Sa paglabas nina Ali kasama ang kanyang mga kaibigan na sina DJ at Noreen , para bang blessing o tadhana na nakikita rin nila sina Dexter at Josh, tapos sisimple ang kaniyang mga kaibigan, aaliwin ng mga ito si Josh para sila ni Dexter ang makapagsolo. Hindi naman siya makahindi sa ganoon.
"Cheers tayo para sa matagumpay na semester!" nasa isang club sila at nagdiriwang. Pwede siyang gabihin nang uwi dahil ang mahigpit niyang papa ay kasama ng daddy ni Ran sa isang business meeting sa labas ng bansa.
"Congrats Ali, balita ko ang tataas daw ng mga grades mo." Puri sa kanya ni Dexter. Nakipag cheers din siya dito habang nagpasalamat. Isang semester na lamang at matatapos na sila. Sulit ang kanyang on the job training sa isang television station. May endorsement ng Romualdez pero hindi naman biro ang kanyang skills and knowledge. Sabi nga ni Ran, wala naman daw tatanggi sa galing niya and she believe her syempre . Minsan lamang iyon magsalita ng totoo. Kaya naman ngayong gabi magpapakasaya silang lahat, iinom sasayaw hanggang sa mapagod ang kanilang mga paa.
"Let's dance Dexter!" hinatak niya ang kamay ni Dexter patayo. Ito na siguro ang epekto ng alak, never niya pang inaya si Dexter na sumayaw, lagi lamang silang pinagtutulakan ng kanilang mga kaibigan. Madalas din kasi may mga babae nang nag aalok ng sarili nila dito. Tonight she just want to be happy, a different side of Ali na walang iniintindi.
"You're drunk, Ali." Tudyo nito na tatawa tawa din.
"Hindi ah, wag na kasing KJ!" tatawa- tawa niya itong hinila patayo. Natapon tuloy ang iniinom nito sa kanyang suot na dress. Puti pa naman iyon.
"Ayan nabasa na ako!" imbes na mainis ay natawa pa siya, "sayaw na kasi tayo sina DJ nandoon na sa dance floor." Nakanguso niyang sabi rito. Ngumiti ito at kinurot ang kanyang pisngi.
"Ikaw talaga ang kulit mo." Hinila na siya nito. Tinitignan niya ang kanilang magkahugpong na kamay, kapag ganito, pakiramdam niya nasa tama ang lahat... na parehas sila ng daan na tinatahak, na wala nang Ran sa puso ni Dexter at wala na ring Ren sa isip niya. Pakiramdam niya silang dalawa lamang ni Dexter.
Epekto nga ng alak kaya niya malayang naeexpress ang kanyang kasiyahan, kung bakit ang lakas ng loob niyang ikawit ang kanyang kamay sa leeg nito at mas ipadikit ang kanilang mga katawan. Ilang minuto rin at nakaramdam siya ng hilo kaya naman yumapos siya kay Dexter.
"You okay Ali?" mukhang lasing na rin ang boses nito katulad niya.
"Nahihilo ako Dex," she mumble. Napasapo rin siya sa kanyang bibig ng may maramdaman na hindi maganda sa kanyang sikmura paakyat sa bibig.
"Let's go to the bathroom." Salamat sa pag aalalay ni Dexter at nakaabot siya sa bathroom, hinang hina siya matapos ang pagsuka. Hindi naman ito nandiri at inaalagaan siya.
"Hm, thank you Dexter..."
"Okay ka na? Let's go." Dahil sa nanlalambot at iniangat niya ang kanyang mga braso.
"I can't walk, nanlalambot ako, carry me please" Nakanguso niyang sabi dito. Hindi niya maimagine ang sarili, nakakahiya pero iyon ang gusto niyang sabihin.
She heard him chuckle. Ilang sandali lamang ay nakaangat na siya , karga karga na siya nito, pinalipot niya ang kamay sa leeg nito at sinuksok ang mukha sa leeg.
"You're distracting me Ali." Rinig niyang wika nito, ungol lamang ang kanyang naisagot. "I'm dizzy too." Bulong nito sa kanya.
Narinig niya ang suhestyon nito na magpalipas muna sila ng hilo. Oo ang kanyang sinagot, wala siyang dapat ipag alala si Dexter naman ang kanyang kasama.
Nagising si Ali sa mumunting hilik sa kanyang tainga, hindi siya makakilos dahil may mabigat na nakadagan sa kanya. Sinilip niya ang braso na nakayakap sa kanyang dibdib. Ang kamay ay sa mismong puno pa ng kanyang dibdib nakadantay. Binaling niya ang kanyang mukha sa kaliwa para lamang tumama sa mapupulang labi ng kanyang katabi. Nanlaki ang kanyang mga mata pero hindi niya magawang alisin ang kanyang labi doon, kahit hindi kumikilos.
Nang aalisin niya na ang kanyang labi ay saka naman ang pagmulat ng mata nito. Ilang sandali silang nagkatingin bago nagpatangay sa tensyon na kapwa lumulukob sa kanilang dalawa. Pangarap lang noon kung paano ang mahalikan ni Dexter pero ngayon totoo na ito, at handang siyang ipaubaya ang kanyang sarili dito... handa na siyang lumampas lamang sa halik ang gabi na ito. Handa siyang tumugon , hindi niya sasawayin ang malikot na kamay nito na isa isa nang bumabaklas sa kanyang bawat saplot.
Handa na siya sa ngayon kahit hindi para bukas.