Aries P.O.V. Nagising akong masakit ang katawan, inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nag taka nang mapagtanto kong nasa loob ako ng isang kwarto na yari sa kawayan, Nasaan ako?, Tanong ko sa aking isip,tatayo na sana ako ngunit napangiwi ako ng maramdaman ko ang kirot sa aking katawan lalong lalo na sa may bandang Dibdib at doon ko lang napagtantong may Dextrose na naka sabit sa may dingding at turok ito sa kaliwa kong kamay. Sinuri ko ang aking katawan, meron akong benda sa sa magkabilang braso, at sa kaliwang dibdib,kinapkap ko ang ibang parte ng aking katawan, meron din sa may kanang balitkat at aking tagiliran. Pinakiramdaman ko ang aking paa, medyo masakit igalaw ang mga ito kayat dahan dahan ko inangat aking kanang binti at tiningnan , meron ding bandages sa palibot ng akin

