30. After

2055 Words
"How is my driving? See? Smooth driver ako!" "Ayoko na lang magsalita." Saglit akong nilingon nito. "Bakit naman?" "Alangan naman laitin ko pa yung driving mo? Baka mamaya magtalo na naman tayo at mapunta na naman tayo sa sagutan." "Bakit ka naman makikipagsagutan? I am a smooth driver!" Pilit pa nito sa gusto. "Oo na! Oo na!" Sigaw ko dito. "Just focus on driving!" Sumimangot ito. "Bakit parang napipilitan ka?" Napipilitan naman talaga ako! Gusto ko siyang asarin ngayon at hindi sangayunan ang pagiging smooth driver niya—kahit totoo. Pero shut up muna ako ngayon. "Hindi ako napipilitan. I just want you to focus on driving!" "Tsk..." Aniya. "Anyway! Pupuntahan kita bukas, para sa unang lesson natin sa labor relation," I told him. "What?!" "Para hindi ka bumagsak. Saan ba tayo pwede pumunta? Sa mansyon mo, or sa bahay?" Tanong ko. "Teka–" "Pag sa bahay ko, maraming chismosa doon," kausap ko ang sarili. "Pero pag sayo naman... Baka nandoon si Mr. Castell?" "Hoy teka! Hindi pa ako pumapayag!" Pinandilatan ko siya ng mata. "Focus on your driving, Javier! Swear pag nabangga talaga tayo ulit!" "Then stop your immediate ruling!" I stuck my tongue out. "Nye, nye." "Anong nye, nye?!" Sa huli ay walang nagawa si Javier kung hindi sundin ang gusto ko. Wala siyang choice kung hindi umattend. Kasi kung hindi, pupuntahan ko siya kahit saan pa siya magsumiksik! "Teka, paano 'yan? Paano 'tong kotse ko?" Takang tanong niya noong mapansin ang mali. "Hindi naman akin 'to—well akin 'to, pero hindi ka naman marunong mag-drive para ibalik 'to sa mansyon?" "I will call the driver," sabi ko dito. "Iyong mas bata. Hindi si manong..." "We are pestering too much people for this night." Nagkibit balikat ako. "Blame yourself." Nag-stop over muna kami sa isang convinience store. Alas-dos na ng umaga and we are sipping noodles. "Are you working out my body?" Inirapan ko siya. "Working my body my ass. Ikaw nga lamon ng lamin. I should do the same." "Celestial!" He hissed. "If you want me to work out then... you know? Let's finish our situation." "Hmp." Dumating ang driver na pinapatawag namin. Javier is busy saying sorry habang ako naman ay tahimik. "Sorry po manong, nakainom po kasi si Javier," he reason to the driver. Iyong plinano naming rason kanina. "Naku, trabaho po ito Ma'am ayos lang po." One think that I have notice with Javier—he is kind with his love ones. He looks genuinely happy when he saw manong, the dog, Jameson, and his servants—parang pamilya nga ang turin niya at hindi utusan. Tsk. Akala ko pa naman ay matapobre ang isang 'to at puro yabang. I guess, it's really not. Kinabukasan ay magaan na ang pakiramdam ko sa nangyayari. Gumaan dahil kay Javier. I have to give him that. He really puts an effort para i-comfort ako kahapon kaya I will admit that thing. I was busy typing on my notes about our new approach in our situation, pero tinabig ako ng isang kamay. "Ano—" Gusto ko sana mag-reklamo dahil medyo mahapdi ang pagkakahampas sa braso ko. Ngunit noong nakita ko na si Candy iyon ay hindi na ako umalma. Oh no, here we go again, my goodness! Kailangan ba talaga niyang magpakita sakin ngayon? "Bakit?" Tanong ko noong tumagal lang ang pakikipagtitigan niya sa'kin. Umiling si Candy sakin at hindi makapaniwalang tinignan ako. I can feel the heavy stares from my blockmates. Sana naman ay hindi gumawa ng kahit... anong ka-dramahan ito dito. "Bakit talaga? Javier, wala na ba talaga tayo? Are you really going out with her?!" Sigaw nito sakin. Oh my god. I hate her. Bukod sa hindi kami binisita nito noong na-ospital ay parang lagi na lang may kasalanan si Javier. Tumayo ako at tinignan siya. "Wag tayo dito mag-usap. Let's go in something quiet—" "Ayoko! Bakit gusto mong pumunta sa tahimik? Para hindi ka mapahiya?" Gigil na tanong nito sakin, hinihingal sa galit. Damn, she is really angry huh! Hindi niya ba makuha kung bakit ayoko dito? Gosh, this is a simple logic pero kailangan pa itanong ang obvious?! "Pinapahiya mo ang sarili mo dito, Candy..." I told her. Natigilan ito. I heard a loud noise in the background because I roasted Candy, pero nanatili ang seryoso kong mukha at tinignan siya. "Ano? Hindi ka pa rin ba aalis?" Hamon ko sa babae. Napaamang ang labi nito. "Bakit ikaw pa ang may ganang ganituhin ako? Kasalanan mo ito, Javier! Manloloko ka!" Ayan na naman siya. Bakit hindi niya na-realize na pwedeng mawala sakanya si Javier if hindi niya agad ito pinahalagahan? Tatanggi-tanggi tapos pag nawala ay iiyak. I just hate people like that... "Hindi nga kita niloko! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi naman naging tayo so how can I possibly fool you?" Iritadong tanong ko sa babae. "Sheesh..." "Sunog, pre. Sunog!" Bulong ng ilan. Sinamaan ko ng timgin ang mga kaibigan ni Javier. They are making things worse! Napanganga si Candy qt mariin na umiling. "You are so cruel, Javier. Hindi mo ba talaga ako mahal? Akala ko ay hihintayin mo ang sagot ko hanggang dulo? Hangga't kaya mo?" Naluluhang tanong niya. Oh my gosh. Really? Ako pa ang sasagot nito? Javier really likes Candy. Too bad, hindi nag-iisip ng tama ang babaeng ito at tine-take for granted lang ang kabutihan ni Javier. Javier is so much like my dad. Nagpapauto sa larangan ng pag-ibig. Bininibigay ang pwede hangga't kaya. And I hate it so much! Bawal ba magmahal ng hindi nakakalimutan ang sarili? "Dito ko ba talaga sasabihin, Candy? Maraming tao dito," iling ko sakanya. Nag-iinit talaga ang ulo ko tuwing naalala si Papa... kasi hindi naman ginusto ni Papa ang mawala. Ang kasalanan niya—iyong matinding pagmamahal niya sa babaeng 'yon. Sa'king ina. "Sige! Sabihin mo! Ipaalam mo sa lahat how cruel and heartless you are!" Duro pa nito, kulang na lang ay magwala siya. "Akala ko ba ay magkaaway lang kayo ni Celestial? For petes sake! Gusto mo pala ang babaeng 'yon habang nililigawan ako!" "Stop saying shixt, Candy. That's unreasonable!" Tumaas ang boses ko sa sinabi niya. "Stop telling things... Hindi mo alam. Wala ka namang alam." "Anong hindi alam? Isn't obvious?" Pagak itong natawa. "Bigla na lang kayong nagkasundo... Ano iyon? Lahat ba ay biglaan? Hindi ako naniniwala! I am sure you are falling for her while courting me!" Ang sahol naman talaga ng babaeng ito! Nakarinig ako ng sipol sa likuran at tila hinihintay nila ang isasagot ko. Kumuyom ang aking palad. Javier is not the bastard here! She is the one who is fvcking mad! "Alam mo ba kung bakit kami nagkasundo?" Hamon ko sa babae. Namumula ang mukha nito at akala mo talaga ay siya ang tama sa lahat! Kung dati ay gusto kong napapahiya si Javier—ngayon ay iba na ang gusto ko! "Nilandi ka niy—" "Wrong! Tigilan mo nga ang walang kwentang pinagsasasabi mo!" I hissed on her. "Alam mo ba kung bakit kami na-aksidente? Dahil sayo! Yet, you didn't even bother to visit us!" Akala ko ay matitigilan ang babae. Or magpapakita kahit kaunting guilt manlang. Pero wala! Hindi na tinablan ang babae! "Paanong ako? Kasalanan ko bang pareho kayong tanga!? Bakit sinisisi niyo sakin?!" Aniya. "Grabe.... hindi ako makapaniwala na ganyan pala ang nangyari sayo. She turned you into a monster!" "Ano bang pinagsasasabi mo?" Naputol na ang litid ng pasensya ko. "Could you please get your argument straight—" "You are not like this before, Javier! Hindi ka ganito! Pero simula noong napalapit ka sa hiprokita na yon ay halos magkasing-ugali na kayo!" Magkasing ugali... Ang ganda. Kasi ako si Celestial ngayon. "You are soft to me. Kind! Understanding! Pero ano? Inahas ka ng babaeng 'yon!" "Sheesh. Para talagang drama 'to!" Pumalakpak ang ilan sa classroom. "Walang inahas sayo, Candy. Hindi ako sayo. Buti na lang at hindi mo ako sinagot! Look how crazy you're reasoning are!" Natawa at napapalakpak ang buong classroom. I feel bad for Candy who looks wanted to dissolve herself. Pero wala, kasalanan naman niya 'yan. Kanina ay tinatanong ko siya kung gusto niya sa ibang lugar kami mag-usap... Serves her right. "You are so rude! Makakarating kay Mr. Castell ang ginawa mo!" "Ang laki mo na para mag-sumbong!" Kantyaw ng ilan. "Ayos pala 'tol tong kwento mo! Parang teleserye!" Hiyaw ng iba. Natawa ako sa sinabi nila. This is the most satisfying I encountered since I am here in Javier's body. Nagtiim ang bagang ni Candy at tinignan ako ng sobrang sama bago unalis. There was a long silence—pero maya-maya, the whole classroom cheered for me. "Sa wakas tol at naamin mo na rin na ayaw mo kay Candy at talagang si President talaga ang gusto mo!" Tawa nila. Habang ako naman ay nagulat. Ano? Ayaw ni Javier kay Candy at ako talaga ang gusto niya? What? "I like president?" "Oo pre. Halata naman namin na panakip ligaw mo lang si Candy... In denial ka pang hayop ka.. Pero congrats pre, kayo na ni President! Goods yan!" What the hell? In denial si Javier pero may gusto siya sakin?! Me: Where are you? Nasa quadrangle ako. Iyan ang text ko kay Javier. Alam kong may gusto sakin ang lalaki dati. But I didn't expect that he likes me right now? Habang may nililigawan siyang iba? Umayos ako ng tayo. Nandito ako sa quadrangle, sa ilalim ng puno. There is someone playing volleyball as their subject. Dito namin napag-usapan na magkita para sa unang araw ng review sa law. But I am quite uncomfortable knowing that. What a fvcking playboy. "Hey!" Sigaw nito sa'kin. Nagtatatakbo si Javier sakin ng nakangiti. He is acting like a child while running—pero kita kong naagaw niya ang atensyon ng iba, lalo na ang mga lalaki. I guess... I know how to smile that beautifully. I am looking so cute while running. Pero nasira ang lahat ng 'yon noong may tumama na bola sa gilid ng mukha ni Javier! Ang pisngi ko! Natumba ito. My mouth hang open in disbelief. "Javier!" I shouted. Napatakip ako ng bibig noong mali ang nasabi. Pero ang sakit kasi tignan noong pagkakatama ng bola ng volleyball! Maraming tumakbo at nagtungo sa kawawang katawan ko. I ran late because I was far. "Ja—Celestial!" Tawag ko dito pagkatapos makisiksik sa dagat ng mga tao. Mabilis kong dinaluhan ang lalaki. Lumuhod ako sa gilid nito at inalalayan siya umupo. "Are you okay?" tanong ko dito. Namumula ang pisngi ko at hindi niya maibuka ang mata! Oh my! I look so pitiful! "Mukha ba akong okay? D-Damn this... fragile body... ang sakit sa pisngi amputa..." Hinihingal na aniya. "Oops. Mali ng tira," sabi noong babae at kinuha ang bola. Si Candy! Kumunot ang noo ko at mabilis na tumayo. "What the fvck? Sinadya mo ba 'to?" Inis na sabi ko sakanya. "Kitang galing sa aksidente ang katawan na 'yan, then you will hit her because of your personal grudge?" Nagtiim ang bagang ko dahil sa galit. Paano kung may natamaan siya na hindi dapat? Hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari sa'ming dalawa! Kasalanan na nga niya ito, dadagdag pa siya sa problema naming dalawa. "Javier, are you really scolding at me right now? Isa pa, paano mo nalaman na sinadya ko—" "One more move that will hurt her, hindi mo magugustuhan ang pwede kong gawin sayo," I threatened her. Naramdaman ko ang kamay ni Javier sakin. Pinapakalma niya ako. Ngunit nanggigigil talaga ako sa punyetang babae na 'to! Naluha agad ang ma-dramang babae. "Hindi ko naman sinasadya! How dare you accuse me—" "I am not accusing you. Stop acting like a b!tch ha? Porker hindi ikaw ang gusto ko ngayon, you will hurt like a mean girl and act like a savage?" "Oh..." Ungot ng mga nanonood saming dalawa. Nakita ko ang takot at gulo sa mukha ni Candy. Naramdaman ko naman ang higpit ng hawak ni Javier sa gilid ko, kaya nagising ako. Binuhat ko ang lalaki. Nagulat nga ako sa gaan nito—or Javier is just physically strong? Napailing ako sa sariling mukha. Mamamaga ito... Muli kong nilingon si Candy. "Sa susunod talaga na saktan mo siya... Hindi ko papalagpasin. Kung anong ginawa mo sakanya, dodoblehin ko sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD