AVP-Chapter One

1317 Words
Nandito ako ngayon sa puntod ng Ate Margareth ko. Hanggng ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na wala na sya, ang kaisa isa kong kapatid. **Flashback** "Natalia, may regalo sayo si Ate," malambing na sabi niya sa akin,"Hulaan mo kung ano ito," dugtong pa niya habang ang dalawang kamay ay nakatago sa kanyang likuran. "Talaga Ate, pero ano naman po iyan?" Excited kong tanong habang pilit kong sinisilip ang bagay na nakatago sa likuran niya. Hanggang sa inilabas na niya iyon at saka ipinakita sa akin. "Charan...!" nakangiting sabi niya sabay abot niya sa akin ng isang teddy bear. Halos maghugis puso ang mga mata ko ng makita ko ang bagay na iyon. "Wow! ate, ang ganda naman po nito," tuwang-tuwa na sabi ko habang kinukuha ang teddy bear mula sa kamay niya. Nang makuha ko na iyon ay agad kong niyakap ng mahigpit ang teddy bear na binigay niya. Kulay pink iyon, terno sa damit na suot ko ngayon. "Talaga bang nagustuhan mo?" muli nyang tanong at medyo yumuko pa siya para lang mapantayan ako. Matangkad si Ate kaya umaabot lang ako hanggang sa bewang niya. "Opo ate! gustong gusto ko po ito, marami pong salamat," walang pagsidlan na tuwang sabi ko, "Ate, promise ko po sayo iingatan ko po ito at alagaan katulad nang pag-aalaga mo saken," sabi ko habang nanunumpa. Walang pagsidlan ang aking tuwa sabay yakap ko kay Ate ng sobrang higpit. *** Hindi nawawala sa isipan ako ang napaka ganda at napakabait kong si Ate Margareth, mahinhin at inosenteng inosente ang kanyang mukha. Naalala ko pa noong kaarawan ko. Masayang masaya siya habang iniabot niya sa akin ang Teddy Bear na ito. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng masaganang luha ko. Dahil laging wala sina Mommy at Daddy noon ay siya lang ang palaging nakakasama ko at siya narin ang nag aalaga sa akin. Walong taon ang agwat ng edad sa akin ni Ate Margareth. 12 years old palang ako nun at siya naman ay 20 years old na. Matagal na nasundan si Ate Margareth dahil laging busy sina mommy sa negosyo nila ni Daddy. Palagi silang nag-a-out of town na dalawa. Halos wala naring silang time sa amin ni Ate kaya parang si Ate Margareth narin ang tumayong magulang ko. Sa pagkakaalam ko naman ay pmayaman kami dahil marami naman negosyo sina mommy at daddy dito sa Pilipinas kaya naman hindi ko alam kung bakit naisipan ni Ate na pumasok sa ganoong trabaho gayong hindi naman kami naghihirap. ISANG GABING nagpaalam siya sa akin. "Nat, aalis muna si ate ha. Promise ko sayo pagbalik ko bibilhan kita ng maraming-maraming teddy bear. Diba 'yun naman ang gusto mo?" nakangiti siya habang nagpapaalam sa akin. "Talaga, Ate? Bibilhan mo pa ako ng maraming teddy bear?" Walang kamuwang-muwang na sagot ko. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang teddy bear na ipinangako niya. "Pero mauna ka ng matulog ha. Wag mo nang hintayin si Ate ngayong gabi. Sisiguraduhin kong bukas paggising mo marami ka ng teddy bear sa tabi mo," pangungumbinsi pa niya sa akin. Hindi parin nawawala ang mga ngiti nya sa kanyang labi habang hawak ang dalawa kong pisngi. "Ok Ate, I'll promise, magiging mabait po ako kay Yaya Rose at hindi po ako magpapasaway sa kan'ya habang wala ka pa dito Ate. Pero promise mo po sa akin na uuwi ka kaagad mamaya bago ako magising with my teddy bear," nakataas ang kamay ko at inabot ang kamay niya para gawing ang promise sign namin. "I will, promise, baby Nat." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. "Ok Ate. Mag iingat ka, I love you, ate!" pahabol ko pa. "I Love you too baby.." Huling sinabi niya bago lumabas ng pinto at tuluyan na syang nawala sa paningin ko. Pagkaalis naman ni Ate ay dumating naman agad si Yaya Rose upang bantayan ako. "Magandang gabi po, Yaya Rose," nakangiting bati ko sa kaniya. "Magandang gabi rin sa iyo Natalia. Kumain ka na ba?" tanong niya kaagad. "Opo Yaya, pinakain na po ako ni Ate before siya umalis kanina. Sabay po kami." "Mabuti naman kung ganoon. Ang mabuti pa ay matulog kana sa kwarto mo dahil gumagabi narin," paalala sa akin ni Yaya. "Okay, Yaya." Dahil narin sa promise ko kay Ate ay hindi na ako nagpasaway kay Yaya Rose. Sobrang excited ako sa sinabi niyang pasalubong niya sa akin. Those teddy bears are my favorite thing. Humiga na ako sa aking kama, kinuha ko ang teddy bear na binigay sa akin ni Ate, niyakap ko ito at nakatulog na ako na may ngiti sa aking mga labi. KINABUKASAN maaga akong nagising dahil sa promise ni Ate Margareth sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay excited akong tumingin sa palibot ng aking kama. Ngunit nadismaya ako ng walang teddy bear akong nakita at wala rin si Ate sa tabi ko na nakaugalian ko na. Bumangon ako kaagad at nagtungo sa banyo para maghilamos at magtoothbrush pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ni Ate Margareth pero wala rin siya doon. "Bakit kaya wala pa si Ate?" Bigla ay naitanong ko sa isipan ko. Nang hindi ko makita si Ate Margareth ay dumiretso ako sa kusina nagbabaka sakaling nandoon na siya at nagluluto ng agahan namin na palagi nyang ginagawa tuwing umaga. Palagi niya akong ipinagluluto ng Almusal at tinitimplahan ng gatas tapos dinadala na niya sa kwarto ko tuwing umaga. Nagpalingalinga ako sa buong kusina pero hindi ko parin nakita si Ate kaya naman nagtanong na ako kay Yaya Rose dahil siya ang nakita kong nagluluto ng almusal sa kusina. "Yaya nasaan po si Ate, hindi pa po ba siya umuuwi?" nagtatakang tanong ko kay Yaya Rose. "Naku Natalia, hindi ko nga rin alam kung bakit hindi pa rin siya umuuwi simula ng umalis siya kagabi," nagaalalang sagot naman ni Yaya sa akin. "Po? Bakit po kaya hindi pa siya umuuwi? Nangako din po siya sa akin na papasalubungan niya ako ng maraming teddy bear pagbalik niya." Hinampong tugon ko kay Yaya. "Hindi ko rin masasagot ang tanong mo, Natalia dahil ako mismo ay nag-aalala na rin sa Ate mo. Hindi ko rin siya makontak simula pa kanina dahil nakapatay ang cellphine niya. Sana man lang ay tumawag siya sa akin dahil isang gabi lang ang paalam niya sa akin sa pag aalaga sayo," pagaalalang wika ni Yaya Rose. "Ganun po ba...ano po kayang nangyari kay Ate Margareth? Sana naman po ay walang masamang nangyari sa kan'ya," malungkot kong wika kay Yaya Rose. "Naku kang bata ka .. Wag kang magsalita ng ganyan, mamaya-maya lang din ay dadating na rin ang Ate Margareth mo baka natraffic lang iyon pauwi rito," pagtanggal nya sa pagaalala ko. "Halika na at kumain kana dito ng almusal. Baka mapagalitan pa tayo ng Ate mo kapag hindi kapa nakapag almusal pag dating niya," wika ulit ni Yaya Rose. "Ok po, Yaya", Tipid na sagot ko. Umupo na ako sa upuan at nagsimula ng kumain ng almusal na inihayin ni Yaya. Habang kumakain ako ay hindi nawawala sa isip ko si Ate. Napabuntong hininga ako dahil hindi ako sanay na wala si Ate dito sa hapag-kainan. Hindi rin ako sanay na hindi ko sya kasabay na kumain ngayon. "Yaya Rose, alam mo po ba kung saan nagpunta si Ate kagabi?" Nagaalalang tanong ko. Nag angat ng tingin sa akin si Yaya. Nabitin pa sa tapat ng bibig niya ang kutsarang may laman na kanina saka muling ibinaba sa plato niya bago nagsalita. "Ang sabi niya lang sa akin ay natanggap na daw siya sa trabahong inapplayan niya pero hindi naman niya sinabi.sa akin kung saan iyon. Ang totoo nyan, Natalia, kada gabi ay umaalis ang Ate mo kapag nakakatulog kana. Tinatawagan niya lang ako para bantayan ka pero agad din namang syang umuuwi bago ka magising sa umaga." mahabang kwento sa akin ni Yaya Rose. Laging umaalis si Ate tuwing gabi? Saan naman kaya siya pumupunta?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD