Nang makababa ng taxi ay nangunot ang noo 'ko. Bakit nandito si Javier!? He's really going to use my body to get wasted!? Talaga bang wala na siyang kahihiyan!? Naglasing?
Natawa ako. Ito ba ang ganti ng gagong 'yon? I clenched my jaw before entering he club. Pagpasok 'ko pa lang ay nahilo na ako dahil sa sumasayaw na mga ilaw at mabahong usok. Mabuti na nga lang at hindi masyadong masikip!
I tried to contact Suzy while walking—pero hindi niya iyon sinasagot. Where are they?
I was about to go in left when someone grab my hands.
"Hello. .." A girl in short dress greeted me.
Napangiwi ako at hinila ang kamay mula sakanya. Nakakadiri naman ang mga tao dito! Sunggab kung sunggab! Ayaw na ayaw 'ko pa namang hinahawakan ako! Nang iwan ko siya, I heard a group of girls tease her.
At tama nga ako, hindi ako tinatanan dahil 'don!
"Hey boy, pakipot?" Tawa pa ng babae.
I gritted my teeth in annoyance, "I am not interested."
"Why?" Tila naghahamon pa ang babae.
Should I just say that I am a girl in soul? Nah. Magtutunog bakla lang ako.
"Ang pangit mo." Asar 'ko at muling iniwan ang babaeng haliparot. Nakakainis! Mabuti na lang ay hindi na ako hinabol—kung hindi talagang bibigwasan 'ko na siya.
Lahat ng 'to, lahat ng imposibleng bagay ay nararanasan 'ko dahil kay Javier! He's really making my life more difficult and miserable!
Napalingon ako sa isang table sa dulo ng makarinig ng hiyawan. My forehead knotted and lean to check if it's them. ..But that's impossible. ..Puro mga lalaki ang kasama sa table—What the f**k!?
Namilog ang mata 'ko ng makitang tumungtong sa lamesa si Javier—why is he wearing a mini skirt!? Crop top!? I. ..never wear that! Mukha siyang p****k! What the f**k!? Nagsimula na itong gumiling at sa tingin 'ko, hindi na ako mapapatawad ng mga santo dahil sa pagmumura 'ko!
Sumugod ako 'don bago pa siya makagiling ng tuluyan! Hinila 'ko ang kamay nito.
"Oh?"
Napalingon sa'kin ang mga lalaki—nakita 'ko si Suzy na umiiyak na dahil hindi ata ma-kontrol ang nangyayari!
"Let's go!" Madiin na sambit 'ko at hinila si Javier—pero hindi siya pumayag at pumalag.
"Oh. ..Celestial!" Bati nito sa'kin at kumaway pa.
Napanganga ako.
"Nandito ka na!" Lasing na sigaw nito. "Alam mo ba. ..hindi lang naman ikaw ang nahihirapan!" Aniya. Dinuro-duro pa ako nito.
Nilingon 'ko ang table at nakita 'kong interesado sila sa pinagsasasabi ni Javier! Oh my god! I hope Javier won't say anything stupid! Inabot 'ko ang kamay niya at hinila.
"Tara na." Maikling sambit 'ko. I hope he felt the threat in my voice! Subukan lang talaga niya magwala sa harap ng maraming tao!
Yes, my image is already tainted—but I hope he won't do it this low! Ayokong mag-viral sa student files!
"Tara na!" Hinila 'ko siya. Nawalan ito ng balanse at napansin 'kong napaangat sa pagkakaupo ang mga lalaking nasa table.
"Bro. .he said he doesn't want too." Pigil sa'kin ng isa.
Natawa ako. ..Wow. ..Is this really happening to me?
"Hindi niyo alam ang nangyayari." Banta 'ko sakanila at hinila si Javier na pilit pumapalag, "Kaya wag kayong mangialam." I added.
Kumunot ang noo nila at nagsitanguan. Lumapit sila sa'kin—Woah, woah! Gugulpihin ba nila ako!? Excuse me? Sino ba sila sa buhay 'ko para protektahan ako ng ganyan!? Or ayaw nila ibigay si Javier sa'kin—o ang katawan 'ko dahil may masama silang balak!?
"Stop!" Si Suzy, hinarangan ako. "Tinawagan 'ko siya! Boyfriend siya ni President! Please! Ayaw namin magwala si President dito so I called him!" Suzy explained.
"Huh? Boyfriend? Sino?" Tawa pa ni Javier. Oh my god! He's not helping! "Wala akong nakikitang boyfriend! Pero kaaway? Meron!" At dinuro-duro niya pa ako.
Napailing na lang ako. I don't have any choice but to act his boyfriend. ..
"Yes, I'm sorry. It's all my fault. Don't do this." Diretsong sabi 'ko at tumango-tango. Humanda ka talaga bukas—o pag nagising ka sa ulirat hayop ka!
"You are really saying sorry to me, Celestial?" Tinuro niya pa ang sarili—na parang imposibleng mag-sorry ako sakanya. Napailing na lang ako sa kahibangan ng lalaki. He really called me Celestial in front of everyone. He's really bwisit!
Nakita 'ko naman ang pagtataka nila. Umiling ako at binuhat si Javier—surprisingly, ang gaan 'ko pala. Pumalag naman siya at nagsimula magwala ng buhatin 'ko. Ang iba naman ay hindi na kami pinigilan. Good. Mga pakialamero lang sila at gusto pa ata umiskor.
"I'm sorry, my girlfriend is really saying nonsense when he's drunk," I bowed to bid a goodbye.
Hinawakan ni Javier ang mukha 'ko at sinampal-sampal ng mahina! Gago talaga ang lalaking 'to! Bakit parang baliktad? Siya pa ang aalagaan 'ko, ganon? Kahit nasa katawan 'ko siya ako pa rin ang babae sa'min!
"You are really irritating. .Celestial." He cursed at me. Nagsalubong ang kilay 'ko.
"Ako pa talaga ang nakakairita? Ikaw? What is this mess?" I growled at him. "Hindi mo ba alam na hindi ako ganito? You said we should act like ourselves?" I hissed at him.
He chuckled, "Bakit? Ikaw ba sumunod?" Balik na tanong niya.
I sighed.
"Javier!" Si Suzy, humahabol. Nilingon 'ko ito. Oo nga pala, si Suzy.
"Thank you Suzy for telling me.. ."
Tumaas ang kilay ni Suzy, "Yes. Thank you din sa pagpunta. .."
"Ako na ang maghahatid sainyo. ..We should get a taxi. .."
"You didn't bring a car?" Usisa ni Suzy, hindi rin siya makapaniwala.
Well, kung si Javier talaga ako—baka magdala ako ng sasakyan. Pero ako? Hindi ako marunong mag-drive. Mahirap ngmagkamali sa katawang 'to!
"You are really a b***h!" Singhal ni Javier habang nakapikit. Tumaas ang kilay 'ko at napailing.
"Call a taxi please." Utos 'ko kay Suzy. "Ako na ang maghahatid sakanya." Tukoy 'ko kay Javier na natutulog sa'kin.
Ilang saglit lang ay nakakuha na kami ng taxi at sumakay na kami. Nasa front seat si Suzy habang nandito naman kaming dalawa sa likod. He's still calling me Celestial and all. I am glad Suzy thinks that Javier is only drunk—kaya tinatawag niya ang sariling pangalan.
"Akala 'ko talaga ay hindi kayo!" Si Suzy.
Napailing ako. Paano 'ko to lulusutan? Kasalanan rin naman 'to ni Javier so bahala siya mag-isip bukas ng umaga.
Tsk. Inom ng alak sa katawan 'ko? Kahit kailan ay hindi ako uminom at nagwala ng ganon sa tanang buhay 'ko! Nagsalita pa si Suzy na talagang hindi siya makapaniwala sa nangyayari and si Celestial kuno ay hindi umaakto kagaya ng dati.
Because it's not really Celestial! I am Celestial and I am in Javier's body! What a mess! Sinong maniniwala that I and Javier have exchanged soul because an old women curse us?!
Maski ako nga ay hindi ko pa rin tanggap ang sitwasyon naming dalawa!
"Okay lang ba talaga na iwan ko siya sayo?"
Napangisi ako. Ah, my friend. Mukhang may trust issues ka rin sa lalaking 'to. Sabagay... Ako rin. Forever ang trust issue ko sa bwisit na 'to.
"You can leave her to me. Wala naman akong gagawing masama sakanya."
Naningkit ang mata nito at umiling. "Aba dapat lang... Kahit mag-jowa kayo wala akong pakialam! Iuwi mo si President ng buo!"
Umiling ako sakanya. "Oo na. Nakainom ka rin ata! Pumasok ka na!"
Halatang ayaw pa nito umalis. Nagdadalawang isip talaga siya.
"Don't be suspicious. Kilala mo si Celestial. Pag may ginawa akong ayaw niya, sapak ang aabutin ko..." I explained to her.
He sighed.
"Nakikita ka ni Lord ha!" Habilin nito. Tinawanan ko lang siya at tumango-tango.
Nagpaalam na si Suzy at nagbilin pa ng kung ano-ano. I feel very grateful because I have Suzy as a friend in life. Nang makapasok si Suzy sa bahay niya ay doon 'ko na inutusan ang taxi driver na umalis. I know the way home though. ..
Pero Javier started to act up.
Javier was acting like vomiting—napahinto naman ang driver, "Nako naman Ser. .. ang girlfriend niyo lasing. ..mukhang susuka pa." Iling pa ng driver.
Sinundot 'ko si Javier, "Nasusuka ka ba?" Bulong 'ko dito. Oh god. Ilang kahihiyan pa baa ng ibibigay sa'kin ni Javier?
"Hindi naman po ata siya susuka—"
Javier, once again cover his mouth.
"Ay nako! Bayaran niyo na lang ako dahil ayoko maglinis ng suka!" Aniya.
"Pero manong—"
Tumigil ito sa gilid ng isang park, "Bumaba na kayo Ser. ..Huwag niyo pasukahin yan dito." Suway niya sa'min.
Napanganga naman ako at walang nagawa kung hindi sundin ang matandang driver. Argh! Now what!?
Nang makababa ay nahiga si Celestial sa gilid ng kalsada. I just sighed in annoyance. Wow. We're both hopeless.
"Argh," Bumangon ito at muling naduwal. "Nasusuka ako. .." Tinignan niya ako, halatang latang-lata na sa buhay!
Tinignan 'ko siya ng masama, "You are really pain in the ass!" Sigaw 'ko.
Tinignan 'ko ang paligid at sinubukang maghanap ng CR kahit madlim ang park.
"Kaya mo bang tumayo?" Tanong 'ko sakanya. Umilling ito ng ilang ulit.
I sighed. Iinom tapos hindi kaya ang sarili!? Muli 'ko siyang binuhat at naghanap ng CR. Mukhang romantic ito para sa iba—but this is really funny! Ako ang babae, siya itong mukha pang pa-baby sa aming dalawa? Alagain! Kainis!
Inutusan 'ko siyang pumasok sa CR at habang hinihintay, tinawagan 'ko na ang driver nila Javier sa dis-oras ng gabi. Naka-istorbo pa tuloy ako sa taong nagpapahinga na!
"Ahh. .." Lumabas ito, hinang-hina. "Kadiri yung CR lalo akong nasuka!" Reklamo pa niya sa'kin.
Nginisian 'ko ito, "At kaninong kasalanan 'yon? Sa'kin?" Singhal 'ko.
Nauna itong naglakad—pagewang-gewang pa siya bago mapaupo sa isang bench. Sumunod naman ako 'don. We'll wait for our driver here.
"This is so f****d up. .." Iling niya pa. Tumaas ang kilay 'ko at napatingin sakanya.
"Nahimasmasan ka na ba? Na-realize mo na baa ng ginawa mo?"
"It's your fault too. .." He sighed before shutting his eyes.
Pagak akong natawa, "At bakit ako?"
Tamad na iminulat niya ang mata at tinignan ako, "Sino ba ang nagsimula nito? I just told you to be nice at Candy at least!"
Si Candy pa 'rin!?
"At anong ginawa mo? You didn't attend my class, cutting my hair, make me blonde then go straight to a club para magwala?" I hissed on him.
Tumingala ito at ipinikit ang mga mata, "Sa lahat ng pwedeng isama sa sumpang 'to, bakit ikaw pa?" He sighed.
"Wow!" Hindi talaga ako makapaniwala sa pinagsasasabi niya! "Ikaw pa ang may ganang sabihin sa'kin yan!? Bakit kasi sa dinami-dami ng pwede mo hingian ng tulong para hanapin si Candy, bakit ako pa!?" Ganti 'ko sakanya.
He sighed, "We're so messed up."
Tumingala ako. Right! Very messed up! The stars is so nice and the wind smells so clean. Malamig at tahimik—nakakarinig 'din ako ng kuliglig. Everything seems very romantic. Pero sa totoo lang? Pareho kaming problemado!
"I think we should do an agreement." He suggest.
Napalingon naman ako 'don. That's suspicious! Anong agreement?
Tamad na tinignan niya ako, "An agreement that both of us will benefit."
My head tilted. "Walang lamangan?"
Fine. Everything is pretty messed up and we really need an agreement. Agreement that both of us will benefit and help us in our situation. Marami akong gusto i-suggest. ..
"Wala." Iling niya.
Tumaas ang kilay 'ko. Interesting. ..
"Both of us will benefit dahil sa'ting dalawa manggagaling ang pagkakasunduan natin."
Napatango ako. Right. ..I can disagree kung pakiramdam 'ko ay nadedehado ako. Hmm.
"Right. ..Let's make an agreement." Sang-ayon 'ko sakanya. "Siguraduhin mo lang na hindi ka manlalamang..."
Tumawa ang lalaki sa'kin at napailing.
"How can you accuse me that? Alam ko namang hindi mo ako hahayaan na lamangan kita..." He said obviously, mukhang namamangha sakin ang lalaki habang umiiling.
Napangisi ako. "Buti alam mo kasi kung hindi, mag-uusap talaga tayo ng mahaba kung may binabalak ka."
"I do not dare to fool a bright person like you, babe."