Gais's P.O.V. Kakalabas ko lamang galing sa aking condo na ineregalo sa akin ng aking ama after nang aming graduation. Plano kong mag apply nang trabaho ngayong araw, susubukan kong mag apply sa mga kompanyang hindi pag aari ng aking ama , sinubukan ko nang mag apply bilang isang legal assistant sa Law firm noong nakaraang araw ngunit wala pang bakante kaya't naisip kong maghanap muna nang ibang trabaho pansamantala. Una akong nag apply sa Malvar Construction Company ngunit pinapaiwan lamang ang aking CV sa reception area dahil wala ang kanilang boss at nasa business meeting daw ito at ayon sa kanila ay tatawagan na lamang ako para sa schedule nang aking interview. Susubukan ko pang mag apply sa ibang kompanya, habang nagmamaneho ay nakita ko ang isang malaking building na naka ukit na M.

