Gabriel's POV Nanlulumo ako habang nakatingin sa bangkay ng anim na tao. Halos hindi ko matingnan ang katawan ng mga itong sunog na sunog. Wala ng pagkakilanlan na natira dahil sunig na ngunit isang wedding ring ang naiwan sa daliri ng isang bangkay. Ang Wedding ring ng asawa ko. Tumulo ang luha ko at lumuhod sa harapan ng bangkay nito. Hawak hawak ko ang singsing na may signature ng pangalan ko. Ang kakambal ng singsing ko. Ang kakambal ng puso ko. Ang kakambal ng buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang paghihinagpis ko. Hindi ko alam kung paano pa tatakbo ang buhay ko. Nang sabihin sa akin ni Brando na sumabog ang van na sinasakyan ng mga dumakip kay Natalia ay halos sumabog na rin ang puso ko. Halos nagunaw na rin ang mundo ko. Paano pa ako uusad? At ang nga anak ko? Paan

