Episode 6

2533 Words
Only you in my Heart Chapter 6 Natapos na nga ang isang buwang paghihintay ni Heaven kay joshua,kaya excited siyang naghintay sa labas nang hotel.Umaga,tanghali hanggang gabi hinintay niya si joshua.Ito kasing araw ang sinabi niyang babalik ito pero hanggang sa natapos ang buong magdamag niyang paghihintay ay wala parin ito.Dalawang araw,tatlong araw,isang linggo at isang buwan pa wala parin ito.Hanggang sa umabot nang isang taon at naging dalawang taon wala nang joshua ang bumalik sa hotel.Sobrang nasaktan si Heaven dahil umaasa siyang babalikan siya ni joshua.Simula noon hindi narin siya umasa na babalik pa si joshua.Ipinukos niya na lamang ang sarili sa pag aalaga sa papa niya dahil lumalala na ang sakit nitong diabetes at rayuma,at lumaki na rin ang utang nila dahil sa pag papagamot sa kanyang ama. Isang araw tumawag sa kanila ang Tita veronica niya ang nag iisang kapatid nang papa niya sa maynila.Kinausap ang kanyang ama na pumunta muna sila doon sa maynila para doon magpagamot ang kanyang papa at doon muna tumira sa bahay nito.Medyo may kaya din naman sa buhay ang kanyang tita veronica dahil ang asawa nito ay seaman sa ibang bansa at may dalawa siyang pinsan na babae ang isa niyang pinsan ay nasa ibang bansa nagtatrabaho.Kaya ang Tita at ang isa niyang pinsan lang ang nakatira sa malaking bahay nito. Pumayag naman ang kanyang ama sa sinabi ng tita veronica niya.Kaya isinangla muna nila ang hotel at ang grocerie sa isang guest nilang mayaman at mabait naman,dahil pumayag naman sa kondisyon nila na hindi tatanggalin ang mga taong nagtatrabaho sa hotel at ibabalik din sa kanila ang hotel pag naibalik na ang pera nito. Nag impake si Heaven nang mga gamit na dadalhin nila nang makita niya sa drawer ang singsing na nakita niya sa dalampasigan,kinuha niya iyun at inilagay sa kuwentas na suot niya. "Maisasangla ko din ito pag gipit ako."bulong niya at lumabas narin nang kuwarto niya. "Heaven wag mo kaming kakalimutan ha,tumawag ka parin lagi sa amin."Iyak na sabi ni nica. "Oo na!yang mukha mong yan makakalimutan ko pa ba?"birong sabi naman niya kay nica. "Maraming salamat pala sa inyo,hayaan niyo babalik kami dito nang anak ko at apo ko."tugon ng ama ni heaven sa mga naiwan nilang mga tauhan. "Nica,akin na si cloud."sabi niya kay nica at habang kinukuha dito ang dalawang taon niyang anak na si Cloud. "Ayoko,dito lang sa akin si baby cloud."Naiiyak na sabat ni nica habang buhat at hinawakan nang mahigpit ang dalawang taon niyang anak. "Ano kaba,babalik naman kami dito pag gumaling na si papa."sabat niya at kinuha narin si cloud.Hinalikan muna ni nica si cloud bago tuluyang ibinigay sa kanya. "Baby,say bye'bye to ninang nica,and lolo rudy lola rosa and tita ninfa at tita jasmin."ngiti niyang utos kay cloud. "Bye bye."Sabi ni cloud at kumaway pa ito. Sumakay na sila nang sasakyan si mang rudy ang maghahatid sa kanila sa airport.Ilang oras lang ang biyahe nila ay nasa airport na nga sila,sinundo naman agad sila nang kanyang tita veronica at ang pinsan niyang si vivian.Nang makita sila naluluha namang niyakap nang tita Veronica niya ang ama niya. "Kuya vince,ang payat payat muna."mangiyak ngiyak na sabi nang tita veronica niya. "Mama!saka na yang iyakan umuwi muna tayo para makapahinga si tito vince at si pinsan.At ang baby niyang napaka guwapo."ngiti naman sabi ni vivian at hinawakan ang mukha ni cloud. Niyakap naman agad ni Heaven ang kanyang pinsan na matagal na niyang hindi nakita.Siguro ay mga sampung taong gulang pa siya nang huling magbakasyon ang mga ito sa resort nila sa cebu. Sumakay na nga sila sa dalang kotse nang kanyang tita veronica.At ang pinsan niyang si vivian ang nagmamaneho nito. "Sigurado magiging masaya at maingay na ang bahay natin mommy!Dahil may baby na tayo sa bahay,ang guwapo guwapo pa nang baby."sabi ni vivian habang nagmamaneho at halatang nanggigil na ito kay cloud. Pagkarating nila sa bahay ng kanyang Tita veronica ay agad naman nito itinuro ang isa-isa nilang kuwarto nang papa niya. "Tita,ok lang naman sakin na dalawa kami ni papa sa isang room para mabantayan ko siya." "Hindi na iha,ipukos mo na lang yung oras mo sa work mo at ipinasok ka na daw nang pinsan mo sa hotel na pinagtatrabahuan niya.Ako na bahala sa papa mo at kay baby cloud may dalawa naman tayong kasambahay dito para tutulong sakin,tiyaka wala naman akong gagawin buong maghapon.Kaya ako na lang mag alaga kay kuya,at namimiss ko narin mag alaga nang baby,hindi ko kasi alam kung kailan ako bibigyan nang mga pinsan mo nang apo."ngiting saad nang kanyang tita. "Wag kang mag alala mama!malapit na yun'."sabi ni vivian at humagikhik nang tawa sa biro niya."Pero ngayon si baby cloud muna alagaan mo."sabi nito sabay halik kay baby cloud na buhat-buhat niya. "Tita,at sayo din pinsan,maraming salamat sa tulong niyo ha." "Wala yun iha,tiyaka kuya ko ang papa mo at ako lang ang nag iisa niyang kapatid siyempre aalagaan ko din ang kuya ko."sabi ng kanyang tita at niyakap ang papa niya.Ngumiti naman ang kanyang ama nang marinig ang sinabi ng kapatid. "Insan mag ready kana pala sa monday. Sabay na tayong pumasok sa work,tanggap ung application na senend mo sakin sa computer noon." "Salamat insan buti naman at may work agad ako dito." Masaya si Heaven dahil mabait ang tita veronica niya at ang pinsan niya. Sisimulan niya ang panibagong buhay niya dito sa maynila at kakalimutan ang malungkot na nangyari sa kanya sa probinsiya,at kakalimutan ang mga taong dapat kalimutan. Araw nang linggo kaya nagsimba muna sila nang pinsan niyang si vivian kasama si cloud.Tatlo lang sila dahil nagpaiwan ang kanyang tita veronica para samahan ang kanyang papa sa bahay. Pagkatapos nilang magsimba,pinasyal muna nila si cloud.Buhat-buhat naman ni vivian si cloud papasok sa toy kingdom.Si Heaven naman ay nakasunod lang sa kanilang dalawa na, nagmamadaling pumasok sa toy kingdom. "My handsome nephew!choose what toys you want?tita beauty buy it for you." "A want thit toy'."utal na sab ni cloud sa tita vivian niya at itinuro ang mamahaling laruan na malaking car na remote control.Natatawa naman si Heaven sa pinili ng anak. "Aba!magaling pumili si pamangkin ah!mamumulubi si tita beauty."ngiting saad ni vivian. "Minsan lang daw kasi yan tita kaya lubus-lubusin niya na."natatawang biro niya sa pinsan. Kinuha nga ni vivian ang laruang napili ni cloud.Nagulat naman ito nang makasalubong ang nobyo na namimili din nang laruan nang bata. "Domer,nandito ka din pala?bibili ka rin ba nang laruan para kanino sa anak mo?"Taas kilay na tanung ni vivian sa nobyo. "Bakit ano akala mo sakin may anak na?"Para to sa pamangkin ko,ikaw kaninong anak yang dala-dala mo,may tinatago kabang anak?" "Oo,anak ko to,ang gwapo diba?"Mas guwapo pa sayo tatay nito."natatawang sabat ni vivian na iniinis ang nobyo. "Seryoso nga vivian kaninong anak yan?" "Sa pinsan ko."agad na sabi ni vivian sabay turo kay Heaven na tumitingin sa ibang laruan.Tumitig naman si Domer kay Heaven at ngumiti ito. "Hi!ako nga pala si Domer,anak mo to?"Ang gwapo naman." "Hello,Oo anak ko yan."ngiti niya namang sabat kay Domer. "Ito nga palang pinsan ko domer, ung pinapasok ko sayo sa'KING HOTEL' sa attendant mo ba siya nilagay?" "Hindi eh!sorry ang pangit naman kasi na nilagay niyong picture sa application niyo,kaya sa tagalinis nalang nang hotel si heaven inasign,nang manager nang hotel na si miss keri.Hindi mo kasi sakin sinabi na ang ganda pala nang pinsan mo." Si Domer ang isa sa investor nang KING HOTEL kung saan nagtatrabaho si vivian bilang room attendant. "Bakit ang maganda lang ba talaga puwede sa attendant?"Si insan kasi eh,sabi ko palitan natin ung picture mo."inis namang tumingin sa kanya si vivian. "Ok lang yun insan!Sanay naman ako sa paglilinis,sa computer kasi yun kaya pumangit ang kuha nang picture ko." "Sigurado ka?" Mahirap maglinis nang buong hotel mabuti sana kung room attendant ka paupo upo ka lang.. "Wag kang mag alala vivian,pag may vacant na yung room attendant si heaven ung ipapasok ko."sabat naman ni Domer. "Promise mo yan ha' Domer'? "Oo,promise'! Tara Meryenda muna tayo sa restaurant treat ko." "Oo ba,treat mo pala eh!agad namang sabat ni vivian sa nobyo. "Heaven,ang guwapo nang anak mo anong pangalan niya?Parang may kamukha ung anak mo na kaibigan ko."ngiting tanung ni Domer. "Ah siya si cloud po sir Domer." "Domer na lang wag na sir." "Sinanay ko lang ho ung sarili kung tawagin kayong sir,dahil bukas maging sir ko na kayo sa trabaho ko." "Investor lang naman ako dun sa hotel,meron talaga kayong pinakaboss doon." "Sino naman pala ung kaibigan mong kamukha nang pamangkin ko?"Eh ang pogi pogi na nang pamangkin ko may kamukha paba to." "Hindi mo ba namukhaan kung sino kamukha nang pamangkin mo,titigan mong mabuti." Tumitig naman si vivian sa mukha nang pamangkin at biglang sumigaw. "Ah!Oo my God,kamukha ni sir Moises!sigaw ni vivian na tumatawa. Nginitian lang ni Heaven sila vivian at domer,dahil hindi niya naman kilala kung sinong moises ang sinasabi nila. "Kamukha diba ni king?"Agad namang tanung ni Domer kay Vivian. "Oo,kamukhang kamukha nga ung kilay ilong at ang shape nang mukha,pero imposible naman na si sir moises ang ama nang pamangkin ko,eh hindi naman kilala nitong pinsan ko si sir moises diba insan?" Tanung naman ni vivian sa kanya. "Oo,sino ba yung moises na sinasabi niyo?" "Siya lang naman ang presidente nang hotel at magiging boss natin."taas kilay na sabi ni vivian. Pagkatapos silang itreat ni Domer ay nagpaalam narin sila na uuwi na. "Kika-kits,na lang sa inyo bukas."ngiting sigaw ni Domer habang nasa sasakyan na ito at bago pinaandar ang sasakyan. Sumapit na nga ang lunes maagang nagising si Heaven at naligo. Pagkatapos niyang maligo ay pumunta muna siya sa kusina para magluto nang almusalin nila.Kaso maaga rin pala gumising ang kanyang tita veronica at pinagluto sila nang almusal.Inihanda na rin nito ang babaunin nila ni vivian. "Vivian!Bilisan muna ri'yan,nandito na pinsan mo.Malili late kayo sa unang pasok ni heaven sa work."sigaw ng kanyang tita veronica. "Oo na palabas na! "Heaven,bago ka umalis ilipat mo na lang muna nang room ko si baby cloud para mabantayan ko habang tulog ito." "Opo tita,salamat."Sabi niya at kukunin niya na sana si baby cloud para ilipat kaso gising na ito at nakaya na nito bumaba nang kama,buti na lang hindi gaano ka taas ang kama. "Oh,my baby you wake up early too?" Mama need to go to work,you wait for me to go home ok?"Be a good boy to lola veronica."tugon niya kay cloud at binuhat muna niya at hinalikan. "Ok mama!go tome eatly ok?we mityou."utal na sabi nito. "Ok promise,mama will go home early,we miss you to baby."saad niya kay cloud at hinalikan ito sa mapupulang pisngi nito. "Lets go!bungad naman na sabi ni vivian pagkababa niya nang hagdan,nilapitan niya din muna si baby cloud at humalik din ito. "Baby cloud,be a good boy ha?"Tita beauty give you a toy again."ngiting saad naman ni vivian kay cloud. Matalino si Cloud kaya mabilis lang ito nakakaintindi,tumango lang ito sa tita vivian niya at ngumiti. "Pa,bye alis na kami!sigaw ni heaven sa ama. "Bye,tito! "Sige ingat kayo mga anak,uwi nang maaga ha."tugon ng kanyang ama. Kinse minutos lang ang biyahe nila ay nasa harap na sila nang KING HOTEL napamangha siya dahil napakalaking hotel pala ito at mukhang mayayaman lang ang makaka afford nang ganito kagandang hotel.Binilang niya muna kong ilang flor ito,nakakalula tingnan sa,sobrang taas. "First floor. "Second floor. Tenth Floor.. Fifteen Floor.. Twenty Floor.. Thirty Floor.. Natigil naman siya sa pagbibilang nang marinig niya ang sigaw ni Vivian,na nasa harap na ito nang pinto nang hotel. "Heaven,tara na mali-late na tayo!sigaw nito. Nagmamadali naman siyang sumunod kay vivian,pagpasok niya nang hotel ay mas lalo siyang napamangha.Dahil may red carpet pa ito sa hagdanan at may magagandang chandelier sa taas nang kisame. "Wow parang palasyo,ung nakikita ko sa tv."bulong niya.Hindi nangalahati ung hotel namin sa probinsiya. Lumapit sila ni vivian sa mga naka linyang mga nagtatrabaho sa hotel naka uniporme at kinausap muna ang mga ito.Nasa tingin niya ay ung manager nang hotel. "Miss Keri!Ito nga po pala ung pinsan ko na bagong papasok dito."bungad namang sabi ni vivian nang makalapit sila sa mga nagtatrabaho sa hotel. "Ah ok,ituro mo na lang muna sa kanya ang room kung saan pwede magpalit nang uniform.Ako nga pala ang manager dito,si Keri."Miss keri na lang itawag mo sakin." "Ako naman po si Heaven,Miss keri." "Ok,sumama ka na lang kay vivian siya na lang muna magtuturo sayo."tugon nito sa kanya.Sabay nga sila ni vivian nagpalit nang uniform at itinuro sa kanya kung saan ang mga gamit pang linis nang hotel.Ilang minuto lang ay lumapit si miss keri sa kanila. "Heaven,siya nga pala ang makakasabay mo sa paglilinis si Ada." "Hi ada."ngiti niyang bati. "Hello,heaven!ang ganda naman nang pangalan mo sa tagalog langit at bagay rin sayo ang pangalan mo ang ganda mo rin kasi."ngiti namang sabi ni ada. "Salamat ada,maganda karin." "O,aalis na kami ha."sabat naman ni miss keri. "Insan,maiiwan muna kita pupunta naku sa pwesto ko,kita na lang tayo mamaya." "Ok,see you mamaya! "Tara,heaven simulan na natin ang paglilinis."Sabi ni ada nang makaalis na sila miss keri at vivian. Hila hila nila ni ada ang kariton na gamit pang linis at lagayan nang basurahan ini isa-isa nilang nilinis ang room na bakante pa.Tatlong oras din sila ni ada paikot ikot nang hotel at pababa paakyat para maglinis. Nakakapagod din pala,pag nagtatrabaho kang may boss hindi puwedeng pabagal bagal ang kilos mo nakakahiya sa mga kasama mong nag work sa hotel."Laman ng isip niya habang naglilinis. Pumunta naman sila sa Grand ball room nang hotel para doon maglinis. Kita nilang napakarami pang tao at reporters. "Ay!hindi pa pala tapos ung conference ni miss Sanya."mahinang sabi ni ada. "Sino naman yun'? Agad niyang tanung dito. "Hindi mo kilala yun?"Isang sikat na designer sa ibang bansa yun.Halika pumunta tayo dun sa pinto sisilip tayo para makita mo,dito kasi hineld ang conference ni miss sanya."sabi ni ada at hinila siya papasok sa pinto na yun. Kita niya nga sa loob na ang daming tao at reporters at meron pang tarpaulin na pinatayo malapit sa pinto nang isang napakagandang babae,ito yata ang sinasabi ni ada na si miss sanya. "Heaven! heaven!ayan si miss sanya."sabay turo sa stage kung nasaan ang babaeng sinasabi. Tiningnan niya naman iyun,napakagandang babae nga.Napatitig naman siya sa katabi nitong lalaki,at nanlaki mata niya nang makilala niya kung sino si Joshua.Nakatayo ito at ka-akbay ni miss sanya,biglang nanikip ang dibdib niya at lalamunan akala niya ay ok na siya nakalimutan niya na si joshua.Pero nang makita niya ito ay parang kahapon lang ito na nangakong babalikan siya at papakasalan.Rinig niya naman ang mga sinasabi nang reporters. "Miss sanya,miss sanya!Kailan naman ang kasal niyo ni mr Ricafort?" Kita niyang ngumiti si joshua sa reporters at sasagot na sana ito,pero napalingon pa ito kung saan siya nakatayo,kaya napatitig ito sa kanya. Nataranta naman siya nang makita siya ni joshua kaya agad siyang tumalikod at mabilis na lumakad palabas kaso nasagi nang paa niya ang tarpaulin kaya nadapa siya. Napalingon naman ang lahat ng tao sa kanya.Pero di niya iyun pinansin at mabilis siyang tumayo at lumabas. "Heaven'heaven'?Bulong ni Joshua sa sarili na makitang nadapa si heaven.Gusto niyang tumakbo at yakapin nang mahigpit si heaven kaso wala na siyang karapatan,iniwan niya si heaven at pinili si sanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD