chapter 2:

980 Words
"Do you want to watch a movie?" Tanong ni Dexter sa kanya, kahit katatapos lamang nila kasama ang kanyang mga kaibigan ay pumayag siya sa alok nito. "May alam ako." Imbes kasi na pumunta sila sa third floor ng mall kung nasaan ang mga sinehan ay iginiya siya ni Dexter palabas. Wala naman siyang pagtutol dito, pakiramdam niya nga may sariling utak ang mga paa niya at malayang sumusunod kung saan nito balak pumunta. Hindi na siya nagtanong habang bumabyahe sila ni Dexter, she acted cool. Nagpunta sila sa isang establishment na may nakalagay na small cinema. Pagpasok sa loob ay napansin niya na maraming pinto iyon, pumunta si Dexter sa reception. Hindi naman sila mukhang nasa hotel nito, marami kasing mga poster ng kung anu anong pelikula sa loob, mapabago o luma. "Alison." Tawag sa kanya nito mayamaya, sumunod sila sa isang lalake na nagdala sa kanila sa isang kwarto. May malaking screen doon. Umupo siya habang si Dexter naman ay nagbilin ng kanilang mga pagkain. Malamig sa loob at maraming posters ng mga pelikula katulad ng nasa labas  mayroon ding mga cd's na nakakabit. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?" hindi niya kasi sukat akalain na si Dexter ay may alam sa mga bagay na ganito, hindi niya maimagine. Mas lalo niya yata itong nagustuhan dahil dito. "Maybe, because I love movies too. Pero hindi ko gusto sa isang tipikal na sinehan dahil sa maraming tao, ayoko rin naman sa bahay , mas gusto ko ang atmosphere rito." Sabi nito habang inaayos ang kanilang panonoorin. "Anong panonoorin natin?" "Forest Gump, one of my favorite movie, napanood mo na?" tumango siya dito, naalala niya na iniyakan niya rin iyon. "Oo pero matagal an rin, kaya gusto kong mapanood ulit." Excited na sagot niya.  Sandali pa ay dumating na ang pagkain nila sa loob, parehas silang nakatutok sa pinapanood na palabas, parehas silang seryoso nang magtapat si Forest kay Jenny pero tinanggihan nito. "Si Jenny ay parang si Ran ng tinanggihan si Forest. " ani Dexter, napatigil siya sa pagsubo at nilingon ito. "No, mas parehas sila ni Ren." Sagot niya na natawa na rin. Hindi niya alam kung paano nila natapos ang palabas , basta sa gitna noon napag -uusapan nila ang kambal na Romualdez na walang kamalay malay. "Siguro kabayaran ko ito para doon sa mga babae na sinaktan ko noon." Sabi nito, naglalakad na sila ngayon sa bay park, siya naman ay nagyaya dahil ayaw niya pang umuwi, gusto niya pang ubusin ang oras na kasama ito, baka kasi hindi na maulit. Malabong maulit muli. "Noong dumating si Eunice, nabawasan na yung pang-aasar niya sa akin. Ewan ko ba pero mas gusto ko yung inaasar niya ako...tapos ngayon may iba na siyang babaeng gusto." Nakalabing sabi ni Ali, tinutukoy niya ang babaeng palaban na si Candice. "Yes, Ren's madly in love with her. Napansin namin yun ni Josh kahit noong una palang na magkita sila. Nag-clash agad sila tapos alam mo yung parang sumabog ang init nila sa isa't- isa, kaming dalawa ni Josh nahalata iyon kaagad at masaya kami para kay Ren at last nakalimutan niya na si Eunice, sorry." hingi nito ng paumanhin nang mapansin ang pananahimik niya. "Okay lang, tanggap ko na talaga, no hard feelings,ikaw hanggang ngayon masakit pa rin?" binalik naman niya ang pag uusisa dito. "Hindi na katulad ng dati, hindi na ganoon kasakit," nakikita naman niya na genuine ang ngiti nito, natutuwa siya para kay Dexter... hindi kung ano pa man ang kailangan nito kung hindi isang kaibigan, kung ganon, handa siyang maging kaibigan para dito. Noong gabi na iyon ay hinatid siya ni Dexter sa kanilang bahay..sa maikling oras na pagsasama nila ay mas nakilala niya pa ito. Hindi siya nagkamali, pabaling baling siya habang nakahiga, kinikilig siya sa naging pag- uusap nila. Kahit kulang sa tulog ay maaga siyang nagising kinabukasan, nagulat pa nga ang papa niya dahil siya ang naghanda ng breakfast. "May sakit ka ba anak?" biro nito. "Papa , I'm okay, masama bang pagsilbihan ang best papa in the world?" sipsip niya pa dito... bilang isang security personnel  bata pa lang siya ay tinuturuan na  siya nito ng mga martial arts pero hindi talaga ganito ang linya niya. Mas gusto niya sa mundo ng movies at television. Pagkapasok niya sa school ay inusisa siya ng mga kaibigan, hindi naman niya iyon sinasagot, tahimik lamang siya dahil mahirap nang magkwento, baka pag naumpisahan niya ay masabi niya lahat... gusto niyang maging sikereto na lamang muna kung ano ang mayroon sa kanila ni Dexter kahit wala pa naman. Nasa canteen sila noon nang lumapit si Josh sa kanila, kasama nito si Dexter at Ren, si Ren ay naupo sa tabi niya, patuloy siyang inaasar. Si Dexter naman ay sa tapat katabi si Josh. "Alibaba, tumataba ka yata ah, humahaba na rin yang baba mo." Kinurot pa siya nito sa pinsgi. Gumanti rin naman siya... yung baba niya ang laging nakikita ni Ren, hindi naman yun mahaba o matulis pero lagi nitong nagpagdidiskitahan. "Huwag ka nga!" saway nya dito. Napatingin siya kay Dex na nakatingin sa kanilang dalawa ni Ren. Nahihiya siya dahil baka iniisip nito na may something pa sa kanila ni Ren. "Lubayan mo nga ako, doon ka sa babaeng gusto mo." Ngumuso naman ito. "Busy ang darna ko." Sagot nito at nakikain na rin ng fries na nasa plato niya. Hindi rin naman nagtagal ang tatlo, umalis din ang mga ito... "Bye Ali." Si Dexter ang huling umalis, hindi niya inaasahan na nagpaalam ito sa kanya... ngumiti naman siya pabalik.. improving na. "Bye." "Uy, level up na sila." Tukso ng kanyang mga kaibigan na kanina pa siya sinisipa sa paa...umiirit din ang mga ito sa kilig, parehas kasing may gusto kay Ren, too bad may iba ng kinababaliwan ang kanyang kababata. "Huwag ninyong usugin." Saway niya sa mga ito...baka mapurnada pa ang lovelife nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD