Enjoy reading po❣️❣️❣️ SINFUL CEOS SERIES: BOOK 5 PASSIONATE DECEPTION Doukas Damarcus Chapter 41 MATIYAGANG NAGHINTAY si Chantara sa visitor's lounge hanggang sa matapos si Neptune sa appointment nito sa isa nitong VIP client. Pabor na rin sa kanya iyon dahil kahit papaano ay nakapagpahinga siya. She just finished her eleven hours straight duty as a nurse in a private medical center at dumerecho na siya sa building ni Madame Vera Vilchez para puntahan si Neptune. Palagi na kasi itong nagsusungit kapag tumatawag ito sa kanya dahil kapag may bakante itong oras ay hindi siya nakakasipot sa meeting nila kaya sa hapon na iyon ay siniguro ni Chantara na dadaanan niya sa trabaho ang nagtatampo niyang kaibigan. Sampung buwan nang nagtatrabaho sa Lavrenti Medical Center si Chantara. But

