XARIA'S POV:
Minadali kong lumabas sa ospital hindi ko na iniinda ang mga sugat ko galing sa aksidenteng nangyare
Gusto kong ako mismo ang mag asikaso sa burol ng mga magulang ko
Dahil nagi guilty ako kasalanan ko kung bakit nangyari sa kanila yun
Kung hindi ko sana sila pinilit na lumabas nung araw na yun
FLASHBACK;
"Mom Dad! paalala ko lang ngayon tayo papasyal sa amusement park!" masayang sabi ko
"Sweet heart pwede bang sa ibang araw na lang tayo pumunta dun?" paki usap ni Dad
"Ehh! Nangako kayo ni Mom sabi niyo ngayon ang tagal kong naghintay tapos hindi matutuloy" reklamo ko
"Baby may aasikasuhin kasi kami e" singit ni Mom
"Hmp! Ah basta ngayon niyo ko sasamahan sa amusement park ngayon! ngayon! ngayon!" pilit ko at nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata ko
"Pfft! HAHAHA ok ok panalo ka na sweet heart magbihis ka na pupunta tayo sa amusement park ngayon ok?" nakangiting sabi ni Dad
"Yehey! wala ng bawian"sabi ko at umakyat na para magbihis
Mabilisan lng akong nagbihis at agad ng bumaba dahil baka magbago pa ulit ang isip ni Mom at Dad
"Ikaw talaga Clarence lagi mong pinagbibigyan ang anak mo kaya na iispoil e" birong sabi ni Mom
"Anong magagawa ko hindi ko mahindian ang munting prinsesa ko" sagot ni Dad sabay halik sa pisngi ko
Nasa loob na kami ng sasakyan at kinalong ako ni Dad
May driver kami para kahit sa sasakyan ay makapagbonding parin kaming tatlo
Naglalaro kami ni Dad at Mom ng biglang nagsalita ang driver
"Sir Maam delikado po tayo hindi gumagana ang preno" sabi ng driver
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Dad
"Sir ayaw kumagat ng preno bumibilis pa ang takbo natin kahit hindi ko binibilisan"sagot ng Driver
"Oh jusko Clarence ang anak natin" nag aalalang sabi ni Mom
"Ibangga mo sa puno pilitin mong wag ibangga ng malakas" utos ni Dad
Gagawin na sana ng driver ang utos ni Dad ng may biglang lumabas na truck galing kung saan
Mabilis itong humaharurot papunta sa direksyon namin
"Sir yung hindi ko maiiwasan yun truck!" sigaw ng driver
"Clarence ang anak natin! protektahan natin siya kahit anong mangyare" sigaw ni Mom
"Sweet heart pwde bang pumikit ka ngayon na" sabi ni Dad naguguluhan man ako ay sinunod ko agad
Naramdaman ko na lang ang pagyakap sakin ni Mom at Dad ng mahigpit
"WAAAAHHHHH!!" ang huling narinig ko bago mawalan ng malay
END OF FLASHBACK
Lumapit ako sa kabaong ni Mom at Dad
"Mom Dad im sorry! Im sorry hindi ko sinasadya kasalanan ko lahat kung hindi ako nagpumilit lumabas nun sana buhay pa kayo ngayon sorry"sabi ko at muli na namng umiyak
"Lil sis tahana wala kang kasalanan sa nangyare" pang aalo sakin ni Kuya Damon
"Princess wag ka ng umiyak please naiiyak na din ako e" dagdag ni Kuya Drake
"Baby sis wag na wag mong sisisihin ang sarili mo walang kahit sinong may gustong mangyare yun tama na" sabi naman ni Kuya Dark at niyakap ako
Habang pinapatahan ako nila Kuya ay nahagip ng mata ko si Alice
Kaming apat nila Kuya ay pare parehong mugto ang mata dahil sa pag iyak
Pero si Alice ay hindi baka ganun lang siya magluksa siguro ayaw niya lang maging mahina sa harap ng iba
Sigurado akong malungkot din siya dahil mahal siya ng mga magulang ko at halos sabay kaming lumaki
Hindi ko tunay na kapatid si Alice nakita namin siyang nakahiga sa harap ng gate ng mansion
Naawa ang mga magulang ko saknya at napagdesisyunang ampunin siya
Magkaedad lang din kami kaya tuwang tuwang ang mga magulang lalo na at may makakalaro ako
Hindi kami close ni Alice simula ng pumasok siya ng mansion
Hindi ko yun pinansin dahil baka nag aadjust pa siya walang may alam kung saan siya galing
At kung anong pinag daanan niya bago siya mapunta samin kaya niresrespeto ko ang gusto niyang gawin
Habang nakatingin ako saknya ay nakaramdam ako ng kilabot at pangamba
Hindi ko alm kung namalikmata ako o nakita kong ngumisi ng kakaiba at nakakatakot si Alice sakin
Sa paraan ng pagngisi niya ay tila ba sinasabihan niya akong humanda sa kung anong darating
"Lil sis! Ayos ka lang ba? Kinakawayan ka ni Alice pero nakatitig ka lng saknya" sabi ni Kuya Damon
"A-Ahh wala namn Kuya pagod lang" pagdadahilan ko at kinawayan pabalik si Alice
Saka tumingin sa kabaong ng mga magulang ko Mom Dad lagi niyo po sana akong bantayan
ALICE'S POV:
"Congratulations! Nagtagumpay ang plano mo" papuri sakin ni Calix kaibigan ko
"Ako pa ba magaling to no" pagyayabang ko at nag toast kami sabay tungga ng alak na binili namin kanina
"Patikim palang yun ng plano ko Calix hindi pa nagsisimula" nakangising sabi ko
"Huh? Akala ko yun na ang step one HAHAHAH" sagot niya
"Marami pa akong kailangang gawing para mapasakin ang kayaman ng mga Ruiz at Alford may 4 pang kailangang dispatsyahin" paliwanag ko
"Ahhh yung Alford brothers tyaka yung babae" sabi niya
"Oo at uunahin kong aalisin sa landas ko ang babaeng yun" natutuwang sabi ko
"Pano? at ano nga ulit pangalan niya?" tano ni Calix
"Basta malalaman mo din siya si Xaria Leigh Ruiz Alford ang unica hija ng pamilya Alford" sagot ko
"Well mukhang exciting na naman yang plano mo ok sige hintayin ko na lang basta wag mo kong kakalimutan kapag mayaman ka na ha? HAHAHAHA" malakas na sabi ni Calix
Nakitawa na din ako sa kanya dahil ramdam ko na ang tagumpay sa tagal ng pagtira ko sa mansiong yun
Napag aralan ko na silang lahat madali na lang sakin isagawa ang plano ko at magbuhay reyna gamit ang lahat ng yaman nila