Episode 11

1326 Words
Third Person's POV, Maagang pumasok si Moises, sa King Hotel. Marami kasi itong kailangan tingnan at pirmahan na mga papeles sa office niya sa King HOtel. Wala siyang lingon-lingon na pumasok sa elevator kahit binabati na siya nang ibang mga empleyado niya sa hotel, dahil busy ito sa kausap niya sa phone saka naman niya inoff ang phone niya nang makapasok na siya sa elevator. Pinindot niya agad ang floor kung nasaan ang office niya, napakunot naman ang kilay niya nang biglang bumukas ulit ang elevator. Kita niya sa labas nang elevator si Samantha, ang dating nobya at ang babaeng tatlong beses niyang niyayang pakasalan. "Babe," mahinang boses na saad nito sa kanya, mabilis itong pumasok sa elevator at agad siyang niyakap. "Babe, bumalik na ko, handa na kung pakasalan ka kahit anong oras, mahal na mahal parin kita," sabi nito at mahigpit na yumakap sa kanya. Agad naman niya hinawakan ang kamay ni Samantha, para kunin sa pagkakayakap sa kanya nang bigla na naman bumukas ulit ang elevator. Kita naman niya sa labas si Heaven, na nanlaki ang matang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Samantha, na magkayakap. "Sorry, sa kabilang elevator na lang ako," agad na sabi ni Heaven na nakangiti sa kanila at mabilis na tumalikod, bago pa makahakbang si Heaven, ay mabilis naman kumilos si Moises, at agad hinila ang damit ni Heaven. Papasok sa loob nang elevator at inakbayan niya ito at humarap kay Samantha. Gulat namang nakatingin sa kanilang dalawa si Samantha. "Samantha, meet my fiance siya ang babaeng mahal ko ngayon at ang babaeng pakakasalan ko." Nanlaki naman ang mata ni Heaven sa narinig niya kay Moises. "Nababaliw naba ang lalaking to, fiance daw niya ko? Gagawin pa kong palusot," bulong naman ni Heaven sa sarili habang tinitingnan si Samantha. Napatingin naman sila ulit sa pinto nang elevator nang bigla naman ulit ito nagbukas at bumungad nito si Joshua at ang fiance nitong si Sanya. Napatitig naman agad si Joshua sa kamay ni Moises, na naka akbay kay Heaven, at dumiretsong pumasok sa elevator at tumayo sa likuran nila. Mas lalo namang hinigpitan ni Moises ang pag akbay niya kay Heaven na halos yakapin na niya ito. Na nag-patitig naman sa tatlong nasa likuran nila. Dahil sa inis ni Heaven kay Moises,ay pasimple niya itong kinurot sa tagiliran, kaya habang nasa loob pa sila nang elevator ay tiniis ni Moises ang kurot ni Heaven sa kanya. "Sir Moises, bitawan muna ko ditong floor na ako lalabas," mahinang boses na sabi ni Heaven sa kanya. Agad naman binitawan ni Moises si Heaven, nang bumukas na ang elevator, mabilis naman itong lumabas at sumunod namang lumabas si Moises. Naiwan ang tatlong nakatulalang nakatingin sa kanilang paglabas. Lalo na si Samantha, na pinigilan na tumulo ang luha nito dahil sa sinabi ni Moises. Naninikip naman ang dibdib ni Joshua sa nakita niya. "Sir pogito, bakit mo ko sinusundan? Magtatrabaho na ko." "Narinig mo ba ang sinabi ko kanina?" "Oo naman, ano akala mo sakin bingi? Bakit pala ako ang ginawa mong palusot, akala ko ba mahal mo yung nobya mo?" Agad naman na tanung sa kanya ni Heaven. "Oo noon, mahal ko siya. Dahil nga sa sobrang minahal ko siya, tatlong beses ko na siyang niyayang pakasalan ako, pero tinanggihan niya yun." "Baka ngayon, payag na siyang pakasalan ka." "Hindi na mangyayari yun, matagal ko na siyang kinalimutan at may mahal na kong iba." Sa narinig ni Heaven kay Moises ay napatigil siya sa kanyang ginagawa nagwawalis kasi ito sa isang room na bakante. "Heaven, totohanin ko yung sinabi ko kanina." Napatawa naman si Heaven, sa sinabi sa kanya ni Moises. "Bakit ka natatawa Heaven? Seryoso ako sa sinabi ko liligawan kita at di kita titigilan hanggat hindi kita mapasagot o mapaibig," seryoso niyang sabi kay Heaven. "Sir.. Kung.." Hindi na pinatapos ni Moises si Heaven dahil nagsalita ito ulit. "Basta, kahit anong sabihin mo Heaven, maniwala kaman o sa hindi, seryoso ako sa sinabi ko at hindi ako basta sumusuko." Pagkatapos niya itong sabihin kay Heaven, ay ngumiti itong nakatingin kay Heaven at lumabas narin nang room kung saan naglilinis si Heaven. Naiwan namang tulala si Heaven. "Seryoso nga ba iyun si pogito, sa sinabi niya, na liligawan niya ako o gusto niya lang inisin ang dating nobya niya? Ano ba yung nangyayari kay sir pogito, nakita lang ang dating nobya kung ano ano na sinasabi," bulong ni Heaven sa sarili at pinagpatuloy na ang paglilinis.. _______,,,_____,, "Ano, napag alaman mo ba kung sino ang ama nang batang yun?" Bungad na tanung nang ina ni Joshua ng makita ang inutusan niya. "Yes Ma'am, sabi nang napagtanungan ko nung umalis daw si sir Joshua sa hotel, saka naman daw nila nabalitaan si Heaven na buntis, at un nga po ang sabi nila na si Sir Joshua, ang ama nang anak ni miss Heaven," agad na sabi naman nang tauhan niya at ibinigay kay Sylvia ang picture ni Cloud at ni Heaven. "Kung ganun apo ko nga ang batang ito, Alamin mo kung saan nakatira ngayon sila Heaven." "Yes ma'am." Natigil naman ang pag uusap nila nang biglang lumabas si Joshua, kanina pa pala ito nakikinig sa usapan nila. "Ano Mom? May anak kami ni Heaven?! at mabilis na kinuha sa kamay ng Mommy niya ang picture ni Heaven at ni Cloud. Napangiti si Joshua sa nakita niya. "May anak, kami mom! nagka-anak ako kay Heaven, mom!" maluha-luhang saad ni Joshua sa kanyang mommy. "Kahit may anak kayo, hindi parin magbabago ang disesyun ko na si Sanya, ang pakakasalan mo hindi ang babaeng ito." "Pero mom, Si Heaven, ang mahal ko at may anak kami, ngayong nalaman kung may anak kami mom, siya ang pakakasalan ko at walang makakapigil sakin," seryosong sabi ni Joshua at tinalikuran na ang kanyang Mommy. Mabilis naman lumabas nang bahay si Joshua at agad sumakay sa sasakyan. "Masaya ako Heaven,nmasaya ako dahil may pag asa pang magkasama tayong muli at ang anak natin," bulong ni Joshua sa sarili habang nagmamaneho ito. Tinawagan naman ni Moises si Domer na magkita sila sa isang bar, gusto niya may makausap at mahingan ng payo sa plano niyang panliligaw kay Heaven. Ilang minuto lang ay pareho na silang nasa bar. "Ano ba yung bumabagabag sayo?Sabihin muna, dahil kilala kita saka ka lang nagyaya mag inom pag may gusto kang pag usapan." "Kilala mo si Heaven diba? Puwede mo ba tanungin si Vivian, kung anong gusto ni Heaven at ayaw, Gusto kung ligawan si Heaven." "Ha?! Gulat na tanung ni Domer. Teka nga, King, matagal naba kayong magkakilala ni Heaven?" "Oo, nung pumunta ako sa cebu para mag propose kay Samantha, nakilala ko si Heaven sa hotel nila kung saan kami nag check in noon ni Samantha." "Kaya pala, nung makita ko kayo parang may something, sige, sige! tamang tama bukas magkikita kami ni Vivian,bnagpapasama kasi ito bumili nang laruan o damit para sa anak ni Heaven." "Anak ni Heaven?! Gulat na tanung ni Moises sa narinig. "Oo, hindi mo alam? May anak na si Heaven, mag bibirthday kasi ito nang tatlong taon niya sa sunday gusto sopresahin ni Vivian, ang pamangkin niya. Alam mo king, kamukha mo yung anak ni Heaven, kung magsama nga siguro kayong dalawa sa anak ni Heaven,siguro mapagkamalan kang ama nun," natatawang saad ni Domer na nagpapatulala naman kay Moises. "Nasabi ba ni Vivian sayo o ni Heaven kung sino ang ama nang anak niya?" "Walang sinabi si Vivian, siyempre personal na ni Heaven yun," agad namang sabat ni Domer. Mag tatlong taon na ang anak ni Heaven, pero sino ang ama nang anak ni Heaven. Si Joshua ba? O ako! sabi ni Domer kamukha ko daw ang bata ako nga ba ang ama? Pero bakit walang sinabi sakin si Heaven, na may anak na siya," bulong ni Moises sa sarili. Kailangan kong malaman kung sino ang ama nang anak ni Heaven. "Kung nagka anak nga kami ni Heaven, handa akong gawin ang lahat makasama ko lang sila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD