Third Person's POV,
Mabilis na humakbang nang lakad si Heaven, na parang wala itong paki kung makabunggo niya ang makaka-salubong ni wala itong lingon-lingon.
Habang si Moises, naman ay dahan-dahan siyang sinundan. Sakay nang kanyang sasakyan, kita niyang huminto si Heaven, sa harap nang isang Bar.
"Hey crazy woman, don't tell me na iinom ka?" Bulong niya sa sarili habang tinitingnan si Heaven, na tumitingin sa labas nang bar. Maya-maya ay pumasok nga ito, kaya pinark niya na lang ang kanyang sasakyan sa tabi nang bar at hinintay na lumabas si Heaven.
Kalahating oras din hinintay ni Moises na lumabas si Heaven, hanggang sa nainip na lang siya at lumabas na nang sasakyan para puntahan si Heaven.
Pagpasok niya nang bar, agad niyang hinanap si Heaven, kung saan ito nakaupo, gulat naman siya nang makitang nakayuko na ito sa isang lamesa, at may lalaking papalapit nito at akmang hahawakan si Heaven.
"Don't touch her, or i kill you!" sigaw niya sa isang lalaking halatang lasing ito, tiningnan lang si Moises, ng lalaki at lumayo narin ito sa kanila.
"Hey! hey! Heaven," tawag niya habang niyu-yogyog niya ito.
Nang inangat ni Heaven, ang kanyang mukha kita na ni Moises na sobrang pula na ito. Hindi niya tuloy alam kung maiinis o matatawa siya sa babaeng kaharap dahil ang bilis nito nalasing.
Binuhat niya agad si Heaven palabas nang Bar.
"Baliw kaba? Ba't ka uminom dito? Panano kung may sira ulo o manyak na lalapit sayo!" Inis niyang sabi kay Heaven, habang buhat niya ito.
"Pogito! hindi ba ikaw yun?" Agad namang sabat ni Heaven sa kanya habang nakapikit ang mga mata nito.
"Arrghh..."
"Hey! wag mo kung susukahan, kundi ibabagsak kita sa sahig," inis niyang sabi nang makitang masusuka si Heaven.
"Arrghh.." nasukahan nga ni Heaven ang suot ni Moises na light blue na long sleeves.
"Ahh..! baliw ka tlgang babae ka," mahinang boses na sigaw ni Moises at binilisan pa nito ang lakad papunta sa sasakyan niya.
Pagkalapit niya sa sasakyan niya ay agad niya nilagay si Heaven sa front seat, agad naman niya hinubad ang sinukahan ni Heaven at naupo narin ito sa driver seat.
"Hey! Heaven! Heaven, saan ka nakatira?" Yugyog niya habang nilagyan nang seat belt si Heaven, napatitig siya sa mukha nito napakaamo nang mukha habang tulog at napakaganda kahit namumula na ito. Napatitig din siya sa labi ni Heaven, na tila sabik na siya ulit matikman ito napalunok na lang siya at pinigilan ang sarili kaya pinaandar na lang niya ang kanyang sasakyan.
Hindi niya alam kung saan dadalhin si Heaven, kaya naisipan niya na lang ito dalhin sa bahay niya. Bahay niya na siya lang nakatira at ang Yaya Edith, bagong gawa lang ang bahay na ito.
Itong bahay sana ang isopresa niya noon kay Samantha, kung pumayag itong pakasalan siya kaso hindi iyun nangyari. Kaya hindi nalaman ni Samantha, na may bahay siyang pinagawa at si Heaven pa lang ang unang babaeng dinala niya rito.
Pagkarating niya sa bahay niya, binuhat niya ulit si Heaven, paakyat nang hagdan at agad niya itong dineretso sa bath tub at binuksan ang tubig..
"Pogito! anong ginagawa mo!" sigaw ni Heaven, habang nakapikit ang mga mata nito.
"Maligo ka! amoy suka ka."
"Sira ulo ka talaga nuh, manyak!" sigaw ni Heaven.
Maya-maya ay tumahimik na si Heaven, nang tingnan ni moises ay nakatulog na ito.
"Heaven! gumising ka nga at maligo ka," inis niyang gising sa dalaga. "Pag ikaw talaga kasama ko nagiging baliw ako, diko alam kung anong gagawin ko sayo."
Dahan-dahan niya tinanggal ang butones sa suot na uniporme ni Heaven.
"Hindi ako manyak, Heaven! gusto lang kita paliguan, dahil ang baho nang suka mo tiyaka ayokong mahiga ka sa higaan ko na amoy suka ka! Tiyaka nahawakan o nakita ko naman na noon itong katawan mo," mahinang bulong niya sa sarili at pinapagpatuloy ang ginawang pangtanggal sa botones na suot ni Heaven.
Natigil siya sa kanyang ginagawa nang masilip na kunti ang dibdib ni Heaven. Kaya tumalikod siya at tumayo. Kumuha siya nang pang takip sa mata at bumalik kung nasaan si Heaven, at sinimulan ulit na hubaran si Heaven, na nakatakip ang mata.
Pagkatapos niyang paliguan si Heaven, ay pinasuot niya agad ang katawan nito ng bathrobe at pinahiga sa kama.
Malakas ang kabog nang dibdib niya ng tanggalin niya ang piring sa mata niya at makitang ang himbing nang tulog ni Heaven, na naka bathrobe lang.
Naisipan niya na lang bumaba at tinawag si Yaya Edith niya, para ito ang magbihis kay Heaven at ipalaba agad ang damit ni Heaven na sinukahan.
"Yaya edith, yaya!" sigaw niya sa pinto nang kuwarto nang yaya niya.
"Ano yun iho?" Bungad na tanung nang matanda pagkabukas ng pinto.
"Tulungan niyo ko, puwede pakibihisan ang babaeng natutulog dun sa kama ko."
"Huh? May babae kang inuwi?" gulat naman nitong tanung sa kanya. "Bakit kailangan ko pang bihisan anong nangyari?"
"Tulog kasi siya yaya, lasing kasi kaya bihisan niyo na lang siya at pakilaba na lang damit niya para may masuot agad siya bukas."
"Ok, ok.. samahan mo ko puntahan siya."
Umakyat nga silang dalawa nang yaya niya sa kwarto niya, pagkakita ng yaya niya kay heaven ay agad siya nito tinulak palabas.
"Diyan ka muna iho, bibihisan ko na lang muna itong magandang babae dito."
Pagkatapos maghintay ni Moises, ay lumabas na nga si Yaya Edith, pinasuot niya lang kay heaven na long sleeve na black at pants na black.
Natatawa namang makita ni Moises, na suot nito ang long sleeve at pants niya dahil napakalaki nito kay Heaven.
"Iho, tingin ko ilipat mo na itong dalaga sa guest room o di kaya ikaw muna matulog sa guest room bawal kayo magtabi hindi pa kayo kasal," agad na sabi ni Yaya Edith, niya bago ito bumaba.
"Ok yaya.. Pagkatapos niya iyun sabihin sa yaya niya ay pumasok na siya agad sa kuwarto.
Naupo siya sa tabi ni Heaven, at hinawakan ang kamay nito.
"Heaven, gagawin ko ang lahat mapaibig lang kita at maging akin, akin ka lang," bulong nito habang tinitigan ang mukha ni Heaven.
Pagkatapos magsawa ni Moises, tingnan ang magandang mukha ni Heaven, na natutulog ay hinawakan niya muna ang mukha nito pababa sa labi, hinalikan niya muna ito sa noo bago siya lumabas sa kuwarto.
Bigla naman nanlaki ang mata ni Heaven, nang magising ito sa umaga at tiningnan ang buong kuwarto, at agad tiningnan ang kanyang suot.
"Ah...! malakas na sigaw niya nang makitang iba ang suot niya.
Mabilis naman pumasok si Yaya Edith, nang marinig ang boses ni Heaven.
"Iha, ok ka lang ba? May masakit ba sayo? bakit ka sumisigaw?" Sunod sunod na tanung nang matanda sa kanya.
"Manang, saang bahay ito? sino nagdala sakin dito at sino nagbihis sakin? Nasaan ang damit ko?" Sunod sunod nman na tanung niya sa matanda..
"Wala kabang maalala iha? Lasing na lasing ka pala talaga kagabi, sa susunod wag kana uminom iha, delikado ang panahon ngayon. "Si sir Moises, ang nagdala sayo rito."
"Sir Moises?" Sino nagbihis sakin manang?"
"Ako ang nagbihis sayo, Si sir Moises, hindi mo ba kilala ang alaga ko? Puntahan mo siya sa kusina andun siya pinagluto ka niya nang almusal mo, tiyaka iha. Nalabhan ko na pala iyang damit mo." sabi nang matanda sabay turo sa damit niya.
"Salamat manang, at pasensya kung naistorbo ko kayo kagabi."
"Wala yun iha, sige na magbihis kana at bumaba puntahan muna roon si sir, lalabas na rin ako."
"Opo manang."
Mabilis naman nagpalit si Heaven, ng damit at bumaba agad, dahan-dahan siyang pumunta nang kusina, nakita nga niya ang isang lalaking nakatalikod na may suot na apron pero walang damit pang taas. Tinitigan niya ito, nagulat naman siya nang humarap ito.
"Pogito?" Taka niyang tanung.
Lumingon naman agad sa kanya si Moises na tulala.
"Hey lasinggera! gising kana pala mag almusal kana."
"Salamat na lang pero aalis naku," agad niyang sabat at tumalikod ito patungo sa pintuan. Pero mabilis hinila ni Moises, ang braso niya kaya napaharap agad siya at napadikit sa katawan nito. Napatitig naman siya sa mukha ni Moises.
"Mag almusal ka muna, bago kita ihatid sa inyo, pag hindi ka nag almusal hindi ka aalis, dito ka lang!" sabi nito habang nakatitig sa kanya.
Agad naman itinulak ni Heaven, si Moises, at naupo sa lamesa.
"Ok, sige kakain ako! pero di mo na ako kailangan ihatid kaya kong umuwi mag isa."
Pagkatapos nilang mag almusal ay agad tumayo si Heaven para umalis na nang magsalita ulit si Moises.
"Hintayin mo ko magbibihis lang ako at ihahatid kita, pag baba ko rito at wala ka pupuntahan ko ang papa mo at sabihin kung may nangyari satin at dito ka natulog sa bahay ko," seryoso nitong sabi kay Heaven.
"Ano?!" Inis na tanung ni Heaven, "Sige na nga bilisan muna baka hinanap na ko ni papa."
Kahit naiinis siya sa kondisyon ni Moises, ay hinintay niya na lang dahil baka magalit na ang ama niya pag nalaman ulit nito na natulog siya sa bahay ni pogito.
Maya maya ay nakita nga niyang bumaba na si Moises, napatitig siya dito dahil napaka- guwapo nito.
"Halika na!" agad na sabi ni moises sa kanya.
Pero hindi agad nakasagot si Heaven, dahil natulala siyang nakatitig kay Moises.
"Oh.. ok!" agad niyang sabat nang makitang nasa malapit na sa kanya si Moises, mabilis naman siya tumalikod at lumakad patungo sa nakapark na sasakyan at naupo.
"Pogito, Moises, ang totoo mong pangalan?" Mahinang boses na tanung niya habang nasa sasakyan sila.
"Oo, Bakit ngayon mo lang nalaman?"
"Oo, hindi ka naman kasi nagpakilala sakin."
"Eh bat ikaw, hindi ka rin nagpakilala sakin ah, ba't alam ko pangalan mo," agad namang sabat ni Moises sa kanya.
"Iwan ko sayo, baka crush mo ko kaya inalam mo pangalan ko."
Napatawa naman agad si Moises, nang marinig iyun kay Heaven.
Ilang minuto lang ay nakarating na nga sila sa bahay ni Heaven, agad naman ito bumaba.
"Salamat sa ginawa mo kagabi Moises, at sa paghatid!" ani ni Heaven bago pumasok sa loob nang bahay.
"Sa susunod wag ka nang uminom ha, kung ayaw mong may gagawin ako sayo baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod," agad namang sabat ni moises na nagpa inis ulit kay Heaven.
"Manyak!" sigaw naman nito at inirapan siya bago tuluyang pumasok.
Tumawa lang sa kanya si Moises bago tuluyang pinaandar ulit ang sasakyan.