21. Endless

2010 Words
I was bored and irritated while waiting the professor in our classsroom. Nakakabagot maghintay, lalo na't pag maraming nakatitig sa'yo! Hindi talaga ako makapaniwala na parang maganda pa ang epekto nito sa image ni Javier. Nakakainis... Bakit hindi ako nagmukhang banakal lang or may sakit? Mas bagay sakanya 'yon eh! "Girl... Ang pogi talaga..." "Hi Javier!" Bati pa sakin noong katabi ko na babae. Nilingon ko ito at tinignan. Mukha siyang kinakabahan at halos mapunta ang ngiti sa ngiwi noong sinimangutan ko siya. Ngayon lang ba sila nakakita ng kalbong may itsura? Nakakairita! Mga ignorante! No one dared to call me or even joke at me. I keep my face straight and hard. Buti naman at nakuha ng lahat na ayoko makipag-usap kahit kanino! I am waiting for Javier's text. Dapat ay galit na siya ngayon! Nasaan siya? Bakit hindi niya ako sumbatan ngayon? Pakiramdam ko tuloy ay wala akong achieved na nagawa and it pisses me off! Argh! Hindi ako papayag na ako lang ang naiirita sa'ming dalawa. Dapat ay mairita siya sakin ng sobra! "Bro, you okay?" Someone dared to ask me. Tumango lang ako bilang sagot at hindi ito tinignan. Hindi 'ko nga kilala ang mga 'to! Tsaka, it's obvious to my knotted forehead na hindi ako okay! People and their obvious questions! "May ginawa ba sa'yo si Prof Cruz?" Pang-uusisa pa nito. Wala sana akong pakialam pero naalala ko ang baklang prof na galit na galit sakin. "The gay one?" Paninigurado ko. The guy laughed, tinignan ako nito na parang hindi makapaniwala. "Damn bro, you really hit your head hard huh?" Iling pa nito. "Oo, the gay prof who loves you so much!" Tinapik nito ang balikat ko sabay tawa. Kumunot ang noo 'ko sa sinabi nito. Prof Cruz? The gay teacher? I know that professor. Maraming nagsusumbong sa'kin. He knows as the predator of young and gipit pogi ng university. He's obviously rich and powerful, kaya nakakatakbo ito sa mga kasalanan niya. Plus, when I tried to bug this professor he immediately threatened me! Pag wala daw akong nadala na katibayan ay ako ang lagot! Wicked! Bakit ba may mga taong kayang tiisin ang pangbababoy sa isa? How can they sleep properly without being bother by conscience? Pero trip si Javier huh... I smile on my head. "Why?" I asked him normally, "Trip pa rin ba ako non?" I fish out. So trip siya ng prof na 'yon? Hmm. .. The man in front of me laughed, "Oo naman gago! Noong na-aksidente ka nga lagi kaming nagdadasal dito para sa'yo!" He teased. Napangisi ako. I am thinking something nasty. ..This is gross and everyone will think of Javier very wrong. "Oh man, here he is!" He chuckled. "Huwag ka kasi sagot ng sagot kay Sir. Ang good boy mo na noong nakaraan 'eh! Umaasa tuloy si ser!" Hagalpak nito ng tawa bago ako iwan. I just wiggled my brow. Hindi ako galit sa lalaking 'to. Malaki ang ambag niya kaya naisip 'ko ang aking plano. God, why I am so bright? Ang subject namin sa professor na 'yon ay once a week lang. Physical Education. I didn't notice sir too. Pero lagi akong tinatawag nito sa subject niya upang mag-recite noong nakaraan. Tss. I should have known then! "Good morning class!" Hindi ako bumati at ngumisi. Nakita 'kong dumapo ang tingin sa'kin ni Sir, tinignan 'ko din siya. Tumaas ang kilay nito bago mag-iwas ng tingin. From here, I can see his little smirk. From the entire class, wala akong ginawa kung hindi titigan si sir at magpaka-bibo sa klase. Walang minuto 'ata na hindi dumadapo sa'kin ang titig niya, poor Javier. Nakakaramdam ako ng konting pagka-cringe sa ginagawa 'ko pero ano pa nga ba? Hindi naman image 'ko ang masisira—kay Javier 'to. Pagkatapos ng klase ay nanghihingi siya ng magvo-volunteer para bitbitin ang mga gamit niya. Walang pagdadalawang isip na nagtaas ako ng kamay. "Oh, thank you Javier!" Galak na galak ito. Ngumisi lang ako at tumango. "Gayahin niyo ang batang ito! Gwapo na nga, mabait pa!" He chuckled. Hinampas nito ang balikat 'ko at naramdaman 'ko ang konting pisil dito. Saglit nawala ang ngisi 'ko at nanindig ang balahibo. Pero pinagsa-bawalang bahala 'ko na lang. .. Gosh, this is gross. But I need to do this! Paghatid lang naman ang gagawin 'ko! I can see in my peripheral vision that everyone was in shock. Hmm. ..I see, everyone here knows how Javier hates this teacher. I just need to take Mr. Cruz, ihahatid 'ko lang. .. I wanted everyone to get the wrong idea. Bahala si Javier diyan! Nang makalabas kami sa classroom ay agad nagsalita si Sir. "Your hair looks good on you." Ngiti pa niya. Doon na hindi 'ko siya pinansin. I just walk straight and fast as I can. Mabuti nga at alam 'ko ang faculty ni sir, kaya pwede ako mauna sakanya! Nagpasalamat ito. Tumango lang ako at umalis. Hindi 'ko na kailangan pahabain ang usapan. Duh. I am cringing too! Ayaw pa sana ako paalisin nito pero mabilis akong umalis! Hah. Take that, Javier! Naghintay ako sakanya buong araw. Panigurado ako kumakalat na sa campus na may something sa'min ng prof na 'yon! I am sure as hell! Hindi 'ko rin sinasagot ang mga tanong nila at asar. I just shut everyone of, and let them conclude. Iyon naman ang gusto 'kong mangyari! Pero hindi nag-text si Javier. Tsk. Wala na ba talaga siyang pakialam kay Candy at reputasyon niya? Ang kalat-kalat 'ko na nga. Last class na namin noon at buryong-buryo ako sa lesson. I just realized that accounting is hard! Tahimik ang klase at halos lahat kami ay antukin. Pansin 'ko din na galit ang prof na 'to kay Javier. Lagi akong tinatawag 'eh. At sa tuwing nakakasagot ako, mas naiinis siya. "What is her problem?" Tanong 'ko saking katabi pagkatapos 'ko mag recite ulit! "Hindi ka mapahiya 'eh." He chuckled quietly. "Himala nakakasagot ka? Nag-aaral ka ba ng mabuti ngayon bro?" "Kayong dalawa!" The old woman shouted, hindi na ako nagulat 'don. Tsk. Ano bang pinaggagagawa ni Javier at parang napaka-walang kwenta ng buhay niya? Magsasalita na sana ako but my mouth hang. The door bang. The door opened really hard at nabangga noon ang pader. .. at pumasok si Javier! Napatayo ako sa'king upuan. Does he really need to open the door like that!? In front of everyone!? Ang hayop na 'to? "What are you doing!?" The old woman roared to Javier—pero katawan 'ko ang sinisigawan niya! Pangalan 'ko ang papagalitan niya! "At sino ka namang bastos ka!?" "Shut up!" Javier hissed. He's walking with jogging pants at ng magkatitigan kami ay pinuntahan niya ako. I gritted my teeth in disbelief. This f*****g bastard really dared to make a scene here! Bago pa siya magsalita ay hinila 'ko na ito palabas ng classroom. Narinig 'ko pa ang tawag sa'kin ng professor, pero wala akong pakialam! "You really shaved my hair!" He shouted in disbelief! "And why Candy just pull your hair!? Nasabunutan tuloy ako ng wala sa oras! Girls are scary in cat fights!" Tanong niya habang naglalakad kami. Nang makarating sa gilid ng building ay doon 'ko siya hinarap, "Candy pulled my hair? Cat fights?" Wala pa nga akong ginagawa ay sinabunutan na niya ang kawawang katawan ko?! His forehead crease, "Oo. Inaway niya ako kanina!" Sumimangot ito sakin. "Lumaban ka?" I asked him the main question. Tinignan ko ang braso nito na puno ng kalmot. Well, the answer is obvious. Pero malay mo, sinapak niya si Candy "Mukha bang kaya kong labanan si Candy?" Nakangiwing tanong nito sakin. I sighed in disbelief. Ano nga ba ang maasahan ko sakanya? "But you should've fight her, Javier. That is my body at protektahan mo naman kahit papaano kasi I am doing that favor to you too?" Nagsalubong ang kilay nito at tinignan ako. "Talaga lang ha?" Aniya. Parang hindi makapaniwala. Tumango-tango ako sakanya. "Yes! Bakit ayaw mong maniwala?" Gosh, I am even taking his skin care routines and kaartehan! Inaalagaan ko ang katawan niya so hello? Hindi ba basic manner ang reciprocate sakanya? "Eh anong sinasabi nila na ka-relasyon 'ko si Sir Cruz!? Anong pinaggagagawa mo!?" Oh. Nakarating na pala sakanya ang balita. Ang bilis naman talaga ng chismis lumipad! Inilapit 'ko ang mukha sakanya, "Serves you right. Gantihan lang, Javier." I mocked. His mouth opened, "f**k, stop! Talagang napakasama ng ugali mo, huh?" He hissed. Nginisian 'ko siya. "Ngayon mo lang nalaman?" I chuckled to piss him more. "Stop this! Lalo na ang kay Sir Cruz! Wala akong dinadamay na tao para makaganti sayo!" He shouted on me. Umiling naman ako. "You are ruining my life, Javier. Pagalingan na lang tayo mag-siraan!" I shouted on his face. Tatalikuran 'ko na sana ito pero hinila niya ulit ako. "Stop this!" He growled. Kitang-kita 'ko na lalo ang galit nito sa mata. Pero ang kapal naman niyang utusan ako na tumigil! Bakit siya? Hindi siya titigil? "Sa tingin mo ba, gusto 'ko 'to?" Mariing tanong 'ko sakanya. I shook my head, "Hindi Javier. Hindi 'ko gusto ang nangyayari sa pagitan nating dalawa. Ang hiniling 'ko lang naman sa'yo ay pasukan mo ang subjects 'ko—" "At ang hiniling 'ko lang naman sa'yo ay maging mabait kay Candy!" He hissed. Napabuga ako ng hangin at nag-iwas ng tingin. This is really frustrating! "Pero ano?" He added. "Hindi lang ako ang may kasalanan, Celestial. Hindi lang ako." At umalis ito sa harap 'ko. Napatili naman ako dahil sa inis. Bwisit! What a cursed life! What an ill-fated relationship with that bastard! Hindi na ako nagulat noong kinagabihan ay pinatawag ako ni Mr. Castell sa silid niya. Ang daming nangyari ngayong hindi maganda. Argh, lagot ako. Imbes si Javier ang pinapagalitan, ako ang nagbabayad sa kasalanan! "What did you do?" Tanong nito. "I'm sorry," I immediately apologize when realize something. Shit... Hindi nga pala ako pwede masangkot sa kahit anong gulo. "I said no scandal, right?" Aniya. Napatango naman ako. Okay, I know. Nakalimutan 'ko. I was greedy and desperate to get even! "Mag-drop out ka na. .." Napailing ako, "Ayoko." "At bakit hindi?" He said in dismay. "Ako na lang ang—" "I will make you go viral. .." I'm sorry, Mr. Castell. Pero hindi ako pwedeng umalis sa university mo hangga't hindi pa ako bumabalik sa katawan 'ko! "Ikakalat 'ko na ako, sarili mong anak, ay pinaalis mo sa sariling university. .." Kumunot ang noo ni Mr. Castell, "No. ..Javier!" He growled. Umiling ako, "Sorry." I just said before storming out of his room. I really feel sorry for Mr. Castell. Pero hindi ito ang magandang timing para i-kick out si Javier! Mag-kaaway kami ngayon ni Javier, oo. Pero ayoko pa 'rin malayo sa katawan 'ko! I need to stick where my body is. .. Habang naglalakad pabalik ng kwarto ay napatigil ako sa paglalakad. Why Javier is calling me at this hour? "Ano?" Sagot 'ko sa tawag. But all I heard is a loud music. Muli 'kong tinignan ang telepono. It's Javier. This is my phone number! "Hello?" Wala akong marinig kung hindi tilian! "Hello!" Sa wakas! Nagsalita na 'rin ito—but it was Suzy! "Si President nagla-lasing!" Nanlaki ang mga mata 'ko sa sinabi nito. Ano!? Naglalasing!? "Ewan 'ko kung bakit ikaw tinawagan 'ko—Pumunta ka dito! Hoy! Bitawan niyo ang camera niyo!" I heard Suzy shouted. Kinabahan naman ako. Camera? What is happening?! "President! Tama na ang kakasayaw!" I heard Suzy hissed. Pakiramdam 'ko ay bumaba ang dugo sa'king katawan. What!? Sayaw!? "Suzy!" I hissed while running out of the house. "Javier! Punta na dito!" Suzy shouted on me. I heard someone whistle on background, lalo naging hysterical ang sigaw ni Suzy! Napatango naman ako, "Yes. Text me the address!" Kinabahan ako. Damn, ano na naman ginawang kagaguhan ni Javier sa katawan 'ko? Argh! I received Suzy's text, nasa club sila! Anong ginagawa ni Javier!? Akala 'ko pa naman ay titigil na siya dahil sa pag-uusap namin kanina! I guess our fight will be endless!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD