bc

The comeback of the Mafia lord's Daughter

book_age16+
105
FOLLOW
1K
READ
others
tragedy
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

"Nasaan si Xaria?!" nakakabinging sigaw ni Kuya Drake sa katulong

"Kuya nandito ako ba---

'Pak!' muntik na akong matumba sa pagkakasampal ni Kuya sakin

"Kuya bakit?" naiiyak na tanong ko saknya

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko ng mahigpit

"Bakit ha?! Bakit?! Napakalandi mong babae ka!!" sigaw niya sa mukha ko

"Kuya nasasaktan ako!" reklamo ko habang pilit kumakawala sa pagkakahawak niya

"Wala ka na bang natitirang kahihiyan sa katawan mo?!" sigaw niya at sinampal na naman ako

"Drake!" sulpot ni Kuya Damon kasama si Kuya Dark

"K-kuya's" naluluhang tawag ko sa wakas may aawat na kay Kuya Drake

"Ikaw!" sabi ni Kuya Damon sabay duro sakin at hinila ako patayo

Nagulat ako ng bigla niya akong sakalin ano na naman bang ginawa ko

"Magmula ng ipinanganak ka sa mansyong ito puro kamalasan ang inabot namin sayo!!" galit na saad ni Kuya Damon

Hindi na ako makahinga dahil sa pagkakasal ni Kuya Damon nabuhayan ako ng pag asa ng lumapit si Kuya Dark

Akala ko tutulungan niya ako pero ngumisi lang siya at tila tuwang tuwa pa sa nakikita niya

"Sinabi ko namn sainyo noon pa paalisin niyo na lang ang babaeng yan sa dami ng kasalanan niyan satin baka makagawa pa tayo ng krimen!" saad ni Kuya Dark

"Hi kuya's!"sulpot ni Alice na kakauwi lang galing sa isang party

"Hi lil sis! princess! baby sis" kanya kanyang bati nila kuya saknya

Inihagis ako ni Kuya Damon sa sahig para salubungin ng yakap si Alice

"Oh ano na namang kapalpakan ang ginawa niyan Kuya's?" maarteng tanong ni Alice

"Diba nakwento mo samin na papalit palit ng nilalanding lalaki ang babaeng yan? Nakita ko siya kanina totoo nga ang sinasabi mo" sagot ni Kuya Drake

"See i told you kuya's kailangan niyo ng putulin ang kaugnayan natin sa babaeng yan dahil puro kahihiyan lang ang dala niya ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan natin" sabi ni Alice

Ako ang tunay na kapatid nila Kuya hindi si Alice pero bakit trinatrato nila akong parang ibang tao

Inampon ng mga magulang namin si Alice natagpuan lang siya sa gate ng mansyon

Simula ng mawala sila Mom at Dad nagbago ang ihip ng hangin dati ako ang paborito nila Kuya ngayon kinaiinisan na nila ako

Hindi ko mapigilan ang mapaluha ano bang naging kasalanan ko sa nakaraang buhay ko at pinaparusahan ako ng ganito

Pinipilit kong huminga ng maayos kahit na nananakit ang leeg ko

'Blagggg!' parang nabali ang buto ko ng sipain ako ng malakas ni Kuya Dark

"Anong inaarte arte mo dyan?! Hindi ka makahinga?! Hindi mo kami mapapaniwala sa paganyan mo alam na namin ang style mo nag iinarte ka lang!" sabi ni Kya Dark

"S-Sir baka naman po parang awa niyo na tama na po nasaktan na po si Maam Xaria" sulpot ni Nanay Rose ang pinakamatagal at pinakapinagkakatiwalaang katulong ni Mom at Dad

"At sino ka para kontrahin kami ha?!" galit na saad ni Kuya Damon at akmang sasampalin si Nanay Rose

Pero agad kong iniharang ang mukha ko at sa puntong ito tumama ang ulo ko sa dulo ng mesa

Nakaramdam ako ng hilo ng bumagsak ako sa sahig naririnig ko pa ang pagtawag ni Nanay Rose sa pangalan ko habang umiiyak pero unti unting sumara ng kusa ang mga mata ko

Yun muna sana may magbasa pa approve admins salamat😁

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: NIGHTMARE
CHAPTER 1: NIGHTMARE XARIA'S POV: Nagising ako sa isang lugar na puro puti hindi ko alam kung ano ang lugar na ito at kung paano ako napunta dito Bigla kong narinig ang tinig ng mga kuya ko kaya agad kong sinundan ang pinanggagalingan ng boses nila Napunta ako sa isang kwarto teka nga kwarto ko to a "Good morning Lil sis!" bati ni Kuya Damon papasok sa kwarto ko "Rise and shine little princess!" masayang sabi ni Kuya Drake "Baby sis! bangon na dyan tanghali na" saad namn ni Kuya Dark Agad kong sinalubong sila kuya pero laking gulat ko ng hindi nila ako pinansin Tumingin ako sa batang nakahiga sa kama halos lumuwa ang mga mata ko Ng makitang si Alice ang batang nasa kama ko sa halip na ako "Kuya's ako ang kapatid niyo!! Hindi siya!! Ako!!" sigaw ko at patakbong lumapit sa kanila Pero bago pa ako makalapit ay napunta ako sa ibang lugar Ano bang nangyayare? Napalingon ako sa likuran ko dahil narinig ko ang boses ni Mom "Baby! halika" sabi ni Mom at kasama si Dad "Mom!" naluluhang sabi ko sa wakas nakita ulit kita naglalakad palapit sa kinatatayuan ko si Mom Ng malapit na si Mom sakin ay bigla na lang siyang natumba at naging pula ang suot niyang puting blouse "Mom anong nangyare Mom!" umiiyak na sabi ko at nilapitan siya Hahawakan ko na sana siya pero unti unti siyang naglaho Agad kong tinignan si Dad na ngayon ay nakangiti sa akin "Xaria sweet heart ipangako mong mag iingat ka palagi lagi mong tatandaan kahit saan ka man naroon hindi mo man kami nakikita ng Mom mo ay palagi mo parin kaming kasama mahal na mahal ka namin ng Mom mo anak paalam" naluluhang sabi ni Dad "Dad hindi wag! wag niyo kong iwan ni Mom isama niyo na lang ako please!" sabi ko at pilit siyang nilalapitan Pero kada lapit ko siya naman ang paglayo sakin ni Dad "Dad isama mo na lang ako please! Gusto ko kayong kasama ni Mom"pagmamakaawa ko Pilit ko siyang inaabot pero unti unti na siyang naglalaho Hinabol ko pa siya pero huli na STILL XARIA'S POV: Tumakbo ako kung saan saan hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan ako Pero isa lang ang gusto kong gawin ang mahanap si Mom at Dad "Mom! Dad! lumabas na kayo please!" nagmamaka awang sigaw ko Lumingon ako takbo lakad ang ginawa ko hanggang sa maubusan ako ng lakas at mapaluhod "Mom Dad! Nasaan na ba kayo? Ang daya niyo naman e bakit kayo nang iiwan? Mom Dad isama niyo na ko please isama niyo na ako" umiiyak na paki usap ko Patuloy ako sa pagtawag sa kanila ng marinig ko ang boses ni Nanay Rose "Maam Xaria Maam Xaria" sabi niya kasabay nun ang pagyugyog ng katawan ko 'SPLASH' Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa malamig na tubig na bumalot sa buong katawan ko "Tatayo ka din pala hinintay mo pang buhusan ka ng tubig!" galit na sigaw ni Kuya Drake Kung ganun panaginip lang lahat ng yun sobrang samang panaginip "Anong iniiyak iyak mo kanina napakaingay mo! Pinatawag kita kay tandang Rose para magluto tapos aabutan kita ditong nakahiga tapos paiyak iyak pa!? Gusto mo ba tlagang umalis sa mansiong ito ha?" sigaw ulit ni Kuya Drake "S-Sir gising na naman na po siya e baka pwdeng pagbihisin muna na natin siya bago siya magluto" singit ni Nanay Rose "Hinihingi ko ba ang opinyon mo ha tanda?!" inis na sabi ni Kuya Drake "K-Kuya tama na po ma-magluluto na ako" sabat ko at dumiretsyo na sa kusina kahit basa ang damit ko Habang nasa kusina ako at nagluluto ay dumating si Alice "Well well well kaya naman pala mabaho ang buong kusina dahil nandito ka tignan mo nga yang itsura mo?!" maarteng sabi niya Hindi ko siya pinansin ni tignan siya ay di ko ginawa sa halip ay tinuon ko ang atensyon ko sa niluluto kong sinigang 'BLAG!' "Kapag kinakausap kita matuto kang sumagot wag kang bastos!?" inis na sabi ni Alice pagkatapos ibato ang kaldero sa sahig Agad kong pinulot ang kaldero at winalis ang bubog na galing sa takip ng kaldero "Aba't bastos ka talaga ano?!" sigaw ni Alice sabay hila sa buhok ko Hindi ko naiwasan ang paghila niya sa buhok ko dahil nakatalikod ako saknya "Tama na Alice masakit" pagmamakaawa ko "Masakit?! HAHAHAHAH kulang pa yan"sabi niya at patuloy akong hinila Maya maya tumigil lang siya nung nasa kalan na kami Tinanggal niya ang takip ng kaldero kung saan ko niluluto ang sinigang Dahil sa panghihina hindi ko napigilan ng kunin niya ang kamay ko at isinawsaw ang kamay ko sa kumukulong sinigang "AHHHHHH!! Tama na!! Anong ginagawa mo!" sigaw ko "Nililinis ka diba sa paghuhugas ng plato binababad sa mainit na tubig ang mga plato pagkatapos sabunan at banlawan" natatawang sagot ni Alice Hindi ko mapigil ang pag iyak dahil sa hapdi na nararamdaman ko Pakiramdam ko naihihiwalay ang balat ko sa kamay ko Akala ko tapos na ng tanggalin ni Alice ang kamay ko sa pagkakasawsaw sa kumukulong sabaw Pero nagkamali ako itinulak niya ako sa sahig kung saan naroon pa ang mga bubog na hindi ko natapos linisin kanina "Ahhh!" hindi ko mapigilang dumaing bumaon kasi ang mga bubog sa pang upo ko Hindi pa ako nakakarecover sa sakit na nararamdaman ko ay nagulat ako ng kunin ni Alice ang kaldero "Nawala na ang mga magulang mo! Bakit nabuhay ka pa!? Wag kang mag alala tutulungan kitang makasama sila!" sabi ni Alice Saka walang anu anong isinaboy sakin ang kumukulong sinigang na laman ng kaldero "AAAAHHHHHHH!!" sigaw ko Napaupo ng wala sa oras at hinahabol ang aking hininga "Maam Xaria ayos ka lang ba? May masakit pa ba sayo? Gusto mo bang tawagin ko ang doctor?" tanong ni Nanay Rose "Nay Rose nanaginip ako ng masama wala na daw si Dad at Mom tapos galit na sakin sila Kuya at sinasaktan ako ni Alice" pagsusumbong ko saknya "Uhmmm Maam Xaria ang pagkawala ng PapĂ  at MamĂ  mo ay hindi panaginip totoong wala na sila" malungkot na sabi ni Nanay Rose "N-nagbibiro ka lng Nay hindi ba? nakaligtas sila gaya ko hindi ba? prank lang to hindi ba? Nasaan sila Kuya's plano nila to diba?" pilit ngiting sabi ko Umiling si Nanay Rose at nangilid ang luha sa kanyang mga mata "Pasensya na Hija pero wala na sila hindi sila nakaligtas gaya mo ikinalulungkot ko" sagot niya Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig ko hindi pwde! Yung panaginip ko yun na ba ang pagpapaalam nila sakin Bakit?! Bakit ako lang ang nakaligtas?! Bakit hindi kaming tatlo!? Bakit?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
169.4K
bc

Dominating the Dominatrix

read
53.0K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
25.4K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
561.4K
bc

In Love With My Alpha Triplet Brothers

read
3.1K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
789.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook