Nagising akong masakit ang katawan. Nakagapos ang aking dalawang kamay habang nakatali ang kadena sa headboard ng isang malaking kama. Noong una ay hindi pa nag sy-sync in sa akin ang mga nangyari ngunit ng maalala ko kung bakit ako naririto ay nagpupumiglas ako at pilit akong kumakawala sa pagkakagapos sa akin. "Hello! May tao ba dito? Pakawalan nyo na ako! Pleaseee! Parang awa nyo na… kailangan pa ako ng mga anak at asawa ko…" pagmamakaawa ko kahit hindi ko alam kung may nakakarinig ba sa mga sigaw ko. Nang maalala ko ang mga anak ko ay naging sunod sunod ang pagtulo ng luha ko. "Gabby, Ella, Rielle. Miss na miss ko na kayo." Hinaing ko. Hindi ko alam kung makakaalis pa ako dito ng buhay para muli ko silang makita. Hinagpis at pagsisisi ang nararamdaman ko. Kung nag ingat lang sana ako

