SINFUL CEOS SERIES: BOOK 5 PASSIONATE DECEPTION Doukas Damarcus Chapter 42 NAROON ANG NGITI sa mga labi ni Cielo Damarcus habang tulak-tulak nito ang silyang de-gulong palabas ng kanilang bahay. “It’s drizzling, Ma.” Napaingos si Doukas nang maramdaman ang ambon na pumapatak sa kanya nang tuluyan na silang nakalabas. Si Doukas ang naroon sa wheelchair. And the Damarcus manor which is settled in the east part of Naples served as his fortress for almost six years now. Dalawang buwan na lang ay eksaktong anim na taon na nang mangyari ang trahedya kung saan nauwi sa sakuna ang flight ni Doukas patungo sanang California upang sumunod doon kay Chantara katulad ng kanyang ipinangako. That plane crash took the lives of the few passengers. Isa si Doukas sa pinalad na nalibre. He remember

