12. Bitter Morning

2025 Words
"We're going tomorrow." Si Javier, habang inaayos ang gamit niya. Tapos na kami mag-usap. Inirapan 'ko lang siya at hinawakan 'ko ang pisngi. Sa lahat ng okasyon, talagang naabutan 'ko na nasapak ako ng kuya niya. Wow. Is fate punishing me? For what? Sobrang sama ko bang nilalang at pinaparusahan ako ngayon ng may kapal? Kasi hindi ako naniniwala sa ganitong bagay? "I don't know how to drive." I reminded him. Baka kasi mamaya ay ako pa ang pag-drivin niya.  Tinignan niya ako at ngumiwi.  "Bakit? Are you expecting me to drive? O gusto mong magpasagasa talaga tayo?" Nagtatakang tanong ko sakanya.  "You are so loud Celestial. Naayos mo na ba ang gamit mo?" Sita nito sakin. Nagsusungit. Wow naman.  "Oo naman! But who is going to drive ba?" I asked him again sabay pinakita ang mga gamit ko sakanya. Akala niya talaga ako hindi ako nag-impake! Duh! I am always prepared! "Have you figure it out?"  "Yes, of course!" Sabi niya at itinaas pa ang sariling kamay. I snorted.  Talaga lang huh? I wonder why he is so fast these days? Nakakapag-isip ba siya ng mabuti dahil nasa loob siya ng katawan ko?  "That body doesn't have any license." I reminded again. Natigilan naman ito, parang nakuha ang punto 'ko. Umasim naman ang mukha nito. "Huwag na lang tayo papahuli." Aniya. Napasimangot naman ako. Wow! And here I am thought that he already figured it out!  "Stop that!"  I shouted. Hindi ko gusto ang plano niya. Napakalaking basura!  "What? Do we have a choice?" He snorted. Na para bang iyon na lang ang pwede naming gawin na pinakatama ngayon! I glared at him. Ginantihan niya 'rin ako ng tingin. Makakabalik pa ba talaga kami sa dati kung ganito kaming dalawa?  "Ako ang malalagot. Sa katawan na 'to ang lisensya-kotse at lagot pa ako kay Mr. Castell! Hello! Use your brain naman kahit saglit lang!" I hissed. "I know how to commute." "What?! Are you serious!?" Singhal niya sa'kin. Nanlalaki ang mata nito at parang nakakita ng isang malaking bwisit sa harapan niya.  Ang arte! What is wrong sa commuting? It's better than his plan!  "Javier, I don't want to make a mistake tapos ako ang magbabayad! Ikaw ang magiging mali dito-and I don't want that." Inirapan 'ko siya. Natigilan naman ito at tinignan ako. "Commute ang gagawin natin. Tapos! Buti sana kung ikaw ang nasa katawan mo! God! This is stressing me-" "Shut up." Pagputol nito sa'kin. "Fine, fine! Bring money, okay?" He said. Nginisian 'ko lang siya bago irapan. Mabuti naman at nag-iisip siya! Aalis na sana ito pero napahinto siya. Tinignan 'ko ito. "I forgot. Kaya pala ako pumunta dito." Kanina 'ko pa siya napapansin na tinatabig niya ang buhok 'ko papuntang likod. Napangisi ako. Naiirita siguro siya sa mahaba 'kong buhok. "Hihingi ako ng pera." He said. Napakibit na lang ako ng balikat at hinayaan siyang halungkatin ang drawer niya. Nakita 'kong may kinuha itong card. After that, he stormed out of the room. Bakit pa ako magdadala ng pera bukas when he have his card na? After two hours, I came out of his room. Hinanap 'ko si Mr. Castell sa mga katulong pero mamaya pa daw ang uwi nito. It's already ten o'clock! Habang nasa baba ay namangha ako sa mansion nila. It's huge and very fancy. Quiet and vintage. Napatango-tango ako. I crossed my arms. This is indeed classic and extra. I like it. "Hijo, Javier!" Tawag sa'kin ng isang manang. Tumaas ang isang kilay 'ko at tinignan siya. Sino naman 'to? Kumunot naman ang noo ng katulong at tinignan ako. "Si pochie miss na po kayo." Balita ni manang. My forehead crease more. Who's pochie? Babae? Tinatagong kapatid ni Javier? My curiosity arouse. "Nasaan siya?" I want to meet her. May anak sa labas si Mr. Castell? Woah. Kumunot ang noo 'ko ng pumunta kami sa labas, this is their garden. Anong ginagawa namin dito? Where's pochie? Nagulat ako ng may tumatakbong aso na papalapit sa'kin. It's a brown furry dog! Pero ilang saglit lang ay tinahol-tahulan ako nito. The dog is barking at me. Ang liit-liit pero kung makatahol akala mo kung sinong malaki! Nakaamba ito parang kakagatin ako! Sisipain 'ko na sana pero kinuha na siya ng manang. "Pochie!" Suway ng manang. Napairap ako. Bwisit na aso. "Nako, Javier. Hindi 'ko alam kung bakit nagkaganito si pochie. Mukhang gutom 'ata." Muli 'kong tinignan ang aso. The dog is slightly growling. I smirked. Mukhang kilala ako ng asong 'to. "It's okay." Iyon na lang ang naging linya 'ko. Habang tinititigan 'ko ang aso. ..may naalala ako. .. My eyes widened. Ito iyong dahilan kung bakit ako tinulak ni Javier! Ito 'yong aso na 'yon! The dog barked. Ang sarap nitong gantihan! Talagang inalagaan ka ni Javier huh? Nagpaalam naman ang katulong na isisilid na niya ang aso. Pumasok ako sa mansion at dumiretso sa kwarto. Buti talaga ay hindi ako nawala. O hindi 'ko nakasalubong si Jameson! After an hour, lumabas ulit ako. I need to find Mr. Castell. "Sir?" Katok 'ko. Dito ako tinuro ng mga katulong. Tinabig 'ko ang bibig ng tawaging sir ang tatay ni Javier! God, I need to act like him! Pumasok ako pagkatapos ng ilang katok. I saw Mr. Castell reading more files. Hanga ako sa taong 'to. Kahit matanda na at late umuuwi-puro trabaho ang inaatupag. "What do you need?" He said. "Where did you spend your twenty thousand?" Kumunot naman ang noo 'ko. Kahit kailan ay hindi pa ako nakagastos ng ganon kalaki.. .At nandito lang ako sa bahay. Oh god, paano 'ko sasagutin si Mr. Castell? Pabalang? I know Javier is like that! But I am not like that! "What do you want?" Diretsong tanong nito. "More money? You have your black card, right?" Paalala nito, hindi pa rin ako tinitignan. "Gusto 'ko pa rin mag-aral." Simula 'ko. Mr. Castell let out a long sigh. His face is in crease while looking at me. "I am giving you money, son. Why do you want to go there?" "I need to study." He laughed. "Matagal mo ng gusto tumigil." I bit my lip. Really!? Why!? Bwisit naman na lalaking 'yon! "Let me. I'll get good grades." Iyon na lang ang sinabi 'ko. Javier is an accounting student. I think it's easy for me. At isa pa, wala pa naman major siguro iyon? We're in the same year anyway. He laughed. "Good grades? Saan? Football?" Tumaas ang kilay 'ko. Ngayon, alam 'ko na ang pakiramdam na iniisulto si Javier. Nakakainis. "I won't do football right now." "What?" Tumaas ang kilay ni Mr. Castell. "Pero kung hindi ka varsity, sino ang magpapa-aral sa'yo?" Kumunot ang noo 'ko. What!? Varsity. ..magpapa-aral. ..Si Javier!? What the f**k!? In his own father's school!? Scholar!? Is he really a scholar!? "I want to go." I insist. Hindi pwedeng hindi! Paano kung hindi um-attend si Javier sa mga klase 'ko!? Kailangan 'ko pa rin mag-aral! "What's the deal?" Wika ni Mr. Castell. Tinignan 'ko ito. What is he talking about? "One more scandal, I'll kick you out in the university. Maghanap ka ng ibang paaralan mo." Napangisi ako. "I won't do that." I am confident! I am Celestial-In Javier's body! Kaya hindi ako magkakamali. "I'll make myself in dean's lister." Bonus 'ko pa upang magtiwala ito. "You are." He is laughing. "What's with you, son? You are in dean's lister. Make it in presidents. Do that. Gayahin mo ang kuya mo." I bit my lip. 1.45 ang president's lister. ..Hindi naman sa hindi 'ko kaya. ..but I heard accounting department is horrific. ..but it's now or never. "Deal." I said. Napatango naman ang matanda. "Stop making scandals. Stop bothering Faith. Huwag ka na lumapit sa babae." He reminded. Uh. That part is hard. Umiling ako. Hindi naman kami mag-aaway ni Javier. "Yes." Iyon na lang ang sinabi 'ko. Habang pabalik sa kwarto ay marami akong na-realize. Javier is a varsity scholar in his own university. Why? Akala 'ko ay spoiled ito. This is. ..interesting. At nasa dean's lister siya? How come? Hindi 'ko alam? Hindi ba siya nagpapasa ng grades? Why? It's morning when someone barged into my room and jump in to bed. Iritado 'kong iminulat ang mata. I saw him, hugging a pillow. "I miss my room!" He said. Napaupo ako ng may naamoy. It's strawberry. A sweet scent. Kahit naka-pusod pataas ang buhok 'ko kay Javier ay amoy na amoy 'ko yon! "Aw!" I pull my hair and sniff it. Tinignan 'ko ng masama si Javier. Hinawakan 'ko ang kamay nito at inamoy iyon. "Did you change my body wash-" "Yes. Bakit?" Aniya. "Let's cut your hair short-" "Javier!" I hissed at him. "Not my hair. Subukan mo lang! And don't do ponytail!" "Why not?!" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Ang init ng buhok mo!" Hindi ito makapaniwala. "That's my body! Anong binabalak mo!? Bastos ka talaga! Bastos!" Sigaw 'ko at hinampas siya ng unan. Nawalan naman ito ng balance at napahiga. "As if I have a choice!?" Sigaw nito. "Akala mo ba gusto 'ko tong katawan mo? Ha, this is not even in my standards-walang pasok-" Pinalo 'ko ulit ito ng unan. "Ako ang sinisi ni Mr. Castell kagabi sa bente mil! Ang bilis mo gumastos!" Gigil na sabi 'ko sakanya ng maalala. Siguro ay nag-shopping ito! "Aw! That's for you anyway! Why are you hitting me!?" Pinigilan nito ang unan. "Bakit hindi ka na lang mag-thank you!?" Sigaw nito. "Hindi 'ko kailangan niyan!" I hissed. "But I saw your list-" He saw what!? A list!? A list. ..in my diary!? That is in my. ..diary! "Pakialamero!" Sigaw 'ko at sinabunutan siya. Hinila naman nito ang buhok niya while shouting ouch. After getting ready, sabay kaming bumaba. Nagtatalo pa kami about sa pag-commute kaya natagalan kami sa pagbaba ng kwarto. "Ano!? Pwede naman tayong mag-drive ng safe! Hindi tayo mahuhuli!" Pilit niya pa. Napairap ako. "Katawan 'ko ang magkaka-record, kaya tigilan mo ako! Ayoko magkaroon ng background sa presinto!" I hissed at him. "Wala akong lisensya, kaya tigilan mo!" Ulit 'ko. Nagulat ako ng may asong papalapit sa'min. "Pochie! My girl!" Javier said. The dog jump in him. Tuwang-tuwa naman ang gago. "I miss you pochie! Kamusta ang baby?" He started to baby talk. Nalukot ang mukha 'ko sa narinig. Yuck. "Sir!" Sabi ng manang. "Pasensya na po. Nakatakbo." Dugtong niya pa. "That's okay." Sabi 'ko na lang. "Where's Daddy, manang?" Tanong ni Javier. "Kuya left-" Sinipa 'ko si Javier para matigil sa pagtatanong. Manang looks at me weirdly. Ngumiti lang ako. Bwisit na Javier 'to! "Mukhang gusto niya ang kaibigan mo sir. .." I fake a laugh. "Oo nga." "Let's go." Kalabit 'ko kay Javier. Hindi ako pinansin nito. Muli 'ko siyang kinalabit after a minute. Argh! This b***h! Ang sama ng tingin sa'kin ni manang. Siguro dahil sa pagsipa 'ko kay Javier! Akala niya talaga ay babae si Javier! Our situation is very hard! Ilang minuto pa ang lumipas ng mag-paalam na si Javier sa aso. "Why did you do that!?" Tukoy 'ko sa pagtatanong nito na parang siya pa rin si Javier. "Kung alam mo lang kung anong tingin ni Manang!" "Yeah. Hindi pa ako sanay! Okay?" aniya. "Ganon kasi ang ginagawa 'ko tuwing umaga. Then I'll ask manang about Dad-" "Yeah, yeah. Shut up." Sabi 'ko na lang. "Why did you take care of that dying dog?" I asked. He snorted. "Mukha bang mamamatay? Hindi diba? Shut up." "Let's go." Aniya. "Lead the way. Alam mo, diba?" Nakatingin ito sa'kin. Inirapan 'ko ito at nauna maglakad. "What's your plan?" Habang nasa taxi ay iyon ang tinanong 'ko sakanya. "Make it clear and precise." Tinignan naman niya ako ng masama. "We'll investigate first." "Investigate?" Napatingin ako kay Javier. He flips my hair in my back again. Mukhang naiirita talaga ito sa buhok 'ko. "Yes. Babalikan natin." Maikling paliwanag nito kaya't napairap ako. Can't he make it short!? Hindi ba niya naintindihan ang clear at precise?! "What?!" I hissed. "The event before this happened." Aniya. Tumaas naman ang kilay 'ko. Events before this happened? What does he mean by that? We're going to time travel? What? Is that even possible!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD