bc

Hate me more (Tagalog) COMPLETED

book_age18+
1.4K
FOLLOW
5.1K
READ
billionaire
possessive
sex
family
playboy
arrogant
drama
comedy
sweet
campus
like
intro-logo
Blurb

Si Gaia ay anak ng isang kilalang bilyonaryo na si Jerry Chavez. pilit niyang tinatago ang tungkol sa kanyang pagkatao at walang sino man ang nakakaalam na anak siya ng ng isang bilyonaryo. kilalang matapang at palaban si Gaia ngunit nang mag tagpo ang landas nila ni Cole Montalban ay tila naglaho ang kanyang tapang. nahulog ang loob niya sa binata. Kaya niya kayang ipag laban ang nararamdaman niya dito lalo't nalaman niya na inakit lang pala siya ng binata dahil sa kagustohan nitong mag higante.

Si Cole Montalban ang kasalukuyang namamahala sa Montalban shipping Corporation. kilalang Hunk at playboy si Cole wala siyang awa pagdating sa babae at mas lalo pang tumindi ang galit niya sa mga ito nang makilala niya si Gaia na anak ng kaibigan ng kanyang ama. maisasakatuparan kaya ng binata ang kanyang balak na maghigante laban kay dalaga gayong iba ang dinidikta ng kanyang puso.

chap-preview
Free preview
1
Gaia's P.O.V. Nagmamadali ako palabas ng Unibersidad kung saan ako nag aaral pa punta sanang coffee shop sa harap lang ng aming skwelahan nang biglang mag ring ang aking cellphone, huminto ako sandali upang kunin ang cellphone sa loob ng aking bag nang may biglang bumangga sa akin. medyo malakas ang pag bangga niya sa katawan ko dahilan upang ma walan ako ng balanse kung kayat napayakap ako ng mahigpit sa katawan ng kung sino man ang bumangga sa akin. Nalanghap ko ang mabangong amoy ng estrangero, ramdam ko din ang matigas niyang katawan. Nasa estado pa ako ng pagkabigla at kasalukuyang inaasimila ang buong pangyayari ng bigla akong hatakin ng estranghero palayo sa kanyang katawan. isang matangkad na lalaki ang lumitaw sa aking paningin kailangan ko pang tumingala upang makita ang kanyang mukha, Isang napaka gwapong lalaki na sa tantsa ko ay nasa 30 to 32 taong gulang, may maninipis at mapupulang labi, matangos na ilong, kulay berde na mga mata at napaka firm ng kanyang panga. Sa sobrang gwapo nito ay hindi malabong maihahalintulad ito sa mga greek Gods. "Ang tanga mo naman miss!" singhal nya, "napaka lapad ng daan para magkabanggaan tayo" galit nyang sabi. Ay gwapo sana ang sungit lang. "Excuse me po, hindi po ako tanga at sa pagkakatanda ko po ikaw ang bumangga sa akin at kung may tanga man dito sa ating dalawa ay ikaw yon" sigaw ko sa kanya. "At ako pa ngayon ang may kasalanan o baka nman sinadya mo talagang banggain ako para mapansin kita?" pang aakusa nya habang may pilyong ngita na naglalaro sa labi nito Parang sinusubukan yata ako ng lalaking ito, akala nya siguro aatrasan ko siya, pwes may badnews ako sa kanya dahil hindi ako naging anak ni Jerry Chavez para lang umatras sa isang mabungangang laban, "As if naman may rason ako para magpapansin sayo?" irita kong sagot "Sa yaman at itsura kong ito walang babaeng hindi ako papangarapin" pagmamayabang niya habang ang mga pilyong ngiti ay naka ukit padin sa mga labi nya. Bigla ang pagkulo ng dugo ko sa lalaking kaharap ko pagka rinig sa mga sinabi nito. "So feel mo gwapo ka? ngayon alam mo nang hindi lahat ng babae may gusto sayo lalong lalo na ako hinding hindi ko papangarapin ang isang matandang lalaking tulad mo!" singhal ko sa kanya "Gago" dagdag ko sabay talikod , hindi ko na nakita ang reaction niya. Narinig kong pinag tatawanan siya ng mga lalaking nakasunod dito kanina. "Parang naka hanap kana yata ng ka tapat mo insan" kantsaw ng isang lalaking kasama nya "Tumahimik ka, gago" iritang sagot nito sa lalaking tinawag siyang pinsan dahilan upang lalo siyang pinagtawan ng mga kasama nito. 'Pinsan niya pala ng lalaking yon ang mga lalaking naka sunod dito kanina, ang gagwapo nilang lahat, pangit lang ang ugali mga hambog' Sabi ko sa aking isip. Naalala ko ang kasunduan namin ng bestfriends ko na mag magkita-kita kami sa loob ng coffee shop sa harap ng skwelahan namin. alam ko na nandodoon na ang isa kong bestfriend na si Bia bago paman ako na bangga ng estrangherong hambog na yon. Dali dali akong tumawid sa kalsada at pumasok sa loob ng coffee shop. nakita ko siyang naka upo sa pinaka huling table sa gilid ng coffee shop at nag tungo sa kanyang kinaroroonan. "Bia, pasensya na natagalan ako" sabi ko sabay beso sa kanyang pisngi. "Ayos lang, di naman masyadong matagal" sagot niya habang gumaganti ng beso sa akin. Sabay kaming umorder sa counter at naupo sa table na inookupa namin habang hinihintay ang pag dating ng isa pa naming kaibigan na si Maria. Naalala ko ang nangyaring banggaan kanina, 'bakit di ko pa hinambalos ang pagmumukha ng lalaking yon?' tanong ko sa aking isip. "Hoy Gaia" tawag sa akin ni bia "kanina pa ako nagsasalita di ka naman nakikinig" reklamo niya. hinihintay pa din namin si maria dito sa loob ng coffee shop. Magkaklase kaming tatlo kaya naisipan namin na sabay gawin ang aming assignments at napagkasunduan namin na dito namin gagawin sa loob ng coffee shop. "Ano ba kasi yun?" tanong ko sa kanya. 'bakit ko pa kasi inaalala ang nangyari kanina di ko tuloy narinig ang sinabi ni Bia?' tanong ko sa aking isip. "Pinayagan kaba ng daddy mo na mag sleep over sa mansion nila Maria?" tanong niya sa akin. kung hindi ito natanong ni Bia ay malamang hindi ko na ma tandaan ang tungkol sa nalalapit na kaarawan Maria. "Hindi pa nga ako naka pag paalam" sagot ko "hindi pala sigurado na makaka punta ka?" malungkot nyang tanong "Susubukan ko ang magpaalam sa mga magulang ko, pag hindi nila ako papayagan ay tatakas ako" seryoso kong sagot "Nababaliw kana ba?" gulat nyang tanong "Edi pati kami madadamay nayan?" dagdag nya "hindi mangyayari yun, ako ang bahala" sagot ko nalang kay Bia. Marami kaming napag usapan ni Bia bago dumating si Maria. "Hi guys" bati ni maria sa amin at nag beso "kamusta kayo?" tanong niya nang may malapad na ngiti na para bang hindi kami pinag hintay ng isang oras. "Ok lang nman" si Bia ang sumagot "Kahit isang taon mo kaming pinag hintay" dagdag ni Bia habang naka simangot "Sorry na best" pag paumanhin ni Maria "traffic kasi, Maiba ako pinayagan naba kayo na mag overnight sa mansion?" pag iiba ni Maria. "Hindi ko pa naipagpaalam kila daddy at mommy pero sigurado akong papayan ako ng mga yon" pagsisinungaling ko kahit alam kong malabo akong payagan, desidido na ako sa plano kong tatakas "Si Bia nman ay pinayagan na" dagdag ko "Very good" masayang tugon niya "sigurado akong mag eenjoy kayo doon guys ipakikilala ko kayo sa mga pinsan at kapatid ko" masayang sabi ni maria . Nag tinginan kaming dalawa ni Bia dahil sa sinabi ni Maria. "talaga?" masayang tanong ni Bia halatang excited. Sino ba kasi ang hindi maeexcite na makilala kahit isa sa mga Montalban. kilala ang pamilya Montalban hindi lang sa bansa pati na rin sa buong asya at europa dahil sa galing nila sa paghawak ng negosyo, sila ang nag mamay-ari ng Montalban Shipping Company. hindi ko pa man kailanman nakikilala or nakitasa kahit isa sa mga pinsan o kapatid ni Maria ay alam ko ang kikisig nila at ang gaganda, makikita naman ang ebidensya kay Maria at base na rin sa naririnig kong usap-usapan sa Campus at sa mga anak ng mga kasosyo ng daddy ko sa negosyo, halos lahat ng kababaihan ay gustong masilo ang isa sa mga Montalban. "Oo nman, pupunta sila lahat sa birthday party ko" sagot ni maria kay Bia "Naku best, baka ito na yung chance natin na magkaroon ng Fafa" wika ni bia habang kinikilig "kailan kapa naging interesado sa lalaki?" maasim kong tanong kay Bia "Sa pag kakaalam ko kasi binasted mo lahat ng manliligaw mo dahil jan sa assumptions mong nag eexist mula pa sa kapanahonan ng mga mammoth" dagdag ko "Hiyang hiya naman ako sayo best, ikaw nga binasted mo din lahat ng mga manliligaw mo kakahintay mo sa lalaking kasing ugali ni Jesus, puputi nalang buhok mo kakahintay, walang ganon best" pang aasar ni Bia sa akin sabay tawa ng malakas na sinabayan din ni Maria. kong hindi ko lang talaga to mga kaibigan malamang matagal ko na tong na sapak. sabi ko sa aking isipan

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

His Obsession

read
103.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.6K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook