Nagising akong mainit ang ulo hindi dahil sa tawag ng secretarya ko sa telepono kundi dahil sa nagising akong wala si Gaia sa tabi ko at mas lalo pang uminit ang ulo ko nang makitang magkasama si Gaia at ang pinsan kong si Zeus papalabas ng mansyon. Inis akong lumabas sa silid ng mga monitors ng CCTV na naka paligid sa buong mansyon. Bumaba ako sa hagdan upang umuwi na sa aking condo unit sa makati, doon ako umuuwi kapag mainit ang aking ulo. "Insan? andito kalang pala?" tanong ni eros na papaakyat pa lamang ng hagdan "kanina kapa hinahanap ni tito charles" tukoy nito sa aking ama. "kakagising ko lang at pauwi na ako" Galit kong sabi dito "kakagising mo lang ay mainit na agad ang ulo mo?" Tanong nito ngunit hindi siya pinansin at deretsong lumabas ng mansyon. Habang nagmamaneho ako p

