S.K.Y. 6

2656 Words
Chapter 6 S.K.Y. . . . 6yrs later . . . . School sa Pinas . . “Bhe, look at this. Ang dameng picture ng mga to sa room ng little sis ko.” Si Jaz bestfriend ko. Pilit pinapkita sa akin ang picture sa phone nya. Sinilip ko saglit at tumango. Saka ulit ako bumalik sa pag ta- type ko sa laptop. “Look bhe, this one is super cute and this one looks so hot. Gosh!” Parang bata syang kinikilig dahil lang sa picture. “Ano ka ba naman Jaz? Tapos ka na ba sa report mo?” Iritang tanong ko. You heard it right. Nasa 4th year college ako at graduating pa lang. Hindi ako agad nag aral after namin makabalik ng Pinas ng parents ko. “Fine, fine. Heto na po gagawa na. Kapag ikaw talaga kasama ko hindi pwedeng hindi ko tapusin mga assignment at activities ko. Hahahaha… kaya love ka ng parents ko eh, pati ni rin ni kuya Adam. Ayihhhh….” Ang kulit talaga ni Jaz. Kaya kami naging mag bestfriend dahil sya lang ang nag tatyaga makipag usap sa akin since 1st day of school ng 1st year. Kahit matanda ako ng about 2years sa kanya. Wala akong kilala at kinakausao sa school noon. Ang mga classmate ko naman karamihan magka schoolmates noong Senior high sila. “Puro ka kalokohan. Malapit na ako matapos sa report ko kaya dalian mo dyan para maipasa na natin ng sabay kay sir.” Sabi ko sa kanya. “Mga bhe tapos na kayo? Ang kukupad nyo talaga. Buti pa ang beauty ko tapos na. Tara na at ipasa na sa poging si Sir Lance. La la la…” si Jake gay bestfriend namin ni Jaz. “Bakla saglit matatapos na ako. Si Kaye tapos na. Sabay sabay na tayo ha? Masam nang iiwan ng bhebhe. Hmp!” Sabay tawa namin ni Jake kay Jaz. Ang saya talaga nilang kasama. - - - Lunch break. “Mga bhebhe ko, ako na lang pipila at bibili ng lunch natin. Go back dali at si fafa Andrew ang tindero ngayon. Tabi na, ako na.” pag tataboy ni Jake sa amin ni Jaz. Hindintay na lang namin sya sa table namin. “Hi, can I join you?” sabi ng lalke sa likod ko. “Oh, kuya Adam. Sure sit down.” Sabi ni Jaz sabay kagat ng labi nya at nisiko ako. I rolled my eye. Binubugaw na naman ako ni Jaz sa pinsan nya. Gwapo naman si Adam. Matalino, matangkad, maputi, mayaman, mabait, getleman, parang model ang katawan at tindig. Hindi sya nanliligaw sa akin, ah. At hindi ko ein naman sya type. Ang focus ko maka graduate at magkaroon ng magandang trabaho. “Ay may fafa na naman tayong kasama mga anak? Hi daddy Adam. Para tayong happy family na sabay nag lulunch. Ikaw ang daddy at ako ang mommy. Di ba mga bhe?” naghaharot na naman si Jake. Nagtawanan lang kami at masayang kumain. Ganito ang naging buhay ko mula ng mag aral ako muli dito sa Pinas. Kung itatanong nyo sa akin si JI ay wala akong balita. - - - Kahit paano naman ay nakaahon ang family namin at may small business sila mama at pap sa Cebu. In short, ako lang mag isa dito sa Manila. “Hello ma, kamusta kayo jan?” (We’re good anak. Nasa bahay ka na ba?) “Almost ma, dumaan lang ako sa tindahan sandali.” (Okay, mag iingat ka ha. If you need additional allowance just tell me. Graduating ka na. I know mas madame kayong project nyan at gastos. Give us a call from time to time, okay? We miss you. Maayos kami kaya huwag ka masyado mag alala sa amin. Ikaw ang inaalala namin.) KATAHIMIKAN (Hello Kaye, anak!) “ Ah .. yes ma ingat kayo I love you. Bye na po eto na ako.” I ended the call kahit hindi pa nakasagot si mam. Para kasing may tao sa likod ko pero wala naman ng tignan ko. Dali dali akong pumasok sa bahay at nilock ang pinto. Sumilip pa ako sa bintana bago buksan ang ilaw. May tao talaga kanina naglalakad kasabay ko sa likod ko. Bakit wala ng tignan ko? Multo kaya yon? Huhu takot ako,wala pa naman ako kasama sa bahay!!! ---- School . . “I told you bhe sobra takot ko kagabi. Look at me, para akong tumapos ng 50 episode ng kdram sa itsura ng mata ko!” sumbong ko sa kanila. “Nako bhebhe, mag isa ka lang sa bahay mo, paano kung may magsamantala sa beauty mo? O kaya baka may mumu na nagkaka gusto sayo. OMG bhe!!!!” napaka oa talaga ni Jake. “Siguro dapat pag ganung medyo gaga ihin tayo ng uwi, sabay sabay na tayo tapos hatid natin bawat isa. Syempre bhe Jake, ikaw lang lalake sa atin tatlo, dapat ikaw nghahatid sa amin.” Malambing na sabi ni Jaz sabay pout kay Jake. Humarap ako kay Jake at ginaya at panglalambing sa kanya ni Jaz. “Jake bhe, can you please send us home pag gabi na umuuwi? Plea..se?” at nagpa cute pa ako ng mata sa kanya. “Yak! Mga bhe toxic!! Bakla ako, pusong babae, wag kayo mag pa vute sa akin. Owkie?” nandidiring sabi ni Jake at pinagpag pa nya ang mga kamay nya na hinawakn namin. “Ihahatid ko naman kayo pag gabi, just tell me. No need pasweet at pa cute kasi mga bhe, lason. Nasusuka ako. Welk!” um- acting pa sya na parang nduduwal at nilabas oa ang dila. “Anyway mga bhe, May concert ang favorite kpop boyband ng sis ko this weekend. Sabi ni daddy samahan ko daw sya. So, dapat kasama din kayo.” “Wait a minute, coffeeng mainit. You mean the kpop S.K.Y.???? Omg bhe, I’m in. Free ticket?” tanong agad ni Jake. “Para namang hindi nyo alam si mom and dad, laging may free vip tickets yon na pinamimigay sa mga piling staffs nila. Syempre may free tickets. You’re coming right?" Baling sa akin ni Jaz. Huminga ako ng malalim. “Fine I’m coming. Since it’s free at kayo naman ang kasama ko. Go ako basta kayo.” Sabay ngiti ko. “Alright, one two three four vip tickets. Message sent. Excited na ako. Ayiiihhh!!!” sabi ni Jaz. ----- Pauwi. Nakakapit ako ng mahigpit kay Jake dahil madilim na ng makauwi kami. Kailangan pa kasi mag lakad papasok bago sa bahay ko dahil hindi dumadaan dito ang mga jeep. “Takot na takot girl? And daming ilaw sa daan. May mga tao pa,oh!? Chansing ka sa macho kong biseps, ah.” Reklamo ni Jake. “Arte mo, yakapin pa kita dyan eh.” Niyakap ko sya sa bewang ng mahigpit at nag harutan sa daan. “Kadiri bhe, ah. Abusado ka.” Sabay tawa nya. “ Sige na pasok na sa baley mo at lock mo lahat ng pinto, kiss goodbye na.” at nag beso kami ni Jake. “Thanks bhe, you’re the best. I love you.” Palambing na sabi ko sa kanya. Nag acting naman ya na parang kinilabutan at gininaw. Loka loka talagang bakla. Hahahha… -- . . Concert night. “Sorry late ako, traffic. Hay.” Hinihingal pa ako dahil sa pg takbo ko. “Inhailer mo bhe, ah. Baka atakihin ka. Bakit ka ba kasi tumakbo?” pag alalang tanong ni Jaz. “Ou nga. Inhaile, exhale.” Kumukumpas pa pataas pababa ang kamay ni Jake. “Lets go mga ate, gusto ko na makita sila Sehun, Kai at Yeol. Tra dali na!!!!” nag kukumirit na aya ni Princess, and little sis ni Jaz. Naexcite din tuloy ako kahit hindi ko naman kilala ang mga sinasabi nya. Sobrang daming tao. As in parang daan daan libo. “Jaz, Kaye, hi. Na late ako tr—” “Traffic.” Sabay sabay namin sabi kay Adam. Nangiti na lang sya sa amin at nanuod na kami ng concert. Familiar ang mga kanta nila. Siguro naririnig ko palage, hindi lang ako aware. Nasa vip seat kami at kapag lumapit sa amin ang mga nag coconcert ay parang kaharap na namin sila. At dahil may kalabuan ang mga mata ko, hindi ko masyando makita ang mga mukha nil lalo pag malayo. 3 silang lalakeng koreano. Naka red, blue at white sila na suit kaya kitang kita sila sa stage. Lumapit sa harap namin ang naka white suit habang kumakanta at sumasayaw. Kulay parang white na blond ang hai nya. Kinabahan ako bigla ng titigan nya ako. Naka contact lense sya na parang parang blue din sa isang mata at parang white at may balack dot lang sa gitna yung isa, para bang sa mga zombie. Ang wild nyang tignan at tumingin. Puro sila pawis pero parang ang fresh parin nila. Kumanta sila isa isa, parang special number. Hindi ko narin alam kung sino ang sino dahil nag palit din sila ng damit nila. “Yeoleobun, annyeonghaseyo. I nolaeneun dangsin-eul wihan geos-ibnida. (Hello everyone, this song is for you.) “Ate, sa lahat ng concert nila, Kai always sing this song for their fans. Isn’t he so sweet?” kinikilig na sabi sa amin ni Princess. “This song is called My Promise.” At nag simula ng kumanta yung Kai. Ikaw na laging naghihintay ng tawag ko, (Nag tilian ang mga tao ng marinig na may tagalog ung lyrics sa bandang gitna. Sa sobrang lakas parang kumakabog din ng malakas ang dibdib ko.) Init ng yakap mo salmat sayo… Ika’y hinding hindi kakalimutan, Pasayahin at pasalamatan, Habang buhy tayo’y iisa…. (We are one….) Sigaw ng mga fans. . . Familiar ang lyrics. Eto yung line na ginagawa dapat naming kanta ni JI noon. Iba ang kanta pero may part doon na yun mismo ung lyrics. . . Lumipas man ang panahon.. ..Dito sa puso ko. …Ay may nais sabihin sayo…. …Ako’y patawarin mo, .. minamahal kita… Nasa tat ko sya at nakatingin sa amin habang kinakanta ang part na yon. Humawak ako sa dibdib ko at parang hindi ako maka hinga. “ Okay ka lang Kaye?” tanong ni Adam. “Gusto ko muna lumabas.” “Girls samahan ko muna sa labas si Kaye.” Paalam ni Adma sa kanila. . . “ Okay ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa hospital?” natatara na si Adam. Hindi ako makapag salita. Naka ilang take na ako ng gamot ko pero ang lakas at bilis parin ng t***k ng dibdib ko. “Okay lang ako Adam, thank you. Bumalik ka na doon. Okay lang ako dito.” “No, how can I leave you alone here? Walang ka tao tao dito sa parking lot. Though VIP parking ito, kaso I can’t just leave you in your condition.” He is really worried about me. Matagal na akong hindi inaatake ng ganto. Hindi siguro ako pwede sa mga ganung concert na sobrang dame ng tao. “ I’m fine. Dito lang ako sa sa likod ng car mauupo, masarap ang hangin dito sa labas.” “ Bili muna ako ng drinks at snack, Wait for me here. If you feel unwell call ne right away , please.” Kita ko sa mata nya ang pag aalala. Ka sweet na lalake naman nito, bakit kaya di nya ako nilagawan? Char lang. Ahahaha…. “ I will sir.” Saka ko sya nginitian . “Good girl. Mabilis lang ako.” Tumatakbo pa syang umalis. Sumandal ako at pumikit muna. “Are you alright miss?” korean accent yon, ah!? Nakita ko ang isang malaking celebrity van na kulay black sa harap ko kaya napa tayo ako. Naka bonnet at facemask ang lalaking naka dungaw sa bintana. Sya namang dating ni Adam. “Kaye!” tawag ni Adam. Parang may humatak sa lalaking naka dungaw sa bintana ng van at malakas na sinarado ito sabay andar. “Adam.” Sagot ko. “Who’s that?” Nag kibit balikat lang ako. “Ganda ko daw, gusto pa ata ako kidnapin. Hahaha…” biro ko kay Adam. “Talaga lang, huh?” ngumiti sya. “Buti pala dumating agad ako, kung hindi baka nakuha ka na ng mga yun at ibenta.” “ Sira ka talaga. Tapos na ata ang concert. Ayan na sila.” Turo ko sa kinroroonan nila Jaz na naglalakad palapit sa amin. “Ang weird ni Kai ate, did you see him? He’s like crying.” Sabi ni Princess. “Adik ka lang kung ano ano naiimagine mo, kita mo ngang puro sila pawis at ipan beses pa ata sila ng palit ng contacts nila kaya natural lang yung mamula ang mata.” Paliwanag ni Jaz. “Hoy bhe, Jake! Okay ka lang?” niyugyog kona si Jake dahil nakatahimik lang sya. “Bhe sobrang gwapo nila, ang mamacho nila, at nakita mo kung paano sil gumiling giling? Bhe nanuyot lalmunan ko dahil tumulo lht ng laway ko!!!” mangiyak ngiyak pang acting ni Jake. “Bakla ka talaga, puro ka manyakan ang nasa isip mo.” Sabi Adam saka kami nagtawanan lahat. --- School . . “Bhebhe ko, tara sandali sa Roses Café, malapit daw doon kung saan naka check in yung SKY. Bka magaw sila doon at makitanatin.” Aya ni Jake. “Tara bhe.” Aya din ni Jaz. “Sige lang, harot pa more. Basta libre nyo ako, ah.” Request ko sa kanila. “Yun lang pala eh, lezzzgowww sagoww!!!!” hila pa nila ako paalis. . . “ Kaye naman hangang dito dala ang books? Library ba ito at unli reading?” Pang aasar ni Jake. “Nako ewan ko sa inyo, umorder na kayo don. Kayo nalang dalawa, dito na lang ako.” Tulak ko sa kanilang dalawa pra makapag basa ako ng tahimik. Biglang may umupo sa harap ko, hindi ko pinansin dahil akala ko si Jake lang yon. “Kaye right? Annyeong.” Nakalahad pa ang kamay nya sa akin haghihintay na makipag shake hands ako sa kanya. Nag aalinlangan ko naman inabot ang kamay ko. “Ne , maj-ayo. And you are? “Eotteohge--?” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na syang tumayo at nag paalam. “Kanda.” Sabay wave sa akin. Hindi ko naman namukaan dahil naka facemask at cap sya. “Bhe, who’s that fafa? Ang takad nya huh, prang basketball player.” nanlalaki pa ang mata ni Jake at sabay namin tatlo sinundan kung saan pupunta ang lalake. Umupo sya sa malayong table at may kasama pang 4 na lalake. Puro sila naka cap, facemask at ung isa naka hoodie pa. Tipong hindi mo talaga makikilala ang mukha nila. Pero masasabi kong ang tatangkad nila at matipuno ang katawan. “Ganda mo bhe. Iniwan ka lang namon sandali eh.” Ngingiti ngiti si Jaz. “Ano daw name nya? Bakit sya lumapit?” Hindi ko alam kung matatakot ako o ano. “Cr muna tayo Jaz.” Aya ko. “Tara, behave ka dyan bakla ha.” Bilin ni Jaz. Nag mahinhin effect pa si Jake. Yung gwapo nyang yon, hindi mo aakalaing bakla sya. . . “Bhe, tagal ka pa?” “Oo bhe, mauna ka na kung gusto mo, sunod na lang ako.” Sabi ko kay Jaz. Hay, timing naman ang period ko. Huhuhu… sumasakit ang puson at ulo ko. Dahan dahan ako lumabas sa CR ng Café at naka yuko. “Bhe, thanks for waiting. I need to go home. I’m on my period.” Akmang hahawak ako sa kanya at sinalo naman nya ang kamay ko. Inalalayan nya ako papuntang table namin hangang makaupo. “Thanks bhe.” Pag harap ko sa kanila, nagtataka at nanlalaki ang mga mata nila. Kumakain na sila pareho at magkatabi. …S-so… s-sino yung--??? Tumalikod ako para tignan at… Hala!!!! . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD