26. Hindi Kaya

2014 Words
"Javier, you need to tell me." Hinawakan ko ang balikat nito para mapahinto siya sa paglalakad. It really bothered me for the whole night kung ano ang plano na sinasabi ni Mr. Castell at bakit hindi ko iyon pwede malaman. Pakiramdam ko nga ay may karapatan ako mangialam for unknown reason—but I need to know it first... Ano ba iyon? What if si Mr. Castell na lang ang tanungin ko? But how will I ask that old man directly kung tila discreet ito magsalita palagi? Kumunot ang noo nito at tinignan ako. "Wala akong sasabihin sa'yo Celestial. I don't know anything." Walang gana na aniya. "Paanong wala kang alam? Sabi niya, you are ruining his plan kasi, we are in a relationship!" Sita ko sakanya. "Anong meron? Type ba ako ni Mr. Castell, ganern?" Noong sinabi ko iyon ay parehong nangasim ang mukha naming dalawa. "Ano bang pinagsasasabi mo? Mandiri ka nga!" He chuckled. "Wala ka ngang dapat alamin. It's alright. Maybe he had plans for you and Jameson." Maybe... Hindi siya sigurado. Hindi niya sinasabi sakin ang tunay na dahilan! "You are lying..." Akusa ko dito. "I am not..." Ngumiti ito. "I am late for your first class. Alis na ako." Tumingin pa ito sa relo niya at parang nagmamadali. What a fvcking liar! "Since when did you care about getting late—" "Mga ngayon! Bye!" Aniya sabay mabilis na umalis. Naglakad ulit siya palayo sa'kin. Lumiko na ito sa building na papunta sa first class ko. "Javier!" Tawag ko pa dito, pero wala! Hindi bumalik! I stomp my feet in annoyance dahil pakiramdam ko ay naisahan niya! Kung sundan ko kaya siya sa room? Nah. Baka may klase? "Yow! Javier my friend!" Napangiwi ako noong may dumamba na naman ng akbay sakin. "Para kang bata na na-reject tol ha? Ayos lang 'yan, bawi ka na lang sa next life?" tanong nito. "Anong reject?" Takang tanong ko sa mga kalalakihan. Umiling lang ang mga hayop sakin. "Ayos lang 'yan tol. Hindi mo kailangan ipilit kay Ms. President lahat. Grabe! Akala ko ayaw mo kay Maam! Bet mo pala!" Nagtawanan ang mga ito habang ako naman ay nahihiya. They are getting it wrong! "Kami na ni Celestial. Pinagsasasabi niyo?" I asked them, annoyed. Pinagmumukha nila akong tanga kanina eh! "Kayo nga ni Ms. President pero sinusungitan ka pa rin! Hindi mo mapilit boss ano?" Nagtaas baba ang kilay nito. "Whatever!" Irap ko sakanila at tinanggal ang pagkakaakbay noong isa. "Isa pa, tigilan niyo nga ang kakaakbay!" "Luh!" Hindi ko na sila pinansin at nauna ng maglakad sa room. Nakakabanas... Akala mo naman talaga ay alam nila ang storya. Hindi naman ako rejected kanina! I sighed. Bakit ba ako nababanas eh si Javier naman ang napapahiya at nasisira ang reputasyon.. Pumasok na ako sa room at pasakdol na umupo. Wala na namang professor kaya napaisip ako sa usapan namin ni Mr. Castell kagabi. Sisirain ang plano dahil kami ni Javier. Anong klaseng plano iyon? At bakit maybe ang sagot ni Javier? Halatang hindi siya sigurado! Tinatago ba niya, o hindi lang talaga niya alam? Napasimangot ako sa inis dahil ayaw niya sakin sabihin. I really feel frustrated right now. Ano 'yon? Sa tingin ba nila, hindi ko malalaman? Lalo na't nasa katawan mo pa rin ako, Javier? What do you take me for? I am not dumb. Dapat si Javier ang nakakaalam niyan sa lahat. Pagkatapos ng class ay nanatili ako sa classroom at busy tadtarin ng message si Javier. Celestial: Hoy Bitzh Hoy, pansinin mo ako! Ano iyong tinatago mo sakin? I think that's my business rin kaya?! Walang reply! Nakakapang-init ng ulo ang hayop na 'to! "Lumabas na yung test scores sa taxation!" A boy announced in the classroom. Hindi ko iyon pinansin at tuloy pa rin ako sa pangtadtad kay Javier. "Javier Castell, 92?!" Anunsyo ng isa. Napaangat ako ng tingin. Ah grabe, kahit hindi Javier ang pangalan ko ay napapatigil na rin ako pag tinatawag ng iba. Masama na 'to. Baka mamaya ay maging si Javier na lang ako. "Bakit?" Kunot noong tanong ko. They are all looking surprised to me. It's weird kaya medyo na-conscious ako. May nangyari ba na hindi ko alam? "Laging seventy ang score mo dito ah! Ngayon ikaw na ang highest?!" Tudyo ng lalaki. Sino nga ulit 'to? Gosh, why would I bother to know their names? As if naman na tatagal ako sa katawan ni Javier! Anyway, wala naman sakin ang 92. Kulang pa nga iyon dahil nahirapan ako sa test. Hindi ko naman ito kurso so... I guess getting a 92 is such a genius of me. Umakbay sakin ang ilang lalaki at tinawanan ako. "Ayan ha! Inspirado kay president!" Nagtawanan ang mga ito. I sighed. Guys and there loud mouth! Ngayon ko lang hiniling na sana pala ay hindi ganito ka-outgoing si Javier para naman valid na hindi ko pansinin ang mga ito ano? "Aba pre! Ka-text si Celestial!" A stupid guy peeped on my phone! How could him do that?! Argh! Hindi ba nila alam ang salitang privacy? These jerks doesn't know how to respect me! Palibhasa kasi ay hindi rin siguro karespe-respeto si Javier! "Patingin nga—" Napatigil ako at sinamaan sila ng tingin. "Hey, don't you know privacy ba?" I hissed. Nakakainis eh. Naninilip na nga, titignan pa! Saan sila kumuha ng lakas ng loob para gawin ang bagay na 'yon? Very ew lang ha. Hindi na nga ako nire-replyan, tapos gaganituhin pa ako! They are making me look like a fool! "Lovesick boy ka ano?!" Asar pa nito. Kanina pa talaga siya! Isa na lang ay mabibigwasan ko na talaga ang lalaking 'to! Isa pa! Hindi naman ako in-love pero nagmumukha akong ganon! Mukha akong patay na patay sa pangit na 'yon—kahit hindi naman at never! Never! May tumabi naman sa upuan ko at tinignan ako ng pagkaseryoso. "Ang swerte mo talaga boi. Ganito ba pag ang pinakamatalinong tao ang girlfriend mo?" Tanong nila habang natatawa. Nang-aasar pala ang mga kupal! "Oo pre! Pansin mo rin ba? Conyo na rin 'tong tropa natin!" Napaamang ang labi ko. Wait lang, am I really a conyo!? "Excuse me? Conyo ba si Celestial!?" "Oo pre! Conyo 'yon!" "Grabe! Love is blind talaga mga tol!" Tawa nila. "Patay na patay ka talaga kay president 'no?" Sinundot nito ang braso ko. Napahinto ako sa sinabi noong lalaki at nakaisip ng isang maitim na plano. "Oo nga! Wag mo sabihing hindi , captain! Halatang head over heels ka eh!?" Hindi mo ba talaga ako rereplyan, Javier? Makaganti nga sayo! Kahit sa future na lang ang impact! "Naku pre! Mukhang isang buwan lang sila niyan! Aso at pusa!" Sabi noong isa. "Gago ka pre bad yan! Nilalagyan mo ng limit! Suntukin ka ni Javier!" He chuckled. I sighed. Umarte akong malungkot. This is cringe, but whatever. I need this. "Sa totoo lang..." Mahinang bulong ko sabay nguso. Tinignan ko ang binatana sa katabi para magmukha akong dramatic lalo. "Anong sa totoo lang?" Nagtulakan ang mga ito para malaman ang sasabihin ko. Grabe, pati pala ang mga lalaki ay mga malalaking chismoso? "Oo. Patay na patay ako kay Celestial," malungkot na sabi ko sakanila. Nagdabog ang mga lalaki at sumipol. Tapos ay natawa sila at parang nanindig ang balahibo. Gusto ko rin makitawa, pero pinatigas ko ang eskpresyon para kunyari ay seryoso nga ako. "Gusto ko talaga 'yon si Celestial. Kaya ko nga laging inaasar eh. In denial ako at sinubukang manligaw ng iba. Pero wala pre. Siya talaga." Napanganga ang mga ito at nagtawanan ulit. Hah. Ano Javier, mag-iipon talaga ako ng fake news sa'ting dalawa kung hindi mo ako papansinin! Kung matigas ang mukha niya, mas lalo ang sa'kin! Hindi naman reputasyon ko ang masisira kung hindi sakanya! Nagsimula akong mag-kwento sa mga lalaki. How sad I am kasi hindi ako pinapansin ni Celestial at marami pang iba na kabalastugan! Tutal naman ay kami na sa paningin ng lahat, pagmumukhain ko lang na mas patay na patay sa'kin si Javier! Guys are very fun to be with matapos ang kwentuhan ko sakanila. Maybe I hate them first because of their loud voices at hindi lang ako sanay sakanila, pero ngayon ay ilang beses ata akong natawa sa pakikisama sakanila. "Ano pre? Diyan ka lang?" Paninigurado nila noong hindi ako sumunod sa mga ito. Mabilis akong umiling sakanila. "Hindi. I am chasing my dream." Tukoy ko kay Celestial. Nagtulakan ang mga ito at natawa. "We wish you luck bro!" Bati ng mga ito sa'kin. Habang papunta sa building ko ay pinagtitinginan na naman ako ng iba. Kaya siguro napakayabang ng lalaking iyon sa'kin ay ganito siya tignan ng mga babae. Oh my god, ano bang nakita nila dito bukod sa magandang mukha? Kung makikilala lang nila ang tunay na ugali ni Javier which is ang pagiging balahura ay... ewan ko na lang. "Suzy!" Tawag ko sa babae noong makita siya sa labas ng guidance office. "Si Celestial?" I asked her. Tinignan ako nito ng masama. "Tignan mo ang nangyari sa bestfriend ko!" Kumunot ang aking noo. Ano na namang sinisisi niya? May ginawa na naman ba si Javier? "Why? What happened?" "Na-guidance si Ms. Presi... Alam mo naman, running for the biggest and bonggang award 'yan... Pero recently her performance are just getting low." Napangiwi ako sa narinig at hinintay ang paglabas ni Javier sa labas ng guidance. That darn man! Hindi naman niya kailangan idamay ang pag-aaral ko dahil sa galit niya? It's just unfair for my part! "Mr. Castell!" Nagulat ako noong may umakbay sakin na isang malaking lalaki. "Tamang-tama, hinahanap kita. Tutal ay nandito na naman tayo sa guidance, why won't we talk about your performance in football and your connected scholarship to it?" Sakto naman ay bumukas ang pintuan at tumambad ang head namin na si Ms. Jacinto. "Anong meron? Pinapatawag ko ba kayo dito?" "Gusto ko lang ipa-council itong bata ko, Ms. Jacinto!" Kaswal na utos nitong lalaki. My gosh! Sino ba ito at napakabigat naman ng kamay?! Simula noong mapunta talaga ako sa katawan ni Javier, everyone is testing my patience! "Si Mr. Castell? Ano na naman ang ginawa niya?" Wala! Mukha ba akong may ginagawang masama? Living in Javier's body in all fairness is quite tiring. Wala ka pa ngang ginagawa ay kung ano-ano na ang sinasabi! "No. Maybe this child hit his head hard at hindi na uma-attend ng practice." The guidance councilor sighed. "Mukhang malaki ata ang epekto ng aksidente sakanilang dalawa. Even Ms. Diaz is getting low scores recently..." Nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Javier. Nasa loob ito ng guidance at talaga namang komportableng nakaupo! Mukhang wala siyang balak umayos! Tinaasan ko siya ng kilay—at mabilis naman siyang umirap. Wow. "Mr. Castell and Ms. Diaz," tawag samin ng guidance councilor. "Are you two really okay?" "Yes po," we said in chorus. Actually Ma'am—we have a big problem. Sobrang big! The teacher sneered on us. Tinitignan ang reaksyon naming dalawa. Tinitignan kung saan ang mali sa'ming dalawa. Hay! How I wish that people can see souls! Edi sana, hindi kami mukhang siraulo ni Javier kung magtangka kami na umamin tungkol sa kababalaghan sa buhay namin! "Then why you two are not performing like the usual?" Tila isang senyales ang tanong na 'yon para tignan namin ang isa't-isa. "Are you not studying?" I mouthed on him, para hindi marinig ni Ma'am. "Are you not practicing?" Nakasimangot na tanong nito. Aba! May kasalanan na nga siya sakin tapos nakuha niya pa akong sagutin ngayon! "Stop it! Hindi ka ba nag-aaral? Hindi ba sinabi ko sayo mag-review ka—" "Stop it too! Ikaw nga hindi umaattend ng practice—" "I am attending!" "You two!" Nagdabog si Ma'am sakanyang lamesa. "Bakit puro kayo bumubulong?! Care to share your reason?! At mukhang dito pa kayo mag-aaway!" Aniya. I glared on Javier, ganon din siya sakin. This is really upsetting me too! But I guess, it's only fair? "Ngayon, sabihin niyo kung ano ang problema niyong dalawa para maayos namin, okay?!" Nanggigil na sabi ng guro sa'min, pilit na ngumingiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD