Episode 7

1629 Words
...FLASBACK of Joshua... Nang magpaalam si joshua kay heaven na bumalik muna nang manila, ay ang mommy niya ang tumawag sa kanya. Nandun din ito sa cebu sa hotel nila hinihintay siya. "Pumunta ka dito sa hotel, o ako mismo ang pupunta diyan, sinasabi ko sayo wag mong hintayin na ako ang pupunta diyan, kung hindi sisirain ko ang buhay nang babaeng kinababaliwan mo! sigaw nang mommy niya sa phone. Pumunta nga siya sa hotel nila sa cebu, naabutan niyang nasa isang room ang Mommy at ang kuya niya na si moises mas matanda lang ito sa kanya nang dalawang taon. "Buti naman at pumunta ka dito, sumama ka sakin ngayon pabalik nang maynila at puntahan mo agad si sanya sa ospital at kumbinsihin mong pumunta nang amerika at doon magpagaling." bungad na sabi nang mommy niya. Si sanya ay ulilang lubos na namatay kasi sa isang car aksident ang mga magulang nito, kasosyo at malapit na kaibigan nang mga ricafort ang mga magulang ni sanya.Kaya kinuha nang mga magulang nila si sanya at doon na pinatira sa bahay nang mga ricafort. Kaso habang lumalaki si sanya ay nagiging sakitin ito pabalik balik ito nang ospital, tanging si joshua lang ang nagpapakalma rito at sumusunod si sanya kay joshua kahit anong sabihin nito, kaya alam nang mga magulang nila na may pagtingin si sanya kay joshua, at napagkasunduan na ipakasal silang dalawa. Hindi nagustuhan ni joshua ang desisyon nang mga magulang niya kaya nagpakalayo muna siya at gustong mapag isa, hindi sinadyang makilala niya si heaven at umibig sa babaeng unang pagkikita nila. "Mom, hindi ako pwedeng sumama kay sanya' mas gusto ko rito kasama ang babaeng mahal ko." "Tumigil ka joshua, dalawang buwan mo lang nakilala ang babaeng yun ni hindi mo nga alam na baka gold digger ang babaeng yan. Sa ayaw at sa gusto mo sasamahan mo si sanya sa amerika at siya ang babaeng pakakasalan mo. Dahil kung may masamang mangyari kay sanya, sisirain ko ang buhay nang babaeng to! sigaw nang mommy niya at itinapon ang mga picture ni heaven pinaimbestigahan pala ito nang mommy niya. "No' mom, sanya is just a younger sister to me not a lover, hindi ko siya pakakasalan! aalis nku! magagaling naman ang doktor na kinuha niyo gagaling din si sanya." Lalabas na sana nang room si joshua nang biglang may tumawag sa phone nang momny niya. "What'? Sigaw nang mommy niya nang masagot ang phone nito. "Joshua please sumama ka sakin ngayon pabalik nang maynila, dinala sa operating room si sanya ngayon hindi na ito humihinga! Magagawa mo bang hayaang mamatay si sanya?! sigaw nang mommy niya. "Ok, sasama ako pero pag gumaling na si sanya' hindi ko siya mgagawang pakasalan." Sinamahan nga ni joshua sa america si sanya, mag isang taon din itong nagpagaling doon sa sakit na lukemia,at may sakit din ito sa puso. Isang taon na mahigit nang mapansin ni joshua na gumagaling na si sanya kaya kinausap niya ito na bumalik na sila nang pinas at sinabi rito na may babaeng mahal siya at papakasalan, kaso hindi iyun matanggap ni sanya na hindi siya ang pakakasalan ni joshua kaya nag-suicide ito, buti na lang ay naabutan ito ni joshua. .....END OF FLASBACK... Mr' ricafort,mr ricafort..kailan niyo ho balak magpakasal ni miss sanya?" tanung nang reporters pero nanatili lang tulalang nakatingin si joshua sa pinto kung saan nakita si heaven.. "Joshua,joshua! siko ni sanya sa kanya kaya napatingin si joshua rito,pero agad itong tumakbo palabas nang conference room. Paglabas ni joshua nakasalubong niya si moises. "Stop Joshua! wag muna habulin si Heaven, wag muna siyang paasahin at saktan ulit! sigaw nito sa kanya. Pupunta sana si moises sa conference room, kung saan sila sanya para i congratulate niya ito. Kaso nasa malayo pa siya kita niyang lumabas si heaven sa pintung yun na nagmamadali, nakasalubong pa nito si Vivian at Domer. Pero wala itong lingon-lingon at dumiretso lang nang lakad. Kita naman ni Moises ang paglabas ni Joshua na balak habulin si Heaven. Pinigilan niya ito, alam niya kasi kahit anong gagawin ni Joshua ay di nito mapipigilan si sanya at ang mommy nito na ipakasal sila na dalawa ni sanya. Baka masaktan lang ulit si Heaven. Mabilis naman sinundan ni Moises si Heaven, hindi siya makapaniwala na sa hotel niya nagtatrabaho si Heaven, palihim niya itong tinitingnan habang naglilinis. Alam niyang umiiyak ito, at nasaktan na makitang muli si Joshua. Dahil habang naglilinis ito, ay panay ang punas nito sa mukha. Hindi niya tuloy maiwasang hindi maawa kay Heaven. ....FLASHBACK OF MOISES... Simula nung may nangyari sa kanila ni heaven at bumalik na nang manila si moises, laman na nang isip niya ang mukha ni Heaven. Parang lagi niyang naririnig ang boses ni Heaven at laging inaalala nang isip niya ang mukha ni Heaven. Namimiss niya ang boses nito at mga titig na laging galit sa kanya. Naisip niya rin na ang laman na nang utak at puso niya ay hindi na si Samantha, kundi si Heaven na. Wala na siyang ibang naramdaman pag maalala niya si Samantha. Kaya lumipas ang isang buwan na kakaisip ni Moises kay Heaven ay nagpasya siyang bumalik sa lugar ni Heaven. "Sisiguraduhin ko sa pagbalik kong ito heaven,mapapa ibig kita dahil ipapakita ko sayo kung gaano ako ka Gentleman." nakangiting bulong nito sa sarili. Nung unang kita ni moises kay heaven ay nagandahan na talaga siya sa dalaga at lihim na humahanga na siya nito dahil sa katapangan, kaya napapangiti siya pag naalala niya mukha ni Heaven na galit. Kaso akala niya noon si Samantha pa ang laman nang puso at isip niya para sa kanya. Nakabalik na nga si moises sa lugar ni Heaven kaso nabigla siya sa nakita at narinig niyang sinabi ni Heaven, lalapitan niya sana noon si heaven habang naglalakad mag isa kaso biglang dumating ang kaklase nito. "Meron na akong boyfriend ang may ari nang sports car na yan turo ni Heaven sa sasakyan na kilala naman ni moises kung kanino iyun at mas lalo siyang nagulat nang lumapit si Joshua kay Heaven at inakbayan ito at tinawag na myloves, hindi niya akalain na natagpuan din pala nang kapatid niya ang lugar ni Heaven at magkasintahan na ito. Kaya hindi na niya tinuloy ang plano niya, bumalik siya sa hotel nila at doon muna nag stay. Pagkatapos niyang pirmahan ang kailangang pirmahan ay pumunta muna siya sa bar nang hotel at uminom, kahit sandali niya lang nakilala si Heaven ay nasaktan siya nang marinig na nobya na ito nang kapatid niya. Medyo nakarami na siya nang nainom na maisipang bumalik ulit sa lugar ni Heaven. Gabi na iyun naabutan naman niya si Heaven na napakaganda sa suot nitong dress habang naglalakad sa tabi nang dalampasigan kita niya rin ang pagyayakapan ni Heaven at ni Joshua at ang mga ngiti ni Heaven na masaya kasama si Joshua.. Kaya umalis na lang ulit siya sa lugar na yun at pinaharurot ang sasakyan. Kinaumagahan ay bumalik na nang manila si moises. Isang buwan naman ang lumipas nang marinig niyang hindi na umuwi si Joshua kundi nanatili na sa lugar ni Heaven, palagi itong tinatawagan na bumalik na at umuwi dahil kailangan siya ni sanya ay hindi parin bumabalik si Joshua. Masaya daw ito kung nasan siya ngayon at kasama ang babaeng mahal niya. Nang biglang tinawagan siya nang daddy niya na samahan ang mommy niya sa cebu para piliting bumalik si Joshua sa manila. Nasa room silang dalawa nang mommy niya habang hinihintay si Joshua, laman naman nang isip nun ni moises ay si Heaven dahil ang kaligayahan na naramdaman ni Heaven ay tapos na. Pumasok nga nang room si Joshua kung saan sila nang mommy niya, nasa tabi lang siya nakaupo habang nakikinig sa debate nang mommy niya at ni Joshua.. Napatingin siya sa sinabi nang mommy niya nang marinig na sisirain ang buhay ni Heaven. Magsasalita na sana siya para ipagtanggol si Heaven kaso may biglang tumawag sa mommy niya. Pagkatapos iyun marinig nang mommy niya ang tawag ay mabilis naman na umalis ito kasama si joshua.. "Hindi kaba sasabay sa amin Moises?" tanung ng mommy niya. "Hindi na mauna na lang kayo." agad naman niyang sabat.. Mabilis na umalis ang mga ito nang marinig ang sinabi niya. Kita niyang nakakalat ang mga litrato ni heaven sa sahig kaya kinuha niya iyun at tiningnan isa isa. "Sorry Heaven ha' sorry kong nasaktan ka ngayon." bulong ni moises sa sarili habang tinitingnan ang litrato ni Heaven. Pinigilan na lamang ni Moises ang naramdaman kay Heaven, simula nang iwan ni Joshua si Heaven, ay hindi narin nagpunta roon si moises sa lugar ni Heaven, pero kahit minsan ay hindi niya nakalimutan si Heaven, kahit alam niyang nakalimutan na siya ni Heaven, ni hindi nga nito alam ang pangalan niya. .....END OF FLASHBACK... Pagkatapos tingnan ni Moises si Heaven na tapos na ito sa paglilinis ay agad siyang umalis roon, at pumunta sa kanyang opisina habang ang laman parin nang isip niya ay si Heaven. Habang nasa sasakyan naman si heaven at ang pinsan niyang si Vivian ay kinausap siya nito.. "Heaven' ano pala nangyari sayo kanina, ba't nagmamadali kang umalis roon. "Ah wala, nadapa kasi ako. Kaya agad akong lumabas dahil nakatingin sakin lahat nang reporter nakakahiya." ngiting saad nito. Pag uwi nila ay nakabantay na si baby cloud sa pinto, pagbaba pa lang niya nang sasakyan ay agad na tumakbo si baby cloud sa kanya at niyakap siya. "Baby cloud si tita beauty pala' walang kiss at hug?" Agad naman lumapit si baby cloud sa tita vivian niya at niyakap ito. "Oh so sweet my baby cloud." Pagpasok niya nang room ay agad sitang nahiga at inisip si Joshua, kita niyang masaya na ito kay miss sanya. Siguro ngayon ay tuluyan na kitang makakalimutan Joshua.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD