AVP-Chapter Two

1535 Words
I am all grown up at malapit narin ang Ika-labing walong kaarawan ko. Ayoko ng magarbong handaan kaya naman sinabi ko kay Mommy na kami kumain nalang kami sa labas. "No baby, ang lahat ay nakaready na at wala ka ng magagawa pa, Ok? Gusto kong ipagmalaki sa kanila kung gaano kaganda ang aking anak," malambing na wika ni Mommy habang hinahaplos niya ang aking buhok. Nabigo akong mapapayag si Mommy sa gusto ko. Sinamahan pa niya ng drama. "Anak, ikaw nalang ang natitira kong anak kaya naman ibubuhos na namin sa iyo ang buong atensyon at pagmamahal namin ng Daddy mo. Nalungkot ako sa tinuran nyang iyon. Naalala ko na naman si Ate Margareth. Kung nandito lang sana siya ngayon di sana hindi ako palaging malungkot. Simula ng mawala siya ay hindi ko na maibalik ang dati kong ngiti, parang laging may kulang sa akin. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Matapos naming mag usap ni Mommy ay dumiretso na agad ako dito para makapagpahinga narin. Ramdam ko naman ang lubos na pag-aalaga sa akin ni Mommy, hindi narin sila gaanong umaalis ng bansa simula noong mamatay si Ate dahil natatakot sila para sa akin. Ayaw na nilang maulit pa ang nangyaring bangungot noon sa pamilya namin. Hawak ko ang Teddy Bear na ibinigay sa akin ni Ate noon na nilagyan ko naman ng picture niya. Lagi ko itong yakap-yakap nang sa ganun ay maibsan ang pangungulila ko sa kan'ya. Iniisip ko parin na nadito lang siya sa tabi ko. "Sayang Ate, maaga mo akong iniwan, hindi mo man lang ako hinintay na maging kasing tangkad at kasing ganda mo. Sobrang namimiss na kita Ate ko," wika ko sa gitna ng aking paghikbi.. ganito ako tuwing gabi, tuwing mag-isa nalang ako ay tanging pag-iyak lang ang ginagawa ko hanggang sa nakakatulugan ko na. Hindi parin nawawala sa isip ko ang mga nangyari noon. **Flashback** Tanghali na ng nakauwi si Ate Margareth sa bahay. Wala na akong kasama noon dahil pinauwi ko na si Yaya Rose sa kaniyang pamilya. "Ate?" bulalas ko ng makita ko na siya. Napatayo ako mula sa kinauupuan kong sofa sa salas namin. Habang naglalakad si Ate papalapit sa akin ay napansin kong hinang-hina ang hitsura niya. Para s'yang pagod na pagod na hindi ko maipaliwanag. Naupo siya sa tabi ko. "Bakit ngayon ka lang ate?" tanong ko kaagad. Hindi na ako umakyat kanina pagkatapos kong kumain ng agahan. Sa salas na ako nagpalipas ng oras habang hinihintay ko ang pagdating niya. Niyakap niya kaagad ako ng sobrang higpit na parang isang taon kaming hindi nagkita. Niyakap ko rin naman siya pabalik na kasing higpit ng pagkakayakap niya sa akin. "Bakit po ate, ano pong nangyari sayo? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ko. Alam kong bata pa ako at wala pa sa tamang edad para maunawaan ang mga bagay-bagay pero marunong naman akong makinig at alam ko rin na kaya kong pagaanin ang nararamdaman niya. Hindi parin siya nagsasalita at nananatiling nakayakap lang sa akin. Kaya nagsalita ulit ako. "Kumain na kami ni Yaya Rose kanina bago siya umuwi. Ikaw ate kumain ka na ba?" tanong ko ulit sa kaniya. Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat niya siguro ay dahil iyon sa sobrang pagod. "Wala ito baby, pagod lang talaga ako sa trabaho ko," sabi pa niya sa mahinang boses. "Ganun ba ate, sige na, magpahinga ka na muna Ate para makabawi ka ng lakas mo," utos ko pa sa kanya na puno ng pag-aalala. Narinig kong bumuntong hininga si Ate. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi. Humingi pa siya ng pasensya sa akin dahil hindi daw niya natupad ang pangako niya na maraming Teddy Bear pagkagising ko. Hindi ko iniisip ang regalo niya dahil masaya ako na nakauwi siya ng ligtas. Kinagabihan ay nagpaalam na naman siya sa akin. Ibinilin niya ulit ako kay Yaya Rose. Ayoko na sana siyang payagan pero ano naman sasabihin ko sa kaniya? Batid kung gusto ni Ate ang trabaho niya dahil hindi naman siya magti-tiyaga doon kung ayaw niya talaga. Nang makaalis si Ate ay agad kong kinausap si Yaya Rose. "Yaya! pwede mo ba akong samahan?" napakunot ang noo ni Yaya Rose sa tanong ko. "Saan mo naman balak pumunta? Dis oras na ng gabi Natalia, mapapagalitan lang ako ng Ate mo kapag kinunsinte kita." sabi ni Yaya na halatang kontra sa binabalak ko. "Gusto ko po sanang sundan si Ate. Gusto lang po malaman kung saan pumupunta si Ate tuwing gabi," pagtagapat ko kay yaya habang naka-pout ang bibig ko. Pinalungkot ko pa ang boses ko para mas effective. Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Naku Natalia, masyado ka pang bata para umalis ng dis oras ng gabi," may pagka-istriktang sabi ni Yaya. "Kaya nga po sasamahan mo po ako Yaya, para hindi po ako umalis ng magisa," pangangatwiran ko naman sa kaniya. Magsasalita pa sana si Yaya pero pinigilan ko na siya at kalaunan ay napapayag ko rin siya na sundan namin si Ate. Alam kong alam ni Yaya kung saan pumupunta si Ate tuwing gabi dahil imposibleng hindi sasabihin ni Ate kay Yaya iyon dahil ito ang nagalaga sa kaniya noong maliit pa siya. Labis ang pagtagaka ko sa hitsura ni Ate kanina kaya naman gusto ko ring malaman kung anong ginagawa niya at kung saan sya pumupunta sa dis oras ng gabi at kung ano bang trabaho meron siya. Nagsuot lang ako ng itim na hoodie jacket, at ganoon din si Yaya pagkatapos ay umalis na rin kami. Sumakay kami sa Taxi. May sinabing address si Yaya sa taxi drayber pero hindi ko na iyon naintindihan dahil abala ako sa pagtingin-tingin sa paligid. Maya-maya pa ay tumigil ang sinasakyan naming taxi sa isang malaking gusali. Maraming nakaparadang sasakyan sa paligid nito. May mga bantay din ito sa labas na malalaki ang katawan. Nagmukha tuloy akong duwende dahil sa liit ko. "Yaya? Bakit dito niyo po ako dinala?" nagtatakang tanong ko kay Yaya Rose. "Oh! Eh, diba sabi mo gusto mong malaman kung saan nagpupunta ang ate mo tuwing gabi? Kaya dito kita dinala. Diyan nagtatrabaho ang ate mo bilang isang waitress," sagot ni Yaya sabay turo ng nguso sa malaking gusali. "Ganun po ba? Maaari ko po ba syang puntahan sa loob nyan?" Tanong ko ulit kay Yaya. Napapakamot na siya sa ulo dahil siguro sa kakulitan ko. Yaya Rose is in her late 50's pero hindi pa naman siya ganoon katandang tingnan. Napaisip naman ako. Kaya pala pagod na pagod si Ate nang makita ko siya, malaki pala ang lugar na pinagtatrabahuhan niya. Kawawa naman siya.. sa isip isip ko. "Naku bawal.." sabi pa niya Yaya. Hindi ko na hinintay pa ang sunod na sasabihin ni Yaya. Naglakad na kagad ako papunta sa malaking pinto. Pinipigilan pa ako ng mga gwardiya na animo'y si Hulk Hogan. Pero nang makita ko si Ate na lumabas sa malaking pintuan na iyon ay nanlaki ang mga mata ko. Pansin ko rin na natigilan ang mga ito at agad na binitawan ako saka nag-bow sa kanya ang dalawang lalaki na malaki ang pangangatawan "Ate! Ate!" Tawag ko kay Ate Margareth. Nagulat pa siya ng makita niya ako. "Nat? Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Sinong kasama mo?" sunod-sunod na tanong niya habang inililibot ang paningin sa paligid. "Si Yaya po, Ate. Yun po siya oh," sabay turo ko sa kinaroroonan ni Yaya na na waring may hinahanap at alam kong ako yun. Kumaway si Ate para makita siya ni Yaya at agad naman itong nagtungo sa kinaroroonan namin. Madilim ang mukha ni Ate'ng humarap kay Yaya Rose. "Yaya Rose, bakit mo naman pinayagan na pumunta dito si Natalia. Gabing gabi na Yaya!" galit na wika ni Ate. Napayuko naman si Yaya sa tinurang iyon ni Ate Margareth. Ngayon ko lang siya narinig na pagtaasan ng boses si Yaya Rose. "Ate, Wag ka na po magalit kay Yaya. Ako po ang nagpumilit na sundan ka, galit ka din ba sa akin Ate?" malungkot na tanong ko sa kan'ya. Tumingin lang siya sa akin at hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay isang baritoning boses ang narinig kong nagsalita. "Sino siya Margareth? Kapatid mo ba?" tanong nito kay Ate. Kadarating lang nito mula rin sa loob. "Ah oo, pasensya kana sa abala, pinaghintay ba kita? Mauna ka na doon. Hindi ko naman akalain na makikita ko sila dito," matalim na tiningnan ni Ate, si Yaya. Hindi ako sanay sa ganitong hitsura ni Ate. Ang ikli ng suot niya, kapos ang damit dahil nakalabas ang kaniyang pusod. Ang pang itaas niya ay medyo labas na ang kanyang dibdib. May kolorete din siya sa mukha na lalong nakapagpaganda sa kaniyang ganda. Pero sino naman itong lalakeng kasama niya? "Ate, Sino siya?" turo ko sa lalakeng ngayon ay nakahawak sa bewang niya habang prenteng nakatayo sa tabi ni ate. Nagsalita ang Lalake at siya na mismo ang nagpakilala ng sarili niya sa akin. "Hi! Im Gabriel De Leon." Nakangiting pakilala niya. Inilahad pa niya ang pangalan niya. "Natalia, po." Masiglang sagot ko naman at inabot ang kaniyang malaking palad. "Nice to meet you Little Girl..." Binitawan niya ang kamay ko at ihaplos niya sa ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD