Episode 10

1771 Words
Heaven POV, Pagpasok ko ng bahay ay agad akong hinila ni Vivian, papasok sa kuwarto ko. "Sabihin mo nga sakin ang totoo pinsan, kilala mo ba si Sir Moises Ricafort at si Joshua Ricafort?" Bungad na tanung sakin ni Vivian. "Ricafort?" Silang dalawa ni Joshua at Moises?" gulat ko namang tanung kay Vivian. "Oo, hindi mo alam magkapatid, si Sir Moises at Joshua Ricafort." "Huh, magkapatid?! Si Pogito at Joshua?" natulala ako sa nalaman ko kay Vivian. "Sino si Pogito? Oo nga magkapatid si Sir Moises at Joshua, paano mo sila nakilala?" "Si Joshua Ricafort, ang unang boyfriend ko sa cebu," tugon ko kay Vivian. "So Si Joshua Ricafort ang ama ni Cloud?" takang tanung ni Vivian. "Hindi, nang umalis si Joshua, saka ko napagtuunan nang pansin ang hindi pagdating nang period ko. Tatlong buwan na hindi ako ni reregla. Akala ko lang kasi ay katulad parin noon, na anim na buwan akong na delayed sa regla kaya binalewala ko ang hindi pagdating nang period ko, at wala naman akong naramdamang kakaiba sa katawan ko o sintomas na buntis. Dahil hindi naman ako nagsusuka katulad nang sinasabi nang iba, o di kaya ay naglilihi o laging antok. Pero naisip ko na noon, kahit na anim na buwan akong delayed, ay wala pa namang may gumalaw sakin di tulad ngayon na may nangyari samin ni Pogito." _______Flashback____,," Kaya sa tatlong buwan na paghihintay ko sa period ko, ay bumili na ako nang PT kit at sinubukan ko nga ang sabi nang iba. Kinabahan ako nang makitang may isang clear na hugit at ang isang hugit ay malabo. "Buntis ba ako o hindi?" Bulong ko sa aking sarili habang tinitingnan ang prenancy test. Kaya para masigurado ako nagpunta ako nang doktor.. "Congrats Miss Mendez, tatlong buwan ka nang buntis," wika ng doktor. Sa narinig ko ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi umuwi akong tulala at iniisip kung anong gagawin ko. "Paano sa pagbalik ni Joshua malaman niyang buntis ako, paano kung iiwan niya ko at di matanggap na nabuntis ako nang iba, paano ko rin sasabihin sa papa ko?" maluha-luha kung bulong sa sarili. "Hoy Heaven, anong problema mo ba't tulala ka diyan?" Tanung sakin ni nica. "Nica, kailangan ko nang payo mo anong gagawin ko?" "Bakit anong nangyari?" "Buntis ako nica!" "Huh?! Nabuntis ka agad ni Joshua?" "Hindi, hindi si Joshua kay Pogito!" nakayuko kung sabi kay nica.. "Ano? Paano nangyari yun na nabuntis ka ni Pogito, eh para nga kayong Tom and Jerry nun lagi kayong nag aaway." "Nung nalasing tayo, nung makita mo kaming magkasama may nangyari samin nun, hindi ko maalala ang nangyari nang gabing yun. Nagising na lamang ako na hubad at nakakalat na ang damit ko sa sahig. "Nica, anong gagawin ko paano kung malaman ni Joshua, ito at iiwan niya ko, at ano rin ang sasabihin ko kay papa." "Ipalaglag mo muna ang baby sa tiyan mo!" "Hindi, ayoko Nica, hindi ko yan magagawa. "Oo nangyari samin ni Pogito, to na pareho kaming lasing at walang pagmamahal sa isa't isa, pero kasalanan naming dalawa to ni pogito, walang kasalanan ang baby ko sa tiyan," iyak kung sabi kay nica. "Edi, sabihin mo ang totoo sa papa mo, at kay Joshua, kung mahal ka talaga ni Joshua, maiin-tindihan ka niya at matatanggap ang baby sa tiyan mo, wag kanang mag alala nakakasama sa baby mo yan," sabi ni nica at agad akong niyakap. Kumakain kami nang hapunan ni Papa, nang magsalita ako. "Papa, buntis ako," mahina kung sabi sa kanya kita kong natigil sa pag nguya ang Papa, ko sa narinig niya sa sinabi ko." "Nasabi mo naba kay Joshua, na buntis ka at magkaka anak na kayo?" Agad na tanung ni Papa at pinagpatuloy ang pag kain. "Papa, hindi si Joshua ang ama nang anak ko." Sa narinig ni Papa ay napatayo siya. "Ano?! Wala naman kaming ibang alam na boyfriend mo, bukod kay Joshua! Kung ganun sino ama nang anak mo?! Singhal sakin ni Papa. "Papa, si Pogito. Lasing ako nun nang may mangyari samin." "Si Pogito? Ung tinawag kang magnanakaw at lagi mong kaaway?" "Oo Papa," mahina kung sabat kay Papa kita kung napaupo ito ulit. "Paano sa pagbalik ni Joshua, hindi niya matanggap na buntis ka sa iba?" "Hindi ko alam Papa, sorry papa! Sorry," humagolhol kung iyak kay Papa. "Tahan na, tahan na! Kung hindi yan matanggap ni Joshua, wag kang mag alala nandito ang Papa mo, hindi natin yan pababayaan si baby." "Papa, hindi ka po ba galit sakin?" "Galit nung una, pero masaya narin dahil magkaka apo na ko, andiyan na yan eh, tatanggapin natin nang buong puso yang baby mo sa tiyan. Tiyaka tumatanda narin ako gusto ko narin makakita nang apo sayo," ngiting saad ni papa na nagpagaan sa nararamdaman ko. "Salamat Papa, salamat!" humagolgol kong sabi kay Papa at niyakap siyang mahigpit. .........END OF FLASHBACK..... "Kung ganun si Sir Moises, nga ang ama ni Cloud? Kaya pala parang pinagbiyak na bunga si Cloud kay Sir Moises. Pero Heaven, hindi kaba galit kay Sir Moises, na binuntis ka niya?" tanung naman agad sakin ni Vivian. "Nung una na nagalit, pero habang tumatagal at lumalaki si Cloud, parang gusto ko pa ngang magpasalamat sa kanya, dahil sa kanya nagkaroon ako nang Cloud, na nagbibigay saya, saming dalawa ni papa at nagbibigay kulay sa buhay namin." "Kung sa bagay, bakit ka pa magsisi kung ganun naman ka-guwapo at ka cute ang lumabas na si baby Cloud," ngiting saad ni Vivian. "Pero Vivian, ilihim muna natin to ha, wag mong sabihin kay Moises o kay Domer, ayokong malaman ni Moises, ang tungkol kay Cloud." "Pero bakit Heaven? Karapatan din ni Sir, Moises, na makilala ang anak niya at kailangan din ni Cloud makilala ang ama niya." "Oo alam ko, pero natatakot ako! Paano, pag malaman ni Moises, na anak niya si Cloud. Paano kung ilalayo niya sakin ang anak ko, hindi ko hahayaan yun Vivian, hindi ko kayang mawala sakin si Cloud." "Hindi naman siguro gagawin iyun ni Sir Moises, mabuting tao si Sir Moises, Heaven. Pero kung ayaw mo pang sabihin sa kanya, naiintindihan kita at irerespeto ko ang disesyon mo." Natigil ang pag uusap namin ni Vivian sa loob nang kuwarto ko nang marinig ang sigaw ni Tita Veronica. "Vivian! Heaven! tulong!" sigaw nito. Kaya sabay kaming dalawa ni Vivian, lumabas nang kuwarto. "Tita anong nangyari?" Agad kung tanung kay Tita Veronica. "Ang Papa mo, hindi daw siya makahinga. Bilis Vivian, ihanda mo ang sasakyan dadalhin natin ang Tito, mo sa ospital." Mabilis nga namin dinala si Papa, sa ospital ang sabi nang Doktor, tumaas daw ang blood sugar ni Papa. Kaya bumilis ang t***k na puso, mabuti na lamang ay nadala namin agad si Papa sa ospital. Ilang araw narin si Papa, namamalagi sa Ospital, salitan kami ni Vivian at Tita Veronica, magbantay kay Papa. Habang ako ang nagbabantay kay Papa, dumating si Vivian, kasama si Cloud, d-off kasi ni Vivian. Agad naman yumakap sakin si Cloud, pagkarating nila. "Vivian, mabuti dumating ka! kailangan ko kasi munang lumabas at bumili nang tubig. Ikaw muna magbantay dito, bibili muna ako nang tubig," paalam ko kay Vivian. "Ok, sige! iwan mo na lang din dito si Cloud." "Cloud, dito ka muna ha, bibili lang si mama nang tubig." "Ok mama," nakangiti namang sumagot si Cloud, kaya umalis narin ako. "Tita, tita! I need to pee," mahinang boses na paalam ni Cloud kay Vivian. "Huh? Ok let's go sasamahan kita." "No need tita, Im a big boy now, I'll do it by myself." "Huh?" Are you sure baby?" "Yes tita." "Ok, bumalik ka agad ha?" "Ok tita," pagkatapos magpaalam ni Cloud, dahan-dahan naman niya nilakad ang comfort room, alam niya na kasi dahil nakapunta na siya rito nung unang dalaw niya sa lolo niya, dahil matalino kaya hindi niya iyun nakalimutan. Gulat naman si Moises, nang makita sa comfort room ang isang bata na pilit inaabot ang lababo, nasa ospital din kasi siya dahil binisita niya rin ang ama niya na ospital din kasi ito dahil sa sakit sa puso. "Baby boy, you need help? I help you!" Tumango naman si Cloud, sa kanya. Kaya binuhat niya iyun para maabot ang lababo at makahugas nang kamay, pagkatapos maghugas ay ibinaba narin ni Moises, at siya naman ang naghugas nang kamay. Nang tingnan niya ang bata natawa siya nang makita kung paano, magpunas ng kamay ang bata sa dala nitong panyo at paano ito tupiin at ilagay ulit sa bulsa dahil ganun din ang ginagawa niya, para tuloy nakikita niya ang sarili sa bata. "Thank you," agad na sabi ni Cloud, sa taong tumulong sa kanya at lumabas na rin ito. Tumango lang si Moises, sa batang nagpaalam sa kanya. Habang naglalakad naman pabalik si Cloud, sa room nang lolo niya may nakasalubong siyang batang lalaki na medyo malaki sa kanya at inagaw ang dala-dala niyang yoyo. Hinayaan lang iyun ni Cloud, nang ilang minuto na akmang kukunin na ni Cloud, ayaw na ibigay ng bata, palingon-lingon si Cloud, kung sino puwede tumulong sa kanya, kita naman niya ang lalaking tumulong sa kanya kanina,tumakbo siya palapit dito at agad hinila ang damit nito papunta sa batang kumuha nang yoyo niya. Gulat naman si Moises, sa batang nakita niya kanina na hinila damit niya. "Laruan mo ba yan? Gusto mo bang kunin ko para sayo?" Tanung ni Moises, kay Cloud. Tumango naman agad si Cloud, kaya nlapitan ni Moises, ang bata. "Bata, akin na yang laruan diba hindi yan sayo," agad na sabi ni moises sa batang kumuha nang laruan ni Cloud, mabilis naman agad ito ibinigay kay Moises at tumakbo. Kaya ngumiti namang binigay ulit ni Moises, ang yoyo ng bata. Papasok na sana nang Ospital, Si Heaven, nang makita niya si Cloud, kausap si Moises, sa gulat niya agad siya nagtago pero nakita siya ni Cloud, kaya sumigaw ito. "Mama...!" habang tumatakbo sa kanya, kita naman niyang lumingon lang sandali si Moises, at umalis narin ito kaya lumabas siya sa pinagtaguan niya at agad niyakap si Cloud. "Baby, bakit ka nandito?" Tara punta na tayo sa room nang lolo mo," sabi niya at hinawakan ang kamay ni Cloud, pabalik sa room. Kita naman ni Sylvia, Si Heaven, na tinawag na mama ni Cloud. Si Sylvia, ang Mama nila Joshua, kaya gulat ito sa nakita at nalaman. "Tinawag siyang Mama, nang batang yun, Sino ang Ama, ng batang yun? Hindi kaya si Joshua? Kailangan kong malaman dahil kung si Joshua, nga ang ama nang batang yun kukunin ko ang apo ko at isasama namin sa ibang bansa habang magpapagamot si Samuel, doon." Ang Ama nila Joshua at Moises.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD