31. Christmas

2026 Words
Idinampi ko ang cold compress sa mukha ko. Mabilis na pumikit ang lalaki. "Bakit ba napakahina ng katawan mo?" Nakangiwi na aniya. "Grabe... Ang sakit matamaan ng bola. Ang sakit din ng leeg ko." Ngawa niya. "Iyon ba talaga ang gusto mong babae?" Tanong ko dito. Muli kong idinampi ang cold compress at tinitigan siya ng masama. Saglit itong natigilan. Tulala itong nakatingin sa ceiling at tila nag-iisip ng malalim. "I just... don't know that she is like that," malungkot na aniya. "Kung alam ko lang na ganon siya, di ba? Hindi ko rin siya gugustuhin... But swear. She is sweet like Candy before. Fragile. Soft." Nakaramdam ako ng matinding inis kaya napadiin ang cold compress ko sa mukha niya. "Aray!" "Ngayon, alam mo na sana ang ugali ng taong gusto mo. Hindi ba, di maganda?" "Maybe, she is just mad. Maybe she felt betrayed..." Aniya. "Why betrayed? Hindi ba na dapat ikaw ang magalit kasi halos hindi ka nga pansinin ng isang 'yon? Hindi ka nga sinasagot?" Napasipol ito. "Hindi ka ba pwede magdahan-dahan? Tsk... Parang hindi tayo mag-kaibigan." "Hindi talaga!" Sigaw ko dito. Kaibigan? Ako? Tinignan ako nito ng masama. "Hindi ka ba pwede mag dahan-dahan? Akala ki magkaibigan tayo?!" "Assumera ka," asar ko dito. "Magpagaling ka nga... Imbes na magrereview tayo ngayon..." "Ito na nga. Magpapagaling na..." He smiled to me. Hindi na ako nagsalita pagkatapos noon. I just sat their quietly and stared on my poor face. "Sasabunutan ko talaga si Candy next time," I shared to him. Umiling ito. "Tsk." Iyon na ang huling kita ko sa lalaki. Hindi ko alam kung nasaan ang katawan nito, pero hindi na siya nagparamdam sa mga texts or calls ko! I do not know why is he doing this to me! I just wanted... To see him! Ang itsura ko? Ang grade ko sa law? Kumusta na lahat?! Isang araw ay natawagan ko siya at talagang galit ko siyang pinagbabantaan. Mainit ang ulo ko sa coffee shop at pag hindi siya pumunta, talagang sisigawan ko siya sa room or kung nasaan man siya! And speaking of the devil?! "So? What's up?" Takang tanong nito sakin at ibinaba ang bag na bitbit niya. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. I called him here, of course. I just... wanted to call him. "Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong ko dito. May band-aid sa mukha ang katawan ko at naka-puyod pataas ang buhok ko. Mukhang siyang lalaki sa suot niyang itim na shirt at malaking jogging pants. I glared at him. Really? Ganito talaga ang itsura niya... akala ko ba ay inaalagaan niya ang katawan ko? Moody din ba ang pag-alaga niya? "Bakit?" Takang tanong nito. "Magaling na ako galing sa tama noong bola." Kibit balikat na aniya. "Narinig ko nakipagsuntukan ka sa mga babae." I asked him. "For pete sake, Javier... That is my body. Kakagaling mo lang sa injury tapos ay... Ito na naman?" Napahinto ito. Tapos maya-maya ay napakamot sa ulo. Pilit kong kinakalma ang sarili. We already talked about this! Pero hindi niya talaga mapigilan ang pagiging basagulero! Kasalanan ko naman kasi hindi ko siya pinuntahan kaagad noong sumabog ang balita noong nakikipagrambulan siya sa iba. Pero okay lang ang isang beses! Ang pangalawa nga ay kasalanan na! Pero iyong pumangatlo pa siya? Hindi ako makapaniwala dito! Ang... kapal ng mukha niya talaga! "You answered you're own question... kaya di ako nakikipagkita sayo kasi may nasuntok akong hindi dapat." Napayuko ito. "And I am so sorry for acting impulsively..." "Javier." I calmly said. Okay, Celestial. Hindi ka dapat sumabog sa crowd. Kaya siguro ito ang piniling lugar ng kumag na 'to para hindi ko siya matalakan! Nanlaki ang mata nito at umayos pa ng upo, akala mo ay may ipapaliwanag sakin ng maiigi! Itinaas niya ang kamay. The determination in his eyes were evident. Akala mo ay may valid na rason talaga sa sasabihin niya ngayon! "Tsaka may recitation kayo kaya naging busy ako." Dagdag pa niya sa kasinungalingan! "Nagrereview din ako para sa exams mo. If that is what are you worrying about..." I doubt that! Ang sabihin niya, ayaw niya lang matalakan at masapok ko! "Okay lang. I throw Candy away for you anyway too..." Ganti ko manlang dito. Buti nga at naaway ko ng mabuti ang babaeng 'yon! Kahit hindi na guidance si Javier sa ginagawa niya, nagkakaroon na ako ng image tungkol sa pagiging basagulera! Dati mataray lang, ngayon barumbado na! I was waiting for a reaction that will satisfy me. Iyong tipong magagalit siya, or maiinis kasi nga love of his life ang tinaboy ko. Pero wala, pinagkibit balikat niya lang ang ideya! "Narinig ko nga na inaway mo si Candy. Ano pa nga bang bago?" Tanong nito. "How about my athlete life? Kumusta na?" Ganon lang niya itinaboy ang usapang Candy! Grabe, dati kung makaakto ay akala mo buhay at laman niya ang babaeng 'yon! Ngayon usapang athlete naman? Sabagay. Siguro talagang nagbago ang tingin niya noong nakita niya ang ginawa sa quadrangle noon. I wonder what he thinks about her. Kadiri? Nakakasuka? I want to know more. I crossed my arms. Isinandal ko ang likod sa upuan at tinignan siya ng maigi. "What?" Tanong niya. "Hindi ka ba manlang magagalit kasi sinira ko ang love of you life?" He shook his head, nakanguso pa. Akala mo nagdadalawang isip pero umiiling na. "Tatanggapin ko na lang kung anong gagawin mo—" "But that is not an excuse for you to do something? Tingin mo ba hahayaan kita?" Gigil na sabi ko dito. Napatigil kaming dalawa sa pag-uusap noong dumating ang waiter to serve our drinks. Mabilis siyang sumimsim ng kape niya habang ang order ko naman ay strawberry shake. "Really?" Aniya. "Sana nag-order ka manlang ng medyo masculine." "Bakit? Ang ibig bang sabihin ng pink ay feminine? Stop that stigma. Ngayon, gusto kong tumigil ka sa p********l sa mga babae!" Inis na sabi ko dito. "Hindi nakakatuwa yon! Lagot ako! Akala ko ba we will stick to our agreement? Na we will act according to 'who are are'? Anong nangyari?" Sumipol ito. "Pwede ka bang chumill? You're so hot." Humigop ito sa inumin niya habang mapaglaro akong tinitignan. Gusto ko talaga siya sampigain ngayon! "Gusto mo ba ako?" Tanong ko na naman dito. Naalala ko ang usapan sa classroom last week. Naibuga nito ang inumin! Hindi nabilaukan manlang o ano—pero binuga niya ang krema sa table namin! Napapikit ako ng mariin nong naramdaman ko ang tingin ng iba. I immediately pushed my handkerchief towards him. Nakakahiya. Ang baboy. Wala na talaga ang image ko. At wala akong magagawa kung hindi hayaan iyon! "Pwede ba? Javier?" Medyo gusto kong makipagkasundo sakanya noong pinakalma niya ako noong nakaraan—pero ngayon? Balik na naman ba kami sa dati? "We should really get back in our body... Binababoy mo na ang image ko—" "Sakin rin naman, hoy! Binababoy mo rin! Kahit kailan, hindi naman ako naging matino! Tapos ang chika sakin ngayon, matino ako?" I glared on him. "At sa tingin mo, masama iyon? Gago ka rin 'no? Ikaw nga pinagsasasampal mo 'yong babae!" "Deserve nila," he chuckled. Nakuha niya pa talagang matawa sa ginawa niya! Grabe, nakakatakot! "Pinag-iinitan ka nila kasi girlfriend ka daw ni Javier..." simula niya. Napatigil ako noong marinig ang rason nito. "What?" Pagpapa-ulit ko sa sinabi niya. "They are bullying you, Celestial. Ayoko namang binu-bully ka... It's just unreasonable." Dagdag pa nito. Natulala ako sakanya. Dahil lang din pala sakin? Akala ko he is just messing around with my character! "Gosh, girls and their petty fight. Hindi ko rin makuha kung bakit nila ginagawa 'yon. Paano kung hindi ka matapang? Edi na-trauma ka?" Aniya. Ito na namang ang tumutusok sa tagilirian ko. Ang kaba na hindi maintindihan at hindi ko alam kung saan galing. Nag-angat ang mata nitong nag-aalala at tinignan ako. "I am even disappointed in Candy. Kasi imbes ako ang puntahan niya or si Javier... Laging si Celestial..." Iling pa nito. "It's not like wala rin akong kasalanan kung nagkagusto ako sayo 'no?" Sumikdo ang puso ko dahil sa sinabi niya. I felt my cheeks burned in red. "Gusto mo ba ako?!" "Hindi ah. Halimbawa lang..." Tanggi niya. "Balita ko malapit na christmas break..." mabilis niyang ipinalit ang usapan. "Nakakakilabot ka..." Sumimsim na ako sa milkshake para kumalma. Nakaka... praning naman ang pinagsasasabi ng lalaking 'to. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang lakas ng loob sa mga pinagsasasabi. How can he utter words simple like that... Habang ako ito, ultra-panic. Sure akong gusto niya ako. Pero erase, erase! Hindi nga daw! Baka talagang assumera lang ako? Bwisit na mga kaklase niya! "Do you mind taking christmas break with me? Samahan mo akong maghanap ng sagot..." nakangiti paanyaya niya. Ang daming rason para magalit ngayon sakanya. I even practice what to scold him about—pero lahat iyon ay natunaw lang dahil sa pagiging magaling niya magsalita. I really need... to find the answer for this. Baka pag tumagal ang sitwasyon naming ganito—baka magkaroon ng malubhang sakit ang puso ko sa kaba! "Of course. I will come with you. Ayokong pati bagong taon nasa katawan mo pa rin ako!" Mabagsik na sagot ko sa lalaki, tinutulak iyong kakaibang nararamdaman. Pagkatapos noong usapin sa coffee shop na 'yon ay napag-desisyunan ko siyang ayain sa bahay. Mansyon niya, I mean. "Wala ang papa mo pati ang kapatid mo. I guess he is busy with his college life." Kwento ko dito. "Asan si Pochie?" Tanong nito sakin. Nagkibit-balikat ako. "Baka nasa kulungan." "Alam mo, you should bond with my dog. Siya na nga lang ang nakakakilala sa'ming dalawa. We should be grateful!" Sinimangutan ko siya. "Kunin mo 'yong aso. Mauuna na ako sa kwarto. May dala kang libro, di ba?" He just nod his head. Umakyat ako ng kwarto at nagpalit muna ng damit. Sakto naman na nakaakyat na si Javier kasama ang aso niya... "Nasaan ang libro?" "Nasa bag," sabi niya. "Ang kapal ng libro niyo eno? Lahat ba kailangan aralin?" "If you want to be perfect, isasaulo mo lahat." Napangiwi ito. "Pati numbers?" I nod my head. "Pati articles." "Grabe! Ang hirap naman! Bakit mo ba ginusto 'to?" "To serve justice," simpleng saad ko. "Balak ko sana mag law school. Pero malabo ata ngayon 'yon." "Why?" "Because of you..." I told him bluntly. "Kaya mahalaga sakin ang grades ko dahil libro ko pa lang, mahihirapan na ako." Binuksan ko ang page at nakita kong may highlight na ang libro. As in, may linya na highlight! "Anong ginawa mo?" Tukoy ko sa highlighters na nasa libro ko. "Seryoso ka ba talagang inaral mo 'to?" "Oo nga! Ano bang sabi ko kanina? Tsk!" Napaamang ang labi ko at tinitignan ang lalaking nakikipaglaro sa aso. I immediately put the book down and gathered a question sheet. "Tutal naman ay nabasa mo na, sagutan mo ang lahat ng 'to..." Ibinigay ko sakanya ang isang questionnaire. "Sagot agad?!" Komento niya. Hindi ko ito pinansin and I immediately scanned the book. Napaamang ang labi ko noong halos malapit na niyang matapos ang kailangan. "You are good," komento ko dito. "Pero let's take a test. To make sure if na-absorb mo ba talaga ng maayos ang information. Let's focus kung saan ka nahirapan." Sumipol ito. "Yes Ma'am.." Napasandal ako sa kama, habang siya naman ay nasa sofa. "So how is your week, babe?" "Can you stop calling me babe pag tayo lang?" Iritadong suway ko dito. Malapit na talaga akong maniwala na gusto ako ng lalaking 'to. Iyong ngayon na gusto. Gaya ng sinabi ng kaklase niya. "Oh. I'm sorry. Nakasanayan lang," he laughed. "So? How is the days without me?" "Wala." I told him. "Wala namang nangyari sa buhay mo... It was actually boring. I am rejecting the parties because I didn't have the energy. Busy ako sa test at paggawa niyang questionnaire for you.." "Damn.. I felt like acing the test because of your tutorial style." He chuckled. Napailing ako sa lalaki. I am not expecting him to ace it... But I hope his results can redeem my old image of me. "I'm done answering!" Sigaw niya. Okay... Let's see.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD