28. Girlfriend

2095 Words
Hindi ako makapaniwala kung saan ako sunod na dinala ni Javier. It's the arcade! Akala ko naman ay kung saan niya ako hihilahin! "Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko sakanya. Hindi gusto ang ideya. I really just... don't have the energy to do anything else. Gusto ko na lang umuwi at i-absorb ang nasisira kong buhay. Oo, nasisira talaga. Ngumuso si Javier sakin at niyakap ang braso ko. Napangiwi ako at hinila sakanya ang kamay ko—pero hindi niya pinakawalan! "Huy! Ano ba!" Pinandilatan ko ito ng mata. Sumabit ang baba nito sa balikat ko and he gave a beautiful eyes. Napangiwi ako sa sariling itsura... I am really seeing myself making cute face, at ang cringe tignan. "Come on! Nandito na tayo! We should do something here at least?!" Pilit nito sabay nguso pa. "Lumayo ka nga?! Wala akong energy to do this thing! Javier naman!" Reklamo ko pa dito. Lalong tumulis ang nguso niya at bumigat ang hila sakin. Pinandidilatan ko siya ng mata habang siya ay talagang seryoso sa hila. "Tumigil ka nga!" Pinagtitinginan kami ng iba sa ginagawa niya! "Tara na kasi!" He even jump on his feet para ipilit ang gusto. Sinimangutan ko siya. "Kung umuwi kaya tayo at pagnilayan ang nangyayari sa'ting dalawa? Pareho tayong lagot dito ha!" I sneared on him. Tumawa ito. "Saan mo nakuha iyong nilay?" Iyon talaga ang napansin niya sa haba ng sinabi ko. Inirapan ko lang ang lalaki bilang sagot at tinabig siya. Nakanguso itong napaatras. "Tigilan mo nga! Wala ako sa mood Javier!" Sigaw ko dito. "Anong gagawin natin dito eh pang-bata lang 'to?" Tinignan ko ang loob ng arcade. Kahit naman nasa labas kami ay kita ko ang mga mag-jowa na ka-edaran ko. Kung hindi pamilya, magka-pareha ang naglalaro sa arcade. Anong ginagawa namin dito? We are not even normal para maglaro dito. We had a lot things to do aside from this playing... "Anong pang-bata?" Javier asked me again. "Wala ka bang mata? Tignan mo nga?" Mukhang tinutukoy nito ang mga magkasintahan na nagkalat sa daan. Duh. I shook my head in disbelief. Grabe, gusto niya ba talaga pumasok diyan? "Tutal naman lahat ng tao mag-jowa na ang tingin sa'tin, what is more to lose?" Pangungumbinsi pa nito. Napatingin ulit ako sa paligid. All of them are laughing and dancing in grace. "Huh..." I huffed. "Hindi ba dapat ay pigilan natin kahit papaano because we are losing so much?" Ganti ko sa tanong niya. If he is so use of losing, ibahin niya ako. Natawa ito. Hindi ko namalayan na naglalakad na kami papasok habang dinadaan niya ako sa daldal. Grabe ang sales talk ng lalaking 'to! "Javier!" Nanlalaki ang mata ko na pinigilan ang sarili na pumasok. "Ay. Wag killjoy, babe. Tignan mo oh. Mukha akong namimilit na babae. Gusto mo ba talaga masira ang image mo?" Ah. That card. Nakatunghay ito sa likod ko noong nilingon ko siya. He smiled on me. I glared on him to show that I still disapprove this. Inilingan ako ni Javier at itinulak na papasok. Wala akong nagawa kung hindi tumingin-tingin na lang sa mga taong nag-eenjoy. "FYI, I still don't like this place." Mariing sabi ko sakanya. Everyone is still having fun. Continuing their happy life. Habang ako, ito, may kakaibang problema. "You are losing already! Kung hindi pera ang usapan, then just lost it!" He explained and pushed me to a chair. "Now, let's play. One versus one!" Kumunot ang noo ko. "You're enjoying our situation huh? Aminin mo? Or gusto mo ako?" Doon nawala ang sigla sa mukha nito at napasimangot. Pasakdol itong umupo bago ako tignan ng masama. Now, this is getting fun. Knowing that I annoyed Javier is fun. Pinigilan ko ang sarili na matawa. "Come on... I am trying to cheer you up tapos sinisira mo..." Suway nito sa sinabi ko. "I am just asking.. what is more to lose, hindi ba? Nawawalan ka na nga, bakit hindi ka pa umamin?" He sighed in disbelief. Mukhang bwisit na. Tinaasan ko siya ng kilay at hinawakan ang joy stick sa malaking machine. Sige na nga, dahil mukhang iiyak na siya ay papapayag na ako sa laro niya. Sikat na game ang gagawin namin. A typical fight battle. "Swipe mo na 'yong card..." Utos ko dito. "Bakit mo naman ako iche-cheer up? Magkaaway tayo hindi ba?" Tudyo ko pa dito. Lalong umasim ang mukha nito. "Fvck you... Iiwan talaga kita dito," mahinang bulong nito pero sinunod ang utos ko. "Pag natalo kita ililibre mo ako ng shopping." Nilingon ako nito. "At paano kung ako ang manalo? Pwede ibagsak law—" Siniko ko nga siya. Hindi ko naman pwede tanggapin na babagsak ako! "Eh kung sampalin kita ng malutong pag nakabalik tayo sa dati pag bumagsak ako?" I sneered on him. "Anyways, feeling ko matatalo kita." Asar ko dito. Kidding aside, hindi talaga ako marunong nito. I am just boasting. Pero I am a fast learner naman. "Hah. Feelingera ka talagang babae ka." Tawa nito. "Bata pa lang ako batak na ako sa larong 'to!" "Wag mo ibagsak ang law, I will teach you the basics or just enough para malaman mo ang patungkol doon. Okay?" "You will teach me or scold at me?" Napangiwi ako. "I will teach you all my might. Don't worry... Hindi kita sisigawan habang tinuturuan kita." "Talaga lang ha!" Iling pa nito. "Duda ako sa sinasabi mo." "FIGHT!" Sigaw ng machine. The game started bago pa ako makasagot sa kayabangan niya. I tried to focus on the game and know the mechanics, pero natalo ako ni Javier sa unang round. Tawang-tawa si Javier sa first game namin. "Paano ba 'yan? Should I have my favor?" Pang-aasar na tanong nito. Nakaamang ang labi ko na tinignan ang lalaki. He is smiling cocky! Hindi ako makapaniwala sa nangyari. How is this even possible? I tried to focus so much and know the right clicks—siya nga ay parang sisirain niya ang machine kakapindot! Tapos ako, wala? Talo? "We should do three games! Ang daya, beginner pa lang ako!" Asik ko dito. Ngumuso ito, umaktong nag-iisip. "Okay, babe. Three games. Panalo na ako," aniya. Sa loob ko ay napasinghap ako. Buti naman at pumayag siya! I am going to win this round for sure! "You're so cocky ano? Hindi na ba mawawala sayo 'yan?" I asked him habang pumipili ng character. Baka depende ito sa character na ginagamit. Sino bang malakas sa larong 'to? Hindi ko pinansin si Javier na ipinatong ang mukha niya sa balikat ko sabay bulong. "Kahit anong character pa gamitin mo, kung bobo ka talaga..." Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil sa insulto niya. Paano niya nalaman ang iniisip ko? Ang kapal ng mukha! "Ang yabang mo. Pag ikaw talaga natalo ko dito!" Ngumisi lang siya. "Sige babe, go lang pili ka na ng character na mukhang malakas. "Stop calling me babe!" I hissed. Akala mo kung sino talaga makapagsalita, gusto ko siyang sungalngalin sa galit ay! "Stop being so tanga, b***h ka..." I told him. "Tara na!" At the end, si Javier talaga ang nanalo sa'min! Nanalo lang ako ng second round, pero siya talaga ang nagwagi sa kamemahan niya! Tumayo ako at naiinis siyang tinignan. "Okay? What is your favor?! Siguraduhin mo na hindi pagkatao ko ang nakasalalay diyan!" Umakto lang na nag-iisip ng malalim ang lalaki. Kinakabahan nga ako sa mga pwedeng hilingin nito. Sana ay wag niyang ubusin ang savings ko? "I am going to save my favor. Basta, may utang ka sa'kin!" He emphasize. "Subukan mo lang wag tumupad, ibabagsak ko talaga lahat ng pwede ibagsak sayo!" Sinabunutan ko ang ulo at gusto siyang pisilin ng mahigpit. "Stop saying na babagsak ako! Hello!? I am saving your grade so better reciprocrate it! Nakakaloka!" Tumawa lang ito. Habang ako naman ay ibinigay ang wallet sakanya. Pera naman niya 'yan eh. "Buy more points nga. Maglalaro tayo." Tutal naman sabi nga niya ay wala na kaming dahilan para matakot sa kung saan—edi i-enjoy ko na lang lahat ng pwede i-enjoy. Kasama na doon ang paglustay ng pera niya. Javier and I went to different games. Minsan ay magkahiwalay pa kami dahil nagpaparamihan pa kami ng tickets! "Mas marami ang akin!" I stuck my tongue out. "Akin lahat ang points!" Napakamot ito ng ulo. Nagpustahan kasi kami kanina na kung sino ang may pinakamaraming ticket ay siya ang makakakuha ng ticket na hawak namin. Eh lamang ako ng trenta. Pinili ko ang points sa malaking teddy bear. "Ito oh. Uwi mo 'yan sa kwarto ko." Ibinigay ko sakanya ang teddy bear. Napangiwi naman ang mukha ni Javier. "Ayaw mo noong iron man?" "Mukha bang gusto ko ng iron man?" Gigil na tanong ko dito. "Kasalanan mo 'yan. Puro ka pusta eh madali ka lang naman matalo sa'kin." "Sir! May kulang pa po..." sabi noong babae. "Ano pa pong gusto niyo?" "Ano pa po bang kasya sa points?" I asked back. "Uhm..." Nag-isip ang kahera ng ibibigay. "Ito na lang po, ma'am!" Binigyan kami nito ng isang keychain na nahahati sa dalawa. A broken heart when apart. Wow. "Ang sweet niyo naman po sa girlfriend niyo sir at may pa-teddy bear! Congrats po sainyo!" Nakangiwi kong tinanggap ang premyo... Ano ba 'yan mukha talaga kaming mag-jowa ni Javier huh. Kung alam lang talaga ng lahat na katawan ko ang inaalagaan ko at hindi si Javier! Gosh! Para talaga kaming baliktad na magjowa. Hinila ni Javier ang braso ko sabay nginisian. "Tara." "Saan?" Hindi ko inasahan na ang sunod na pupuntahan namin ay isang shop ng damit. "Are you going to splurge your money here?" Tanong ko dito. He showed a goofy smile. "Yes..." I sighed. Naghanap ako ng upuan at doon pumunta para magpahinga. Bitbit ko ang teddy bear na binigay niya. Mabait rin pala siya sakin kahit papaano. He gave me a bear to cheer me. "Anong ginagawa mo? Bakit ka umupo?" Tiningala ko ito. "Hindi mo ba alam ang size mo at kailangan kasama pa ako sa pag-shopping?" I asked him. Kumunot ang noo niya sabay hinila ang kamay ko patayo. "Silly. I am going to shop with you. Ano bang gusto mo?" Nakangiting tanong nito. Natulala ako sa ngiti at sinabi nito. He is... smiling at me like that again. That warm smile on my face. Now I wonder how it will look at Javier... Anong itsura ng lalaki pag siya talaga ang nasa harapan ko? Am I just a narcissist kaya tila kumakabog at natutulala ako sa ngiti ng sariling mukha? "Huy!" Napatuwid ako ng upo. "H-Huh?" "Para kang iiyak eh! Halika na! I am going to shop for you!" "Why?" Nagkibit balikat ito. "Just because..." "Are you playing with me?" "No! Why would I? Tara na nga at marami tayong pupuntahan!" I am dumbfounded. Nagpatianod ako sa lalaki habang ako ay nagtataka kung ano ang nangyayari. "Ito, bagay sayo 'to." he then picked a white dress. "Tigilan mo kakasuot ng red. Masakit sa mata..." He chuckled. Napalunok ako. Hindi alam ang magiging reaksyon. "Ito pa, babe." He handed me the stilletos. "Tingin mo bagay sayo 'to? Ano bang size mo?" "S-Small..." "Okay then! This will do!" Aniya at kinuha ang pastel color na dress! "Teka, that's too muc—" "There is no much for you... I have money baby." He told me. Namula ang mukha ko. Well... Pinag-shopping naman na ako ng lalaki... But not like this. This is more... sweet and intimate. Or ako lang ang nakaka-feel ng intimacy? Oh my gosh! This is so bad! "Hello po, ma'am sir. Ito na po?" Tanong nito sakin. "Ah... Oo..." Nagulat ako noong isinukbit ni Javier ang kamay niya sa braso ko at sinandal ang ulo niya. Gusto ko sana ibalik, pero parang magmumukhang pera ang kasama ko ngayon which is ako—baka magmukha akong pineperahan ang lalaking 'to! We bought three bags. Tulala akong lumabas ng store. We are busy walking down the hall of mall when he started to walk. "Ano? Ayos ba? Meron pa!" Nanlaki ang mata ko. "Javier, there is really no need for this—" "Trust me... you need this. So don't be shy. Consider this maybe, a thank you and sorry..." Nagtaka ako. Tumabingi ang ulo ko sakanya. "Thank you and sorry?" "Yes... Thank you for helping, and sorry for the trouble..." Wow. Sa tagal ng oras namin dito ay ngayon ko lang narinig ang salitang sorry galing sakanya. Napangisi ako. "If this is you're sorry then... dapat talaga ay sulitin ko ito," natatawang sabi ko sakanya. Tumango ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD