Nilagpasan 'ko siya. This is so irritating! How can Javier deal with this everyday?! Javier tried to hold me pero binantaan 'ko siya gamit ng titig. Huwag niya akong hawakan dahil malilintikan siya sakin!
Umusok ang ilong ko sa inis at hindi mapigilan na huminga ng malalim. Inhale, Celestial. Kalma. Katawan mo yang gamit ni Javier at bawal sampalin!
What? Susundin namin ang mga baliw na 'yon? So how can we solve this? How can we solve our damn situation, kung susundin namin ang sinasabi ni Mr. Castell?!
"Celestial. .." He tried to get hold of me.
"Why this is so easy for you, Javier?" Pagak akong natawa. "How can we let them separate us? Come on! I thought you're a jerk! Bakit tayo susunod 'don?!" I confronted him.
He sighed. "Jameson is taking you seriously." Javier looks... so weak. Ang ekspresyon nito ay kalmado at tila walang... palag?
Taking me seriously? I mean, we did dates. But just a few! Hindi pa nga lalagpas sa isang kamay ang date namin ni Jameson, tapos he wanted me serious? Hindi ba nito alam how to back off?
Isa pa, hindi ganito si Javier! For the first time, biglang gusto ko ang ugali niyang ayaw magpatalo kahit kanino! And I am wondering now why is he acting like such a loser?
My eyes widened, "And that is scary us f**k! Paano 'kung maging obsess ito sa'kin? Use his mental illness as an excuse—"
"My brother is not like that!" He defended. I shook my head in disbelief.
Wow, family oriented pala ang lalaking 'to? Hindi ako aware na ganito pala siya kagalang! Balahura kasi siya sakin!
"He is living his life like that—"
He cut me off, "Oh my god, Celeste! Don't tell as if you know the whole story—"
I glared at him. "Fine, Javier. Fine! Let's obey them. Let's not see each other as Jameson please! How about us? Our f****d situation?!" Gigil na singhal 'ko sakanya.
Mukha kaming sira na nagsisigawan sa likod ng gusali. We are not gathering much that attention dahil nasa gilid nga, pero may ilan na lumilingon!
This is embarrassing because I look like I very impatient man na masama sa babae. Pero wala akong pakialam!
Saglit itong natigil, nakatitig lang sa'kin. Kumunot 'din ang noo nito. He looks very confused. Looks like he forget about our situation! Is he serious? Did he really forgot our situation because of Jameson?!
"Hindi ganon, Celestial. I am suggesting that we should make a space between us..."
The horns from cars and different transportation from the background fainted more because of my irritation. Ano?
"Para saan?" I asked him, wala ng pasensya.
"My brother... and father. Gusto mo rin ba ma-kick out?"
"This... is bullshit Javier! Anong dahilan 'yan? You're always cocky and boastful! Tapos sasabihin mo sa'kin na... it's just because of your father? You are always defying rules, Javier! Can you convince me more!?" May diin na tanong ko dito.
Nakakapanghina. I wanted to... end this... so much. This is weird. Freaking weird!
He sighed. "Celestial, alam ko. Pero iyon ang utos--"
"Ano naman kung iyon ang utos, Javier? Are you enjoying my body!?" Naluluhang akusa ko sakanya.
Napaamang ang labi nito. "This is getting out of context! Of course, no!"
"Then what is it!?"
Hindi nakasagot ang lalaki and it's making me more frustrated than ever. Nanghina ang tuhod ko at napahawak sa gilid ng poste.
"Aren't you taking this seriously, Javier?" I confronted him. "This is a serious matter. You're soul is in my body. I am Celestial, in your body! Why aren't you taking this seriously?!" I shouted at him.
Natahimik lang ito. I can't help but to cry my frustration out. This is stressing the hell out of me! Gusto 'ko ng magising sa masamang panaginip na 'to! But how? Is this even a dream? Mukhang hindi niya sineseryoso ang nangyayari! I have so much to lose because of our situation! Why is he going easy?
Because he got nothing to lose?
Tinignan 'ko ito. He looks confused too. I really can't believe him! I thought he's just a pain in the ass and selfish as hell! But what is this? He's being selfless! Or he's trying to piss me off?
"Celestial. .."
Natawa ako sa tawag nito. "Fine. Let's see each other until Jameson please." I announced. Pinahid 'ko ang luha sa pisngi.
"Celeste. .."
"Stop calling me that!" Duro 'ko sakanya. "Tignan natin kung hanggang saan ka. Live well as Celestial. Dahil kung hindi, I will make things insane. Tandaan mo 'yan." I warned him.
Is this what he wants? Fine. I will give it to him. But once he will act out of my picture, guguluhin 'ko pa lalo ang nangyayari! I will make sure that everyone will know him as an insane man! Wala sa sarili! Baliw!
I walked out. Umuwi ako sa nakakatakot na mansion nila Javier. His house is big but it was so hollow. Nandoon nga lahat ng kailangan pero wala namang kalaman-laman o kahit anong ingay.
It's fancy but sad. Magarbo pero masyadong walang buhay.
I suddenly missed my chaotic life in streets. Doon, kahit ala-una ay may nagpapatugtog or videoke, at lagi na lang may nagkakabaranggayan dahil sa issue na 'yon.
My mother...
I cannot believe that I am missing my mother's home cook. Oo, masarap ang pagkain dito kay Javier, pero if not puro instant, mga pa-deliver and resto naman. It's making me sick. I want a fresh food. Hindi instant.
Isa pa, mukhang wala atang kasama si Javier o kakampi dito sa bahay! It's so boring! Wala din naman akong pwedeng tawagan to come over because hello? I hate his circle of friends. Ang ingay!
I miss Suzy and the council.
I wonder how Javier... inside my body will going to handle my hectic life?
Aakyat na sana ako sa kwarto pero nakarinig ng ingay.
Tahol ng aso. That damn dog! I stormed in to garden and find the goddamn dog. Tahol ito ng tahol, pero hindi ako kinakagat. Nang makita 'ko ang leash ay agad 'kong hinila 'yon.
From: 09123456789
Are you serious? We can communicate in messenger at least!!
Napailing ako sa mensahe nito. I sat in front of the poor dog who is crying.
"Why?" I asked the dog. "Why are you crying?" Udyok 'ko sa aso.
Tahimik lang ito at yumuko. Kanina ay hindi ito mapakali noong hinihila 'ko. Ngayon, tahimik na lang?
"This is. ..pissing me off." I sobbed. All the frustrations that filling me up exploded. "Everything will make me insane. ..I am even talking to you. .." Iling 'ko pa at yumuko.
Naramdaman 'ko na sumiksik ang aso sa'kin. Pinigilan 'ko pa ang pag-hikbi, pero lalo lang akong umiyak.
Everything. ..just frustrates me. It's all out of control. It's insane, unreasonable, and will make me go crazy. Why is the heaven punished me this way?
Anong nagawa 'kong mali? Hindi 'ko maintindihan. ..Bakit ako ang pinarusahan?
I bring the dog with me. I just like its fur. Cute. Gusto 'ko ang pakiramdam nito sa'kin.
"What's your name?" I asked the dog. "Pochie?" Then her tale waggles. I slightly smiled.
"Kung alam 'ko lang na may breed ka, hindi kita itutulak." Ngisi 'ko sa aso na tuwang-tuwa na sa'kin. Cute! "I am not Javier, do you know that?"
Nandito kami ngayon sa malaking kwarto, she's just waggling her tale.
"I am Celestial." Pakilala 'ko pa kay Pochie.
At least, the dog knows me. Bukod kay Javier, may nakakakilala sakin.
Lumipas ulit ang isang linggo, Javier didn't come to see me. Sa loob ng isang linggo.
For f*****g one week!
Talagang may mas pakialam siya sa kuya niya? I know, I care about Jameson too—but f**k?
To: 09123456789
Come to school.
Oo, mahirap itong gagawin at ipinilit 'ko kay Javier. Mag-aaral kami at makikisalamuha sa ibang tao—magkakamali talaga kami. ..Pero umaasa ako na hindi masisira ang buhay 'ko dahil sa pagkakamali niya. I just hope. ..
Javier called me while I was walking towards the university. I answered it.
"Where are you?" I asked him.
"University. I can see you here. Stop knotting my forehead!" Sita niya sa noo ko. Whatever. "How did you know na nakakunot ang noo ko? Nasaan ka?"
I look around, hindi pinansin ang sinabi niya. Mas matimbang na mahanap ko siya! I sighed. Anong oras na at makikipaglaro pa siya ng tagu-taguan?
"Where are you? Mag-uumpisa na ang klase. Mamaya na tayo—"
Natigilan ako noong sa wakas ay magpakita siya sa harapan ko. Sa wakas! Pareho naming ibinaba ang phone at nagharap kaming dalawa. Well, she look well rested and sleep. Habang ako naman ay stress sa mga nangyayari.
God. Maybe I should learn from Javier how to chill?
"Come on!" He cuts me off. "We didn't talk for a week! Let's skip our first subject—"
Lalong kumunot ang noo 'ko sa suggestion niya, "Halos nagbakasyon tayo ng dalawang buwan, tapos hihingi ka pa ng isang oras—"
"Stop knotting your forehead!" Nasa harapan 'ko na si Javier. "Why are you knotting my forehead? Smile! Masisira ang image 'ko sayo!" He warned me.
I shook my head. "I didn't see you for a week."
"Yes. I'm just cooling off his head." Sagot niya. "Let's talk." Akmang hihilahin ako nito, pero inunahan 'ko siya sa paghawak.
"Later!" I hissed at him. "Let's go to your class. Ihahatid kita para hindi ka makawala." I announced.
His forehead knotted. "What?"
"Let's go—"
"Jameson will—"
"Stop using Jameson!" Singhal 'ko sakanya. "Masasabunutan 'ko ulit ang isang 'yon!" Gigil na paalala 'ko sakanya.
"Everyone will get this wrong!" Gigil na bulong niya.
Napatigil ako sa paghila sakanya. I slightly roam my eyes around. ..at nakita 'kong nakataas ang kilay ng ibang estudyante—looks confused and clueless. Naninibago dahil hindi kami nakasigaw ni Javier o nag-aaway. ..
Labag sa loob na binitawan 'ko ang wrist niya.
"Subukan mo lang hindi um-attend. .." Pinanliitan 'ko ito ng titig. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin 'ko. .."
He just smirked, "Oo na. Papasok ako. Ano oras out mo?" Tunog wala itong pakialam, pero subukan lang talaga niya!
"I'll text you." Iyon lang ang sinabi 'ko at tinalikuran siya.
Nakakunot ang noo 'ko ng pumasok sa klase nila Javier. So I am an accounting student now, huh?
"Javier!" Nagulat ako ng may dumamba sa'kin.
"Man!" Bati nila at halos bugbugin ako. Sinubukan 'ko pang makisakay, pero masyado silang maingay, at nananakit!
Hindi ko maintindihan ang mga lalaki habang tumatagal sa katawan ni Javier. Ang bati nila ay literal na hampasan at ang bibigat ng kamay nila! Akala ko nga noong una ay galit sila kay Javier, pero sadyang ganito lang sila bumati na nakakairita!
"f**k!" I hissed. "Why the hell are you pinching me?!" Suway 'ko sakanilang lahat.
Natigilan naman ang mga 'to. They looked all sorry and confused. Kumunot ang noo 'ko. Is this how Javier get along with his friends? What a masochist!
I rolled my eyes a little before trying to find a seat. Pinili 'ko ang pinakadulo. Natahimik naman silang lahat. Good. I don't want to deal with them. Ang sakit nila kumurot!
After an hour, someone called me in class. Hay. I hate math courses. Kaya nga umiwas ako doon, pero tignan mo nga naman kung saan ako dinala ng pagkakataon...
Sa math class pa rin.
Dahil lang gusto ko bantayan ang gagawin ni Javier ay gagawin ko ang pinakaayaw ko? Wow, it sounds very dramatic but true.
"Javier!" Sigaw ng lalaki mula sa unahan. Tinignan 'ko ito. "What are you doing there? This is your seat!" Turo niya sa unahan, sa tapat ng desk ng guro.
Wow. Teacher's pet pala si Javier? Ako rin naman ay laging sa unahan nakaupo. But it surprises me more na... well Javier is sitting there. I thought siya iyong estudyante na nakikipag-chismisan sa likuran or nakikipagbasag ulo.
Pwede naman akong umupo doon, pero ayokong matawag ng guro sa sudden questions. Ayoko namang mapahiya kahit ang katawan na kinalalagyan ko ay sanay na sanay na sa kahihiyan.
Igaya niya pa ako sakanya.
I smirked. "No thanks." At muli 'kong tinignan ang bintana.
"Nagbago din ba ang ugali nito?" Komento nila.
Huh? Wala pa naman akong ginagawa kaya napalingon ako sakanila, nagtataka.
"Paano niyo naman nasabi na nag-iba ang ugali ko?" Nakangiti at kalmadong tanong ko. Argh. Paano ba maging si Javier?
"Ang ingay mo kaya tuwing umaga. Nag-aaya ka kumain ng pater."
Napangiwi ako. Pater? Sa umaga?
"Never mind! Baka windang ka lang sa nangyayari! Sige tol, iwan ka muna namin!"
Mabuti naman at umalis na sila. Hindi ko pa rin kasi kaya intindihin ang mga lalaking 'yon. Tsaka ko na lang siguro sila susubukang intindihin if... kung may oras ako.
Is Javier attending my class already? I'm sure my class started already... Wala atang laman ang isipan ko kung hindi siya.
I texted him. Just to be sure.
To: 09123546789
Better attend my class, b***h. I'll shave your head off if you didn't.
Halos lumuwa ang mata 'ko ng mag-reply agad ito.
From: 09123456789
Yesssss there's an old woman in front
What?!
To: 09123456789
Stop using your phone, dumb! Makinig ka! What are you doing?!
From: 09123456789
You texted me! I thought it was an emergency? Besides, this is not my phone. It's yours so. ..
Natawa ako. Gago! Bwisit na nilalang na 'yon! Nakikinig ako lagi sa klase, he can't be like that in my body! He should act like me! Like me!
I was about to go out wheb the professor came in. Tumaas ang kilay ng prof.
"Good morning." I said politely, slightly bowing my head. The teacher looks very surprised.
Saglit kumunot ang noo 'ko dahil sa reaksyon ng guro. Did I did something wrong?
"Babalik na po ako sa upuan. Sorry Ma'am." Paalam 'ko sa guro.
Umupo ako sa upuan. Everyone looks very confused. Napalunok ako. Did I do something wrong already? Wala pa akong ginagawa!
"Well, well, Mr. Castell. .." Agad na tawag ng guro. "You hit your head hard." Hindi 'ko alam kung biro iyon.
Everyone laughed. I just remained poker face. That's not funny. Hindi nila alam na ang ginagawang biro nila almost cause my life. How insensitive. Muntik na kaming mamatay. Tapos ay tatawanan lang nila ang pagkabunggo ng ulo ko? To think na isa siyang professor. ..
Isumbong ko kaya siya kay Mr. Castell? Nah. Magmumukha lang sumbong tatay si Javier and I don't feel like it too.
"Yes Ma'am. ..He's acting very weird!" Sigaw ng isang lalaki. Sumunod noon ay tawanan dahil mukhang agree sila sa sinabi ng isa.
My forehead knotted. Akala 'ko ba ay klase 'to? Mukhang pagchi-chismisan lang nila ako dito! This is bullying too!
"How are you, Mr. Castell?" The professor asked. Nakatitig naman ang lahat sa'kin.
That is very rude! Mukha ba akong may sakit sakanya?!
Sinubukan 'kong tanggalin ang pagka-kunot ng noo, "Fine."
The professor nodded, "Mahirap talaga mamatay ang masamang d**o!" Banat nito na ikinatawa ng lahat.
I couldn't get that. ..It's not funny. Now that I am in his place, I realize cursing someone on death is not funny. ..
Naalala 'ko ang pinagsasasabi 'ko kay Javier.
God. So this is how it feels? This is very humiliating!
"Why are you so serious bro?" Tanong ng kaklase habang tumatawa. "Para ka ng si Miss President niyan!" Asar pa nito.
Tumaas ang kilay 'ko. Sinubukan magtimpi. This is not a joke! Why are they all laughing! Anong ine-expect nila? Ang makitawa ako?
Kung si Javier ba ang nandito, iyon ang gagawin niya? Ang makitawa? Bano ang isang 'yon kaya tatawa talaga siya.
When the class ended, I fix myself for lunch.
"Yow! Kain tayo!" Inakbayan ako ng isang lalaki. Ito na naman tayo sa issue ko sa mga malalaki at mabibigat nilang kamay!
"Ayoko," I rejected them.
Tumaas lang ang kilay nila, pero sinabihan akong sumunod kung magbabago ang isip.
I texted Javier. Pero hindi ito nagre-reply. I declined everyone's invitation to have a lunch with me. It was draining! Grabe, ang daming kaibigan ni Javier! Makiki-chismis lang naman sila. Tsk.
I tried to go in rooftop, wala. Sa likod ng gym kung saan 'ko sinabi na magkita kami—wala.
I searched him in cafeteria. Kapansin-pansin ang malaking bilog doon. Everyone is laughing. It's loud. Then I notice my body, clapping and giggling. Nakatalikod ito, pero I know my physique. Looks like she's acting! Mukha akong tanga sa ginagawa niya!
God. That's not me!
"Faith!" I called him, habang papalapit sakanya. Napalingon naman ito, nagulat—at ngumisi.
Tumaas naman ang kilay ng iba.
"Yow!" Tumayo ito.
Then I noticed something in my skirt. ..Fuck. Him.
Mabilis akong lumapit sa likod niya at niyakap siya. God! Naramdaman 'kong natigilan ito.
Nanigas ang lalaki sa ginawa ko. Pero agad ding nakabawi at sinubukang pumalag!
"Hey, what are you doing?!" He hissed. Akmang aalis ito pero hindi 'ko siya pinakawalan.
Mabilis kong niyakap ito ng sobra at bumulong sakanya. Pinagtitinginan kami ng lahat, but I couldn't care about it. He is so embarrassing!
"May dalaw ba ako ngayon?!" Ganting bulong 'ko sakanya. "Stay still, fucker!" I hissed. Kung makapalag kasi akala mo ay hindi akin ang hinahawakan ko!
Hinubad 'ko ang suot na polo. Narinig 'ko ang tilian at hiyaw ng iba! Pulutan na naman kami ng chismis sa university—hindi dahil sa away. Kung hindi dahil sa PDA! f**k this is humiliating! Kahit kailan ay hindi ako tinagusan!
"Meron. Kadiri nga e, promise." Aniya. "We're making a scene, Celestial." Paalala niya sa'kin.
Itinali 'ko ang polo sa beywang niya.
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Bulong 'ko sakanya. "Hindi ka ba nag-napkin? Bakit may tagos ang palda 'ko?!"
Humarap siya, gulat na humarap sa'kin, "May tagos na naman?! Nag-practice ako kagabi mag-lagay ng napkin!" Bulong niya. Mukhang natakot din sa nalaman.
Ipinikit ko ang mata. "Then you should have practice hard... Tinagusan ako, Javier. Ang katawan ko. Alam mo bang nakakahiya bilang baba—"
"Nag-practice nga ako!" Reklamo niya sakin. Nakita ko ang inis at pamumula sa mukha nito.