A.S CORP
“Elisse” sigaw ng isang matandang babae sa isang dalagitang naglalaba sa likuran.
Dalidali naman ng takbo ang dalagita sa loob ng bahay ng kanyang tiya “Bakit po tiya? May paguutos po ba kayo sa akin?” mahinahong tanong naman ng dalagita na nagngangalang Elisse.
“Ano nanaman bang ginagawa mo at hindi ka pa nakakapaglinis at luto dito alam mo naman gutom ako pag uwi ko sa trabaho” sigaw ng tiya ni Elisse.
“Paumanhin po tiya naglalaba pa po kase ako kaya hindi pa po ako nakakaluto at linis” mahinahong sabi ni Elisse sa tiya niyang galit na galit para itong pasan parati ang mundo tuwing makikita niya si Ellise. “magluluto na po muna ako tiya” dagdag pang sagot ni Elisse.
“Sigi bilisan mo katukin mo na lamang ako sa aking kwarto” sabi ni aling Elizabeth ang tiyahin ni Elisse tumango na lamang ang babae para hindi na mapahaba pa ang kanilang usapan.
Sa pag-alis ng kanyang tiyahin ay sinimulan na nito ang kanyang pagluluto. Bigla na lamang sumagi sa isipan niya kung paano siya napapunta sa poder ng kanyang tiyahin ganung masaya naman sila ng kanyang pamilya. Kung hindi lang siya iniwan ng kanyang magulang sa isang aksidenting hindi na niya gustong isipin pa dahil kitang kita niya kung paano pagbabarilin ang kanyang magulang ng mga armandong lalaki. Apat na taon pa lamang siya ngunit nakatatak na sa isip niya na babalikan niya ang mga pumatay sa kanyang magulang. May isa lamang siyang palatandaan sa isa sa mga lalaking pumatay sa kanyang magulang isang tatto ng dragon sa may bandang palapulsuan.
Nabalik sa kanyang wisyo si Elisse ng napapansin niyang pasunog na ang kanyang nilulutong adobong manok magiging pritong manok pa yata ang kanyang niluluto. Umiling iling na lamang siya at winaksi ang kanyang iniisip.
Pagkatapos niya magluto ay naghain na siya dahil kakain na ang kanyang tiyahin sila lamang dalawa sa bahay ng kanyang tiyahin dahil hindi gusto ng kanyang tiya ang umibig ng lalake o magkaanak man lang. Pagkatapos mag hain ay umaykat na siya sa ikalawang palapag kung asaan ang kwarto ng kanyang tiya.
“tiya Elizabeth” tawag at katok ni Eli sa kwarto ng kanyang tiya hanggang sa bumukas ang pinto.
“Ano nanaman ba iyon Eli” tanong ni Elizabeth o mas kilalang aling beth.
“Luto na po ang ulam at kanin tiya beth” sagot ng dalagita tumango lamang ang matanda hudyat na maari nang umalis si Eli sa harap ng pinto nito at maglinis na bahay ng kanyang tiya na third floor ang laki mayaman ang kanyang tiya ngunit hindi ito nagpapaniwala sa mga tao kaya walang katulong dito sa mansion ng kanyang tiya beth.
Nagsimula na si Eli maglinis may tatlong guest room sa second floor at may isang master bedroom kung saan ang kanyang tiya ang nagmamay ari at sa tabi naman nitong kwarto ay ang kwarto niya. Sa ikatatlong palapag naman ay andun ang mga theater room, arcade room at iba pang mga libangan. Sa paglipas ng oras ay sa wakas ay natapos na rin. Kumain na rin ito at naghugas na ito ng pinagkainan nila ng kanilang tiya.
Nagpahinga muna si Eli bago napag isipan maligo para makapag pahinga na rin at anong oras na rin dahil sa sobrang pagod ay nakatulog agad ito.
Pagkagising ni Eli ay bumangon na siya dahil baka pagalitan pa siya ng kanyang tiya at mapagbuhatan nanaman siya ng kamay nito pero malaki parin ang pasasalamat nito sa kanyang tiya dahil kahit araw araw itong galit ay hindi siya ni pinapalayas at ang pinagtataka pa niya ilang araw na siya nitong hindi pinagbubuhatan ng kamay hindi sa gusto niya ng nasasaktan pero kasi nasanay na lang siguro ito na tuwing dadating ito ay kung hindi sampal eh sabunot ang makukuha niya sa kanyang tiya.
Napabuntong hininga na lamang si Eli tuwing naiisip ito bago pa lumipad ang kanyang utak kumilos na siya bago lumabas sa kanyang kwarto eh ginawa na niya muna ang kanyang morning routine. Pagkatapos niyang gawin ang kanyang morning routine lumabas na siya at sinumulang magluto ng kanilang almusal bacon, sunny side up, hotdog at fried rice pagkatapos magluto itinabi na muna ni Eli ang kanyang niluto dahil baka tulog pa ang kanyang tiya kaya naglinis muna siya sa sala para pag gising ng kanyang tiya ay malinis na. Pagkalipas ng labing limang minuto ay natapos na rin siya kaya lumabas na siya ng likuran para sana magpahangin ngunit nakita niya ang kanyang naiwang labahin kahapon dahil sa pagtawag sa kanya ng kanyang tiyahin dahil sa nakalimutan niyang magluto at maglinis. Napabuntong hininga na lamang si Eli at sinimulan na niya ang kanyang labahan madali na lamang ito dahil tapos naman na ito i-washing machine kahapon kaya babanlawan na lamang at isasampay kaya saglitan lang rin ay natapos na siya. Pagkatayo ay nag unat unat muna siya bago pumunta sa kusina saktong pagpasok din ng kanyang tiya sa kusina galing sa sala dahil dalawa ang pintuan dito sa kusina ung isa ay papuntang kusina yung isa naman ay papuntang likuran ng bahay.
“Magandang umaga ho tiya” bati ng dalaga dahil mukhang maganda ang mood ng kanyang tiya dahil nakangiti ito at nangingislap pa ang mga mata.
“morning” hindi nakatangin na sabi ng kanyang tiya
“pagtitimpla na po kita ng kape mo po tiya” sabi pa ni Eli
“sigi” anas lang ni aling beth
Dali-dali namang umalis si Eli at nagtimpla na ito ng kape nilang dalawa dahil balak niya magkape sa labas ng bahay kung saan naroroon ang garden ng kanyang tiya. Pagkatapos ay balak na sana lumabas si Eli ng tawagin siya ng kanyang tiya beth.
“Eli” tawag ng kanyang tiya
“bakit po tiya?” sagot naman ni Eli
“saan ikaw pupunta?” tanong naman ng kanyang tiya beth
“sa garden po magpapahangin lang” sagot ulit ni Eli
“dito ka na lang kumain sabay na tayo ” anas ni aling beth kay Eli
“Sige po tiya beth” sagot na lamang ni Eli baka masira pa niya ang mood ng kanyang tiya.
Naupo na lamang si Eli at nagsandok nang kanin at ulam para makakain na ngayon lamang napansin ni Eli na nakapag sandok na pala ang kanyang tiya. Habang nakain ay tahimik lamang si Eli ng biglang nagsalita ang kanyang tiya.
“ Eli gusto mo bang sumama mamasyal sa mall?” Tanong ni aling beth kay Eli
“ano pong okasyon at mamasyal po tayo sa mall tiya beth?” takang tanong naman ni Eli sa kanyang tiya beth
“wala lang nanalo lang ako sa casino kagabi kaya mamamasyal tayo sa mall ayaw mo ba Eli?” sagot at tanong naman ni aling beth kay Eli
“sige po tiya ngayon na po ba?” Tanong pa ulit ni Eli
“oo kaya bilisan mo diyan” sagot ni aling beth
“sige po” sagot ni Eli at nagmamadali nang kumain pagkatapos kumain pumunta na siya sa kanyang kwarto at naligo na nang mabilisan dahil baka magbago pa isip ng kanyang tiya beth. Naghanap siya ng magandang damit dahil bihira lamang siya sinasama ng kanyang tiya pasalamat na lamang siya ay may binibigay na damit parin sa kanya ang kanyang tiya. Kung tutuusin mabait naman talaga ang kanyang tiya wag lang matatalo sa kanyang larong online casino dahil sakin niya naibubungtong ang kanyang galit sa kanyang kalaban. Kaya ang kalabasan siya ang nasasaktan ng kanyang tiya kung nanalo naman ito ay bibilhan siya nito ng mga damit hindi man kamahalan ay ayos na rin basta may masusuot ako kahit papaano kaysa naman maging palaboy ako. Nawala ang pag iisip ko ng makarinig ng katok. Hala baka Galit na si tiya beth kakaantay sakin. Dali dali na akong nagbihis baka naiinip na si tiya kakaantay sakin bakit ba kasi lagi na lang naglalagbay ang aking utak napabuntong hiningang sabi na lamang ni Eli at nagmamadali nang lumabas pag labas niya ay nakita niya ang kanyang tiya na mukhang naiinip na nga kakaantay sa kanya kaya humingi na agad siya ng pasensya sa kanyang tiya beth tumango na lamang ang matanda at bumababa na para makaalis na sila at makapag pasyal na sa mall. Habang nasa byahe ay walang imik si Eli at nakatangin lamang siya sa labas ng bintana at tinitignan ang mga naglalakihang gusali.
Nang may maagaw ng pansin ni Eli na malaking gusali kung saan nagngangalan itong “A. S. CORP” napaisip si Eli sino kayang may ari nito napaka laki naman sana balang araw magkaroon ako ng ganto kalaking building. Napabuntong hininga na lamang si Eli sa mga pumapasok sa isip niya. Nagulat si Eli ng biglang nagsalita si Aling beth.
“malapit na pala ang iyong 15th birthday anong plano mo?” Tanong ni aling beth
“Wala po tiya siguro dun lang ako sa bahay magkukulong wala naman po akong kaibigan.” Tumango na lamang ang matanda.