Nagmamadali si Natalia na umalis sa dressing room na iyon at halos mabunggo na nya ang nakakasalubong nya sa kanyang nilalakaran. "Hey! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo?!" Masungit na sabi nung babaeng nabunggo nya. "I'm sorry Miss! Hindi ko sinasadya!" Hinging paumanhin nya dito pero inirapan lang sya nito. Hindi nalang nya iyon pinansin at didiretso sana sya sa pwesto na pinag iwanan nya kay Anthony kanina pero natigilan sya ng wala na ang lalake doon. Malamang ay sinundan nito sa Gabriel ng umalis ito kanina. Alay? Sino kaya ang napili nilang alay? Kailangan kong malaman kung sinong babae ang iaalalay nila sa pinaka Boss nila sa pagkakataong ito. Hindi pwedeng iba. Kailangan ay ako ang maging alay para malaman ko kung sino ang hayop na gumawa noon sa Kapatid ko. Pero paano ko malal

