Nakikisabay sila sa bugso ng mga taong palabas ng sinehan, abala ang lahat sa kanikanilang mga opinyon patungkol sa katatapos na palabas. Bakas ang kasiyahan at pagkakakuntento sa pelikula na kapapanood.
"Ang ganda ng pinanood natin, sobrang nakakamove ang story,"
"Buti na lang talaga, napilit natin si Alison na sumama, magandang inspiration ito sa ating mga masscom studes, right DJ?"
"Tama ka Noreen."
"Yes, thank you talaga if that's what you want to hear," makahulugan na nagtinginan ang dalawa. Ali rolled her eyes.
"Sige na, kain na tayo ako ang taya." Yaya niya sa dalawa
"Yes!" Nag apir pa ang mga ito, sino ba naman ang di maeexcite sa libreng food?
"Pero ako ang pipili kung saan tayo kakain." Kaya naman dinala nya ang dalawa sa pamosong fastfood, mura na enjoy pa ang pagkain. Hindi naman nagreklamo ang blockmate niya na sina Noreen at DJ, or Diana Jeane, mahaba kasi kaya DJ ang tawag nila. Hindi na siya PA ni Ran, kaya naka pokus na siya sa pag aaral, isa pa may nag- aalaga na dito. Hinding- hindi talaga ito pababayaan ng taong yun. Kulang na lamang sambahin ang lupang dinadaanan ng kanyang kaibigan s***h boss.
Hindi niya sukat akalain na yung gwapong lalaki na humarang sa kanila sa daan ang makakatuluyan nito. Ang maganda noon, at nakakakilig na part eh mga bata pa sila eh crush na pala noon si Ran.
Nakakainggit. Hindi niya talaga mapigil na kiligin sa love story ng dalawa, almost two decades ba naman.
Imposibleng mangyari ang mala fairy tale na love story na yun sa kanya, lalo na at ang lalaking gusto niya ay mahal pa rin si Ran hanggang ngayon. Hindi pa rin nakaka move on, naiwan yata, hinihintay pa naman niya sana ito.
"Saan tayo next?" Si DJ, patapos na silang kumain, ngayon naman ay nag-iisip ng mapaglilibangan ang dalawa.
"Window shopping?" Suhestyon ni Noreen, 4th year na sila at katatapos lamang ng finals for the first semester, kaya naman hayahay pa sila sa ngayon. Gusto niya rin naman magtingin tingin, bibili siya ng regalo para sa birthday ng kanyang papa. Head ng security ito ng mga Romuladez kaya naman masyadong busy, devoted masyado sa trabaho, at strikto na rin, pero hinayaan naman siya nito sa kanyang napiling kurso. Hindi kasi hanggad ng papa niya na maging mayaman kagaya ng amo nila, ang mahalaga ay komportable ang kanilang buhay. Para naman sa kanya, gusto niyang magtrabaho sa likod ng camera, passion niya ang pagsusulat lalo na ng mga dokumentaryo, pwede rin sa sa mga entertainment, pero ang gusto niya talaga ang mga dokumetaryo kasi sinasalamin noon ang buhay talaga ng bawat Pilipino.
“Tara na.” Niyaya siya ng dalawa, nagpatangay naman siya kung saan gustong magpunta ng mga ito. Nagpunta sila tindahan ng mga make up, these two loves these kind of stuff, siya naman ay sakto lang, marami naman siyang mga ganito, mga galing kay Ran ang karamihan at sa mommy nito. Yung iba regalo ng kanyang Tita Pyne, hindi naman nila kamag-anak pero hindi naman na iba ang turing sa kanya. She went to the watches section, may ipon naman siya kaya hindi ganoon kasakit sa kanya ang mga presyo ng mga tinitignan na relo. She will buy her father a new one. Naiimagine niya na ang mukha ng kanyang papa, masaya ito kahit mukhang istrikto.
“Miss, I’ll take this one.” Sabi niya sa saleslady, agad naman nitong kinuha ang napili niya, nasa tabi niya na pala ang dalawang kaibigan.
“Para kanino? Kay pag –ibig?” malokong ngumisi ang dalawa sa kanya, mabilis siyang umiling sa mga ito. Hindi naman siya kasing yaman ng batang si Phin na makapagreregalo ng mahal para kay Ron. Nakaka amaze nga ang batang iyon, sisiw lamang ang bawat kalokohan basta makuha lang ang atensyon ng taong gusto, bagay na hindi niya nagawa noon at hindi niya ulit magawa ngayon.
“Sa tatay ko to no.”
“Thank you Miss,” inabot ang paper bag nang nabili matapos ibigay sa kanya ng saleslady, bayad na ito at handa na silang umalis. Masaya silang nagkukwentuhan nang mapatapat siya sa katapat na stall, maraming tao pero kapansin pansin ang lalakeng nakatayo.Naka suot ito ng long sleve na shirt na kulay cream, naka jeans at ball cap na red. Nakapamulsa ito. Kahit nakatalikod ay kilalang- kilala niya ang lalaking tinitignan, hindi na yun nakapagtataka dahil nakatitig ito sa gahiganteng poster ni Ran Romualdez.
“Ouch, sakit pa more.” Narinig niyang komento ni Noreen, napansin ng mga ito ang kanyang pananahimik at tinitignan.
“Si Dexter. Kawawa naman dahil hindi pa rin nakakausad, katulad na rin ng babaeng katabi natin.” Si DJ na siya ang tinutukoy.
“Lalapitan ko.” Sagot nya sa dalawa na natahimik. Nilingon nya ang mga ito. Mapanghusga ang mga mata ng mga ito.
“Why?”
“Ikaw lang ang masasaktan sa huli, ipapain mo ang sarili mo para mapawi ang kalungkutan niya, tapos sa huli ikaw ang pinaka masasaktan, wag ganoon.” Inisip niya ang sinabi ni DJ, pero hindi niya kayang hindi lumapit kay Dexter, baliw na nga talaga siya. Binalewala niya ang warning ng mga kaibigan.
Alam nyo yung kwento ng pamosong gamu-gamo? Sino nga ba ang hindi nakakaalam, ang bata sa kwento ay si Jose Rizal, binalaan siya ng kanyang ina na gaya ng gamu- gamo, na wag lumapit sa apoy, pero hindi ito nakinig at alam na ng lahat ang nangyari pagkatapos noon...
Katulad ng gamu-gamo, katulad ng isang bata, naakit din siya sa liwanag na dulot nito.
“Dexter.” Nagulat ito ng marinig siya sa gilid na tumatawag, sandali niyang nakuha ang atensyon nito na para lamang sa nakangiting mukha ng babae na hinding- hindi mapapansin ang isang katulad ni Dexter. Hawak na ng iba ang puso nito at ibang klase ring magmahal ang isang iyon.
“Alison.”
Ngumiti siya at lumapit pa lalo, nakitingin din siya sa magandang mukha ni Ran. Sino nga ba ang hindi maakit sa mukha ni Ran?Napakaganda, mukhang Dyosa lalong lalo na kapag nakangiti. Hindi nakakasawa ang ganda. Nakakainggit.
“Sorry sa sinabi ko noon, binabawi ko na, sorry kaya hindi ka naging komportable sa akin, tinakot ba kita?” Nilingon niya ito at naglalaro na sa mukha nito ang ngiti.
“It’s okay, nakalimutan ko na nga.” Muli nitong tinignan ang mukha ni Ran.
“Parehas pala tayo.” Mabilis itong lumingon sa gawi niya, puno ng kuryosidad.
“What do you mean?”
“Matagal kong dinala sa puso ko ang pagmamahal para sa kapatid ni Ran.”
“Si Ren?” Tumango siya sa pagtataka nito, wala namang iba. Alam naman nito na lumaki sila nina Ren , Ran na magkakasama, hanggang sa dumating si Eunice.
“Then Eunice, nawala yung atensyon ni Ren na dapat sa akin.”
“Sorry to hear that.” Bakas naman sa boses nito ang paghingi ng paumanhin kahit wala naman dapat. Ngumiti siya dito na sinuklian din naman nito.
Ginawa niya na nga ang nasa isip ng gamu- gamo na lumapit sa apoy.
Ang magsinungaling.
Ang magsinungaling sa sarili na hindi nakakapaso ang apoy.