27. Drama

2003 Words
Nagkatinginan kaming dalawa ni Javier sa sinabi nito. Problema? Mayroon kaming malaking problema! "Are you struggling financially, Ms. Diaz?" Tanong ni Ma'am. Mabilis akong umiling sa sinabi nito. Well, kahit naman mahirap kami, I never struggle financially kasi ang dami kong sponsors and scholarship! "Hindi po!" Tanggi ko. Tinignan ako ng masama ni Ma'am. "Si Ms. Diaz ka ba, Mr. Castell?" Pinandilatan ako ni Javier. Habang ako naman ay natauhan sa ginawa. Hindi ko naman sinasadya na sumagot agad. Medyo defensive lang ako pag tinatanong ang financial state ko. "No po Ma'am. Sorry po na-carried away lang," I apologize. Walang nakakaalam sa school na 'to that I came from slum area bukod sa mga faculties. Hindi rin naman kailangan malaman ng iba. Para saan pa? "So, Ms. Diaz, ano ang problema at pinagbabagsak mo ang exam?" My mouth hang opened. "Bagsak!?" Napatingin ako sa lalaki. Nilingon ako ni Javier at halatang nag-panic siya sa reaksyon ko. Aba dapat lang! "I am getting sixty scores!" He squealed, frustrated. "Ma'am, anong bagsak?" He then asked the councilor for confirmation. Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Sixty!? Sixty lang!? Nagtaka ang itsura ng guro. "Ms. Diaz, dati pag bumaba ang score mo sa ninety ay masama na iyon para sayo." That is right. Sumasama na ang loob ko and I have that state na natutulala ako. Minsan nga ay nakikipag-debate pa ako sa mga guro to get that point right. Napaamang ang labi ni Javier at hindi makapaniwalang nilingon ako. His face is really telling me na 'talaga ba!?'. Inilingan ko rin siya. Anong magagawa ko? Doon ako nakilala! "At ikaw Mr. Javier! Wala ka naman daw ginagawa sa field kung hindi tumulala. Kung hindi ka daw nakatulala ay absent ka naman!" Biglang nalipat sa'kin ang sermon. I make a straight face. Iniwasan ko ang naningkit na mata ni Javier. Well... "But you are acing some tests! Nandadaya ka ba, Mr. Castell?" Nagtatakang habol ni Ma'am. Napairap ako. Porket na-perfect ni Javier ay mandurugas siya? Sabagay. Kilala si Javier bilang ganon eh! "Kahit ipaulit niyo po sakin ang exams. You can even ask my classmates po if I am cheating!" Depensa ko. Hello, ni-review ko lahat 'yon tapos sasabihan lang ako na madugas? Napasipol si Javier sa tabi ko. "Talaga? Nape-perfect mo?" Inirapan ko siya sabay sinamaan ng tingin. "Oo. Ano naman?" Nakangisi siyang umiiling sa'kin. "Salamat babe!" Kindat pa niya. I sarcastically put a smile on my face. "Eh paano naman ako?" "Bawiin mo na lang sa finals pag nakabalik ka na," he chuckled. Aba! "Ganon?" Inis na tanong ko dito. Nakangiting tumango ang lalaki. Para siyang tanga! Habang ko naman ay bwisit na napairap. I am really helping on his grades huh? "Kayong dalawa!" Pareho kaming napaayos ng upo ni Javier sa sigaw noong teacher. "Ano bang nangyayari sainyong dalawa!? Kailangan niyo ba talaga ng maagang pahinga?" Hindi ako sumagot at tahimik lang na umiwas ng tingin. Ayokong magpahinga! "Kayo talagang dalawa... Nagbibigay kayo ng iba't-ibang klase ng problema hangga't kaya niyo..." We had a counseling session on guidance office. Ang daming tanong at pag-aalala, but at the end of the day, we are both just okay. Ang mali, we had exchange souls. Noong makalabas kami ng opisina ay pareho naming tinignan ng masama ang isa't-isa. "Hindi ka uma-attend?" "Hindi ka nag-aaral?" Sabay kami ng tanong. "Mukha ka lang pala nagpupunta doon!" "Ikaw nga 'tong mukhang mayabang pero sixty lang ang score!?" "Parang alam ko ang batas?!" Depensa niya ulit sa katangahan. Inirapan ko ang lalaki. "Ako? Mukhang alam ko ba ang soccer?" Akmang sasagot pa ito, pero natahimik din dahil wala naman siyang mararason. Our reasons are obviously valid. Nagtitigan kaming dalawa tapos ay sabay rin nag-iwas ng tingin. "President!" Sakto naman na tinawag kami ni Suzy. "Tapos na? Anong nangyari? Maaalis po ba kayo sa scholar?" Sunod-sunod na tanong nito. "Naku! Kailangan po pala natin pag-usapan iyong event ng isang org?!" "Saan doon?" Once again, hindi ko napigilan ang bunganga na makisali! Nagtatataka akong nilingon ni Suzy. Habang si Javier naman ay napailing sakin. "Pwede ba nating isama 'to?" Suggest ni Javier. "Mukhang marami siyang gusto sabihin?" I fake a cough. Nakatingin lang ang dalawa sakin that make things more awkward. "Sabihan mo si Janine na hindi dapat gawin 'tong marriage booth. May tatlo na, pag dumagdag pa siya, mahirap na 'yon. Tapos ang gusto nilang pwesto eh doon sa kakainan..." Nandito kami ngayon sa food court, and I am literally ruling the plan of the president. Si Javier naman ay busy lang kumain. Nakangiwi si Suzy at nagtataka akong tinignan. "Si President ka ba?" I pressed my lips together. Suzy, ako 'to! Hindi ka ba nakakahalata? How I wish someone can recognize aside from that dog! "Hindi!" Si Javier, nagsalita. Puno pa ang bibig nito. "I like his idea!" Tango-tango pa nito. "Po?" Si Suzy. "Seryoso kayo, Ma'am?" Tumango-tango ito. "Oo... Oo.." "Umayos ka nga ng kain..." Bulong ko sa katabi. "Let's go to Javier's plan. Ayos, ayos." "Okay..." Nagtatakang tumango-tango si Suzy. "Next po iyong sa pet shop po." Napaamang ang labi ko. "Hindi 'yan pwede sa school. Pwede ang pet store pero bawal mismo ang mga may aso. Baka maging liable tayo bigla if ever na may masamang nangyari sa pets. I suggest na pet store lang." Para na namang tubig na dumaloy sa bibig ko ang sinabi. Nakakunot ang noo ni Suzy at sobrang sama na ng titig sakin. "Hmm. I like his suggestion. Sige sige!" Tango na lang ni Javier sa gilid ko. Napalunok ako noong umiling si Suzy, pero sinunod na rin ang sinabi ni Javier sa gilid ko. Arg! This is so hard! Pagkatapos noong meeting na 'yon ay umalis si Suzy. Naiwan kaming dalawa ni Javier. "Ang galing mo sumabat kanina," si Javier. Kumakain pa rin. Inirapan ko siya. "Shut up... Bilisan mo kumain, sabay na tayong umuwi." "Ang hirap talaga nito, 'no?" Pareho kaming nakatulala ni Javier sa kawalan habang tinititigan ang mga naglalarong bata sa parke. We are both going home sana, at balak ko rin siyang kausapin patungkol sa project, pero ito kami, nakatulala. I am crossing my arms and looking at those careless children with wide smile. Habang si Javier naman ay akala mo bahay niya ang upuan sa parke kung makaupo. "Mahirap talaga," I agree with him. Noong bata ako, I didn't smile like that before. Hindi ako mahilig maglaro because I like studying. Wala din akong kaibigan dahil tukso nga ako noon ng asar dahil sa sirang pamilya ko. "Wala ka na bang magandang ico-comment sa sitwasyon natin?" Tanong pa nito. Nilingon ko ang lalaki at tinignan siya. Anong problema nito? He is waiting for an answer, pero inirapan ko lang siya. "Ilang beses ko na sinabi sayo, hindi akin ang buhay na 'to and this is so impossible to believe, Javier," reklamo ko pa. "I was born smart, competetive, and not with balls! Babae ako na matino so this is hard!" Nanlaki ang mata nito at napaamang ang labi. He seems like amaze then shook his head. "Wow, are you calling me incompetent?" Tinaasan ko siya ng kilay. Mabilis talaga siyang makakuha ng lait. "May sinabi ba ako?" Umiling ito. "Wala! Pinahaba mo lang ang sinabi mo pero ganon pa rin 'yon!" Paglaban niya pa. "God," I shook my head at sinandal ang ulo sa upuan. I saw the blue-orange clouds above. Maggagabi na kaya ganito ang kulay ng langit. Life was never hard for me—o hindi ko pinapansin? Basta.. alam ko hindi mahirap. Not until this incident happened. Ang alam ko ay... okay naman ang lahat. "Why do you look so dramatic today?" Javier asked. "Mas sanay ako na galit ka." "Sinong hindi magd-drama ngayon?" I sighed in disbelief. "Mukhang hindi ko na makukuha ang goal ko." I slipped the words I am thinking. Huli na noong mapansin ko na sinabi ko iyon sakanya. I have realize it noong tinignan niya ako na parang kawawa. "Don't look at me like that? Tutusukin ko yang mata mo!" Maanghang na sinabi ko sakanya. I don't like opening up—lalo na kung si Javier ang kausap ko. Pero tignan mo nga naman at siya ang nasabihan ko ngayon ng sama ng loob! "Wala ka bang tiwala sa'kin?!" Aniya at napailing. "Ang hirap lang ng course mo kasi ang daming babasahin tapos lagi akong tinatawag sa recitation! Pero kaya ko 'to—" "Stop that..." suway ko dito. Hindi ko alam kung nang-aasar siya or he is just being optismistic. Wala naman sa lugar ang pagiging positibo niya. I just... suddenly feel tired in our situation. Nakakatamad na mag-isip. Inakbayan ako ni Javier. Ni wala na nga akong pakialam kung inaakbayan ako ng katawan ko at magmumukha akong babaeng duma-damoves sa lalaking malungkot. "Why are you so negative today? Ang scary mo maging negative parang ayaw mo na mabuhay!" Mabuhay... Napangiwi ako noong may tumama sa tiyan ko na masakit–it was a ball of these children! "Hoy! Magdahan-dahan naman..." Si Javier na sinusuway ang mga bata. They look scared, pero lumapit pa rin ang tatlong bata sakin. Nag-aalangan. Inabot ko ang bola sakanila. Wala na akong sinabi at tiningala na lang ang langit ulit. Busy ako tanungin ang buhay ko at kailan matatapos ang parusang 'to. "Gusto mo ba bumalik sa probinsya?" Tanong nito sakin. "Kakausap lang sa'tin ng coach at dean tapos gusto mo bumalik doon?" Babagsak na nga kami, tapos he is still suggesting absurd ideas! Baka mamaya ay hindi na ako maka-graduate sakanya! "Baka kasi gusto mo na makabalik dito sa katawan mo?" Gusto ko nga! Pero hindi pa iyon imposible sa ngayon! Wala nga kaming ideya kung paano hahanapin ang matandang 'yon! Our life is just colliding with each other! Sure, pwede namang walang masamang mangyari sa academic life namin, pero paano ang responsibility namin as a student? Katulad niya na football player? At katulad ko na ace student? Hindi naman amin ang buhay na 'to! I wish I just could runaway from responsibility! Sana hindi na lang ako lumaking competetive and I see everything as a form of survival or competition. "Ang saya siguro maging bata!" I sighed at ipinikit ang mata. "Kahit makatama ako ng ilang tao, ayos lang kasi bata naman ako..." "That is out of the nowhere!" Aniya at napailing. "Gusto mo ba maging bata?" Napamulat ako sa tanong ni Javier at tinignan siya ng masama. Ang laki pa talaga ng ngisi niya ha! "Bakit? Anong binabalak mo? Kumuha ng bata tapos ipasagasa kasama natin?" Napasimangot ito bigla. "Ano ba namang utak yan, putek." "What?!" I asked him. Hinawakan nito ang braso ko at hinila palayo. "Hindi tayo papasagasa, baka langit na ang punta natin noon." Aniya. "Sure ka bang langit ang punta mo?" Ang kapal ng mukha niyang i-conclude na sa langit ang punta niya! Hello? Sa ugali niyang 'yan? "Alam mo, you're so negative! Nakakairita ka kausap? I am trying to cheer you up!" Napatigil ako sa sinabi nito. "Cheer me up? Bakit? Mukha ba akong miserable?" Hindi ko maiwasang itanong sakanya. "Pota, ewan ko sayo!" Hinila nito ang polo ng uniform ko. "Tara na, may pupuntahan pa tayo!" Hinihila ako nito patayo, at syempre ayoko namang magmukhang tanga ang katawan ko sa inaakto niya kaya tumayo ako. "Saan ba tayo pupunta?" Minsan ay nakaka-inggit itong si Javier. I wanted to tell him there is a lot to worry about. Paano ang soccer life at scholarship niya? Paano kung hindi na kami makabalik sa buhay ng isa't-isa? Ang dami. Tinignan ko ang nakangiti at masiglang mata sa harapan ko. I never saw my self smiling like that. Ngayon lang. At kung ako ang nasa katawan ko, baka hindi ko alam na kaya kong ngumiti ng ganito. "Pupunta tayo sa lugar kung saan pwede maging bata!" He smiled widely. Lugar kung saan pwede maging bata? "Stop playing around, Javier. Ang dami nating gagawin, huh!" "Stop thinking about it! At hindi ako nakikipaglaro. We should go! Halika na!" Saan ba ako dadalhin ng isang 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD