa magandang eskuwelahan ang apo ko at mapalaki ko nang maayos. Kunin niyo na ang bata," agad na utos nito sa dalawang bodyguard niya.
Lalapit na sana ang mga ito kay Cloud, pero mabilis naman sila itinulak ni Vivian, at binuhat niya agad si Cloud at tumakbo papalayo kay Sylvia.
"Habulin niyo at kunin ang apo ko!sigaw nito.
Tumakbo nang tumakbo si Vivian nang may makitang malaking puno ay huminto sila at doon nagtago," tinawagan niya agad si Heaven.
Ring..
Ring..
Ring.. pero hindi nasagot ni Heaven dahil busy ito sa pagluluto.
Naisipan na lang ni Vivian, tawagan ang nobyo na si Domer.
Ring..
Ring.. Dalawang ring lang ay sumagot naman agad si Domer.
"Domer, domer, tulungan mo kami hinahabol kami nang mga tauhan ni Ma'am Sylvia, gusto nilang kunin si Cloud," iyak nitong saad kay Domer.
"Ha? si Tita Sylvia? Bakit naman niya kukunin si Cloud?"
"Akala niya anak ni Joshua si Cloud, pero hindi si Moises, ang ama ni Cloud, gusto nilang kunin si Cloud at ilayo kay Heaven. Domer, bilisan mo sabihin mo kay Sir Moises, na puntahan kami dito sa park para mapigilan niya si Ma'am Sylvia.
"Ok, ok.. Hintayin mo kami diyan." tugon ni Domer kay Vivian, ng inioff na niya ang phone ay naisipan niyang batukan ang sarili.
"Anong ginawa ko, bakit ko din sinabi kay Domer, na si Sir, Moises, ang ama ni Cloud, eh ganun parin apo parin ng matandang bruhang Sylvia, na yun si Cloud," bulong ni Vivian sa sarili.
Pagkatapos makausap ni Domer si Vivian, ay agad niya pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay ni Moises.
Pagkababa niya ng sasakyan ay agad siyang dumiretso sa kuwarto nito, kita niya sa loob na nakakalat ang mga bote ng wine at mahimbing pang natutulog si Moises.
"Moises, Moises, bilisan mo bumangon ka diyan, kailangan ka ng anak niyo ngayon ni Heaven! sigaw ni Domer kay Moises at hinhila ang kamay nito para tumayo.
Nang marinig iyun ni Moises ang sinabi ni Domer ay agad siyang tumayo.
"Anak? Anak namin ni Heaven?"
"Oo, sabi ni Vivian, anak mo daw si Cloud at hindi kay Joshua, kaya bilisan mo magbihis ka puntahan natin sa park sila Vivian at ang anak mo, hinahabol daw sila ng mga tauhan ni Tita Sylvia, at kukunin ang anak mo at ilalayo kay Heaven.
Nang marinig iyun ni Moises ay agad siyang tumayo, nagsuot ito agad nang pantalon at kumuha lang ng jacket.
"Tara, Domer!"
Mabilis naman agad sila sumakay ng sasakyan at parang lilipad na ito sa sobrang bilis nang pagmamaneho ni Moises.