Heaven POV,
Tatlong araw nang lumipas simula nang makita ko rito sa hotel si Joshua, akala ko ay ok na hindi ko na makikita pa ulit si Joshua pero mali pala ako.
Pagkatapos naming magpalit nang uniporme para simulan na ang trabaho, ay pinalinya muna kami ni miss keri.
"Guys, dito gaganapin sa hotel ang engagement party ni Sir Joshua Ricafort at ni Miss Sanya, kaya kailangan kayo maaga pumasok sa saturday.
Kailangan kayong lahat mag cooperate."
Sa narinig ko ay natulala ulit ako, bakit kailangan ko pang makita ulit si Joshua, at sa engagement pa niya. Hindi naman puwedeng hindi ako pupunta dahil trabaho ko ito. napabuntong hinga na lang ako.
"Bahala na, iisipin ko na lang, na hindi ko kilala ang taong eengage."
Sabado na kaya maaga kami na dalawa ni Vivian pumunta nang hotel. Pagkarating namin ay abala na ang lahat nang nagtratrabaho sa hotel.
Kaya dali dali din kami nag palit ni vivian nang uniporme..
Pagkatapos kung magpalit ay agad ko pinuntahan si Ada sa Ball room nang hotel dahil doon gaganapin ang engagement party.Kita ko ngang abala na ang lahat sa pag dedesign..
Umaga, tanghali, hapon.. Ang paikot-ikot nang lakad namin, nagpahinga lang kami saglit pag oras nang kain pagkatapos ay balik naman ulit sa paghahanda.
Mag alas singko na nang hapon nang nagsidatingan na ang mga bisita, medyo nakaramdam naku nang sakit sa paa. Hindi kasi rin ako masyado sanay magsuot lagi nang heels, black shoes na may heels kasi ang partner sa uniporme namin.
"Heaven ano nangyari sayo?" tanung ni Ada nang makita akong hinihipo ang paa ko.
"Nasugat paa ko, hindi kasi ako masyado sanay sa heels, kaya sumasakit."
"Oh sige, pahinga ka muna diyan. Hindi pa naman nag umpisa hubarin mo muna yang sapatos mo." payo ni ada.
Naupo muna ako sa likuran nang stage at tinanggal ang sapataos ko.
Ilang minuto lang lumipas, nang marinig ko na ang ingay ng mga tao kaya lumabas na lang ulit ako para bumalik ulit sa trabaho. Kami kasi ang na assign maging waitress, kaya kumuha agad ako nang tray at nilagay ang mga drinks para ipamigay sa mga guest.
"Let's Welcome to our couple, Mr Ricafort and Miss Sanya. Soon to be husband and wife."
Napahinto ako nang marinig ko ang sigaw nang MC sa pangalan ni Joshua at ang fiancee nito na si Miss Sanya.
Pinilit ko na lang na hindi lumingon o tingnan sila sa kinaroroonan nila.
Pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko.
"Trabaho ang pinunta ko dito, hindi si Joshua. Kaya wala akong pakialam kung sino pa yang nasa stage." saad ko sa sarili para ituon ang isip sa ginagawa ko.
Rinig kong nagsalita sa stage si Sanya at nagpasalamat sa mga guest na pumunta, Pero si Joshua, nanatili lang nakatayo at ngumiti sa guest pero walang sinabi.
"Ano ba yan ba't hindi man lang nag speach si sir Joshua, para tuloy napipilitan lang siya kay Miss Sanya." rinig kong pag uusap nang mga kasamahan kong waitres sa gilid nang stage kung saan kami nakatayo.
Kita ko naman si Joshua at ang fiance nito na umiikot para kausapin ang mga guest. Nang makita kung patungo na sila sa direksyon namin ay agad akong tumalikod at nag punta sa likod ng stage naupo muna ako at tiningnan ang paa ko dumugo na nga ito.
Third Person POV,
Kita naman iyun ni Joshua ang pagtalikod ni Heaven at pagpunta sa likod nang stage. Ang totoo pagkarating pa lang niya, ay si heaven na ang hinahanap nang kanyang mga mata. Nakatitig lang siya dito habang nag bibigay nang drinks sa mga guest, at alam niyang iniwasan tlaga ni Heaven na magpakita o tumingin sa kanya.
Pasimple namang umalis si Joshua sa tabi ni Sanya at sinundan si Heaven sa likuran nang stage. Pagbukas niya sa kurtina kita nga niyang hinihipan ni Heaven ang sugat sa paa.
Nagulat naman si Heaven nang makita si joshua at agad ito umupo sa harapan niya at walang sabi-sabi iniangat ang paa niya.
"Anong ginagawa mo?" Gulat niyang tanung kay Joshua, sabay kuha sa paa niyang hawak nito.
"Wala akong band aid, na dala kaya lalagyan ko nang tissue ang likuran nang sapatos at punasan ang sugat mo." agad naman sagot ni Joshua na nakayuko lang ito.
"Ako na gagawa, lumabas kana baka may makakita pa sayo na pumasok ka dito at ano pa ang isipin." mahinang wika niya.
"Im sorry Heaven, Im sorry." mahinang boses na sabi ni Joshua, tumitig siya kay Heaven, pero iniwas nito ang tingin sa kanya.
"Hindi mo kailangan mag sorry! Nakalimutan na kita, noon pa." pigil ang luha nang sinabi iyun ni Heaven kay joshua at hindi tumingin dito.
Nang marinig ang sinabi niya ay tumayo narin ito at dahan dahan lumabas..
Nakita naman nang tatlong kaibigan ni sanya ang paglabas ni Joshua sa likod nang stage at nagpahid saglit nang kanyang mga mata, Kaya nagtaka sila kung anong nangyari, sinilip nila nang dahan dahan ang stage. Kita nga nila si heaven na nagpahid din ito nang mga mata.
Dahil hindi pa tapos ang party ay bumalik ulit si Heaven sa pag bibigay nang drinks sa mga guest.
"Sanya, sigurado ka ba kay joshua na mahal ka nito?" Tanung nang isang kaibigan ni sanya sa kanya na nagpatulala naman sa kanya. Dahil alam naman niya noon, na may ibang mahal si Joshua. Pero umaasa parin siya na mamahalin siya nito, hindi bilang kapatid kundi bilang asawa.
"Oo naman." agad namang tugon ni Sanya sa kaibigan.
"Talaga lang huh?" Taas kilay na sabi nang kaibigan niya.
"Nakita kasi namin si Joshua, kanina lumabas sa likod nang stage at nagpunas nang luha. Kita namin sa loob ang babaeng yan,." sabat naman nang isang kaibigan ni Sanya at itinuro si Heaven habang nagbibigay nang drinks sa mga guest.
Tinitigan naman ni sanya sa malayo si Heaven.
"Siya ba ang babaeng kinababaliwan ni Joshua? Bakit siya nandito?" Bulong nito sa sarili.
"Look Sanya, may gagawin kami para maniwala ka na karibal mo yang babaeng yan kay joshua."
"Drinks!" sigaw nang isa sa kaibigan ni Sanya at kinaway si Heaven.
Ngumiti namang lumapit si Heaven dala-dala ang isang tray na drinks.
Nang makalapit na siya dito ay agad siyang pinatid nang isa sa kaibigan ni Sanya. Kaya natisod si Heaven at natapon lahat nang basong nasa tray at ang iba ay nasa damit nang kaharap na isa sa kaibigan ni Sanya. Nabasag ang mga nahulog sa sahig na baso.
"Sorry, sorry maam." agad na sabi ni heaven at pinulot ang mga nabasag sa sahig.
"Sorry, look what you did! minan-tsahan mo ang suot ko alam mo bang mahal to at kulang pa ang sahod mo na pambayad nito!" sigaw nito.
"Sorry talaga Ma'am! Sorry." yukong sabi ni heaven.
Kumuha pa ang kaibigan ni Sanya nang drinks at ibinuhos pa nito kay Heaven, na nakayuko pero may biglang humarang kay Heaven at niyakap siya kaya ito ang nabasa sa binuhos na inumin. Gulat naman ang lahat nang nakatingin.
Si Moises, ang yumakap kay Heaven na nakayuko. Tiningnan niya nang matapang ang kaibigan ni Sanya.
"Sorry, sorry Moises." nabubulol na sabi nito.
"Sorry?! Tinanggap mo ba ang sorry niya?!" sigaw ni Moises na ikinagulat naman nang lahat.
Ang mga magulang nila Moises, Si Joshua at Sanya, pati ang mga nagtatrabaho sa hotel. Si Vivian at Domer na nakatulalang nakatingin.
Si Heaven naman ay parang walang narinig patuloy parin siyang nakayuko at pinulot isa-isa ang mga basong nabasag na tumutulo ang luha. Saka pa siya nagulat at natigil sa kanyang ginagawa nang buhatin siya ni Moises palabas nang venue.
"Bakit ganun na lang ang pag aalala ni Moises kay Heaven,matagal naba silang magkilala?" laman nang isip ni Joshua, at nasaktan din ito, nang makitang iba ang nagtanggol kay heaven.
"Bakit nandito ang babaeng yan?" Pagtataka namang tanung nang Mom, nila." kilala na niya si Heaven dahil nakita na niya ito sa picture.
"Bakit ganun ang kinilos ni Moises?" At bakit suot nito ang uniporme sa hotel. Wag mong sabihin dito siya nagtatrabaho sa hotel? Gold digger kang babae ka hindi mo talaga titigilan ang mga anak ko,bulong nito sa sarili.
"Bitawan mo ko Pogito! Bitawan mo ko! Bakit kaba nandito?" gulat na tanung ni Heaven.
Binaba naman siya agad nio Moises, sa pagkakabuhat ng nasa labas na sila ng hotel.
"Hindi pako tapos sa trabaho ko. Kailangan kong bumalik doon."
Akmang papasok ulit si heaven sa loob nang sumigaw si Moises.
"Babalik ka doon para ano? Para kaawaan ka ni Joshua? at para bumalik siya sayo?!" Sigaw ni Moises na nagpahinto kay Heaven. Nilingon niya si Moises at nilapitan.
"Bakit kilala mo si Joshua? Bakit alam mo? Anong alam mo? Wala kang alam! Kaya tumahimik ka!" sigaw ni heaven kay Moises.
"Alam ko ang lahat tungkol sa inyo ni Joshua, Kaya wag kana bumalik doon. Dahil kahit anong gagawin mo, hindi na babalik sayo si Joshua." mahinang saad niya.
"Alam ko! Hindi si Joshua, ang pinunta ko rito kundi trabaho." sabi niya at agad na tinalikuran si Moises para pumasok ulit nang bigla naman siya hinila sa braso.
"Wag ka ngang bumalik doon! gusto mo bang pagtawanan ka at kaawaan doon? o gusto mong kaawaan kita?! panalo kana dahil naaawa naku sayo. Nakakaawa ka! sigaw ni Moises kay Heaven.
Pak..! isang malakas na sampal ang binitawan ni Heaven sa mukha ni Moises.
"Hindi ko sinabing kaawaan mo ko, o ni Joshua o ni kahit kanino. Hindi ko rin kailangan nang awa mo. Ang kailangan ko ay layuan niyo ko! Ikaw! At si Joshua! Bakit pa kayo nagpakita sakin ha?Bakit?! sigaw naman ni Heaven na umaagos na ang luha sa kanyang mga mata.
Umalis siya sa harapan ni Moises at iniwang tulala ito sa mga sinabi niya.
Hindi na siya bumalik sa loob naglakad na lang ito papalayo sa hotel at kay Moises.